19

3018 Words
-Daniella "Imulat mo ang mga mata mo." narinig kong utos ni Kupido kaya sumunod ako. Isang madilim na kwarto ang bumungad sa akin. Sa harap ko ay may lamesa, tipikal na lamesang gawa sa kahoy pero mahahalata mo kung gaano ito kaluma. Nang ilibot ko ang paningin ko ay bumungad sa akin ang puro bungong may nakatirik na kandila sa bawat tuktok nito. "Nasaan ako?" mahinang tanong ko habang nakatingin sa magkabilang braso ko, kung saan may humahawak na kamay, mga butong kamay. Nakaupo na ako sa isang silya nang imulat ko ang mga mata ko kaya nagtataka ako kung saan ako dinala ng lalakeng ito. Kanina lang kasi ay nasa kwarto ako. Pero bakit wala na yata ang hiwa sa pulso ko? Wala na kasi akong nakikitang dugo rito. Ang laki pa man rin ng pagkakahiwa ko. "Hindi na importante iyon. Ang importante ngayon ay malaman ko kung handa ka na ba talaga sa mga bagay na malalaman mo." "I am." buong tapang na sagot ko. Hindi ko na rin inilibot ang paningin ko dahil nakakakilabot ang buong lugar. Para lang talaga kaming nasa loob ng isang kwarto. Ang nakakatakot lang, may mga bungo tapos may pangalan rin ang bawat isa nito. At ang tanging nagbibigay liwanag lang rito ay ang mga kandilang nakatayo sa mga bungo. "Magsimula tayo sa umpisa." Itinaas niya ang kaliwang kamay niya saka pumitik. Kusang sumara ang mga mata ko at ang nang imulat ko ang mga ito, napunta kami sa isang kwarto at ang pagkakahawak sa akin ng mga buto ay nawala na. Ang hindi ko masikmura ay ang dalawang lalake na gumagahasa sa isang babaeng paulit-ulit na nagmamakaawa habang umiiyak. Pilit itong nanlalaban pero hindi makaalis sa gapos ng nakapatong sa kaniya. Naalala ko tuloy ang nangyari kanina sa pagitan namin ni Travis. Ganiyan rin kaya ang mangyayari kung hindi ako tinulungan ni Kupido? Iniisip ko pa lang, nalulungkot na ako kasi hindi naman ibang tao para sa akin ang lalakeng iyon. May pinagsamahan kasi kami nito at naging matalik ko itong kaibigan. "S-Sino sila?" Dala ng takot, napahawak ako sa laylayan ng damit niya. "Tama na! Please!" sigaw ng babae habang pilit itinutulak ang nakapatong sa kaniya. Mukhang hinang-hina na rin ito base sa nakikita ko. "Manuod ka lang." utos niya kaya kahit nanginginig na ako sa takot, nanahimik na lang ako. "Hintayin mo kung anong mga sasabihin nila." "Jay, please!" Napakurap ako habang nakatitig sa mukha ng babae. "Ipapaalam ko ito kay Jale!" Tawa lang ang isinagot ng lalakeng kumukuha ng video sa kanila. Hindi rin ito nagsalita habang kinukuhanan pa rin ang mga nangyayari gamit ang cell phone. "At sa tingin mo, matatakot ako sa banta mo? Hindi ba dapat ay mas matakot ka dahil hawak ivini-video kita?" anito saka pumunta sa kabilang side ng kama habang hindi inaalis ang pagkakatutok ng cell phone sa nangyayaring kababalaghan sa kama. "B-Bakit... Bakit wala siyang mukha?" tanong ko saka ako iniangat ang tingin ko para salubungin ang tingin ng katabi ko. Mariing tinignan ako nito bago ibinaling ang tingin sa tatlong tao na nakapatong sa kama. Mas nakakatakot kasi blurred ang mukha nito; tanging mahabang buhok lang ang nakikita ko pati na ang katawan nito. "Boss," Lumapit ang lalakeng nagvi-video saka tinapik ang lalakeng nakapaibabaw sa babae. "Ako naman." Tumango ang tinapik nito saka ipinasa ang cell phone. Umiwas kaagad ako ng tingin nang siya naman ang nagpakasasa sa katawan ng babae. Hindi ko masikmura ang napapanuod ko. Mga walang hiyang lalake ito. Hindi ko alam kung bakit nila ito ginagawa sa babaeng pinaglalaruan nila pero this is r**e. They don't have any rights to touch anyone without consent. Hindi man lang ba sila natitinag sa paulit-ulit na pagmamakaawa ng babae? Ako nga na kahit kinasusuklaman ang lahat, nakuha pang maawa. Walang tao ang dapat makaranas ng mga ganitong bagay. People who do things like this should rot in hell. Wala ba silang kamag-anak na babae? Hindi ba nila inisip na – baka – may pamilya ang babaeng iyan na naghihintay sa kaniya? "Grabe ka, Coleen." Tumatawang inilapit ng isang lalake ang camera sa mukha ng babae saka nito hinawakan sa baba at iniharap sa camera. "Ngumiti ka." Biglang may kamay na tumakip sa mata ko kaya nagdilim ang paningin ko. "Tama na iyan." "S-Siya ba si Coleen?" gigil na tanong ko. Sumikip ng husto ang dibdib ko dahil sa nakita kong ginagawa ng dalawang lalakeng iyon sa pinagpaparausan nila. Hindi ko alam kung bakit ako ganito kagalit gayong hindi ko naman kilala ang babaeng iyon. Hindi ko lang talaga matanggap na may mga taong kaya gumawa ng ganuong bagay. Alam kong hindi naman ako naging mabuting tao pero hindi naman ako umabot sa puntong bababoy na ako ng pagtao ng kung sino para lang sa pangsariling kaligayahan. "Oo. At hindi pa tayo tapos." Inialis niya na ang pagkakatakip ng kamay niya sa mga mata ko at ang bumungad sa akin ay isang parke. Nakaupo kami ngayon sa isang bench habang nakatingin siya sa lalakeng katabi namin. Hindi na ako nagtanong pa kung anong ipinunta namin rito dahil alam ko naman na may kinalaman ito sa nangyayari kay Dane. Sa unang eksenang ipinakita sa akin, hindi ko na maintindihan kung bakit iyon ipinakita sa akin ng lalakeng ito. Hopefully, may maintindihan ako kahit papaano para madali kong maipagtagpi-tagpi ang mga nangyayari. Nagsalubong ang mga kilay ko nang makita ko iyong babaeng blurred ang mukha habang tumatakbo. Lumapit siya sa katabi naming lalake lalake, which is iyong lalakeng nakita ko na gumagahasa rito. Hinihingal itong babae nang makarating siya sa pwesto namin at ang mga palad niya, naipatong niya sa magkabilang tuhod habang humihinga ng malalim. "Gusto mong ikalat ko ito?!" sigaw ng lalake matapos nitong hawakan sa pisngi iyong babae gamit lang ang isang kamay saka ito tumayo. Umiling iyong babae matapos itaas ng lalake ang hawak na cell phone. Pamilyar iyong cell phone. Mukhang iyon iyong ginamit para ipangvideo sa kaniya. "Iyon naman pala, eh! Bakit pinagtataguan mo pa rin ako?! Hindi ba, ang sabi ko—" Napatigil ito sa pagsasalita dahil biglang hinawakan ng babae ang braso nito. Mukhang hinigpitan nito ang pagkakahawak sa mukha ng babae. Walang sabi-sabi nitong idinikit ang mukha sa kausap saka ito hinalikan. Akmang titignan ko si Kupido nang may mahagip ang paningin ko. May isang lalake kasi na nagtatago sa likod ng puno sa hindi kalayuan sa amin. Sinapak nito iyong puno bago tumakbo. "D-Daney?" Hindi ako puwedeng magkamali. Kilalang-kilala ko ang taong iyon. Parehas na parehas rin sila ng pangangatawan ni Dane. Mula ulo hanggang paa, magkamukhang-magkamukha sila. Hindi siya iyong payat na version ng lalakeng mahal ko; siya iyong version na nabuhay ulit. Pati facial expression niya matapos niya sapakin ang puno at nang tumakbo siya, alam na alam ko. Ganuon rin ang ipinakikita niya sa akin noong mga panahong kalalabas niya pa lang ng hospital. Humakbang ako ng isang beses bago ko sinimulan ang pagtakbo. Nakakailang hakbang pa lang ako nang bigla akong madapa at nang iniangat ko ang tingin ko, nasa isang bahay na ako. What the hell? "Saan ka galing?" Biglang bumilis ang t***k ng puso ko nang marinig ko ang boses ng lalake sa harap ko. Nang tignan ko ang mukha nito, nangati akong tumayo't yakapin siya pero ang nangyari, may kung anong humila sa akin at itinabi ako kay Kupido. "Kupido..." pagkuha ko sa atensyon nito pero nanatili itong nakatingin kay Dane, na prenteng nakaupo sa upuan na nakaharap sa pintuan. "Matthew—" Napalingon ako sa nagsalita at nakita ko na naman iyong babaeng walang mukha. Nasapo nito ang dibdib matapos makita si Dane, na tinawag niyang Matthew. So... si Matthew at si Dane ay iisa talaga? "Anong oras na?" tanong ni Dane. No. Matthew. This guy that I'm looking at right now is Matthew, not my Dane. "7PM?" "Coleen, don't you think you're being too careless?!" sigaw ni Matthew kaya bahagyang napaatras ang kausap. Binanggit nito ang pangalan ni Matthew, siguro para pakalmahin dahil halata na ang pag-aaalala sa mukha nito pero sinapawan lang siya nito. "Gabi na, Coleen! Ano bang pinagkakaabalahan mo at umuuwi ka palagi ng ganitong oras?!" "Matt—" "Paano kapag may nangyaring masama sa iyo? Paano kapag may nanakit sa iyo? Paano kapag may mga siraulo diyan na pinagdiskitahan ka? Paano kapag pinagsamantalahan ka? Paano—" Napatanga na lang ako dahil sa mga narinig ko. Halatang-halata sa mukha niya ang pag-aalala para sa Coleen na ito. Gamit nito ang mukha ng lalakeng mahal ko kaya hindi ko maiwasang masaktan dahil pinanunuod ko ang pag-aalala nito para sa ibang babae bukod sa akin. Sana ganiyan rin si Dane sa akin pero... malabo. Break na kami at, siguro, hindi na mangyayari ang mga gusto kong mangyari. Pero kaya nga ako nandito para intindihin siya, hindi ba? Hopefully, kapag napagtagpi-tagpi ko na ang mga bagay-bagay at kapag naintindihan ko na siya, magkaroon ako ng happy ending. "Matthew," Lumapit iyong babae sa kaniya saka tinakpan ang bibig niya gamit ang dalawang kamay. "I really appreciate na concern ka sa akin—" Bigla akong kinain ng selos dahil sa sobrang lapit nila sa isa't-isa. Ang problema, kahit gusto kong umiwas ng tingin, hindi ko magawa dahil kailangan ko panuorin ang bawat kilos nila. Mahirap na kasi at baka makamiss ako ng importanteng impormasyon. "Hindi ako concern." Inialis niya ang pagkakatapal ng mga kamay ng babae sa bibig niya saka umiwas ng tingin habang nakasimangot. Pumihit siya patalikod at dali-daling tumakbo paakyat sa ikalawang palapag ng bahay. Parehas na parehas sila ni Dane ng kilos. Kahit iyong pagdadabog, kuhang-kuha niya rin. And Matthew, you obviously are concerned. "What's next?" mahinang tanong ko pagkaharap ko kay Kupido. Nagkibit-balikat lang siya saka ipinitik ang mga dalari. Sa isang iglap, napunta kami sa isang kwarto. Nakarinig ako ng tunog ng makina at paulit-ulit na paghinga sa kaliwang bahagi ng kwarto kaya itinuon ko ruon ang atensyon ko. Nakita ko si Matthew na tumatakbo sa thread mill. Lalapitan ko na sana ito nang bigla akong inawakan ni Kupido sa braso. "Huwag mo na tangkaing lapitan o kausapin ang mga taong makikita mo; hindi ka nila makikita o maririnig. Masasayang lang ang oras at pagod mo." Tumango na lang ako sa sinabi niya. Gusto ko lang naman kasi lumapit kay Matthew para tignan ng malapitan ang mukha nito. Namimiss ko na kasi si Dane kaya sa pamamagitan ng pagtingin sa mukha nito, makita ko ang mahal ko. Mukhang inaalagaan ng taong ito ang katawan niya, na sobrang kabaliktaran ng dating Dane. Mas gusto ng kaibigan ko na kumain ng junk foods at hindi mag-ehersisyo kaya sobrang payat. Itong Matthew na ito, parang puro healthy foods ang kinakain at panay ang ehersisyo kaya ang ganda ng katawan. Biglang may kumatok kaya itinigil nito ang pagtakbo saka lumapit sa pinto. Pagkabukas na pagkabukas niya ng pinto, may pumasok bigla saka siya niyakap at hinalikan, na siyang nakapagpaatras sa kaniya. Gumihit ang sakit sa dibdib ko nang itinulak niya ito pasandal sa pader at inilock ang pinto habang tuloy pa rin sa pakikipaghalikan. Hindi ko maintindihan sa sarili ko kung bakit ako nasasaktan. Dahil ba kamukha niya ang lalakeng mahal ko? O baka dahil sa katotohanan itong lalakeng ito, na halos lamunin na ang mukha ng babae sa sobrang wild sa paghalik, at si Dane ay iisa? Hindi ko alam pero ang tanging alam ko lang ay nasasaktan ako ngayon. Dinala niya ito sa kama habang pinauulanan ng halik. Ipinikit ko ng mariin ang mga mata ko ng ilang segundo at nang iminulat ko ang mga ito, nakita ko na lang sila na kapwa walang saplot. Nang pasukin niya ang p********e ng kaniig, natigilan siya at parang nagtataka. "You're not a virgin." nakangising sinabi niya. Hindi pa rin siya tinitigilan sa paghalik ng babae kaya hinawakan niya ito sa leeg, siguro para makapag-usap sila ng matino. Nahagip ng mata ko ang dahan-dahang paggapang ng kamay niya papunta sa ilalim ng unan at nang inilabas niya ito, may hawak na siyang cutter. Hindi ko maiwasang mapatulala sa mukha niya at makaramdam ng takot. Kakaiba ang ngising ipinapakita niya; ngisi na parang may binabalak na masama. Ayoko man isipin pero sa hawak niya pa lang na cutter, alam kong may hindi magandang mangyayari. "So?" Tumawa lang ito saka siya tinaasan ng kilay. "Oh, come on, Matthew. Sa panahon ngayon, wala nang virgin. What do you expect? Virgin pa ako? I'm not a loser, Matthew." "I'm done with you." Naging seryoso ang expression niya ng ilang segundo bago ibinalik ang ngisi sa mukha niya. "Thank you and good bye." Nanglaki ang mga mata ko nang bigla niyang isinaksak sa tagiliran ang babae. Napaatras rin ako't napaupo matapos niya takpan ang bibig nito para pigilan ang pagsigaw. Nagmakaawa pa ang babae pero mukhang hindi niya ito pinakinggan. "Please, Matthew! This f*****g hurt!" pakiusap ng babae matapos maialis ang kamay niya sa pagkakatakip sa bibig nito. "You disappoint me." Bigla niya itong sinaksak sa tuhod kaya napasigaw ulit ito. "You're a dirty slut." Hinugot niya ulit iyong cutter saka ibinaon sa kabilang tuhod nito. Tumayo siya't pumasok sa isang pinto, which I think ay walk-in closet. Itinuon ko lang ulit ang tingin ko sa babae dahil naglakad lang siya ng hubo't-hubad. Hindi ba siya nahihiya? Saktong pagkabalik niya, gumulong iyong babae paalis sa kama pero hindi nito nagawa. Bigla kasi niya itong sinipa sa tagiliran at ang kamay nito, tumama sa bedside table. Nalaglag mula ruon ang isang pakete ng Oreo. Mabilis niya itong nilapitan at patakbong pumunta sa banyo ng kwarto. Nang lumabas siya mula ruon, galit na galit na ang itsura niya. Sobrang sama rin ng tingin niya habang nakatingin sa babae. Itinago niya muna iyong pack ng Oreo saka niya nilapitan ang kasama. Gamit ang lubid na nasa ilalim ng unan, itinali niya ang mga kamay nito sa headboard ng kama saka niya ito pinaibabawan. "You stupid slut." gigil na sinabi niya saka ibinaon iyong cutter sa hita nito hanggang sa tagiliran. Kitang-kita ko kung gaano lumabas ang dugo mula sa katawan ng babae kaya pakiramdam ko, ako ang hinihiwa. Tinitignan ko pa lang, nasasaktan na ako. "Matthew, stop—aaahh!" Inialis niya ang cutter sa pagkakabaon sa tagiliran ng babae saka inilapit ang mukha rito. "You don't have any rights," Dinala niya ang cutter sa pagitan ng hita ng babae saka niya ito sinamaan ng tingin. "To call me Matthew." Sa isang iglap, mariin na bumaon ang cutter sa p********e nito. "Stop." pakiusap ko kay Kupido pagkaharap ko rito. Iilan pa lang ang nasasaksihan ko pero hindi ko na kinakaya. Hindi ko maimagine na ganito si Dane sa dati niyang buhay. "Iyan ang nagustuhan ko kay Matthew." Hinawakan ako nito sa braso saka ako itinayo. "Dahil sa kaniya, maraming kaluluwa ang nakuha ko. Napakalaking tulong niya sa akin. Alam mo ba kung ilang babae na ang inalisan niya ng karapatan mabuhay?" Umiling ako dahil ayoko nang makarinig pa ng tungkol sa pagpatay ni Matthew. Hindi ko kasi kinakaya. "No and I don't care." "Tulad ng dati, mahina ka pa rin. Akala ko pa naman nagbago ka na." "What do you mean dati?" Bigla na lang nagbago ang paligid matapos niya pumitik at napunta kami sa madilim na kwarto. Napalingon ako sa kanan nang makarinig ako ng paghikbi. "Oh, my god." Napatakip ako bibig at bahagyang napaatras nang makita ko iyong babaeng blangko ang mukha habang pinaiibabawan ng lalake, the same guy na nangrape sa kaniya at humalik sa kaniya sa park. "Seriously?" Nang ibinaling ko ang tingin ko kay Kupido, nakita ko itong prenteng nakaupo sa bedside table habang nakatingin sa akin. Wala ba talaga siyang pakielam sa mga nangyayari? Alam kong hindi nangyayari ang mga ito ngayon dahil, siguro, ilusyon lang ito para ipakita sa akin ang mga nangyari sa buhay ni Dane pero hindi ko pa rin maiwasang umasa na kahit papaano ay may gawin siya para matigil ang nangyayaring kababuyan sa harap namin. Ako kasi ang naaawa sa babae. Para itong laruan sa itsura nito; nakatali ang magkabilang kamay sa headboard ng kama at ang mukha, puro galos at basang-basa na ng luha. Pati ang katawan nito, puro galos at kalmot. "Maghintay ka lang sa mga susunod na pangyayari." balewalang tugon nito. Nahagip ng mata ko ang anino mula sa terrace kaya nilingon ko ito. "Matthew?" mahinang sinabi ko habang pinanunuod ang bawat galaw nito. Bakas sa mukha niya ang sakit dahil sa bumungad sa kaniya at hindi ko rin maiwasang masaktan nang makita ko kung gaano siya nasasaktan. Ito ba iyong ipinamumukha ni Kupido na ganito kamahal nito ni Matthew si Coleen? And knowing na siya at si Dane ay iisa, masakit para sa akin. Hindi kasi ako makuhang mahalin ng lalakeng iyon gaya ng pagmamahal nito ni Matthew kay Coleen. Maybe Coleen is his greatest love. "Putangina mo ka!" Biglang sinugod ni Matthew iyong lalake saka niya ito hinila paalis sa kama. Pinaulanan niya ito sapak. Nang tawagin siya ni Coleen, na halos pabulong na, bigla niya itong dinaluhan at inialis sa pagkakatali. Niyakap niya ito habang sunod-sunod ang pagpatak ng mga luha mula sa mga mata niya. "Matthew!" buong lakas na sigaw ni Coleen. Lilingunin sana niya ang tao sa likod pero natigilan siya dahil sa pagtama ng bala sa likuran niya. Unti-unting bumagsak ang katawan niya sa kayakap hanggang sa pumikit na ang mga mata niya. Wala sa sarili akong tumakbo palapit sa kaniya pero tumagos lang ako. Gusto ko siyang yakapin. Gusto ko siyang gisingin para maimulat niya ang mga mata niya. Gusto kong sabihin na nandito lang ako para sa kaniya pero alam kong lahat ng gusto ko iparating, hindi niya maririnig. Is this how he died? Namatay talaga siya para lang maisalba ang babaeng mahal niya? Hindi niya man kasi sabihin, base sa mga ipinakita sa akin ni Kupido, sa mga tinging ibinabato niya kay Coleen at kung paano niya ito alagaan, alam kong mahal niya ito. "Hindi pa tayo tapos." Biglang may humila sa akin na kung anong pwersa patabi kay Kupido habang nakapako ang tingin ko sa walang malay na katawan ni Matthew. "Nagsisimula pa lang tayo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD