Daniella "Oh, my god." Itinakip ko ang braso ko sa mukha ko dahil matapos niya akong hilahin sa kwarto ko, ilang segundo akong napapikit at nang imulat ko ang mga mata ko, sinag ng araw kaagad ang bumungad sa akin. Hindi ko pa nakikita ang buong paligid pero malambot ang puwesto ko ngayon. I'm guessing I'm at a room. His room? I don't know. Bumangon na lang ako mula sa pagkakahiga saka inilibot ang paningin ko. I'm right. I'm at a room. Hindi ko alam kung bakit ako parang sinilaw ng pagkatagal-tagal dahil hindi pa totally nakakapag-adjust ang paningin ko pero unti-unti naman na itong lumilinaw ulit. Nakita ko si Kupido na naghahalungkat ng mga damit sa isang aparador sa gilid ng kwarto. Humugot siya ng isang polo na nakahanger saka ito itinapat sa katawan niya. Napaikot ng kusa ang mga

