Daniella "Rox, can you shut up?" Inirapan ko siya at nagpatuloy sa paglalakad papunta sa Annex. "Huwag mo akong bwisitin dahil kapag nangyari iyon, I'm telling you, I'll back out." "Grabe. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin maimagine na patay na patay sa iyo si Gian. Ang sungit-sungit mong babae ka. Kung hindi ko lang gusto kaibiganin ka, asa kang lalapitan kita. Lagi mo akong sinasaktan. Kapag ako talaga napuno sa iyo, who you ka sa akin." I rolled my eyes saka ko iniayos ang pagkakasuot ng red hairband ko. Ang cute nga nito, eh. It has a ribbon on top tapos paikot talaga iyong band sa ulo ko kaya parang itinali lang ng tela iyong buhok ko kung titignan. Ibinigay ito sa akin ni Roxanne kani-kanina lang dahil naisip niya raw na babagay ito sa akin dahil sa puto ko at baka lang raw magbago

