“Ano ‘to?” Inis na tanong ko sa kan’ya. Nababaliw na ba siya? “Yeah, as stated there you will also be my girlfriend,” parang wala lang na sambit niya. “Nababaliw ka na ba?!” “No,” sagot niya bago ngumisi. Unti-unting umiinit na ang ulo ko sa kan’ya. Akala ko ba ay seryosong trabaho ang ibibigay niya sa akin. Bakit ganito? Malamang ay kalokohan na naman niya ito. “Ewan ko sa’yo!” Tumayo na ako at akmang aalis nang magsalita siya. “You’ll just act as my girlfriend. It’s not real,” sambit niya. Bumuntong hininga ako, kahit naman magpapanggap lang nakakainis pa ring isipin na boyfriend ko siya. “Listen to me first.” “Fine.” Muli akong naupo at hinarap siya. Kahit papaano ay sayang din naman, ang laki ng sahod ko. Hinintay ko siyang ipaliwanag kung bakit kailangan ko pang magpangg

