-Daniella "You..." Akmang lalapit ito sa akin pero hindi ko ito nilingon at sumampa kaagad sa kama. "You killed me! Actually, hindi lang ako dahil hindi mo man ipinakita sa akin, alam kong kahit papaano may kinalaman ka sa pagkamatay ni Matthew! You f*****g killed us!" Hindi ito sumagot at napabuntong-hininga na lang. Nang makaupo na siya sa paanan ng kama, ibinalik niya sa akin ang tingin. "Wala kang utang na loob." "Walang utang na loob?!" sigaw ko saka tumingin sa pintuan dahil baka biglang may pumasok. Ibinalik ko rin kaagad sa kaniya ang tingin ko saka ko hinila ang kumot. "Pinatay mo kami tapos makukuha mo pang sabihin iyan?!" Narito na kami ulit sa kwarto ko, sa bahay ko. Kahahatid lang sa akin rito nina Tito at Tita. Pinagsabihan kasi ako ng mga ito. Paano, nadatnan nila akong

