Daniella I'm on my way back to my house. Kagagaling ko lang sa isang job interview sa isang coffee shop hindi kalayuan sa univ na pinapasukan ko. Gusto ko na kasi magtrabaho, kahit part-time lang dahil nga nag-aaral pa rin ako. Mukhang maganda naman ang kinalabasan ng interview ko dahil buong magdamag nakangiti sa akin ang manager ng pinag-apply-an ko. I don't know kung nagagandahan lang siya sa akin kaya ganuon siya makangiti pero sa tingin ko, nasatisfy ko siya sa mga sagot ko sa bawat tanong niya. Sabagay. Sa ganda pa lang, over-qualified na ako kaya ticket ko na rin itong mukha ko para madaling makakuha ng trabaho. Kanina pa ito pero isinasawalang-bahala ko na lang. Paano ba naman kasi, nakikita ko si Kupido sa bawat lugar na dinaraanan ko. Kahit kaninang nakasakay ako sa jeep, nas

