“Yes, I will do something about it.”
“Yes, I will take care of it.”
“Yes, I can handle that.”
“Yes, that’s not a problem.”
Iyon ang mga salitang madalas marinig ni Apollo mula kay Keith sa buong linggo habang binabati niya ang mga bumisita sa burol ng kanyang ina. Pero kahit na burol ay ang iba naman ay nagpunta lang doon para maniningil ng pautang o di kaya’y nakikisuyo ng trabaho na hindi naman tinanggihan ng dalaga. Binabati niya pa rin ang mga ito ng may ngiti sa labi.
Sa kabila ng mga pagsubok, lagi siyang nagpapakatatag para sa pamilya niya, kaya naman lubos na humahanga si Apollo kay Keith. Pero kinakabahan rin siya sa mga kinikilos ni Keith dahil sa mga nagdaang ilang araw, simula nang nawala ang nanay nito ay hindi na niya halos nakita itong natulog man lang. Aalis siya at magtatrabaho, babalik ng hating gabi pero ang dala ay trabaho pa rin.
That’s the most alarming part. Apollo can tell that she’s drowning inside but she’s refusing to let anyone in. Not even her own siblings. Even him, her friend, she didn’t let him see how weak she is.
“Ate Keith, magpahinga ka na, ako nang bahala dito…” malambing na saad ni Beverly–ang nakababatang kapatid ni Keith na labing-apat na taong gulang– habang nakikita nitong ini-impake ng ate niya ang mga naiwang gamit ng nanay nila.
Pero hindi man lang siya binigyang pansin ng dalaga, “Apollo, pwede bang pakihatid si Bev sa kwarto niya? Tatapusin ko lang ‘to.”
Magsasalita sana si Apollo nang makita nito ang sakit sa mga mata ni Beverly, pero hindi niya natuloy nang magsalita na si Bev.
“Ate Keith, alam ko pong nasasaktan ka. Alam kong pagod ka na at nahihirapan. Kaya tigilan mo na ang pag-asta na parang walang mali, na parang walang nangyari.” Naiiyak na bitaw ni Beverly habang nakakuyom ang magkabilang kamay nito. “Ate, pwede ba? Kahit minsan lang, kahit isang beses lang, hayaan mo kaming makita kang mahina.”
At sa wakas, nilingon na sila ni Keith, pero ang bumungad sa kanila ay ang nangingitim nitong mga mata at pagod na ngiti, “Beverly, anong sinasabi mo? Wala namang mali.” Pinipilit niyang pagtakpan ang pagod niya gamit ang ngiti. "Tatapusin ko lang 'to sagli–"
“Meron! Merong mali, ate! Wala na si nanay, pero wala kang ginawa kundi umalis ng bahay at magtrabaho kahit pa burol niya!” Sigaw nito sa kanyang ate. “Halos hindi ka na namin nakikita dito, ni hindi ka nga namin nakitang umiyak. Ni hindi ka rin nakita ni tatay sa buong burol. Ate naman–”
“Bev, please, kakausapin kita pagkatapos ko dito, please, sumama ka nalang muna kay kuya Apollo mo." Mahina at nagtitimping tugon ni Keith.
“Bev, let’s just go.” Hinawakan ni Apollo ang balikat ng bata pero winaksi lang ito ni Bev at patuloy na nagsalita. "Palagi mo na lang kaming tinataboy kay kuya Apollo at ikaw palagi kang umaalis. Sinasabi mo na kakausapin mo kami pero hindi mo naman ginagawa. Hinahanap ka ng mga kapatid natin, ate. Hinahanap ng tatay ang presensya mo, pero wala ka!" Halos mabulunan si Bev sa sarili niyang mga hikbi pero hindi pa rin siya tumigil, gusto niyang isiwalat lahat ng nararamdaman niya, "Paggising namin sa umaga wala ka, pag matutulog na kami sa gabi wala ka pa rin. Nasaan ka noong pinaka kinailangan ka namin, ha? Mas naging kapatid pa namin si kuya Apollo kaysa sayo at hindi na namin alam kung kapatid ka pa ba namin!"
Nanlaki na lang ang mga mata ni Apollo nang marinig niya ito, hindi niya masisisi si Beverly dahil may punto naman siya, pero sadyang hindi lang ito ang tamang oras para sa ganitong usapan, lalo pa at siguradong may dahilan si Keith "Bev, mas mabuti siguro na magpahinga na mun–"
“Beverly!” Biglang sigaw ni Keith na pumutol sa mga sinasabi ni Apollo. Hinablot naman ng dalaga ang mga balikat ni Beverly, "kailangan kong magtrabaho para sa 'tin. Alam mo ba kung anong mangyayari sa atin kapag tumigil ako sa pagtatrabaho? Alam mo ba ha?!" Pasigaw ring sinagot ni Keith ang kapatid niya. "Tama ka, wala na tayong nanay. Ako na lang ang meron sa atin. Ang tatay hindi makapag trabaho at alam mo na may sakit siya. At ang mga kapatid naman natin ay mga bata pa at wala silang kayang gawin maliban sa pag-aaral. Hindi mo ba nakikita? Walang wala na tayo!" Sigaw niya sa mukha nito, pero mabilis lang din na humupa ang galit nito at napalitan ng lungkot, “We have nothing Bev… If I stop now, no one will help us.”
Napatahimik na lang si Beverly habang nakatungo ang kanyang ulo, "Ano bang sinasabi mong wala na? Nandito kami, nandito ako, may magagawa pa tayo. Pwede naman akong tumigil ng pag-aaral at maghanap na lang ng pansamantalang trabaho para makatulong naman sa mga gastu–"
"Hindi, hindi ka aalis, hindi ka hihinto sa pag-aaral."
"Pero ate, nahihirapan ka na at ayaw kong makita ka na nag kakaganyan kung meron naman akong magagawa!"
“Beverly Dresnos! Hindi ka aalis. Magtatapos ka ng pag-aaral. Wala kang ibang pagtutuunan ng pansin kundi ang pag-aaral mo." Malinaw na sinabi ni Keith pero hindi ito tumugma sa pagkakaunawa ng kapatid nya.
"Hindi… hindi mo akong nakikitang kasing husay mo. Ang tingin mo lang sa 'kin ay mahina at walang kayang gawin." Saad niya habang nauutal-utal bago siya tumakbo palabas ng kwarto ng kanilang ina.
Nangatog ang mga tuhod ni Keith at napaluhod na lang siya sa sahig na kahoy. At dito niya nararamdaman na parang iniipit siya ng mundo.
Ginagawa niya ang lahat para labanan ang mga pagsubok pero kahit na anong tapang at lakas ang meron siya, pilit pa rin itong inuubos ng mundo na para bang mas nagiging masaya ito kapag nakikitang nadudurog siya.
Ang nakamamanhid na sensasyon na iniwan ng pagkawala ng kanyang ina ay unti-unti nang nawawala, at ang naiwan na lang ay ang sobrang lamig na pakiramdam na naghahatid ng libo-libong tusok ng karayom sa buo niyang pagkatao. Hindi siya makagalaw at para bang siya'y nalulunod sa tubig na hindi nakikita at lahat ay hinihila siya pailalim.
Nagmamadali naman siyang pinuntahan ni Apollo at binalot siya sa napakahigpit na yakap. 'Yon na lamang ang tanging nagawa ni Apollo, dahil alam niya na kahit anong sabihin niya ay hindi ito maririnig ni Keith. Dahil sa mga sandaling 'yon, ang balahaw ng kanyang kaluluwa ay mas lumalakas habang ang mga durog na piraso ng kanyang puso ay paulit-ulit na tumutusok dito.
Nang mahimasmasan na si Keith ay marahan na siyang kumawala mula sa mga bisig ni Apollo at pinunasan ang mga natuyong luha, "Maraming salamat, Apollo." Bigkas niya sa hindi maitagong malat na boses. "Pakibantayan na lang muna ang tatay at mga kapatid ko. May pinapadeliver lang sakin si Rachelani, medyo maganda kasi ang pasweldo niya sa mga delivery personnel niya kaya hindi ko matanggihan. Medyo matatagalan per–"
“Keith, tingin ko tama si Beverly. Mas mainam na magpahinga ka na muna. Spend time with your family, take them outside and eat, or just I don’t know… relax?” He mumbled so softly as if he’s talking to someone so fragile. “Make time for them, I’ll handle the rest.”
“Ha?” Paangil na bigkas ni Keith at halatado sa mukha niya ang disappointment, “pati ba naman ikaw?!” Sigaw niya na naging pabulong ng bumitak ang boses nito. “Apollo, out of all people, you’re the only one I thought will understand me!” Sigaw niya. “Paano ako magre-relax kung nakikita ko na nahihirapan ang tatay ko sa bawat segundo? Kung titigil ako sa pagtatrabaho kahit isang araw lang, sinong magbabayad ng mga gamot niya? Sinong magpapakain sa pamilya ko? Sinong magbabayad sa school fees ng mga kapatid ko? Wala ni isa! Apollo, wala ni isa ang tutulong samin! Naintindihan mo ba 'ko?!"
“I’m sorry, Keith, hindi naman 'yon ang gusto kong iparating. At saka isa pa, andito naman ak-"
“Apollo…” pabulong na ani ni Keith habang nakayuko ito at pagod na iiling-iling na tila ba nagmamakaawa na 'wag na siyang magsalita. “Napakadali para sa 'yo na sabihing mag-relax dahil wala kang problema sa pera.” Nakagat-labi itong nakayuko, “Pero kahit isang araw lang o kahit isang oras man lang, try walking in my shoes, maybe then you'll see how hard life is to someone like me." She then walked past him.
“That’s not what I meant, please…” nagsusumamong tugon ni Apollo.
“Apollo kung gusto mo talaga akong tulungan, pakiusap tumahimik ka na lang.” Nanghihinang sagot nito habang ang mga mata nito ay umiiyak ngunit walang ng luha na lumalabas. “Pagod ako, Apollo, ‘wag na ng makisabay pa.”
“I’m sorry, I really do. But please, Keith, take a rest. Hindi ka na natutulog, ayokon-”
Napasingasing na lang si Keith, “Apollo, alam mo ba kung bakit mas pinipili ko na lang na lunurin ang sarili ko sa trabaho?” Tanong nito sa kaniya, ngunit nanatiling walang imik si Apollo.
“Dahil sa bawat oras na pumipikit ako nakikita ko ang nanay ko na duguan at walang buhay. Na hindi ko na ulit makikita ang mga ngiti niya kahit kailan.” Pabulong nitong saad at halatang nagpipigil ng mga hikbi.
“Tinatanong ko sa sarili ko kung bakit ang bilis naman. Bakit siya pa, sa dinami-rami ng mga tao, bakit siya pa. Bakit hindi na lang ‘yong mga kriminal na halang ang kaluluwa.” Sa mga punto na ‘to unti-unti ng tumataas na ang boses niya, kahit pa na sinusubukan niyang maging marahan at pigilin ang palahaw ng puso niya. “At sa bawat segundong lumilipas na nakapikit ako ay nilalamon ako ng mga sigaw sa utak ko na walang tigil sa paninisi… dahil putangina!”
Hindi na napigilan pa ni Keith ang galit niya at galit na galit na dinuro ang sarili niya, ”Ako ang panganay, ako ang tapos sa pag-aaral, at ako ang may kakayahang magtrabaho sa pamilyang ‘to! Ako lang ang magiging katuwang nila, ako lang ang pag-asa nila! Ako sana ang dapat aalalay na sa kanila, sa mga kapatid ko. Ako lang sana…”
Napahagulgol na lang si Keith sa sobrang galit, ngunit hindi kay Apollo, kundi sa sarili niya. “P-pero…” nauutal nitong singhap, “hindi ko man lang sila naipanalo, Apollo.” Hinatak ni Keith ang kwelyo ng damit nito at kinuskos ng walang patumangga sa mga mata niyang basa ng mga luha ngunit nag-aapoy sa init, “Apollo, hindi pa ko nananalo pero nawala na ang unang tagasuporta ko. Wala pa akong nakakamit para sa pamilya ko, pero bakit ganito? Pwede bang sabihin mo sa ‘kin kung bakit?” Tuluyan ng nawalan ng lakas ang mga tuhod ni keith dahil sa bigat ng nararamdaman niya at tuluyan ng napaupo.
Napakunot ng noo si Apollo dahil hindi niya matiis ang nakikita niya kaya’t madalin niyang niyakap ang dalaga at binigyan ng banayad na halik sa bumbunan. Hindi na siya umimik pa, at hinayaan na lang na umiyak ang dalaga sa mga braso niya habang siya’y mahigpit na nakayakap dito.
Mas pinili niya na magsawalang imik, dahil sa puntong ito, alam niya na hindi kailangan ni Keith ng matatamis na salita at mga komento ng papuri kung gaano siya kagaling sa paningin niya at hindi isang talunan. Sa ngayon ay kailangan ni Keith ay isang kaibigan na masasandalan.