-Daniella "What is he thinking?" gigil na nilukot ko ang letter na iniwan para sa akin ni Travis. Noong isang linggo pa pala ito nag-alsabalutan. Kaya rin pala nabalitaan ko kina Gabriel at Chrissy na iyak nang iyak si Tita dahil sa ginawa ng magaling niyang kapatid. "At bakit ngayon mo lang ito ibinigay?" Masama pa rin ang tingin ko kay Dane habang paulit-ulit ang malalalim na paghinga ko para pakalmahin ang sarili ko. Hindi ko lang kasi maiwasang magalit dahil ngayon ko lang nalaman ang bagay na ito. Kung hindi pa ako tinanong ni Gabriel kung anong nakasulat sa letter na ibinigay sa akin ng kuya nito, hindi ko pa malalaman na nakay Dane pala ang letter na iyon. May plano ba talaga siyang itago sa akin ito? Para saan? Alam niya naman na siguro ang nakasulat rito so kung binasa niya it

