20

3421 Words
-Daniella "Bago natin ituloy, gusto ko lang sabihin na hindi mo puwedeng ipaalam kay Matthew na ipinakita ko sa iyo ang mga bagay na ito dahil parte ito sa paglalaro ko." Namuo lalo ang galit sa dibdib ko. Nanginginig na rin ako dala ng inis, to the point na parang nagdidilim na ng literal ang paningin ko. Paano niya nasasabi ang mga bagay na ito? Alam kong hindi siya mabait pero hindi ko ine-expect na ganito pala siya kagrabe. Laro lang talaga para sa kaniya ang buhay ni Matthew o Dane? Para saan? Hindi ko makuha kung anong plano niya at anong mapapala niya sa paglalaro sa buhay ng kaibigan ko. Alam kong wala pa ako sa dulo para malaman kaagad ang mga nasa isip niya pero kahit kasi may kaonti na siyang ipinakita sa akin, wala pa rin talaga akong maintindihan. "Ano ba talagang gusto mo kay Dane?! Bakit mo ba siya pinaglalaruan?!" Lalapitan ko sana siya pero ikinumpas niya lang ang kamay niya, bigla na lang ako napaupo sa silya sa likuran ko. "Namatay ba siya nang dahil sa iyo?!" Iyon ang isa ko pang gusto malaman. Alam kong hindi sa kamay niya namatay si Matthew dahil binaril ito ng lalakeng bumababoy kay Coleen pero simula nang makita ko ang mga eksena kanina, hindi ko maialis sa isip ko na posibleng may kinalaman siya sa pagkamatay nito. Kasi kung wala, bakit niya ipinakita sa akin ang mga iyon? Bakit niya alam ang mga nangyari rito, na parang binabantayan niya bawat paghinga nito? Binigyan lang ako nito ng matalim na tingin bago lumapit sa akin. Yumuko siya't inilebel ang mukha sa akin bago ako nginisian. "Lahat ng nangyayari sa kaniya, may dahilan. Hindi na importante kung may kinalaman ako o wala." Hinawakan nito ang pisngi ko kaya naramdaman ko ang lamig na nagmumula rito. "Wala ka bang tiwala sa akin?" Hindi muna ako sumagot at nakipagtitigan lang sa kaniya ng ilang segundo. I want to know what to answer him nang hindi siya magagalit. Hindi ko pa siya lubos na kilala at alam kong hindi basta-basta ang mga kaya niyang gawin dahil hindi naman siya ordinaryong tao. Ayoko naman na nang dahil lang sa isasagot ko sa kaniya, putulin niya ang buhay ko. But I remember something. "You said hindi mo kailangan ng tiwala ko. Bakit mo ako tinatanong niyan?" Mukhang hindi niya inaasahan ang isasagot ko dahil napakurap siya ng ilang beses habang nakatitig sa mga mata ko. Huminga siya ng malalim bago tumayo ng maayos at bumalik sa tapat ng lamesa bago siya umupo sa ibabaw nito. "Nagkamali ako. Hindi ko dapat sinabi iyon. Kailangan ko ng tiwala mo dahil hindi ko maisasagawa ng maayos ang larong ito kung hindi mo ako pagkakatiwalaan." "Ano ba talagang gusto mo?" "Bukod sa tiwala mo, gusto kong ituro sa mga tulad niyo ni Matthew ang kahalagahan ng pagsasabi ng nararamdaman niyo para sa isang tao sa oras na maramdaman niyo ito." Umalis siya sa pagkakaupo sa lamesa saka niya kinuha ang isang bungo na may kandilang malapit na maubos. Nang makuha niya nito, bumalik na ulit siya sa pagkakaupo sa lamesa. "Ang problema sa iniyong mga mortal, napakaduwag niyo; natatakot kayong sumugal para lang mapanatili ang nakasanayan niyo kahit na nasasaktan na kayo. Hindi niyo itinataya ang mayroon kayo para malamang kung may katiting na posibilidad ba na makuha niyo ang taong mahal niyo. Mas gusto niyong manahimik at makiramdam kung gusto rin ba kayo ng napupusuan niyo-- naghihintayan kayo kung sino ang unang aamin; mas pipiliin niyong masaktan para lang hindi mapahiya, para lang hindi malaman ang mga sikreto niyo. Iniisip ko pa lang kung gaano kayo katanga pagdating sa pag-ibig, nilalamon na ako ng galit." Tumayo siya't lumapit sa akin saka ibinigay sa akin ang bungong hawak niya. "Alam mo bang parehas na parehas kayo ni Matthew? Parehas kayong mas piniling manakit at masaktan kaysa umamin sa taong nagugustuhan niyo? Ang tatanga niyo." Hindi ako nakasagot sa mga sinasabi niya dahil totoo ang lahat ng iyon. Tumagos sa akin ang bawat salitang binitawan niya pero ang nakapagpatahimik sa akin ay ang kandilang nakatayo sa tuktok ng bungo. Maliit na ang kandila-- mas maliit pa sa mga kuko ko. Hindi ko alam kung tama ang iniisip ko pero ang alam ko, gaya ng alam ng nakararami pagdating sa mga ganitong kababalaghan, ang kandila ang sumisimbolo kung gaano pa kahaba ang buhay mo. At sa sobrang liit ng kandila sa bungong iyon, mukhang mamamatay na ang nagmamay-ari nito. "Can we just start?" pag-iiba ko sa pinag-uusapan namin. Ayoko namang pag-usapan namin ang katangahan ko dahil tama ang mga sinabi niya kanina. "Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko. Sagutin mo ako ng totoo: ibibigay mo ba sa akin ang tiwala mo o hindi?" Wala naman akong magagawa kung hindi pagkatiwalaan siya, hindi ba? Lahat ng dapat ko malaman, siya lang makakapagbigay sa akin. Hindi ko alam kung puro kasinungalingan ang lahat ng ito pero gusto kong sumugal; gusto ko malaman sa bandang huli kung may katotohanan ba ang lahat ng sinasabi niya. "Oo." "Mabuti." Itinaas niya ang kamay niya't pumitik. Nasa kaparehong kwarto pa rin kami at ang bungong hawak ko, nawala. Nakatayo kami sa gilid habang tinitignan ang isa pang siya na nakaharap sa walang malay na lalake, na alam kong si Matthew. Nang magising ito, inilibot nito ang paningin bago itinuon ang tingin sa kaharap. "Nasaan ako?" tanong ni Matthew. Nakaupo rin siya sa kaparehang upuan kung saan ako nagising at ang mga braso niya, hinahawakan rin ng mga buto. "Si-Sino ka?" "Ako?" Bahagyang tumawa iyong ilusyon niy Kupido bago nito itinuloy ang pagsasalita nang hindi pa rin iniaalis ang pagkakatitig sa kaniya. "Hindi na mahalaga kung sino ako." "Nasaan—" "Pero ito ang tandaan mo: isa ako sa mga kamatayan." Napalingon ako kay Kupido nang marinig ko ang sinabi ng ilusyon niya. "Weh?" Tinaasan ako nito ng kilay habang nakangisi. "Seryoso?" What the hell. So that means grim reaper siya? Pero wala siya nuong parang itim na kumot at hindi siya kalansay. That's what I know pagdating sa itsura ng kamatayan. Kung titignan siya, para lang siyang normal na tao at walang bakas ng pagiging kamatayan sa itsura niya. "Wala akong panahon makipaggaguhan sa iyo. Nasaan ako?" Nabalik ang tingin ko kay Matthew nang bigla itong nagsalita. Pinilit niya kumawala sa pagkakahawak sa kaniya ng mga buto pero hindi pa rin siya makaalis. "Matagal na kitang minamatyagan at ikaw ang napili ko." "Ano bang pinagsasabi mong ulupong ka? Pakawalan mo ako ri—" Natigilan ito sa pagsigaw at nanglaki ang mga mata nang biglang may umilaw sa gilid ng ilusyon ni Kupido. Unti-unti, naging hugis scythe ito. "Ikaw, Matthew De Vera. Ikaw ang napili ko para maging estudyante ko." Ha? Estudyante? "E-Estudyante?" Ngumisi iyong ilusyon saka lumapit sa kaniya. Iyon iyong ngiting nagparamdam sa akin ng matinding takot noon. "Simula ngayong araw na ito, pagmamay-ari na kita, Matthew De Vera." Napaatras siya ng kaonti nang iwinasiwas ng ilusyon iyong scythe sa mukha niya pero kahit na sinubukan niya umilag, tinamaan pa rin siya nito sa pisngi, na siyang gumawa malalim na sugat. "Lumayo ka!" pakiusap niya habang iniaatras ang sarili. Na-out of balance pa nga ang upuan pero nasa kalagitnaan na siya ng pagbagsak nang bigla na lang itong umayos ng puwesto kaya hindi natuloy ang pagbagsak niya. Ibinibuka niya rin ang bibig niya, na parang may sinasabi pero walang lumalabas sa bibig niya. Parang... lahat ng nangyayari sa kaniya ngayon, nangyari na rin sa akin. Biglang lumiit iyong scythe kaya natuon ruon ang atensyon niya. Iyong dugong sumama rito, isinulat ng ilusyon sa hangin. Mukhang hindi pa ito tapos sa pagsusulat kaya lumapit ito kay Matthew at sinalo ang dugong nalabas sa hiwang natamo. Nang makakuha na ito, bumalik ito sa pagkakaupo sa lamesa. Hindi ko mapigilang mapanganga dahil habang nagsusulat sa hangin iyong ilusyon, naiiwan ruon ang dugong kinuha nito kay Matthew. Matthew De Vera Napalunok ako matapos ko basahin ang pangalan ni Matthew na naiwan sa ere. "Did this seriously happen?" tanong ko pagkabaling ko kay Kupido. Or should I call him Kamatayan? Grim Reaper? Pero bakit niya tinatawag na Kupido ang sarili niya? Hindi ito sumagot kaya ibinaling ko na lang ulit ang tingin ko sa dalawa sa harap. "Hanggang sa muli." Saktong pagkaangat ng tingin ni Matthew para harapin ang kausap, biglang lumaki iyong scythe tapos iwinasiwas nito ang hawak sa leeg niya. Wala pa man rin isang segundo nang bigla silang nawala sa paningin ko. Napatakip ako ng bibig dahil sa nakita ko saka ko nilingon si Kupido. "Tarantado ka! Why did you do that?!" Ni hindi man lang ito tumingin sa akin kahit pa sinigawan ko ito. Pambihira. "Dahil pinasakit niya ang ulo ko noon." "So let me get this straight. Tulad ba ng ginawa mo kay Matthew ang ginawa mo kay Dane kaya nang magpapakamatay na ako noon sa hospital, bigla siyang lumitaw sa kung saan?" Tumango siya bilang tugon saka ako tinignan. "Wala sa plano ko ang pagpapakamatay mo kaya kahit hindi ko pa gustong ipakita sa iniyo ang kaibigan mo, ginawa ko. Hindi ko hahayaan na dahil lang sa katangahan mo, masisira ang mga balak ko. Matagal kong hinintay na dumating ang panahon na ito para sa iniyo ni Matthew kaya lahat ay gagawin ko kahit na lumabag pa ako sa mga batas sa mundo ko." "Pero wait. Buhay pa ba ulit si Matthew? Pinatay mo siya, eh!" Tumango ulit siya saka ngumisi. "Alam mo, grabe ka! Para saan iyong p*******t mo sa kaniya?!" "Pangsariling kaligayahan." Nagkibit-balikat siya saka pumitik matapos iangat ang kamay. Napunta kami sa kusina ng isang bahay. Masayang nag-uusap si Matthew, iyong isang lalake at isang babae, na hula ko ay si Coleen dahil blurred ang mukha nito. Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit kailangan iblur ang mukha nito. Siguro tatanungin ko na lang si Kupido. "Ha?" Mula sa pagkakatingin sa mukha ni Coleen, nabaling ang atensyon ko kay Matthew nang bigla itong magsalita. "Pumikit ka ng limang segundo at mahihiwalay na ang kaluluwa mo sa katawan mo." "Wait—what?" Tinignan ko si Kupido saka ito kinalabit. Good thing naman at tinignan na ako nito, hindi katulad kanina. "Narinig ko iyong boses mo pero wala naman iyong ilusyon mo rito. At saka, iyong pinagawa mo sa kaniya, iyan rin pinagawa mo sa akin, ha?" "Ayokong mapagod. Kung kaya ko naman siyang kausapin kahit nasa malayo ako, bakit pa ako mag-aaksaya ng oras para puntahan siya?" "K." Inirapan ko ito saka itinuon ulit ang tingin kay Matthew. He really looks like my Dane. I wonder how he's doing right now. Hinahanap kaya ako ng lalakeng iyon? Well, I hope. Nanglaki ang mga mata ko nang makita ko ang paghiwalay ng parang apparition or maybe kaluluwa ni Matthew sa katawan nito. "What the f**k?!" "Te-Teka." Bago ko pa man ibaling ang tingin ko kay Kupido, nagsalita bigla si Matthew kaya napako na ng tuluyan rito ang atensyon ko. Nakalutang ang kaluluwa nito at ang pisikal na katawan naman nito ay nakikipag-usap pa rin sa mga kasama. "Bakit?" sagot ng boses ni Kupido. "Ano iyon? Kapag pumikit ako ng limang segundo, mahihiwalay iyong kaluluwa ko sa katawan ko?" "Oo." "Paano kapag natulog ako? Kapag umiglip ako? Ano iyon? Hihiwalay iyong kaluluwa ko? Iyong pisikal kong katawan, tulog pero iyong kaluluwa ko, gising?" "Hindi. Mahihiwalay lang ang kaluluwa mo kapag pumikit ka ng limang segundo at ginusto mo." "Ang bongga mo, alam mo iyon?" Hindi makapaniwalang tinignan ko si Kupido. "Ang dami mong nagagawang kakaiba." Ngumisi lang ito't pumitik ulit. -- Ang dami ng nasaksihan ko, to the point na parang ayoko na halos maniwala dahil napakasurreal ng mga nangyayari. Nariyan ang utusan niya sa pagkuha ng kaluluwa si Matthew—na ang galing lang kasi may dalawang kulay pala ito; isang pula dahil sinusunog na sa impyerno at isang asul, which indicates na sa langit mapupunta. Bukod ruon, inutusan niya itong patayin ang sariling professor dahil ito naman raw talaga ang magiging dahilan ng pagkamatay ng taong iyon. At habang ipinapakita sa akin ni Kupido ang mga ito, parang nawala na ng husto ang takot ko sa kaniya. Para ko na siyang kaibigan kung kausapin. Minsan nga napapalo ko pa ito kapag nagugulat ako sa ipinagagawa niya sa estudyante niya. Hindi naman siya nagrereklamo o ano. Hinahayaan niya lang talaga ako. I still don't consider him as a friend though. Wala akong pakielam sa tingin niya sa akin. He's toying with us at hindi siya normal na tao kaya bakit ko siya kakaibiganin? Mga normal ngang tao, iniiwasan ko makisalamuha para makipagkaibigan,sa kaniya pa kaya? Ipinakita niya rin sa akin ang pag-a-outing nina Matthew at ng mga kaibigan nito. Nagkagulo pa nga sila at hindi nagpansinan pero ang hindi ko kinaya ay nang halikan ni Matthew si Coleen pagkagising na pagkagising niya. Sinamantala niya kasi ang mahimbing na pagkakatulog nito. Napunta kasi ang dalawa sa liblib na parte ng parang gubat na ewan dahil sa pagsunod ni Coleen sa mga fireflies. Duon na rin nakatulog ang mga ito dahil sa kalasingan ni Matthew. At nang magising sila, inalmusal nito ang bibig ni Coleen. Pinagsabihan pa nga ito ng boses ni Kupido at kinumpirma kung may nararamdaman na siya para dito pero madiin nitong itinanggi at sinabing lust lang ang nararamdaman niya. And I don't believe that. Alam ko kung gaano niya ito kamahal. Sa pag-aalaga, pagngiti at pagtingin niya pa lang rito, mahahalata na ng kahit sinong nakakakita sa kanila kung anong nararamdaman nito rito. At shet lang kasi inggit na inggit ako habang hinahalikan ni Matthew si Coleen. "May mga eksena akong lalagpasan dahil hindi naman na mahalaga ang mga ito." "Okay." Umayos ako ng pagkakaupo sa upuan at nilaro ang butong kamay. Kung ibang tao siguro, kikilabutan na dahil gumagalaw rin ito habang nilalaro ko pero ako? Sa lahat ng nasaksihan ko, nawala na ang takot ko sa mga nangyayari at nakikita ko. Kahit nga ang katotohanang killer si Dane sa dati niyang buhay, tinanggap ko dahil mahal ko siya at isa pa, hindi naman na siya ganuon sa bago niyang buhay. Ipis nga, kinatatakutan niya, tao pa kaya? "Gusto mo ba munang magpahinga?" tanong nito habang nakaangat ang kamay, ready para pumitik. "Ang ironic mo. Ang hilig mo mag-utos ng masasakit na bagay tapos ngayon, tatanungin mo ako kung gusto ko magpahinga." Napailing na lang ako nang tignan niya ako ng mariin, na parang na-amuse sa sinabi ko. "I'm okay. I just want to finish this para malaman ko na lahat ng dapat ko malaman. Pero may tanong ako." "Ano iyon?" "Bakit pala nakablur iyong mukha ni Coleen? Tapos iyong boses niya, parang bilog na bilog na hindi maintindihan. Did you also change her voice?" "Dahil hindi naman na importante na malaman mo pa ang itsura niya. Ayoko lang rin mairita kapag tinamaan ka ng selos kapag nakita mo ang mukha nito dahil hindi biro ang ganda nito. Ang mahalaga lang rin, mahal na mahal siya ni Matthew. At oo, pinalitan ko dahil, uulitin ko, hindi na siya importante dahil patay naman na ang babaeng iyon." Kung ganuon, hindi na pala dapat ako matakot sa posibleng karibal ko. At isa pa, kung dati pa ito nangyari at sabihin natin na buhay pa ang babaeng iyon, malamang ay may edad na ito. Probably around 30s or 40s. I don't know. And at that age, kung pinursue siya ni Dane, imposible naman na patusin niya ito, unless cougar ito. Tumango na lang ako't dinismiss ang iniisip saka hinintay ang sunod na gagawin ni Kupido. Ang hindi ko maialis sa sistema ko ay ang batas na ipinataw kay Matthew. Alam kong hindi man nito aminin na nahihirapan at nasasaktan siya, kitang-kita ko naman sa mga mata niya ang paghihirap niya. Para siyang nakulong sa sitwasyong kinalalagyan niya. Based on a scene na ipinakita sa akin ni Kupido, na kinumpirma ko, what I learned about Matthew is that he loves deflowering girls. After that, papatayin niya ang mga ito in a very sadistic way. So one of the laws na ipinataw ay bawal na siyang pumatay. The second one is bawal siyang magmahal—well, umibig sa isang mortal to be exact. If he didn't follow that rule, he'll pop like a bubble. I can feel his love for Coleen at kahit pilit niyang itinatanggi kay Kupido, ramdam na ramdam ko pa rin ang pagmamahal niya para dito. His situation seriously sucks. Kung ako siguro ang makaranas ng ganiyan, baka magbigti na ako. Imagine concealing your love for someone you're crazy about. Nakakabaliw iyon. Look at what happened to me? Nabaliw ako sa pagmamahal ko kay Dane. Sa sobrang lala ng nararamdaman ko, gumamit ako nang gumamit ng lalake para lang pagselosin ito. Nakakaloko. And what did I get? Nothing. Pinagigitnaan namin ngayon ni Kupido si Matthew habang nakaupo sa sofa. Tutok na tutok ito sa laptop habang nagse-search ng kung ano sa Google. Ang isinearch nito ay what is love? pero binura rin kaagad at pinalitan ng what is the meaning of love? Seryoso nitong binabasa ang bawat isang makita at hindi ko maiwasang mapatitig sa mga mata nitong nakatitig sa screen. I can really see Dane in him lalo na kapag ganiyan ang ipinapakita niyang expression. Ganiyang-ganiyan ang lalakeng iyon kapag nagbabasa at nag-aaral. Ang galing lang kasi kahit namatay na si Matthew, naretain niya ang itsura niya. Lahat nag-iba sa kaniya maliban lang sa mukha at boses niya. I didn't even know that's possible. I wonder. Kapag namatay ba ako't nareincarnate, itong mukha ko pa rin ang makukuha ko? Or tulad ng alam ko, ibang mukha na ang magkakaroon ka kapag nabuhay ka ulit. "Ano ba ito? Kingina, ang lalim naman. Nakakabobo. Pati ba naman dito sa net, nakakabobo ang love?" Napangiti ako ng mapakla dahil naaawa ako sa kaniya. May ipinakita kasi sa aking eksena si Kamatayan kung saan umamin si Matthew na hindi nito alam ang ibig sabihin ng pagmamahal, na hindi niya pa nararamdaman iyon. Kung alam niya lang. Siguro hindi niya lang maamin talaga sa sarili niya kaya todo pagdedeny ang ginagawa niya at siguro, nakadagdag na rin duon ang batas na ipinataw sa kaniya kaya pilit niya rin itong itinatanggi sa rili niya. I don't know. "Nakikita mo ba kung gaano katanga ang kaibigan mo?" Sinimangutan ko lang si Kupido at ipinagpatuloy na lang ang panunuod kay Matthew. "Kahit alam kong mahal niya na si Coleen, hindi niya pa rin maamin sa sarili niya ang bagay na iyon. Pambihira." "Puwede ba na tumigil ka sa pagtawag sa kaniyang tanga?" mahinang pakiusap ko. Inikutan niya lang ako ng mata at pinanuod na lang ulit ang katabi namin. "Ano ito?" tanong ni Matthew sa sarili. Matapos niya basahin ang mga nakasulat sa article, halos dalawang minuto siyang nakatulala, na parang sobrang lalim ng iniisip. Nang mabalik na siya sa wisyo, bigla niyang kinuha ang cell phone sa gilid niya saka ito kinalikot. "Hello, Lars? Paano mo ba..." Napalingon siya sa hagdan kaya nilingon ko rin ang direksyon nito. Nakita ko ang pagbaba ni Coleen pero nag-iwas ito ng tingin. "Malalaman kung in love ka sa isang tao?" pabulong na tanong niya. Narinig ko ang mahinang magtawa sa kabilang linya, na siyang nagpabusangot sa mukha niya."Umayos ka, bwisit ka!" Matagal itong natahimik habang pinakikinggan ang kausap. Si Kupido naman, tumayo sa harap nito saka itinaas ang kamay kaya ang ginawa ko, ibinaba ko ko kaagad ito. "Gusto kong marinig." Ibinali ko ang tingin ko kay Matthew at nahagip ng paningin ko ang paglunok nito. May ilang parte akong nabasa sa mga sinearch niya kaya alam ko kung anong gusto niyang malaman. He's probably checking kung nararamdaman niya rin ang mga nakalista sa mga page na binisita niya para malaman kung in love siya. "Lars..? Tug-Tugma lahat. Kay Coleen..." Biglang nanglaki ang mga mata niya at parang nataranta. "Kay Coreen! Coreen! Tama! Coreen. Tugma lahat!" Ibinaba niya kaagad ang tawag matapos magpaalam sa kausap. Sakto namang pumasok si Coleen kaya ang mga mata niya, napako rito. Kung tignan niya ito, parang ito ang napakaimportanteng tao sa buhay niya, which I know na oo. Is she far more important than me though? "Kupido..." Tinignan ko ito at saktong nakatingin rin ito sa akin. Nang maramdaman ko ang lamig sa mga kamay ko, ibinitaw ko kaagad ang pagkakahawak ko sa kaniya. "Mahal na mahal ba talaga niya si Coleen?" "Malalaman mo rin ang sagot sa tanong mo na iyan sa ipapakita ko sa iyo." Itinaas niya ulit ang kamay niya saka pumitik.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD