I.

604 Words
I. "Happy 18th birthday, Kiel!" Pumutok ang party popper na hawak ng mga nasa silid pagkabukas ng mga ilaw at pagkatulak ni Kiel sa pinto, habang hawak-hawak naman ng iba ang mga pagkain at maliit na cake. Mula sa muntik nang mapatalon sa gulat na reaksyon, lumawak ang ngiti ng dalagang si Kiel nang mapagtantong ang sinabi sa kaniya ng kaibigan na may nagkakagulo sa silid ay walang katotohanan, at parte lang ng surpresa. Present ang lahat ng officers sa kinabibilangan niyang college department organization, siyam sila ro'n kabilang na siya, at lahat 'yon ay mga kaibigan niya. "Siraulo ka, sinabi mo pa sa 'kin na nag-aaway si Rita at Ariel!" "Sorry na, napag-utusan lang! Tsaka part 'yon ng plans para mas intense! Ano, na-surprised ka ba?!" Nagtawanan ang lahat sa kanila at nagkaro'n ng munting salu-salo, nasa silid sila ng organization group ng college department at pasado alas singko y medya na ng hapon kaya naman tapos na rin ang mga klase nila, at nag-uuwian na ang ibang mga estudyante na dumaraan sa hallway. Second year student sa isang pribadong unibersidad si Kiel, dahil sa scholarship kaya siya nakapasok, kumuha siya ng kursong nursing dahil pangarap niyang makaalis ng bansa, hindi dahil para makatulong sa mga may sakit sa ospital. "First time kong ma-surpresa sa birthday ko, thank you talaga sa inyong lahat." Kabilang sa mga naroon ang best friend niyang si Wendy, Nina, at Lea mula highschool. Ang iba ay sa kolehiyo niya na nakilala. "E paano ba naman kasi wala naman pakialam sa 'yo 'yung nanay mo, surpresa ng problema ang hinaharap mo ro'n, e." "Wendy!" Saway rito ng iba. Natatawang kinurot na lamang ito ni Kiel sa tagiliran at nakipagbiruan sa mga kasama. Masaya silang nag-uusap usap nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa noon ang professor at adviser ng org team. "Sir Gino!" "O, kumusta? Huli na ba 'ko sa kasiyahan na nangyayari?" Pabirong bungad nito sa lahat. Binati siya ng lahat, masayang kinausap. Maliban kay Kiel na kaagad pinag-ibahan ng mood. Mula sa masayang pakikipagbiruan ay biglang natahimik ito at hindi nakomportable sa kinauupuan. "Happy birthday, Kiel. Ito, may regalo ako sa 'yo." Nakangiting bati ng propesor sa kaniya nang makalapit ito. Ibinababa ang suot na laptop bag sa mesa nito habang nakalahad ang kamay sa direksyon ng dalaga, may hawak na maliit na kahon na nakabalot ng gift wrap. "Ay! Ang taray naman! Bakit no'ng birthday ko, walang pa-regalo sa 'kin, Sir?!" Pabirong pagsingit ni Rita, isa sa mga officer ng org na naroon. "Baka mayroon na sa susunod mong birthday, 'wag ka mag-alala!" Nakangiting segunda ng propesor. Nagbalik siya ng tingin kay Kiel nang tanggapin nito ang regalo. "Maraming salamat po..." "You're always welcome, ikaw pa. Special secretary kita, e." Nakangiting sagot nito sa kaniya saka ipinatong ang kamay sa kaniyang balikat at tinapik-tapik iyon. Nang masigurong walang nakatingin sa kanilang dalawa ay napunta ang kamay nito sa kaniyang buhok at inipit iyon sa likod ng kaniyang tenga. May malalagkit na tingin. Hindi kaagad nakaimik si Kiel, nagpatuloy ang mga tao sa paligid niya sa kanila-kanilang ginagawa at pinagkakabiruan, habang siya naman ay tila tumigil at natahimik ang mundo, nilingon niya lang ang kamay ng propesor sa kaniyang balikat at tipid na ngumiti rito bago nagyuko ng ulo. Parang sirang plaka na umulit-ulit sa memorya niya ang mga nangyari noong nakaraang gabi dahil sa paghawak nito sa balikat niya. Mabigat ang naging paghinga niya, naging mainit at mapusok 'yon na kahit maisip lang ay hindi niya mapigilang pamulahan ng mga pisngi sa hiya, at pilit na lang ikinalma ang sarili. Alam niyang walang dapat makaalam no'n.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD