Nagising si Keith sa hindi kalambutan na kama niya at bigla nitong naalala na siguro ay nakatulog siya habang umiiyak sa mga braso ni Apollo.
Pero bigla niyang napagtanto na ilang linggo na ang nakaraan nang nangyari iyon. At ilang linggo na rin mula nang mailibing ang kanyang ina ngunit hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa alaala niya ang lahat, na para bang kahapon lang nangyari.
Kahit pa sariwa ang lahat, hindi siya rito pwede magpaapekto at huminto. Hindi siya pwedeng mabasag lalo pa at siya nalang ang meron sa pamilya niya. Dapat siyang maging matatag dahil walang ibang poprotekta sa pamilya niya kundi siya.
Huminga ng malalim si Keith at inisa-isa ang mga trabaho na gagawin niya sa buong araw.
“Ate Kit, handa na ang almusal!” Masayang bungad ng busong kapatid na lalaki nito na si Owen, walong taong gulang. "Bangon na!" Sabay halakhak.
Bumangon si Keith at nakita na nakahain na ang kanilang simpleng agahan, hindi kasing garbo ng iba pero sapat na para matawag na masaya, "Wow, galing na magluto ng Beverly namin ah," puri niya sa kapatid niya habang humihigop ng mainit na kape na nakatimpla na, "Tamang-tama rin ang timpla." Napasipol siya sa sarap.
"Kami ang nagluto niyan, ate." Sabat ni Avis- labindalawang taong gulang, kapatid na sumunod kay Beverly— habang dala-dala ang umuusok na kawali ng sinangag. "Ako din ang nagtimpla n'yan."
"Oo nga naman ate, na he-hertz mo ang feelings namin ni ate Avis… physics jokes, anyone?" Wika naman ni Irus -labing isang taong gulang, sumunod na kapatid ni Avis— habang inaalalayan niya ang tatay nila papuntang lamesa. Napailing na lang siya nang walang maka-gets ng joke niya. "Kahirap talaga ng intelligent." Iiling-iling nitong sabi.
"Kay aga-aga, Irus, sinasabi ko sayo, mahe-hertz kang tunay pag 'di ka pa tumigil." Angil ni Avis, sabay amba ng sandok. "Tignan natin kung ano ang acceleration ng sandok na 'to pag in-applay-an ko nang force sa mukha mo."
"Ate, mali nama–"
"Magtigil ka, kukutaban ko bungo mo-"
"Kung gano'n, nasaan si Beverly?" Tanong ni Keith na napahinto sa paghigop ng kape.
Nagtinginan lang ang bawat isa, "Wala ba sa kawarto niya?" Muli nitong tanong.
"Pinuntahan ko na pero wala," saad ni Owen habang puno ang bibig ng pagkain.
Tumingin naman si Keith kay Avis, ngunit nagkibit balikat lang ito, "Wala sa kusina."
Pumaling naman kay Irus ang mga mata ng panganay, pero umiling lang ang nakakabatang kapatid, "'Di ko siya nakita sa labas nang kumuha ako ng panggatong."
At huling tiningnan ni Keith ang kanilang tatay, nagbabakasali na nakita niya ito, "'Tay? Ikaw? Nakita mo po?"
"Oo, kahapon ng hapon. Sabi niya bibili lang daw siya ng lulutuin para sa umagang 'to." Saad ng tatay niya na nababakas na sa mukha ang pagkabahala.
Sa salita pa lamang ng tatay niya ay alam na ni Keith.
Nabalisa ang mag-ama ng mapagtanto nila na halos isang gabi nang wala si Beverly Ngunit parang sila lang ang nakakaramdam ng takot dahil ang mga bata ay patuloy lang sa gawain nila.
"Pupunta po muna ako sa mga kaibigan ni Beverly, baka po nando'n lang siya at nakitulog." Ani ni Keith, sabay tayo at kumuha ng jacket, umalis siya nang hindi man lang natapos ang kape.
Nagpunta si Keith sa bahay ng mga tinuturing na kaibigan ni Beverly pero hindi niya doon nakita ang kapatid niya. Inisa-isa ang mga posibleng lugar na pwede niyang tuluyan pero wala pa rin.
"Bakit ba iba ang kutob ko?" Wika niya sa sarili niya na mabilis naman nitong binawi, "Ay, epal mo Keith. Nag-overnight lang 'yon." Giit niya sa sarili niya at nagpatuloy.
Pero kahit na anong pilit niya na 'wag mag-alala ay wala pa din 'tong epekto, kaya naman mabilis siyang tumawag sa tatay niya, "'Tay, deretso na po ako ng barangay hall, hihingi po ako ng tulong para hanapin si Bev. H'wag po kayong mag-alala d'yan, keri ko 'to." Biro ni Keith para hindi na mag-aalala pa ang kanilang ama.
Ngunit pagkababang-pagkababa ng cellphone nito ay kumaripas ng takbo si Keith papunta sa barangay hall at dumeretso siya ng Secretary's office para sa report.
Tinulungan naman agad si Keith ng mga tanod para maghanap. Muling kinatok ang mga bahay ng mga kaibigan at kababata ni Beverly, pero wala pa rin. Pati ang mga tambayan ay hinalughog na rin pero wala pa ring senyales ng batang Dresnos. At bawat oras na lumilipas na hindi nila makita si Beverly ay parang sinasaksak ng kaba ang puso ni Keith, "Bev, saan ka ba nagsuot?" Bulong nito sa hangin habang pinupunasan ang pawis gamit ang laylayan ng sleeve ng jacket niya. "Pag nakita kita, sinasabi ko sayo, bawas 'yang allowance mo."
"Keith hija, napuntahan na natin bawat sulok ng barangay pero wala talaga," wika ng kapitan, "humingi na rin ako ng tulong sa karatig barangay natin at binigay ang mga detalye ng report mo pero walang Beverly Dresnos na nakita doon."
Pakiramdam ni Keith ay para siyang binuhusan ng nagyeyelong tubig sa mga puntong iyon, kawawala lang ng kanyang ina at ngayon naman ang kaniyang kapatid ay hindi niya makita.
'What the hell?!'
Hindi niya matanto kung ang panginginig ba na nararamdaman niya ay dahil sa lipas ng gutom dahil hindi pa siya kumakain ng kahit ano sa buong araw na paghahanap o dahil na rin sa pagod, o dahil sa katotohanan na nawawala si Beverly.
"Keith, mas mabuting ilapit na natin to sa mga pulis," aning muli ng kapitan, "hapon na, nitong oras din 'to expected na nawala ang kapatid mo, 'di ba? 24 hours na ang nakaraan. Mag-file na tayo ng missing person report."
Tumango-tango nalang si Keith, kahit pa gustuhin niyang ipilit na hanapin si Beverly ay wala na siyang magagawa dahil sinuyod na nila ang buong barangay.
Kaya naman, gaya ng payo ng kapitan, dumeretso na sila sa police station. "Ma'am, 'hwag po kayong mag-alala, gagawin po namin ang makakaya namin para mahanap ang kapatid ninyo." Sabi ng police na lalaki sabay hawak sa nanginginig na kamay ni Keith na nakahawak naman sa ballpen ng log book.
Para bang narindi ang tainga ni Keith sa sinabi ng pulis. Dahil sa pagkakaalala niya, gano'n din ang mga salitang sinabi ng mga doktor sa kaniya noong aksidente, kaya naman hindi niya maiwasan na magduda. Pero agad na iwinaksi ni Keith ang negatibong pag-iisip niya at marahang binawi mula sa medyo humihigpit na kamay ng pulis ang kaniya.
"S-salamat po, doc…"
"Doc?"
"Ay, este sir pala. Sorry, sir, mukhang mas bagay ho sa inyo ang mag-doktor…" pabirong bawi ni Keith na nagpatawa naman sa pulis. "Sige ho, mauna na ako. Pakibalitaan na lang po ako sa oras na may lead na kayo sa kapatid ko." Wika ni Keith sabay talikod.
Samantala, ang pulis na naiwan sa istasyon ay 'di maalis ang ngiti sa labi habang inaalala ang saglit nilang pag-uusap, "Sir, mukang nalatigo ka yata." Ngisi ng kasamahan nito.
"Ano ka ba, trabaho ay trabaho." Giit naman nito.
"Sus, d'yan din nagsimula ang lolo at lola ko no'n." At nagtawanan ang mga kapulisan sa istasyon, "Mas mabuti siguro sir kung mahanap ninyo ng mas maaga ang kapatid no'n. Para mas buo ang tiwala sa inyo."
"Aba, dapat lang. Kaya kayo, gilas-gilasan n'yo."
Sa kabilang banda naman, umuwing bigo si Keith. Wala siyang kahit katiting na ideya sa lugar kung nasaan si Beverly at kung ano na ang lagay niya. At hindi rin naman siya mapanatag sa pangako ng pulis sa kaniya.
Napakabigat ng pakiramdam niya, akala niya tapos ang pagpapahirap sa kanya ng mundo, nang bawiin nito ang nanay niya pero parang hindi pa ata tapos ang lahat. Parang nag uumpisa pa lang ulit ang tadhana.
Marahang tinapik ni Keith ang kaliwang balikat niya gamit ang kanang kamay, nakagawian na niya ito sa tuwing may mabigat siyang dinaramdam. Sa pamamagitan kasi nito, feeling niya may karamay pa rin siya.
Pumasok siya ng bahay nila at nakita na patay na ang mga ilaw, indikasyon na tulog na ang mga kasambahay niya. Sinindihan niya ang light switch pero walang ilaw ang sumindi, "Luh? Walang kuryente?"
"Hindi 'nak–"
"Anak ng kabayong pating!" Bulyaw ni Keith nang marinig niya ang boses sa gitna ng dilim, "Ikaw ba 'yan 'tay o impostor ka?"
"Ako 'to," pagpapakilala ng ama.
"'Susmeyo, 'tay! Feeling ko nanginig pati apdo ko. 'Hwag naman ho kayong bigla-biglang nagsasalita sa dilim ng ganyan." Maktol na saad ni Keith, pero gano'n pa man, she let out a huge sigh of relief when she heard her father's voice.
Napatawa na lang ang tatay niya, "Dalawang buwan na raw tayong 'di nakabayad ng kuryente kaya pinutulan na tayo."
Bigla namang napasapo ng ulo si Keith, "Oo nga pala, bukas na bukas 'tay magbabayad na ako para sa susunod na tatlong araw may kuryente na ulit tayo. Matulog na po tayo, bawal sa inyo ang ma-stress at mapuyat." Wika nito na pahakbang na sana papunta sa kaniyang kwarto nang magsalitang muli ang tatay.
"Si Bev? Nakita mo ba siya?"
At muli na namang dumaloy sa katawan ni Keith ang takot at pagkabalisa. Napatigil siya sa paghakbang at umiling habang nakatungo ang ulo, "H-Hindi po, 'tay. 'Di po namin siya nakita dito sa barangay, kahit sa karatig bayan." Sagot ni Keith pero nabalot lang ng katahimikan ang gabi kaya habol niya, "Pero h'wag po kayo mag-alala, pulis na raw ang bahala."
"S-Sige 'nak, matulog na tayo." Mahinang usal ni tatay. Halata sa nanginginig nitong boses ang sobrang pag-aalala.
Tahimik ang buong gabi pero si Keith ay gising na gising pa rin, iniisip ang kapatid niya. Nakakagat labi nitong kinakalkula sa isip niya kung paano niya pagsasabay-sabayin ang mga trabaho at ang pagtulong sa paghahanap.
Hindi niya mapigilan na mapaluha. But this time, she chose not to let it slide down from her eyes. Pinunasan niya ito agad.
Sa sitwasyon niya ngayon, alam niya na hindi nya kakayanin ang paghahanap at pagtatrabaho at the same time. Kaya naman kahit labag sa konsensya niya na humingi ng tulong sa iba ay nilunok niya ang pride niya.
Mabilis na kinuha ang phone niya at tinawagan ang numero na kaibigan niya. Nagring ng ilang segundo ang phone bago pa may sumagot nito…
"lowkit, napatawag ka, miss mo 'ko?"
At napabuntong-hininga na lang si Kieth. Sa sobrang kapraningan niya ay napatawag siya ng disoras ng gabi, kaya naman ang kausap niya ngayon ay lasing sa antok. She wanted to end the call but she's here now, there's no turning back.
"Apollo, I… can I talk to you tomorrow?"
"Ba't 'di pa ngayon? Gising na 'ko. May nangyari ba?"
Natuwa naman si Keith nang maramdaman niya na talagang nag-aalala si Apollo sa kaniya kahit na halata dito ang pagka-antok kaya naman napangiti na lang siya ng bahagya. "Bukas na lang Apollo, matulog ka na–"
"Punta 'ko d'yan, ngayon na. Bihis lang ako at baka mabigla ka pag nakita mo abs ko–"
"Bukas na magpahinga ka na lang."
"20 minutes max. Wait for me." At pinatay na niya ang tawag.
She rolled her eyes and kept it peeled until he arrived. Apollo called her since he didn't want to use his automobile horn.
"Kit, ikaw ba 'yong babaeng kumakaway sa 'kin sa tabi ng puno ng balete? Ang wiered ng suot mo."
"Nag-aadik kaba?"
"Joke lang."
"Andito na ako." Kinatok ni Keith ang salamin ng mamahaling kotse ni Apollo at sumakay dito.
"Sa'n mo gusto pumunta?" He asked her. "Late night dinner tayo?"
"No thanks, just take me wherever you want."
At dinala ni Apollo si Keith sa premiso ng bahay nila. “Wow, sa bahay niyo talaga?”
“What? Sa’n mo ba gusto pumunta? ‘Di ba sabi mo dal’in kita sa kahit saan? Ayaw ko naman sa delikado. At halos lahat ng pwede nating pasyalan ay delikado sa mga oras na ‘to.” Giit ni Apollo sabay turo sa wall clock nila. “Sabihin mo lang sa ‘kin kung may gusto kang kainin, papaluto tayo kay manang o kaya naman pwede tayong umorder na lang.”
“Apollo, I need a favor…” she spoke so low, kaya naman medyo kinabahan si Apollo ng bigla.
“What is it?” At dito na sinabi ni Keith lahat ng nangyari sa buong araw niya. She was slumped on the couch with her half-lidded eyes, barely staying open. Halata sa bawat mabagal na pagkurap ng mga mata ni Keith ang pagod niya.
She sighed and darted her exhausted eyes on him. Apollo couldn’t deny the fact that her half-lidded eyes looked so alluring to him. Bigla namang umawang ang bibig ni Apollo nang makita bahagyang ngumiti si Keith sa kaniya.
She looked at him straight in the eyes, she slowly approached him and stood in front of him, while he’s sitting on the couch. Nakatingala si Apollo sa dahil sa mas matangkad si Keith sa posisyon nila ngayon.
“Keith?” tinawag niya ito habang kabadong umaatras sa backrest ng upuan.
Malagkit pa rin ang tingin ng dalaga sa kaniya, “I need you…” pagkasabing-pagkasabi nito ay bumigay ang mga tuhod ni Keith dahil sa matinding pagod kaya naman siya ngayon ay nakapatong kay Apollo na hindi alam kung saan ilalagay ang kamay at kung anong pwesto ang gagawin niya.
Bigla namang uminit ang mukha ni Apollo, at namawis ang sintido niya, “H-Huh?” aligaga at hindi alam kung paano hawakan si Keith sa posisyon na ‘yon.
“Kailangan kita Apollo,” bigkas muli ni Keith sa mahina nitong boses habang ang mga braso nito ay yumayakap sa binata.
“Keith– oh god!” nabigla si Apollo ng bigla niyang maramdaman ang malalambot ng bundok ni Keith na unti-unting dumidiin sa kaniya namang hulmado at matigas na dibdib.
Bigla niyang hinawakan si Keith sa balikat para sana itulak siya palayo pero hindi niya magawa at para bang unti-unting napupunta ang lakas niya sa ibang direksyon. “K-Keith… A-Ano kasi… h-hindi pa ata ako r-ready. I mean, of course, okay lang sakin, pero given the situation parang marami ka pang pinagkakaabalaha–”
“Huh? Anong sinasabi mo? ‘Diba sabi mo sa ‘kin pag kaylangan kita sabihin ko lang sayo?” Usal ng babae na hinang-hina naman dahil sa sobrang pagod.
“Oo nga, pero… A-Ayokong mag-take advantage sayo.” Nauutal nitong bigkas, habang sinusubukang pahupain ang nag-iinit niyang mukha.
“Apollo, I need a job…” bulong ni Keith sa sobrang hina nitong boses. Dahil siya ay nakatungo sa balikat ni Apollo, ramdam na ramdam na ramdam ng binata ang init ng hininga nito sa kaniyang leeg.
Napakagat na lang siya sa ibabang bahagi ng kaniyang labi at tuluyan na niyang niyakap ang dalaga, at hinalikan ang leeg nito pero agad siyang natauhan ng makita niya na tulog na pala ang dalaga, “Anong sabi niya? Trabaho?”
Binuhat ni Apollo ang mahimbing na natutulog na dalaga at pinunta niya ito sa kaniyang kwarto, since ang ilang mga guest room sa manor nila ay ginawa nang stock room.
Kasalukuyan namang nasa CR si Apollo ng kanyang kwarto at tinignan ang sarili niya sa salamin pagkatapos niya maghilamos at gisingin ang diwa niya.
Hinaplos niya ang mga natitirang butil ng tubig sa mukha niya at aksidente niyang nakita ang ibabang bahagi niya na nangangailangan ng atensyon, “Pambihira naman, mariang palad na naman po tayo, oo.”