Daniella "Tumigil ka nga." Sinimangutan ko siya saka ako umatras ng bahagya. "Kung nagbibiro ka, itigil mo na. Hindi bagay sa iyo maging joker." "Sino bang nagsabi na nagbibiro ako? Nanghingi ka ng iba pang paraan para bitawan kita kaya binigyan kita." "Ayoko. Kung magkakaroon man ako ng anak, gusto kong si Dane ang maging ama." "Talaga bang ganuon mo siya kamahal at ayaw mong tanggapin ang inaalok ko?" "Of course." pabulong na sagot ko saka ko niyakap ang dalawang hita ko't ipinatong ang ulo ko sa mga tuhod ko. "Ganuon naman talaga kapag nagmamahal, hindi ba? Mas pipiliin mong mahirapan huwag ka lang gumawa ng bagay na ikasisira ng kung ano man ang mayroon kayo? Alam mo, gusto ko naman siyang ipaglaban, eh. Gustong-gusto. Ang problema lang, ikaw pa ang nagiging dahilan kung bakit ako

