bc

Love and Revenge of Mafia's Heiress

book_age18+
1.0K
FOLLOW
7.4K
READ
revenge
dark
HE
mafia
heir/heiress
scary
like
intro-logo
Blurb

Hindi lang maganda, sexy, mayaman at magaling na Cardiologist si Bianca Marchetti kundi siya rin ang itinatago at kaisa-isang anak ng Mafia Lord. Malaking lihim kay Bianca ang tunay niyang pagkatao. Bago pa man siya isilang ay inilayo na siya ng ama upang makapamuhay siya ng normal at maitago sa mga kaaway nito. Ngunit sadyang walang lihim na maitatago ng habambuhay. Nang mapatay ang ama ay nalaman ni Bianca ang lahat ng sekreto ng kaniyang pagkatao at pamilya.

Para makapaghiganti sa pumatay sa kaniyang ama ay pinili ni Bianca ang maging bahagi ng Mafia. Kaya mula sa pagiging Doctor na sumasagip ng buhay ay wala na siyang awa kung pumatay.

Ano na lamang ang kaniyang gagawin kapag nalaman niya na ang pumatay pala sa kaniyang ama ay ang ama rin ng lalaking minamahal?

Paano niya maisasagawa ang paghihiganti gayong sa mga tingin pa lamang nito ay may hatid ng kilig sa kaniyang puso?

Alin ang pipiliin niya, HUSTISYA o PAG-IBIG?

chap-preview
Free preview
Chapter 1: The Doctor's Life (Bianca)
"Paging Doktora Bianca Marchetti, please proceed to emergency room now." Pabagsak na inilapag ko sa mesa ang hawak na librong binabasa ko nang marinig ang aking pangalan sa speaker na nakakonekta sa Doctor's lounge ng Estefanio Medical Center kung saan ako nagtatrabaho bilang Cardiologist. Napahugot muna ako ng malalim na hininga bago ako tumayo at kinuha ang aking white coat na nakasabit sa rack saka isinuot iyon. Halos kapapasok ko lang pagkatapos kong mag-rounds sa aking mga pasyente. Mabilis ang mga hakbang ay nagtungo na ako sa elevator para pumunta sa emergency room. Pagkalabas ko ay kaagad naman akong sinalubong ni Tobby, ang kaibigan kong Doktor at naka-assign sa emergency. "What's the status of the patient?" tanong ko sa kaniya habang patuloy kami sa paglalakad. "Still unconscious. Sabi ng family he complained chest pain bago pa nawalan ng malay," mabilis niyang sagot. Napatigil naman ako sa paghakbang nang marinig iyon. Humugot ako nang malalim na hininga saka nilingon siya. "Wala man lang kayong ginawa at inantay niyo talaga ako? It's an emergency. He had a heart attack," naiinis kong sabi sa kaniya. "Bi..." banggit niya sa aking palayaw. "Gustuhin man namin na galawin siya ay wala kaming magawa. He's... He's Mr. Philip Gallo, a friend of the Chairman at kayo lang ni Dr. Estefanio ang puwedeng tumingin sa kaniya," pangangatwiran pa niya na kailan man ay hindi ko matanggap. "Whatever! You're also a Doktor pero mas inuna mo ang pananakot nila sa'yo," mataray kong sambit saka tinalikuran ko na siya at pumasok na ako sa loob ng emergency room. Kahit hindi ko nakikita ay sigurado akong napapailing na naman si Tobby dahil sa inasal ko at hindi niya ako masisisi. Hindi ako masungit o mataray na tao. Sa totoo lang ay napakamasayahin ko. Mahilig pa nga akong magpatawa at makipagbiruan sa mga staffs ng hospital kaya sa ilang taon ay nakukuha ko ang Miss Congeniality award. Pero kapag suot ko na ang aking white coat ay para ba akong sinasapian ng ibang espiritu. Pakiramdam ko ay nagiging ibang tao ako. Siguro ay mahal ko lang ang aking trabaho at ayaw kong may namamatay na pasyente. "Are you Dra. Marchetti?" mataray na tanong ng isang nakapusturang babae na nasa tabi ng walay malay na matandang lalake. Sa tingin ko pa lang ay alam ko ng siya marahil ang asawa ng pasyente. Kahit VIP sa hospital si Mr. Gallo ay hindi ko pa nakikita ang pamilya nito. "Yes, Ma'am," kalmado ang boses na sagot ko. "What took you so long huh? Alam mo ba kung sino ang asawa ko ha?" pagmamataray niya pa uli sa akin. "I'm sorry, Ma'am but you're not allowed her inside. Pasyente lang po ang pinapayagan dito sa emergency room. Baka puwedeng sa la---," "Don't tell me kung ano ang gagawin ko," bulyaw niya sa akin. "Just check my husband and save him," dagdag pa niya. Napapikit ako at napabuga ng hangin nang marinig ang sinabi niya. Kaagad ko namang naramdaman ang kamay ni Tobby na nakahawak sa braso ko. "Hayaan mo na siya at baka tuluyan pang mamatay ang pasyente," bulong niya sa akin. Iyon nga ang ginawa ko. "We need to perform angioplasty first," sabi ko kay Tobby. "Here?" tanong niya na ang tinutukoy ay ang emergency room. "Yes! We don't have time. We need to do it now or else..." mariing kong tugon ngunit hindi ko na itinuloy at nakita ko ang reaksiyon ng babae. "Or else what?" pasigaw na naman niyang tanong. "Call the security please. Sabihin mong may nanggugulo rito," sabi ko sa isang nurse sa halip na sagutin ang babae. "Bi, asawa siya ni Mr. Gallo," paalala sa akin ni Tobby. "We're in a hospital at Doctor ang masusunod dito," tugon ko saka tiningnan ang babae ng makahulugan. Hindi ko na siya pinansin pa at nagpatuloy na ako sa aking ginagawa. Wala akong pakialam kung siya pa ang pinakamayaman sa St. Andrew dahil para sa akin ang kaligtasan ng pasyente ko ang pinakamahalaga. At ilang sandali pa nga ay dumating na ang guwardiya kasama ni Dr. Faller, isa sa mga Director ng Hospital. Narinig kong pinapakiusapan nito na lumabas ang babae. Hindi na ako nag-abala pa na makialam lalo pa at abala na ako sa pagsagip ng buhay. "Just make sure that he will wake-up," umiiyak ng sabi nito bago pa lumabas ng emergency room. Nagtinginan kami ni Tobby saka nagkibit-balikat lang ako. "May paiyak-iyak pang nalalaman eh halata namang peke," sabi ko sa aking sarili. Halos dalawang oras din kami bago natapos. Nakahinga ako ng maluwag nang makita kong successful ang ginawa namin. "You transfer him in the ICU at kapag stable na ang lahat ng vitals niya at magising na siya ay gawin na ang lahat ng test para sa bypass operation," bilin ko kay Tobby habang nagtatanggal ako ng gloves. "Okay, Doc." Pagkalabas ko sa emergency room ay kaagad akong sinalubong ni Mrs. Gallo at hindi lang si Dr. Faller ang kasama nito kundi ang iba pang Department Heads ng Hospital. Halatang nagpapalakas dahil sa VIP ang pasyente. "How is he?" kaagad na tanong niya sa akin. May magkamataray pa rin ang tono ng boses niya. "He's safe now but we need to do an open heart surgery kapag naging stable na siya. Kumbaga ay first aid lang ang ginawa namin sa kaniya. We will do all the pre-surgery test kapag nagising na siya," sagot ko na kalmado na ang boses. Mukhang bumalik na ako sa dating ako na mabait at masayahin. "What? I-Is it dangerous? A-Are you sure na gagaling siya kapag inoperahan niyo siya?" sunud-sunod na tanong niya. Tiningnan ko siya sa mata at hindi ko makita ang sinsiridad doon ngunit wala na akong pakialam kung ano man ang sitwasyon ng pagsasama nilang mag-asawa. Problema na nila iyon. "Ma'am, we will do everything para gumaling si Mr. Gallo at kapag ready na po ang lahat ay idi-discuss ko sa inyo kasama ng surgeon kung ano ang mga procedures na gagawin sa kaniya. Sa ngayon ay ililipat na namin siya sa ICU at kapag nagkamalay na siya ay maaari niyo na siyang makausap. Ang masasabi ko lang sa inyo sa ngayon ay kailangan talaga niyang operahan," mahabang sagot ko sa kaniya at tila naintindihan naman niya. Nang hindi na siya nagtanong pa ay nagpaalam na ako. Nagtungo muna ako sa Doctor's lounge para makainom ng tubig at makapagpahinga ng kaunti. Naupo ako sa sofa na naroon at ipinatong ko pa ang paa ko sa center table nang biglang bumukas ang pintuan. Pag-angat ko ng mukha ay parang ako naman ang aatakihin sa puso nang makita ko kung sino ang pumasok. Ang napakaguwapong CEO lang naman ng Estefanio Medical Center. Isa siyang Cardiothoracic Surgeon kaya madalas kaming magkatrabahong dalawa. Pero hanggang ngayon ay nakakaramdam pa rin ako ng kakaiba sa tuwing nakikita siya. Kung isa-isang tingnan ang kaniyang facial features ay masasabing tila ba inukit iyon. Napaka-perfect na para bang sinalo na niya lahat ang kaguwapuhan sa mundo. Ang OA man ng description ko pero iyon ang totoo. "How's Mr. Gallo?" seryoso ang mukha at boses na tanong niya sa akin. Saka lamang ako natauhan at mabilis kong ibinaba ang nakapatong kong paa saka tumayo ako. "We did angioplasty at nasa ICU na siya ngayon. He also needs an open heart surgery," tugon ko na halos hindi ako makatingin ng diretso sa kaniyang mga mata. Para ba kasing may ibinubuga iyong apoy na puwede akong mapaso. "Give me your full evaluation dahil inaantay din ni Chairman," aniya saka tumalikod na ngunit napatigil siya sa paghakbang pagdating sa pintuan at muli akong nilingon. "One more thing, binastos mo raw si Mrs. Gallo kanina sa emergency room." Nang marinig ang sinabi niya ay napapikit ako saka napangiti ng hilaw. Hindi ko kasi inaasahan na makarating sa kaniya ang nangyari. Inisip ko kung sino kaya ang nagsumbong. Si Mrs. Gallo o ang mga sipsip na Department Heads? "It's an emergency at nakakasagabal na siya sa ginagawa ko. I can't help it," casual na sagot ko sa kaniya. Bigla kasing nawala ang naramdaman ko kanina na kakaiba at napalitan iyon ng pagkainis. "But still she's a VVIP of EMC," aniya. "I know, Sir pero sa trabaho ko ay wala akong kinikilalang ibang mas mahalagang tao maliban sa pasyente ko," mariin kong sabi sa kaniya. Hindi na siya nagsalita pa bagkus ay tiningnan niya lang ako na hindi ko naman maintindihan ang ibig niyang sabihin. Napakawalang emosyon niya kasing tao. Pagkarinig ko ng paglapat ng doorknob ay muli akong napaupo saka natauhan. "Oh my God! What did I do?" tanong ko sa aking sarili. "He's the CEO pero kung sagutin ko ay parang si Tobby lang," dagdag ko pa saka iniuntog-untog sa malambot na sandalan ng sofa ang aking ulo. "Whatever! Tama lang ang ginawa ko. Hindi ako katulad ng ibang mga Doktor dito na pagpapabango lang ang ginagawa para ma-promote. Andito ako para mag-save ng buhay and nothing else," pagtatanggol ko sa aking sarili. "Kahit kay Chairman pa sila magsumbong ay hindi ako natatakot." Napatigil ako sa aking ginagawa nang muling bumukas ang pintuan at magsipasukan ang ilan pang mga Doktor. Nginitian ko sila at binati bago ako tumayo at nagtungo sa aking kuwarto. May schedule pa kasi ako ng clinic at siguradong mahaba na naman ang pila ng mga pasyente. At hindi nga ako nagkakamali. Pagdating ko ay mahigit sampu na ang naroon. Doon ko na ibinuhos ang natitirang oras ko ng araw na iyon sa hospital. Pasado alas syete na ng gabi nang matapos ang huling pasyente ko. Ngunit bago pa man ako umuwi ay nag-rounds muna ako sa aking pasyente na naka-admit at ang pinakahuli kong pinuntahan ay Si Mr. Gallo. Natuwa naman ako at may malay na siya. "Closely monitor him, okay?" bilin ko sa naka-assign na nurse sa ICU. "Call me immediately if something unusual happen," dagdag ko pa. "Okay po, Doc." Lumabas na ako ng hospital at naglakad patungo sa aking condo unit na katapat lamang ng hospital. Sinadya kong doon bumili ng unit para hindi na ako mahirapan pa sa pagpasok at kapag merong emergency. Ayoko naman kasing matulog sa quarters na pinapagamit ng hospital. "Bi..." narinig kong tawag sa akin. Kahit hindi na ako lumingon ay alam kong si Tobby iyon. Kaya tumigil na ako sa paglalakad at hinintay ko na lamang siya. "Bakit ngayon ka pa lang lumabas?" tanong ko sa kaniya. "Hinintay kaya kita," sagot niya. "Sakto namang nakipagkwentuhan ako sa nurse station nang dumaan ka kaya hindi kita napansin. Buti na lang sinabihan ako ng guard." "Bakit mo naman ako hinintay? Napakalapit lang ng inuuwian natin ah?" muli kong tanong at nagsimula na akong maglakad. Katabi lang ng unit ko ang unit ni Tobby. Para ko na kasing anino siya simula nang mag-aral kami sa medical school. "Let's have a dinner. Treat ko," sagot niya. "Sa bahay na lang ako kakain. Sobrang pagod na ako at gusto ko ng magpahinga." "Maniwala ako sa'yo. Siguradong matutulog ka lang na hindi kumakain. Kilala na kita, Bi," natatawa niyang sabi sa akin. Tama nga naman siya. Madalas ay ipinagpalit ko ang pagkain sa pagtulog kahit parehong kailangan ko iyon. Dinadaan ko na lang sa pag-inom ng vitamins para hindi ako magkasakit. "Sige na nga at siguradong magtatampo ka na naman." Kita ko ang saya sa mga mata ni Tobby nang marinig ang sinabi ko. Ilang beses ko na rin kasing tinanggihan ang mga alok niyang free lunch at dinner. Ayoko kasi siyang paasahin dahil minsan na siyang nagtapat ng pag-ibig sa akin. Hanggang pagiging kaibigan lang talaga ang maibibigay ko sa kaniya. Natanong pa nga niya kung lesbian ba ako kasi sa edad kong thirty-two ay hindi pa ako nagkakaroon ng boyfriend. Puro crush lang tulad ng nararamdaman ko kay Dr. George Estefanio. "Ayan na naman naisali na naman si Doc. Nahihibang ka na talaga sa kaniya," sabi ng aking isipan. "Doon na lang tayo kumain sa may korean restaurant. Kailangan natin ng mainit na sabaw pampawala ng stress," ani Tobby na nagpabalik sa aking isipan. Nasa ground floor lang ng condominium building namin ang nasabing restaurant at madalas din kaming kumakain doon ng iba pang hospital staffs. Pagkapasok namin sa restaurant ay natuwa naman kami at walang pila. Nakahanap kaagad kami ng magandang pwesto. Makalipas ang ilang minuto ay nilantakan na namin ang shabu-shabu. Halatang gutom kaming dalawa at hindi na kami makapagsalita pa. "Ang lakas mong kumain pero hindi ka talaga tumataba no?" ani Tobby nang halos masaid na namin ang sabaw sa hotpot. "Blessed lang," pabiro kong tugon. Sa totoo lang ay marami na ring nagsabi sa akin niyon. Hindi na naman sa pagbubuhat ng bangko pero maganda at sexy ako. Hindi nga lang masyadong napapansin dahil simple lang ang sinusuot ko kapag pumapasok ako sa hospital. "You are right. Ikaw na ang pinaka-blessed na babae," ani Tobby sabay tawa at nakitawa na rin ako. Saglit lang kaming nagkuwentuhan at nagdesisyon na kaming lumabas para makapagpahinga ngunit hindi pa kami nakakasakay ng elevator ay narinig kong tumunog ang aking cellphone. Kaagad ko iyong sinagot nang makita na galing iyon sa ICU ng hospital. "Doc, kailangan niyong bumalik dito sa hospital. Si Mr. Gallo __" Hindi ko na pinatapos pa ang sinabi ng Nurse at patakbo na akong bumalik sa Hospital. Maging si Tobby ay nakasunod din sa akin na tila alam na ang nangyayari kahit hindi siya magtanong. Hindi ko na pinansin pa ang pagsakit ng aking tiyan dahil sa kabusugan. Tuluy-tuloy lang ako sa pagtakbo hanggang sa makarating ako sa ICU. Pagdating ko ay naroon na ang ilang Department Heads maging si Dr. Estefanio. "W-What h-happened?" hinihingal na tanong ko sa nurse. Tagaktak na rin ang pawis ko ngunit naglagay kaagad ako ng cap at apron pagkatapos kong iabot kay Tobby ang aking bitbit na bag. "Biglang naging abnormal ho ang vital signs niya," tugon ng nurse. Pumasok na ako sa loob at ng makita ako ni Dr. George ay tumabi siya para matingnan ko ang kalagayan ni Mr. Gallo. "We need to do the open heart surgery now," sabi ko sa kaniya. "What happened with the angioplasty?" "It's not working. We have to do it ASAP," mariin kong sagot at muli na namang nawala sa isip ko na CEO ng hospital ang kausap ko. "Okay. Give me his evaluation and be ready. Let's do the operation." "Me? Operation?" pag-uulit ko sa kaniyang sinabi. "Yes. Sasama ka sa loob ng operating room," maotoridad niyang tugon. Aalma pa sana ako sa kaniyang sinabi ngunit nakalabas na siya ng ICU. Saglit naman akong natulala at kung hindi pa ako nasagi ng nurse ay hindi ako matauhan. "I'm a cardiologist. Bakit naman niya ako isasama sa operation?" tanong ko sa aking sarili. "Whatever, as if I have a choice," dagdag ko pa saka lumabas na rin ako. Ililipat na kasi sa OR si Mr. Gallo. Pagkalabas ko ay nakita kong kausap ni Dr. Estefanio si Mrs. Gallo. Nang makita ako nito ay galit na galit siyang lumapit sa akin. "Anong ginawa mo sa asawa ko ha? Akala ko ba ikaw ang pinakamagaling na Cardiologist dito?" galit niyang tanong sa akin. "I'm sorry, Ma'am, pero sinabi ko naman po sa inyo kanina na kailangan niya pa ring operahan," malumanay kong tugon sa kaniya. Nagpipigil lamang ako na sagutin siya ng pabalang. "Kapag may mangyaring masama sa asawa ko ay magbabayad ka. Tandaan mo 'yan," aniya saka dinuro ako. Biglang umakyat ang dugo ko sa ulo nang halos pumasok na sa mata ko ang mahaba niyang kuko. Magsasalita sana ako para sagutin siya ngunit napatigil ako. Paano ba naman ay naramdaman ko ang kamay ni Dr. George na nakahawak sa braso ko. Sa halip tuloy na ulo ko lang ang uminit ay naging buo ko ng katawan.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

BAD MOUTH-SSPG

read
20.6K
bc

The Real About My Husband

read
35.5K
bc

Devirginizing My Hot Boss

read
117.0K
bc

FALLEN VOWS ( SPG)

read
5.3K
bc

YAYA SEÑORITA

read
12.6K
bc

Falling to the Virgin Single Mom

read
10.9K
bc

After Divorce: The Secret Wife Became The Zillionaires’ Princess

read
26.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook