-Daniella "Para talaga silang mag-asawa..." nakangiting sinabi ko kay Kupido na kanina pa tahimik habang pinanunuod ang mga ipinakikita niya sa akin. Lumapit si Matthew kay Coleen dahil na rin sa utos nito. Kumuha ito ng kaonting sabaw sa sinigang na iniluluto saka hinipan. "Tikman mo naman kung okay na. Kumain kasi ako ng cookie kaya baka mag-iba iyong lasa. Baka hindi ko matantiya kung okay na ba or what." Napangiti si Matthew saka hinipan iyong hawak na sandok ng kausap. Nang hindi na ito umuusok, tinikman niya ito't pumikit pa ng bahagya. "Hmm." "Okay lang?" Mula sa pagkakapikit, dumilat siya't sumimangot. "Hindi okay." anito na may kasama pang pag-iling. "Talaga?" Bumagsak ang balikat nito saka tinikman ang natirang sabaw sa hawak. "Hindi ko kasi malasahan ng maayos." "Hindi ng

