bc

Kapit Sa Patalim

book_age18+
1.8K
FOLLOW
14.5K
READ
scandal
mistress
twisted
bxg
ambitious
realistic earth
affair
seductive
sacrifice
like
intro-logo
Blurb

Ulilang lubos sina Arlene at Sanya, bata pa lang ay namulat na sa reyalidad. Kung hindi ka didiskarte ay hindi ka mabubuhay. Sa kahirapan ng buhay ay kinailangan ni Arlene gawin ang lahat para mapagtapos sa pag-aaral ang kan’yang bunsong kapatid na si Sanya.

Life is hard but Arlene is brave enough. Gagawin niya ang lahat para mabuhay at maiahon sa kahirapan si Sanya kahit na kumapit pa siya sa patalim…

chap-preview
Free preview
SIMULA
“Lumayas kayo! Mga salot!” Halos sumubsob kami ng kapatid ko sa kalsada matapos kaming itulak ng naging pangalawang asawa ng aming ama. “Bakit kami ang lalayas? Bahay namin ‘yan!” sigaw ko sa bruhang si Tita Nancy. “Aba’t!” Pinaghahagis niya sa amin ang ilang mga damit namin. Mabilis kong pinulot ang mga iyon, hindi pa ako natatapos pulutin ang mga damit ay mabilis na isinara ni Tita Nancy ang pinto ng bahay. Galit na galit akong lumingon doon. Ang kapal ng mukha niya, sa aming bahay iyon pero kami pa ng kapatid ko ang pinalayas. “A-Ate…” Nilingon ko ang kapatid ko na ngayon ay humihikbi na. Agad ko siyang nilapitan at niyakap. “Sanya, tahan na akong bahala, hmm… tahan na,” hinaplos ko ang buhok nito habang kinakalma ang kapatid ko. Matapos kong ligpitin ang mga damit namin ay nilagay ko ito sa isang bag na kasama ng mga hinagis ni Tita Nancy. Sa edad na seventeen ay kailangan kong tumayo para sa nakababata kong kapatid. Sampung taon pa lamang ito at nag-aaral pa sa elementarya. Bahala na, kahit magtrabaho na lang ako at hindi na magpatuloy sa pag-aaral basta makapagtapos lamang ang kapatid ko. Iyon na lang ang tanging mahalaga para sa akin ngayon. “Naghahanap po ba kayo ng dishwasher?” tanong ko nang makakita ng isang karatola sa isang kainan na nadaanan naming magkapatid. “Ay naku! Hindi kami tumatanggap ng bata!” Mataray na sagot sa akin ng may-ari ng kainan. Ngumiti ako at tumango, mukhang mahihirapan talaga akong makahanap ng trabaho dahil wala pa ako sa tamang edad.  Marami pa akong pinagtanungan na mga kainan at tindahan pero lahat sila ay ganoon ang naging tugon. Hindi sila tumatanggap ng bata. Gusto ko nang maiyak dahil sa mga pangyayari. “Ate, gutom na ako,” sambit ni Sanya bago sumimangot. Napabuntong hininga ako, gabi na at kahit piso ay wala akong pera. Ang kawawa kong kapatid ay nagugutom na. Gusto kong umiyak at maglupasay sa kalsada pero kahit naman gawin ko iyon ay wala namang mangyayari. Nasa ganoong ayos kami nang may baklang lumapit sa amin. “Hoy, ganda gusto mo ba ng trabaho?” tanong nito habang nakatingin sa akin. Mabilis akong tumango kahit alam kong hindi maganda ang trabahong iaalok nito sa akin. Wala na akong pakialam, ang mahalaga lang ngayon ay mapakain ko ang kapatid ko. “Good! Tara sumama ka sa’kin.” Sumama nga kami ng kapatid ko sa kan’ya at nakarating kami sa isang lugar na madilim. May mga babaeng maiksi ang mga suot at maraming lalaki na nag-iinuman. “Kumain muna kayo sa kusina, babalik ako mamaya,” maarteng wika ng bakla. Agad namang nagningning ang mata ng kapatid ko dahil sa sinabi niya. Mabilis kaming nagtungo sa kusina at kumain. Katatapos lang naming kumain nang dumating ang bakla. “Isuot mo ‘to,” utos niya at binigay ang telang kulay pula. Napakaiksi at nipis no’n, hindi ako nagreklamo. Para sa kapatid ko ay gagawin ko ito. Matapos kong magbihis ay masayang-masaya na pumalakpak ang bakla. “’Yan! Perfect!” puri niya. Tipid akong ngumiti, hindi naman ako inosente para hindi malaman kung ano itong bagay na napasukan ko. Pero wala na akong pagpipilian, gagawin ko ito o mamamatay kaming magkapatid sa kalsada. Hindi ko hahayaan na masayang lang ang buhay ng kapatid ko, ayos lang na masira ang buhay ko basta masigurado ko lang na maganda ang magiging kinabukasan ni Sanya. “Dito ka lang muna ha? Magtatrabaho lang si ate, babalikan kita pagkatapos,” nakangiting paalam ko sa kapatid ko. Tumango-tango si Sanya at pansin kong inaantok na ito. Hinaplos ko ang buhok niya bago tuluyang sumama sa bakla. “Ayon, nakikita mo ba ‘yon?” Tinuro niya ang isang lalaki na sa tingin ko ay nasa singkwenta na ang edad, may itsura naman ito kahit matanda na. Tumango ako para sabihing nakikita ko. “Lumapit ka roon, big time ‘yan. Galingan mo ha!” bilin niya kbago tinulak ako papunta roon. Nanginginig ang mga paa ko habang naglalakad ako papalapit sa lalaki. Mag-isa itong umiinom at kung titignan mo ay mukhang may dinadala itong problema. “H-Hello po…” nanginginig ang boses ko nang batiin ko ito. Ang malungkot na mata ng lalaki ay bumaling sa akin. Kumunot ang mata nito at pinasadahan ang kasuotan ko. Napailing siya pero hindi naman ako tinaboy kaya naman kahit nagkakarera ang t***k ng puso ko ay naupo ako sa tabi niya. Natanaw ko pa ang bakla at nag-thumbs up sa akin. “Malungkot ka po?” tanong ko sa lalaki. Tila natigilan siya at hindi inaasahan ang tanong ko. Nilagok niya muna nang deretso ang isang basong alak bago ako nilingon at tinitigan. “Yes, papasayahin mo ba ako?” tanong niya sa akin. Nahihiya akong tumango, alam ko namang iyon ang napasukan kong trabahong ito. Bahagya siyang natawa. “Papaano?” tanong niya. Kinakabahan ako, hindi ko alam kung anong isasagot ko. “Kung ano pong gusto mo gagawin ko,” tanging naging sagot ko na lang. “Bago ka rito,” sabi niya. Hindi iyon tanong kundi pahayag. “Pasenya na po,” paghingi ko ng paumanhin. Pakiramdam ko ay nagkamali ako, baka tanggalin na ako ng bakla. Hindi pwede iyon mahihirapan na akong humanap ng ibang trabaho at baka magutom ang kapatid ko. “Gusto mo bang sumama sa’kin?” Nag-angat ako nang tingin. Ito na ba ‘yon? Iuuwi niya ako tapos doon na magsisimula ang lahat. Siya ang unang kostumer ko, kinakabahan ako pero kailangan kong maging matatag, para kay Sanya kaya ko ‘to! “Opo,” matapang na sagot ko. “Okay, let’s go,” tumayo na ito at niyaya na ako. Tumayo na rin ako. “Anong oras mo po ako ibabalik?” Kailangan kong malaman iyon para naman maibilin ko sa bakla ang kapatid ko. “Gusto mo pang bumalik?” tanong niya. “Po?” naguguluhan ako. “Kukunin kita rito, ayaw mo ba?” Nagulat ako sa sinabi niya at parang nagkaroon din ng munting pag-asa ang puso ko. Kung kukunin niya ako ay hindi ko na kakailanganin na makisama sa marami pang lalaki. “Gusto po!” Ngumiti siya at naglakad na patungo sa bakla, agad naman akong sumunod sa kan’ya. “I’m taking her with me,” sambit niya sa bakla. “Ayy! Go lang sir,” masayang sagot ng bakla. “Here’s the payment,” inabot niya ang makapal na bungkos ng pera na puro kulay asul. Masayang-masaya naman ang bakla dahil doon. Papalabas na kami ng lalaki nang pigilan ko siya. “Bakit?” takang tanong niya. “Pwede ba natin isama ang kapatid ko?” Nahihiyang tanong ko. “Ha? May kapatid ka d’yan?” hindi makapaniwalang tanong niya. Tumango ako. Bumuntong hininga siya bago tumango. Dahil doon ay masaya akong tumakbo patungo sa kusina para kunin si Sanya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
126.3K
bc

Belles and Saints 1: RAVISHED R-18

read
36.9K
bc

The Sex Web

read
131.6K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
12.1K
bc

THE BILLIONAIRE'S AMNESIA (COMPLETED)

read
90.9K
bc

NANNY FOR THE BILLIONAIRE'S TWINS

read
66.4K
bc

Escaping My Mafia Boss Fiance

read
34.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook