-Daniella
"Ella,"
Iniangat ko ang tingin ko mula sa pagkakatungo habang umiiyak dahil sa nangyari kahapon, na naaalala ko pa rin. Hello naman kasi, kahapon lang nangyari ang breakup namin ni Dane.
Palihim kong pinunasan ang pisngi ko saka pumihit para pumasok ulit sa kwarto. Siguro may mga nakakita sa akin kanina habang umiiyak ako sa veranda. Well wala akong pakielam. Nasasaktan pa rin ako kaya gusto kong umiyak.
"Yes?" tanong ko habang nakangiti ng bahagya kay Travis. Inaasahan kong magugulat siya dahil sa pagngiti ko pero hindi. Nanatili lang siyang nakatayo sa harap ng pintuan at madiin na nakatingin sa akin. Hinintay ko siyang magsalita pero nakasampa na ako sa kama't lahat, wala pa rin lumalabas sa bibig niya kaya napagpasyahan ko siyang tawagin ulit. "Hoy, Travis."
Nakipagtitigan lang ako rito ng ilang segundo pero nang akma na akong hihiga, bigla siyang naglakad papunta sa veranda. Isinara niya ang kurtina nito bago siya lumapit sa akin. "Ella, bakit?"
Nagsalubong ang mga kilay ko dahil sa tanong niya. "Anong bakit?"
Bigla niya akong itinulak sa magkabilang balikat at ikinulong ang ulo ko sa pagitan ng mga braso niya matapos niya ako paibabawan. "Ako iyong una, hindi ba?" galit na tanong niya saka niya kinuha ang magkabilang kamay ko't inintertwine ang mga daliri namin.
What the hell is happening to this kid?!
"Travis, ano bang—"
Sobrang bilis ng t***k ng puso ko habang nakatingin kami sa mata ng isa't-isa. Sunod-sunod rin ang paghinga niya ng malalim, na para bang tumakbo siya ng pagkalayo-layo. Pero ang ipinagtataka ko ay iyong sinabi niyang siya ang nauna at bakit niya ako pinaibabawan tapos ipinagdaop pa ang mga kamay namin.
"Ako ang una mong nagustuhan, Ella, hindi si Kuya! May pruweba ako!"
Pinilit ko kumawala sa pagkakahawak niya sa akin pero every time na ginagawa ko iyon ay mas hinihigpitan at dinidiinan niya lang ang hawak. "Hindi kita maintin—"
"Kailangan ko pa ba ipaalala sa iyo lahat ng nangyari sa atin noon?!" Dinala niya ang mga kamay ko sa magkabilang gilid ng ulo ko habang nakahawak pa rin siya sa mga ito. Mukha tuloy akong criminal na nasurrender sa isang police. "Ako ang first love mo, hindi ba?! Ikaw ang unang umamin sa atin tapos bigla-bigla mo na lang akong iniwan!"
"Hindi kita ini—"
"Tapos biglang kapatid ko naman ang gusto mo?! Ano ba talaga, Ella?! Pagod na pagod na ako sa kahihintay sa iyo! Matapos mo akong paglaruan, ganuon-ganuon na lang?! Nagpromise ka na ako lang! Nasa akin pa rin iyong love letters na ginawa mo para sa akin!"
I stopped resisting dahil alam kong mapapagod lang ako't hindi talaga aalis sa ibabaw ko ang lalakeng ito. At saka bakit niya ba kasi ibinabalik ang nakaraan? Don't tell me, may gusto siya sa akin? Pero napakaimposible nuon dahil may girlfriend siya. "If you just want to get into my pants, I'm telling you, Travis, stop it! Hindi ka nakakatuwa! Magagalit sina Tito kapag nalaman nila ang ginagawa mong ito!"
"Isineal mo sa first kiss natin iyong promise mo na ako lang!" asik niya, na hindi man lang inintindi ang sinabi ko. Ewan ko pero pakiramdam ko, nagsara na ang utak niya para tumanggap ng mga paliwanag.
"Travis, bata pa tayo noon! Hindi natin alam mga pinaggagagawa natin! That kiss doesn't mean—"
"Huwag mong sabihin na wala lang ang halik na iyon dahil alam kong parehas tayo ng nararamdaman noon! The f**k, Ella! Ilang taon na akong sunod nang sunod sa iyo pero simula nang makilala mo kuya ko, binalewala mo na ako!"
"The world doesn't revolve around you, Travis, ano ba?! Hindi porque gusto mo, makukuha mo!" Sinubukan ko ulit kumawala sa kaniya pero hindi talaga siya nagpatalo. "Umalis ka nga! Baka bumalik na iyong kapatid mo, ano ba?!"
Iyon ang ikinatatakot ko. Baka kasi kahit galit sa akin si Dane, kapag nakita niyang nakapatong ang kapatid niya sa akin, bigla na lang itong magwala at magkagulo. Hindi pa nga magaling ang mga pasa nila, na hanggang ngayon ay tinatakpan ng makeup, tapos mag-aaway ulit sila? Hangga't maaari, ayokong mangyari iyon dahil baka kung mapaano si Tita.
"The world doesn't revolve around me?" gigil na tanong niya kaya napatigil ako sa pagpasag. "You are my world, Ella, so do me a favor and revolve around me again."
"Kung joke time ito, Travis, sinasabi ko sa iyo—"
"Joke?" Tumawa siya ng bahagya habang umiiling pero tumigil rin at tinitigan lang ako. "Sa ginagawa ko, hindi mo pa rin ba makuha ang gusto ko iparating? Bakit? Sarado na utak mo dahil kay Kuya ka lang nakatingin? Well guess what, Ella? This isn't a joke. Alam mo iyong joke? Ang pinakamalaking joke ay hindi mo sa akin ibinigay ang virginity mo, tulad ng pangako mo! Kay Kuya mo iyon ibinigay! Ako dapat ang nakakalapit-lapit sa iyo, eh! Ako dapat ang kasama mo sa lahat ng first mo dahil iyon ang pangako mo, ang pangako natin but no! Iniwan mo ako sa ere kaya nauwi tayo sa ganito! Ni wala kang paliwanag kung bakit bigla-bigla ka na lang hindi nagparamdam at nang-iwan! Tapos biglang kay Kuya ka na sumama matapos mo magparamdam?! Nakakaputangina naman nuon, Ella!"
Nabato ako't nanglaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. How the hell did he know na ibinigay ko ang virginity ko sa kapatid niya? Does that mean, nandito siya kahapon? Pero napakaimposible. Walang katao-tao rito. Kahit nga sa banyo, wala rin, eh.
Unless... unless tumawid siya sa veranda since magkatabi lang naman ang mga kwarto namin. Pero imposible. Napakadelikado kahit sabihin pa sabihing magkalapit lang ang veranda namin. But this is Travis we're talking about. Kahit anong kagaguhan at delikadong bagay, ginagawa niya so it's not impossible for him to do that.
Then again, I resigned at resisting. Alam ko kung anong gusto niya iparating. May nararamdaman siya para sa akin. Paano ko ba naman kasi malalaman iyon kung simula nang grumaduate kami ng elementary, para niya na akong isinusumpa kung pagsalitaan at itrato. At ano? Ang buong akala niya, iniwan ko siya? Ako ang iniwan niya. Ni hindi man lang siya nag-abala na puntahan ako kahit alam niya kung paano ako itrato ng mga magulang ko. Pero gusto ko munang klaruhin ang nararamdaman niya para sa akin dahil baka mali lang ako ng pagkakarinig kanina.
"I'm sorry, Travis, pero... you like me?"
"Hindi lang kita basta gusto, Ella. Mahal kita dati pa pero itinuon mo na ang atensyon mo kay Kuya kaya etsapwera na ako!"
"H-Hindi puwede..." halos pabulong na sinabi ko dahil hindi siya puwedeng magkagusto sa akin.
Malaking gulo kapag nalaman ng kapatid niya na may gusto siya akin. For f**k's sake, may nangyari nga sa amin ni Dane kahapon tapos itong nakababata niyang kapatid, nagcoconfess na matagal na palang may nararamdamang pagmamahal para sa akin?
I don't know if I should even be blamed na iniwan siya sa era kasi all along, ako ang nag-iisip na iniwan niya ako sa ere kaya ang dali kong nakalimot at napunta sa kapatid niya ang feelings ko. Pero nakakagulat lang talaga na may gusto siya sa akin kasi grabe kung ipagtabuyan niya ako't murahin.
"What do you mean hindi puwede?!" Nabalik ako sa reyalidad nang bigla siyang sumigaw. "Bakit?! Dahil ba kay Kuya?!"
"Travis, hindi puwede--"
"Anong hindi puwede?! Na mapunta ka sa akin?! Hell, Ella, you don't know what I'm capable of! Kung kailangan ko gumamit ng dahas para ako ulit mahalin mo, gagawin ko! Nagawa ko noon, gagawin ko ulit!"
"Puwede bang huminahon ka?" mahinang pakiusap ko. "Please, Travis. Pag-usapan natin ito ng mahinahon, hindi iyong dinadaan mo ako sa ganito."
"No, Ella. You know what? I just realized. Hindi kita makukuha sa masinsinang pakiusapan. I know you. Kahit anong gawin nating pag-uusap, si Kuya pa rin."
"Isusumbong kita kay Tito--"
"Ilang taon na sinayang ko sa paghahabol sa iyo and I'm tired of chasing you kung si Kuya lang naman ang nakikita mo. I'll just make you mine now sa ayaw at sa gusto mo."
Before I can even react, he banged his lips onto mine. Dala ng gulat kaya hindi kaagada ko nakagalaw. Nanatiling mulat ang mga mata ko habang nagpapakasasa siya sa paghalik sa akin. Nabalik lang ako sa katinuan nang bigla niyang kagatin ang itaas na labi ko't pasadahan ng dila niya.
I started to push his arms up kaya lang pilit niya pa rin itong idinidiin sa kama. Mariin kong itinikom ang bibig ko pero nang maupo siya mga hita ko, hindi ko sinasadyang mapasinghap kaya kinuha niya ang oportunidad na iyon para ipasok ang dila sa bibig ko.
Tumigil siya sa paghalik sa akin at binitawan ang magkabilang kamay ko saka hinawakan ang laylayan ng damit ko. Hindi ko alam kung anong uunahin ko; kung ibababa ko ba ang laylayan ng damit ko o itutulak siya. Nakaramdam rin ako bigla ng takot sa kaniya dahil mukhang desidido talaga siyang gawan ako ng masama.
This isn't the type of Travis that I know. This one is too mad to even think logically. Natatakot rin ako para sa kaniya dahil kahit na ginagawan niya ako ng masama, anak pa rin siya ng mga taong mahal ko at kahit papaano, alam kong deep inside me, importante pa rin siya para sa akin dahil may pinagsamahan kami.
Tinapik niya ang mga kamay ko at sa isang iglap, naitaas niya ang damit ko, exposing my bra. Hinawakan niya ang magkabilang gilid ng damit ko para hindi ko maibaba habang ang mga mata niya ay nakapako na sa dibdib ko. Hindi na ako gumalaw dahil lahat ng ginagawa ko para ang maialis siya, kinokontra niya. Nanatili na lang akong nakatingin sa mukha niya habang parehas kaming nagpapakawala ng malalalim na paghinga.
I swear to God, I didn't know na may gusto pa rin siya sa akin. Alam ko na noong bata kami, may crush siya sa akin. Hindi ko naman alam na lalalim ng ganito ang nararamdaman niya, to the point na sa sobrang selos niya sa kapatid niya, magagawa niya ang ganitong bagay sa akin.
Halata sa mukha niya ang pagkasabik kaya hindi ko alam kung mapipigilan ko pa talaga siya. Pero sa lakas nitong lalakeng ito, kahit siguro anong tulak ko gaya ng ginagawa ko kanina, wala pa rin mangyayari. Pero kung madadaan ko siya sa matinong pag-uusap, gagawin ko. Hindi pa rin dapat ako sumuko dahil mas magkakagulo kami ni Dane kapag may nangyari sa amin nitong kapatid niya.
"Baby..." pagtawag ko gamit ang lumang nickname na ibinigay ko sa kaniya, hoping na sana ay kumalma siya't matauhan.
Napakurap siya ng ilang beses nang marinig ako pero umiling siya't itinaas ang bra ko, exposing my chest. Bago niya pa man itungo ang katawan para atakihin ang dibdib ko, bigla siyang napadiretso ng upo habang nanglalaki ang mga mata at wala pang ilang segundo nang pumikit siya't bumagsak sa ibabaw ko.
What the hell?
Napapikit ako nang maglapat ang katawan namin at pagkamulat na pagkamulat ko, nakita ko na naman iyong lalakeng misteryoso, na alam kong hindi normal na tao. Tamad na nakatingin ito kay Travis habang nagkakamot ng ulo.
"Hindi ko siya kailangan para sa paglalaro ko. Kahapon pa siya sagabal." Ibinaling bigla nito ang tingin sa akin kaya matinding takot ang naramdaman ko. "At ikaw."
"S-Sorry?"
Nakakatakot ang titig na ibinabato nito sa akin. Kung kay Travis, sobrang intense, sa lalakeng ito, tingin pa lang, parang kaya niya nang sirain ang buhay mo.
"Gulong-gulo ka na ba?" tanong nito kaya nagtaka ako at ang kaninang takot na nararamdaman ko, biglang nawala. Hindi ko alam kung paano nangyari iyon pero nang ngumisi ito, bigla na lang talaga nawala ang takot kong iyon.
"Sino—"
"Mahal mo ba talaga si Matthew?"
Matthew? Matthew na naman?
"I'm sorry pero hindi ko kilala kung sino mang Matthew ang tinutukoy mo." sagot ko dahil isang Matthew lang ang kilala ko at iyon ay isa sa mga kablock namin ni Dane. Hindi ko rin alam kung saan ako humugot ng lakas ng loob dahil matapang ang tonong nagamit ko.
Pagkamulat ko sa mga mata ko matapos kong kumurap ng wala pa yatang isang segundo, bumulaga sa akin ang mukha nitong sobrang lapit. Sobrang lamig ng hininga nito na tumatama sa mukha ko. "Gusto mo bang makilala pa ng husto si Matthew?"
Bakit ba pilit nitong tinatawag na Matthew si Dane? Alam kong hindi niya pa sinasabi ng diretso ngayon pero iyon ang ipinepertain niya. But was that really his name? Pero kasi, reincarnation talaga ang nangyari kung totoo ngang nabuhay ang Matthew na iyon sa katauhan ng kaibigan ko. Sabagay, nabuhay nga siya, hindi ba? At ang weird pa duon, ako lang ang nakakatanda na namatay siya at siguro, siguro lang, may kinalaman ang lalakeng ito sa lahat ng nangyayari sa paligid ko, sa buhay namin ni Dane.
"Gusto kong maintindihan ang lahat ng nangyayari." mahinang pakiusap ko saka ko pilit na inaalis si Travis sa pagkakadagan sa akin. Mukhang nahalata nitong lalakeng ito ang hirap ko dahil nang ikinumpas niya ang kamay niya, bahagyang lumutang ang nakadagan sa akin saka ito itinabi sa akin. Nang malaya na ako, kaagad kong ibinaba ang bra at damit ko.
Nakakahiya. May nakakita ng dibdib ko na hindi ko kakilala. But does my chest even matter to this guy? He's obviously not interested dahil hindi niya nga ito tinapunan ng tingin.
"Handa ka bang tanggapin lahat ng malalaman mo?" I reluctantly nodded kahit na hindi ko alam kung anong mangyayari at hindi ko alam kung anong mga malalaman ko pero kung ito lang ang way para makasulyap ako sa mga bagay-bagay na nangyayari kay Dane at nagpapagulo't nagpapahirap rito, gagawin ko ito.
Mula sa pagkakahiga, naupo ako't humarap sa kaniya. "Pero bago ang lahat... puwede bang malaman kung sino ka?"
Kung ano ka?
Nanglaki ang mga mata ko nang biglang may maliit na karit na lumutang sa gilid ng balikat niya. Unti-unti itong lumaki hanggang sa maging kasing laki ito ng lampshade na nasa gilid ng kama. Gusto ko tuloy iuntog ang ulo ko dahil sa mga nangyayari ngayon. Pakiramdam ko, sa sobrang dami ng nangyari sa ilang minuto simula nang pumasok sa Travis dito, mababaliw na ako. Biruin mo ba naman kasi, pinagtangkaan akong gahasain tapos biglang lumitaw itong lalakeng ito mula sa hangin.
"Tawagin mo na lang akong... Kupido."
Kupido tapos may scyte?!
"O... Okay?"
"Ilahad mo ang palad mo." utos niya matapos alisin ang ngisi sa mga labi. Ginawa ko ang utos niya saka ko dinala ang mga tuhod ko palapit sa dibdib ko. "Gusto kong ikaw ang gumawa para malaman ko kung determinado ka talagang alamin ang mga bagay-bagay." Hinawakan niya ang scyte na lumulutang sa gilid niya saka ito iniabot sa akin. "Bibigyan kita ng isang pagkakataon para pag-isipan tutal naman ay hindi ka nagtangang ipagkalat kung anong mga nasaksihan mo tungkol sa akin simula kahapon."
Paano ko ipagkakagkakalat iyon, Kupido?! Gusto mo ba ako mapagkalaman lalong baliw?! Una, sinabi ko sa kanilang nabuhay ulit ang kaibigan ko mula sa pagkakamatay tapos ipagkakalat ko na may misteryosong tao na kinakausap si Dane, na mukhang isang elemento?! Baka sa mental asylum na ang bagsak ko kapag ginawa ko iyon!
Sobrang lamig ng scyte niya kaya nabitawan ko ito pero nanatili itong nakalutang. Nang subukan ko ulit itong hawakan, medyo nabawasan na ang bumabalot na lamig rito. "Anong gagawin ko?"
"Hiwain mo ang pulso mo." walang emosyong sagot niya.
"Ano?!" naisigaw ko. Ni hindi ko na nga ako nag-aksaya ng oras na tignan si Travis dahil alam kong may ginawa ang lalakeng ito rito kaya bigla na lang itong bumagsak.
"Wala pa iyan kumpara sa sakrepisyong ginawa ni Matthew para lang isalba si Coleen kaya kung gusto mong umatras, hahayaan kita pero buburahin ko ang lahat ng alaala mo tungkol sa akin pati na sa pinakamamahal mong lalake."
Kumabog ng malakas ang puso ko dahil sa narinig ko. Buburahin niya sa alaala ko si Dane? Hindi ko kakayanin iyon. Pero nakakapunyeta lang dahil ano bang kinalaman namin sa Matthew at Coleen na iyon? Diyos ko. The things I do for love.
"Hindi." pagpigil ko sa kaniya bago niya pa man mahawakan ang karit na hawak ko. "Gagawin ko. Pero gusto kong wala kang iwan na detalye sa mga dapat kong malaman. Magtitiwala ako sa iyo kasi alam kong kahit hindi ka normal na tao, ikaw lang ang makakasagot sa mga gusto kong malaman dahil hindi sinasabi sa akin ni Dane ang mga nangyayari sa kaniya."
"Salamat sa tiwala pero hindi ko kailangan niyan dahil talagang kasama ka sa laro simula pa lang." nakangising sinabi niya bago tinignan ang pulso ko. "Gawin mo na."
Napagpasyahan kong hindi na tumugon sa mga sinabi niya dahil kung magtatanong pa ako, baka mainis lang siya at isa pa, mas lalo akong maguguluhan. Pero hindi maialis sa isip ko kung ano iyong laro na sinabi niya, na simula pa lang kasali na ako.
Umiling ako bago ako nagfocus sa hawak kong karit. Dahan-dahan kong inilapit ang tulis nito sa pulso ko. Ilang segundo munang nagtagal ang pagkakalapat ng talim nito sa balat ko bago ko ibinaon ng kaonti. "Shit." bulong ko matapos ko ilayo ang talim sa pulso ko. Pakiramdam ko hindi ko kaya dahil hindi biro ang sakit na naramdaman ko nang lumikha ito ng sugat. Hindi siya iyong pangkaraniwang sakit na makukuha mo kapag nagkahiwa ka; para ako nitong sinaksak, iyon ang naramdaman ko mula sa maliit na sugat na natamo ko.
"Kaya mo ba o hindi?"
"Kaya ko!" taas noong sagot ko bago ko inilapit muli ang talim ng karit sa pulso ko. Huminga ako ng malalim saka ko binigla ang paghiwa. "Aaahhh!" hiyaw ko saka ko binitawan ang karit at kinuha ang kumot para itakip sa hiwang ginawa ko.
"Kaya mo naman pala." Napapikit ako saglit dala ng sakit at nang tignan ko siya, mukhang tuwang-tuwa siya dahil ang laki ng ngiti niya. "Ngayon, ang sunod na gagawin mo ay humiga."
Nagsimula akong maluha habang tinatakpan pa rin ang pulso ko gamit ang kumot. Hanggang ngayon ay hindi pa rin tumitigil ang sakit. "Tapos?" humihikbing tanong ko.
"Pumikit ka't magbilang ng limang segundo. Ang dapat mo lang isipin habang nagbibilang ay ialis ang kaluluwa mo sa katawan mong iyan."
And I did what I was told. Bumilang ako't pilit iniisip na umalis sa katawan kong ito. Hindi ko alam kung anong nangyayari pero sumunod na lang ako dahil sa kagustuhan kong makakuha ng sagot.
Para kay Dane, gagawin ko ang lahat.