XX. Huli. "Magiging posible na ulit ang matagal na namin na inanunsyo sa inyo na community duty. This will be once a week at 8 hours that day. You all will be exposed to the community and perform your tasks and responsibilities as a community nurses. Anu-ano ba ang mga 'yon?" Nagkatinginan ang magkakaibigan na sila Kiel, Lea, at Nina na kasalukuyang nakaupo ngayon sa kaniya-kaniyang monobloc chair, nagtipon ang mga nursing student at medtech student sa quadrangle para sa espesyal na iisang anunsyo sa kanila ng kaniya-kaniyang Program Head. Hindi nila naitago ang mga ngiti sa labi dahil sa excitement. Sa wakas ay may panibagong kaganapan sa kanilang pag-aaral at nararamdaman nilang umuusad sila. Mula sa silid-aralan at ilang mga laboratory ng university ay lalabas na sila sa komunidad p

