Daniella "Buti pinapayagan ka na nina Tita na magdrive?" Iniyakap ko ang seatbelt sa katawan ko saka ko ito ikinabit sa gilid ng upuan ko. "Yeah. Thank God. Ang hassle kasi na lagi akong hinahatid-sundo noon." matawa-tawang sinabi niya matapos ikabit ang seatbelt niya. Ipinasok niya na rin ang susi sa ignition saka binuhay ang sasakyan. "Where do you want to eat, DC?" "I don't know. May recommendation ka?" Umayos na akong upo at itinuon na lang ang tingin ko sa harap, kung saan kitang-kita ko ang pagtambay ng mga kapitbahay namin sa tapat ng kani-kanilang mga bahay. Some of them are obviously spreading chismis. Kaya ayokong lumabas madalas, eh. Nadali na kasi nila ako sa mga chismis na iyan. "I know a place. Gusto ko lang malaman kung may gusto ka ba puntahan kaya tinanong kita." Tuma

