17

3540 Words
-Daniella Bigla siyang tumayo at dinampot ang mga gamit na hinubad kani-kanina lang. "I'm so sorry, DC." mangiyak-ngiyak na sinabi niya saka dali-daling pumasok sa banyo. "What..." I was left dumbfounded hanggang sa maisara niya ang pintuan ng banyo. I don't get why he acted that way. Nang magkaaway kami, he was cold then nang ayain ko siya, he turned soft and he said sorry. Sinabi niya pa na gusto niya rin ako nang sabihin ko na I want him. May sinabi pa siyang he trust me. He even said something about death and his existence. Nagmakaawa rin siyang um-oo ako so, as he said, he can give in. He thanked me for what happened and now he's sorry? That's not going to work for me. I don't accept this. Masakit man ang pagitan ng hita ko at kahit na parang pinipiga ang puso ko, I stood up and wrapped myself with the blanket. I'm fuming mad and hurt because of him. I'm also confused dahil hindi ko maintindihan ang mga signals na ibinabato niya. When we were doing it, I can feel his love for me kahit hindi niya pa sabihin ang mga katagang gusto ko marinig mula sa kaniya. He was so gentle kahit na may panggigigil at bakas rin sa mga mata niya ang emosyong bumabalot sa buong pagkatao niya and I know for a fact that was desire dahil ganuon rin ang alam kong ekspresyong ipinakita ko sa kaniya. I banged my fist at the door habang nakahawak naman ang isa kong kamay sa kumot para hindi ito malaglag. "Ian Dane Han Eru, sinasabi ko sa iyo, lumabas ka riyan!" galit na sigaw ko rito. I continued banging the door and all I can hear inside are his sobs. And now what he is crying for?! Dahil nagsisisi siya na ginalaw niya ako?! Kasi kung oo, gago siya! "Dane, I said get out!" He continued sobbing inside. Gusto ko siyang yakapin ngayon pero pilit kong iwinawaksi ang pakiramdam na iyon dahil sa ngayon, dapat ay magalit ako sa kaniya. Tarantado siya. Matapos ko ibigay ang sarili ko sa kaniya at matapos may mangyari sa amin, bigla siyang maggagaganiyan? Alam ko na kahit papaano, ginusto niya rin ang nangyari sa amin. He wouldn't beg like what he did earlier kung hindi niya rin ako gustong angkinin. Hell, he smiled nang malaman niyang virgin ako. I don't want to assume pero pakiramdam ko, parehas kami ng nararamdam. Kasi if not, then why the hell would he be happy na virgin ako-- na siya ang nakauna sa akin, hindi ba? If kaibigan lang talaga ang tingin niya sa akin, he should've push me away para hindi matuloy ang nangyari kanina pero no! He begged for that to continue! Huwag niyang sabihin na man's instinct or urge or whatever lang iyon dahil masasampal ko talaga siya. "Bakit nandito pa rin ako?!" sigaw niya mula sa loob na siyang nagpatigil sa akin sa paghampas ng kamao ko sa pintuan. Is he talking to himself again? "Dane, ano bang ginagawa mo riyan?! Get out here and let's talk!" "Why are you telling me to shut up?! Mawawala rin naman ako dahil sa paglabag ko sa batas mo, hindi ba?! Don't I deserve to hear any explanation kung bakit hindi mo pa rin ako kinukuha?!" "Ano bang nangyayari sa iyo?!" Pinaulanan ko ulit ng katok ang pintuan at nagsimula na akong kabahan dahil sa naisip ko. Baka kasi nababaliw na siya. Baka kaya siya nagbago nang mabuhay ulit siya - if namatay nga talaga siya - kasi ibang tao na itong kasama ko rito. Baka ginamit lang ang mukha ng Dane ko or something. "Come on, Dane! Kinakabahan na ako!" "I told you stop calling me Matthew dahil hindi ako iyon!" Nanglaki ang mga mata ko dahil mukhang nagwawala na siya sa loob. Puro tunog ng mga gamit na nalalaglag ang narinig ko at may iba pa nga na tumama yata sa pintuan. "I know who I am kaya kung ano man ang ipinasak mo sa isip ko tungkol sa Matthew De Vera na iyon, I'm telling you, stop it! Hindi ko alam kung bakit nasa akin ang mga alaala ng taong iyon at alam kong may kinalaman ka kung bakit!" Napaatras ako nang marinig ko ang paghiyaw niya. Mukhang nasaktan siya sa pagwawala niya sa loob ng banyo. I better go get some help. Hindi na maganda ang nangyayari ngayon. Dali-dali kong nilapitan ang mga damit ko saka ko pinunasan ang katas ni Dane na naiwan sa tiyan ko. Nang maalis ko na ito, isinuot ko kaagad ang mga damit ko. Sa kagustuhang makahanap kaagad ng tulong, tumakbo ako papuntang pintuan. Pinihit ko ang knob nito pero kahit anong ikot ko, hindi ito bumubukas. Hinanap ko pa nga kung may iba pa bang lock pero wala akong nakita. "What the hell?" Pinihit ko ulit ang knob at ilang beses hilina pero ayaw talaga nitong bumukas. "Maupo ka." narinig kong utos ng kung sino mula sa likuran ko. Hindi ko man gusto dahil kailangan ko na talagang makahanap ng tulong, kusang sumunod ang katawan ko sa utos ng tao sa likuran ko. Kahit ang mga kamay ko, hindi ko maigalaw. Nanatili ring nakabukas ang bibig ko pero para akong tinanggalan ng boses dahil kahit anong gawin ko, hindi ko magawang sumigaw o magsalita man lang. What the hell is happening?! "Sinusunod ko naman ang mga gusto mo, hindi ba?!" Napunta ang atensyon ko kay Dane nang bigla ko na naman itong narinig na sumigaw. "Alam ko ang mga sinabi mong batas! I broke one of them kaya bakit hanggang ngayon, nandito pa rin ako?! If you want to take me then do it! Huwag mo na ako pahirapan!" Narinig ko ang pagbukas ng pintuan mula sa likod ko, which I know na iyong sa banyo. "DC?! Anong ginagawa mo riyan?!" Pinilit ko ang sarili ko na lingunin siya pero hanggang ngayon, hindi ko pa rin maigalaw ang buong katawan ko. Para pa rin akong aso na nakaupo habang nakaharap sa pintuan. Ni boses ko, hindi ko pa mailabas kaya ang nagawa ko na lang ay pumikit at hinayaang mag-unahan ang pagtulo ng mga luha ko dala ng takot. I don't know what going on. I don't know what's happening to me. Pakiramdam ko, mababaliw na ako dahil sa mga nangyayari ngayon. Gusto ko nang umalis rito pero hindi ko naman magawa. "Sa tingin mo ba, ginawa ko ang mga ito para lang paglaruan ka, Matthew?" nakaramdam ako ng matinding takot nang marinig ko ang boses ng isang lalake at alam kong ito rin ang nag-utos na umupo ako. "I told you to stop calling me, Matthew!" "Bakit ba pilit mo pa rin itinatanggi na ikaw at si Matthew ay iisa?" "Because that's bullshit! Paano ako magiging ibang tao?! In fact, based on what I remember, patay na ang taong iyon!" "Binigyan kita ng maraming pagkakataon pero binabalewala mo ang mga iyon. Pilit kitang tinutulungan pero hindi mo tinatanggap pati na ang mga katotohanan na ipinakikita at ipinaaalala ko sa iyo. Bakit ba napakatigas ng ulo mo?" "Hindi mo kasi naiintindihan." mahinang sagot ni Dane. "Hindi mo alam kung gaano ako nahihirapan ngayon. Gulong-gulo ako sa mga nangyayari. Hindi ko alam kung pinaglalaruan mo lang ba ako o totoo ba ang mga ipinaaalala mo sa akin. I trust you; alam kong alam mo iyon dahil ilang beses mo na akong tinulungan kaya ayoko rin isipin na ginagamit mo lang ako. Masaya ako't bumalik na ako pero kung hindi mo naman sinabi na matutulungan ko si DC kapag sumali ako sa grupong iyon, hindi ko isasakrepisyo ang sarili ko. As a matter of fact, everything's your fault." "Hindi ko alam na magiging ganiyan katigas ang ulo mo. Hindi ko alam kung bakit hindi ka naging masunurin tulad ng dati." "Huwag mo siyang hawakan!" Nakaramdam ako ng presensya mula sa gilid ko. Kahit gusto kong tignan kung sino ang lumapit sa akin, hindi ko nagawa. Naramdaman ko na lang na binuhat ako nito na parang bagong kasal at nang makita ko kung sino ito, nanglaki ang mga mata ko. Hindi ito si Dane; siya iyong lalakeng parati kong nakikita na nakangisi sa akin. Hindi ito nakangisi ngayon, bagkus ay wala itong ekspresyon habang nakatingin sa akin. "Ipinagpapalit mo na ba si Coleen sa babaeng ito? Hindi mo man lang ba siya hahanapin?" Napalitan ng sakit ang takot na bumabalot sa buong pagkatao ko dahil sa narinig ko. Coleen? Sino iyon? At ano? Ipagpapalit ako? Wala akong matandaang nagkaroon ng karelasyon si Dane at kung mayroon man, dapat alam ko iyon. "I don't know what the f**k you're talking about. Bitawan mo si DC." mariing utos ni Dane sa lalakeng buhat-buhat ako ngayon. "Huwag mo siyang isama sa kalokohan na ito." "Wala ka na bang nararamdaman para kay Coleen? Hindi ba't siya nga ang dahilan kaya ka namatay noon? Mas pinili mong labagin ang batas at tinanggap ang kaparusahan para lang makaamin ka sa nararamdaman mo. Mas pinili mo ang babaeng iyon kaysa sa buhay mo at alam kong wala nang ibang babae na nagpapabilis ng t***k ng puso mo kung hindi si Coleen." "Bakit mo ba ako pinahihirapan ng ganito?" tanong ni Dane. Halos mabarag ang puso ko dahil alam kong umiiyak na siya. Sino ba iyong Coleen na binabanggit ng taong ito? Wala talagang naipakilala sa akin si Dane na ganuon ang pangalan. Hindi ko alam kung pinaglalaruan lang kami ng lalakeng ito pero mukhang marami itong alam tungkol sa kaniya na kahit siya mismo ay hindi alam. Alam kong hindi ko dapat isipin ang bagay na ito ngayon dahil mas mahalaga ang mga nangyayari ngayon. Kahit kasi ako gulong-gulo sa pinagsasasabi ng lalakeng ito. Bakit ba kasi pilit nitong ipinamumukha sa kaibigan ko na si Matthew at siya ay iisa? Sino ba ang Matthew na iyon? Hindi ako naniniwala sa reincarnation pero iyon ang idea na nakuha ko sa lahat ng sinabi nitong taong ito. Kung totoo man ang bagay na iyon, then that means may katotohanan ang lahat ng sinabi ng lalakeng ito. On the first place, sino ba ito? Para kasi itong multo na kung saan-saan na lang nalabas. And come to think of it, malabong palabas lang ang pagkamatay ni Dane. Mukhang namatay nga talaga siya at nareincarnate dahil ang daming nagbago sa kaniya at siguro, malaki ang kinalaman ng lalakeng ito sa lahat ng pagbabagong iyon. "Bibigyan kita ng isa pang pagkakataon para patuloy na mamuhay pero gusto kong isipin mong mabuti kung sino ang pipiliin mo; ang babaeng ito na paulit-ulit kang sinaktan o si Coleen? Mamili ka, Matthew." Naglakad ito palapit sa kama saka ako rito inilapag. Tinitigan muna ako nito ng ilang segundo bago ako tinalikuran para harapin si Dane. "Huwag ka lang sana magkamali kung sinong pipiliin mo dahil buong buhay mo itong pagsisisihan." Kusang sumara ang mga mata ko at nang imulat ko ang mga ito, wala na ang lalake sa harap ko. Sinubukan ko igalaw ang katawan ko at laking pasasalamat ko dahil naigalaw ko na ang mga ito. Dali-dali kong ibinangon ang katawan ko saka ako patakbong lumapit kay Dane pagkaalis ko sa kama. Niyakap ko siya ng mahigpit at hinayaang pumalahaw ng iyak dahil sa matinding takot sa mga nangyari. "Anong nangyayari, Daney?" tanong ko rito habang patuloy na humihikbi. Umiiyak rin siya saka ako niyakap ng mahigpit. Naramdaman ko ang paghalik niya sa ibabaw ng ulo ko bago ibinaon ang mukha sa leeg ko. "DC, I'm so sorry I got you into this." Tumagal ng ilang segundo ang pagkakayakap niya sa akin bago siya kumalas. Iniangat niya ang dalawang kamay niya saka ikinulong ang mukha ko sa mga ito para punasan ang magkabilang pisngi ko. "Sino iyong taong iyon?" "Hindi ko puwedeng sabihin. Hindi ko rin masasabi na dapat mo siyang layuan dahil alam kong makakalapit siya sa iyo kahit kailan niya gustuhin." Huminga siya ng malalim, siguro sa pag-aasam na pakalmahin ang sarili niya, bago siya nagsalitang muli. "I thought I would be a goner. Akala ko hindi ko na kayo makakasama. DC, I'm sorry for acting like a d**k back then. Believe me, hindi ko ginusto iyon. Masyado lang talaga akong naguguluhan sa mga nangyayari at nararamdaman ko. Hindi ko na rin talaga kilala kung sino ako. Hindi ko alam kung ako ba talaga iyong Matthew De Vera. Hindi ko na alam gagawin ko. I just want everything to go back to the way it was before." "Then sabihin mo sa akin lahat ng nangyayari-lahat ng dapat ko malaman. Daney, hindi kita matutulungan kung hindi mo ako hahayaan." "DC, this is my problem. Ayokong masama ka sa mga ito." Marahas na hinawi ko ang magkabilang kamay niya na nakahawak sa mukha ko saka ko siya itinulak sa dibdib kaya napaatras siya ng kaonti. "Kaibigan mo ako, Dane! I want to know what's bothering you dahil gusto kitang tulungan!" Paulit-ulit ko siyang itinulak at hinampas dahil sa sobrang inis ko. Kulang pa nga ang mga ito para ilabas ang lahat ng nararamdaman ko ngayon kung tutuusin. Pakiramdam ko nga, gusto kong pumatay para lang maialabas ko lahat ng sama ng loob ko. "I've been hurt dahil sa ginawa mong pagtulak sa akin palayo simula nang bumalik ka! Ilang beses ko tinanong ang sarili ko kung may nagawa ba akong mali kaya ganuon ka umakto! Akala mo ba hindi ako nasasaktan noon?! I keep on telling myself na may nagbago lang talaga sa iyo para lang makumbinsi ko ang sarili ko na hindi ako ang may problema pero sa mga ipinakikita mo ngayon, sa mga pagtatago mo ng mga bagay-bagay sa akin, parang ipinapamukha mo sa akin na ako ang may problema kaya ni idea tungkol sa nangyari sa iyo, hindi mo sinabi sa akin!" "P-Please stop--" Akmang pipigilan niya ako sa paghampas at pagtulak ko sa kaniya pero hinawi ko ang mga kamay niya. I'm not yet done dahil ang dami kong gusto sabihin sa kaniya. Kahit ngayon lang, gusto kong ilabas lahat ng nararamdaman ko. "Sino ba ako sa iyo, Dane? Kaibigan mo ako, hindi ba? Akala ko ba may tiwala ka sa akin? Then bakit ganito? Hindi mo sinasabi kung anong nangyari sa iyo. Pakiramdam ko, mababaliw ako kaiisip kung bakit ang dami mong ipinagbago. You made me sound like a lunatic. You even accused me of using drugs. You've hurt me back then. Hanggang ngayon ba?" "You don't understand, DC. Hindi kasi basta-basta itong nangyayari sa akin ngayon. Please calm down." "Calm down?" Tumawa ako ng pagak dahil sa narinig ko. Calm down? How can he expect me to calm down kung ang daming nangyayari ngayon na pumuputakte sa isip ko? "Don't tell me to calm down, Dane." Marahas kong pinunasan ang pisngi ko saka ako tumingala at bumuntong hininga. Gusto kong kumalma kasi hindi ko na gusto ang galit at sakit na bumabalot sa buong pagkao ko ngayon. "Kasasabi ko pa lang sa iyo na mahal kita and not even once that you told me you love me too. Kanina lang, may nangyari sa atin. You looked at me with passion and warmth tapos biglang malalaman ko, may ibang babae na nagpapatibok ng mabilis sa puso mo?" sarkastikong tanong ko saka ko siya tinawanan habang umiiling. Mababaliw na talaga ako sa mga nangyayari. "Sino ba siya, Dane? Bakit pati iyon, hindi ko alam? Were you keeping secrets from me? I thought there shouldn't be any secret between us? Am I just a joke to you? Palabas lang ba lahat ng ipinakita mo kanina habang ginagawa natin iyon?" "I told you, you don't understand my situation-" "That's why I'm f*****g telling you to make me understand! You keep on telling me that I don't understand pero wala kang ginagawa para maintindihan ko ang mga bagay-bagay! Iniiwan mo ako sa ere, Dane, alam mo ba iyon?! I'm trying to understand what's going on; I'm trying to understand this and thats pero kailangan ko ng tulong mo!" "I don't know." mahinang sinabi niya na may maliit na ngiti sa mga labi. "Kasi kahit ako, DC? Gulong-gulo ako. Ayaw kitang paasahin. Believe me, ayoko. I care about you a lot to confuse or hurt you. Pero sa ngayon, gusto kong lumayo ka muna sa akin habang inaayos ko ang mga bagay-bagay. I don't want to drag you into this any further." Napaupo ako't naitakip ko ang dalawang kamay sa mukha ko. Hinayaan ko ang sarili ko na magmukhang mahina sa harap niya dahil wala na talaga akong lakas para itago ang nararamdaman ko. Alam ko naman na alam niyang nasasaktan ako ngayon so bakit ko pa itatago, hindi ba? I know he's also hurt. Kahit naman kasi ganuon ang mga sinabi at tinanong ko, alam kong may pakielam pa rin siya sa akin. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit hindi niya ako hayaang tulungan siya sa pinagdaraanan niya. Hindi ko naman siya iiwanan sa ere kung iyon ang iniisip niya. "Ano pa bang magbabago?" bulong ko saka ako tumayo saka hinawi ang buhok ko para hindi ito humarang sa mukha ko. "I completely forgot that you ended everything between us. Either nasabi mo lang iyon dahil nagalit ka o ano, you still confirmed that we're through." "DC, please..." Humakbang siya palapit sa akin pero umatras ako. Alam kong nasaktan ko siya sa ginawa ko dahil halata sa ekspresyon na bumakas sa mukha niya. "I guess I should stop calling you Daney. Maybe even Dane." Huminga ako ng malalim saka ko siya nginitian ng bahagya kahit sa loob-loob ko, pinapatay na ako. "Kailangan ko na talagang sanayin ang sarili ko na ibalik sa Ian ang pagtawag ko sa iyo." "DC, ano ba?" Akmang lalapitan niya na naman ako kaya umatras ulit ako't itinaas ang kamay ko para pigilan siya. "Huwag namang ganito. Didistansya lang naman ako kasi kailangan ko ayusin itong mga nangyayari ngayon sa akin." "No, Ian. I just came to realize how stupid I've been for you; I've been chasing you nonstop ever since. Ang daming kong sinaktan. I probably even became an antagonist on someone else's story. Tapos ano? All my efforts went down the drain. I've been in love with you for how many years pero binasura mo lahat ng effort ko. And you know what hurts the most? Kahit ilang beses mo sinabi na may tiwala ka sa akin, hindi pa pala sapat ang tiwala mo para ipaalam man lang sa akin kung anong nangyayari sa iyo. Kasi kung talagang may tiwala ka sa akin, hahayaan mo akong malaman kung anong gumugulo sa iyo. Sa hindi katiwa-tiwalang tao ka lang naman dapat magtago ng sikreto, hindi ba? Ang ironic nga kasi itinago ko rin ang nararamdaman ko para sa iyo yet here I am, blurting out all these bullshit about you, not trusting me." "But... I do trust you. I really do." Aniya habang nakatungo. Pati siya, tuloy-tuloy rin ang pagdaloy ng mga luha. Gusto ko man punasan ang mga iyon, pinigilan ko ang sarili ko. Ang rupok ko talaga pagdating sa kaniya. Despite the fact na sinasaktan niya ako, nakuha ko pang makaramdam ng ganito. "Maybe I'm not as trust worthy as Coleen, then. Tell me, Ian. Sino ba talaga siya?" "She's--" Pinatigil ko kaagad siya sa pagsasalita by raising my right hand saka siya sinapawan. Ayoko palang marinig dahil baka hindi ko na talaga kayanin. I don't want to hear anything about her. "On the second thought, huwag mo na sabihin. I just have one question. Gusto kong maging honest ka, kahit ngayon lang." Mula sa pagkakatungo, iniangat niya ang tingin niya para titigan ako sa mata. "Did you ever love me?" "DC, ayokong sagutin ka ngayon kasi kahit ako, dahil sa mga narinig ko sa lalakeng iyon, hindi ako sigurado--" Mabilis kong inilapit ang sarili ko sa kaniya saka ko siya hinalikan kaya siya napatigil. Tumugon siya pero kaagad ko rin akong kumalas na may ngiti sa mga labi. "Thank you, Ian. At least with what you said, alam kong wala kang nararamdaman sa akin. Maybe kaya mo ako pinatulan kanina dahil nadala ka lang ng init ng katawan. Kaya ka nga rin siguro umiyak kanina after having s*x with me kasi nagsisisi ka dahil pinatulan mo ako. Isa pa, oo o hindi lang ang sagot sa tanong ko yet ang rami mong sinabi. That just mean na wala ka talagang nararamdaman para sa akin. Kasi kung mayroon? Isang oo lang ang isasagot mo." "Please naman. Nahihirapan din ako." "Siguro nga, dapat na natin layuan ang isa't-isa and this time, for real na talaga. Thank you ulit, Ian." Isang ngiti muna ang itinapon ko sa kaniya saka ko siya tinalikuran. Hinuli niya ang kamay ko pero marahan ko rin kaagad itong tinanggal sa pagkakahawak sa akin. I really should move on. Magbabagong buhay na talaga ako. Kahit kasi papaano, umaasa pa rin ako kay Dane. Maybe if he sees how good of a woman I am, hindi niya piliin ang Coleen na iyon. Pero kahit na umaasa pa rin ako, kailangan ko pa rin isalba ang sarili ko dahil kapag ako nabaliw ng tuluyan sa lalakeng iyon at nasaktan, baka tapusin ko ang buhay ko. Kawawa ang mga nagmamahal sa akin kapag nangyari iyon. Simula talaga ngayon, magpapakabait na ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD