II.
"Ano kayang regalo sa 'yo ni Sir?" Pangungulit ni Rita kay Kiel habang magkakasabay silang naglalakad sa parking ng unibersidad. Wala silang sasakyan pero doon ang daan nila papunta sa pangalawang exit gate, malapit sa terminal ng mga jeep.
"Oo nga, buksan na natin! Curious din ako, tingin ko mamahalin 'yan kahit maliit ang packaging!" Segunda ni Wendy saka hinablot ang regalo mula kay Kiel at inalog-alog.
Kinuha ito pabalik ni Kiel at itinago na sa loob ng bag niya.
"Ako na lang mamaya pagkauwi ko. Babalitaan ko na lang kayo."
"Ito naman! Napaka mo. Hindi naman siguro kalokohan ang nasa loob niyan para itago mo pa." Natatawang biro ni Wendy.
"Hindi. Pauwi na rin kasi tayo..."
Hindi na siya nakulit pa ng mga kaibigan nang may malakas na bumusina sa bandang likuran nila. Paglingon ay nakita nila ang pamilyar na kotse. Tumapat ito sa kanilang gilid at nagbaba ng bintana ang nasa passenger's seat.
"Paharang-harang sa daan!" Pabirong bungad noong babaeng naroon.
"Hi, Ma'am Althea!" Bati ni Rita at Wendy rito. Kapwa propesor ni Sir Gino sa parehong unibersidad kung saan sila nag-aaral.
"Hi rin! Sakay na, mga magagandang dilag sumabay na kayo sa 'min ng Sir ninyo!"
Napunta ang tingin ni Kiel sa kung sino ang nagmamaneho at kaagad na bumungad ang nakangiting si Sir Gino, kumaway pa ito sa kaniya.
"Naku, sure po! Sakto nagtitipid po kami ng pamasahe ngayon." Masayang saad ni Rita saka hinila na ang mga kaibigan sa backseat ng sasakyan.
"Hindi niyo naman siguro balak mag 1 2 3 sa jeep sa pagtitipid niyo, ano?" Pabirong sabi ni Sir Gino habang palabas na ang sasakyan sa main road.
"Ayun na nga po ang original plan! O kaya dadaanin na lang sa beauty ang driver." Biro pabalik ni Wendy sa mga ito.
Nagtawanan ang lahat sa kanila maliban kay Kiel na kinikiskis ang mga palad sa isa't isa. Hindi komportable sa kinauupuan. Nasa dulo at kanan na bahagi siya sa likuran.
"Okay ka lang? Tahimik ka yata?" Nag-aalalang tanong sa kaniya ni Ma'am Althea.
Natigilan si Kiel at sunud-sunod ang naging pagtango, alanganin na ngumiti rito. "Pagod lang po... ang dami namin ginawa sa... sa klase kanina."
"Happy birthday pala! 18 ka na, pwede na makulong?" Biro ni Ma'am Althea sa kaniya. Bukod kay Wendy, Nina, at Lea na mga best friend niya mula highschool ay malapit din nang husto ang loob niya sa babaeng propesor.
Ito ang instructor niya sa isang major subject niya at natural na mabait, idagdag pa na bukod kay Sir Gino ay isa rin si Ma'am Althea sa gumagabay sa org team nila kaya naman hindi naging imposible na naging malapit siya rito.
Ngumiti lang siya rito at natabunan na ulit ng biruan ng magkakaibigang si Rita at Wendy pati na rin si Sir Gino at Ma'am Althea ang loob ng sasakyan. Hindi naman siya ganoon, hindi siya likas na tahimik sa grupo nila, pero hindi niya lang talaga mapigilang hindi maging komportable at hindi kinakabahan.
Dahil alam niyang may mali.
"Bye po, thank you po sa paghahatid sa amin nang door to door!" Masayang kumakaway si Wendy sa mga propesor nila bago tuluyang isinara ang pinto. Si Rita ay nauna nang naihatid habang si Kiel naman ay naiwan sa backseat.
"Si Kiel naman, ang may pinakamalayong bahay!" Nakangiting saad ni Sir Gino. "Pero hatid na muna kita para makapagpahinga ka na." Ani nito kay Ma'am Althea sa tabi.
"Sure ka? Wala ka nang kasama pabalik."
"Nah, okay lang naman. Kasama ko si Lord?" Natatawang sagot nito. Tumatawa habang umiiling na nagkibit-balikat na lang ang kausap.
Habang nagmamaneho ay pasimpleng tumingin ito sa rearview mirror ng kotse at nahanap ang mga mata ng dalaga na nananahimik sa backseat. Nag-iwas kaagad ng tingin ang huli at nagkunwaring may kinakalikot sa kaniyang telepono.
Ganoon lang ang ginagawa niya sa buong byahe mula pa kanina, sa tuwing nahuhuling nakatingin sa kaniya sa salamin ang propesor habang walang nakakapansin.
Ibinaba si Ma'am Althea sa bahay na tinutuluyan nito at pinalipat si Kiel sa tabi ng nagmamaneho. Ilang beses siyang napalunok.
"Huy! Ang tahimik naman ng birthday girl! Nabuksan mo na ba ang regalo ko para sa 'yo?"
"Hindi pa po... mamaya na lang po siguro pagkauwi sa-"
"Buksan mo na! Ngayon na, dali. Magtatampo ako kapag hindi."
Naiilang na tumawa si Kiel. "Mamaya na lang, nasa loob kasi ng bag ko tsaka-"
"Ngayon na, isa!"
Walang nagawa si Kiel kundi kuhanin iyon mula sa loob ng bag niya at i-unwrap.
"Nagustuhan mo?"
Silver necklace ang laman na may maliit na cross pendant. Naunawaan niya kaagad kung bakit 'yon ang napili nitong ibigay sa kaniya, alam niyang relihiyoso ang lalaki.
"Nag-abala ka pa... nakakahiya naman."
"Bakit nakakahiya? 'Di ba nga sabi ko sa 'yo... hindi ka na iba sa 'kin?" Nakangiti kahit ang mga mata ng lalaki nang sabihin 'yon sa kaniya. "Lalo na't espesyal pa ang pagkakaibigan natin ngayon..." napunta ang kamay nito sa kaniyang hita at humimas 'yon doon na naging dahilan ng lalong pagka-ilang ng dalaga. Napunta roon ang sulyap ni Kiel.
"T-Thank you po." Hinawakan niya ang kamay nito at inialis sa kaniyang hita, nagkukunwaring hahawakan na lang ang palad nito habang nagpapasalamat. "Thank you so much po, na-appreciate ko... itong regalo mo."
"Mas marami pa 'kong ibibigay sa 'yo. Lahat ng pabor na gusto mo, magsabi ka lang."
Tumigil ang sasakyan malapit sa bahay ni Kiel, liblib at madilim dahil walang streetlight, squatter's area pero puro talahiban ang nasa paligid kaya wala masyadong napapadaan na mga tao maliban na lang sa pailan-ilang tricycle at pedicab.
At bago pa magawang alisin ni Kiel ang nakasuot na seatbelt sa kaniya ay nauna nang lumapit ang propesor para gawin 'yon, saka tumigil sa harapan ng kaniyang mukha at mariing tinitigan ang kaniyang mga mata.
"S-Sir..." lumakas kaagad ang pag-iingay ng dibdib ni Kiel. Alam niya na ang mga pwedeng mangyari, alam na niya ang mga posibilidad kapag ganito ang distansya nila sa isa't isa dahil hindi naman ito ang unang pagkakataon.
"Thank you rin... about last night."
Bumigat ang paghinga ni Kiel nang banggitin pa iyon ng propesor. Sa tingin niya pa ay nag-init ang mga pisngi niya sa alaala niya tungkol sa binanggit nito at naging malikot ang mga mata, hindi makatingin nang diretso sa kausap.
Gumuhit ang pilyong ngisi sa mga labi ng propesor nang makita ang reaksyon na 'yon ng dalaga saka nagbaba ng tingin sa mga labi nito. Bago pa man makagalaw ang dalaga ay isinara na ng propesor ang natitirang maliit na distansya sa pagitan nila.
Hinalikan siya nito sa labi.
"Sir-" Pinalalayo niya ito ngunit naging lalong mariin at mapilit ang propesor, mas pinag-iigihan ang mainit na halik na ginagawa sa mga labi ng dalaga, at nang 'di makuntento sa tinitikmang mga labi ay unti-unting nagbaba ng maiinit na halik sa leeg nito habang ang mga palad ay nag-uumpisa nang dumampi sa beywang at hinaharap ng dalaga.
"You're like a drug that I couldn't get over with, Kiel."