XXI. Kiss. DAHIL SA NAGING PAGUUSAP nila ni Rita ay mas lalong naging determinado si Kiel na h'wag nang makipagkita pa kay Gino. Ang una niyang palusot sa tuwing nagsasabing pupunta ito sa apartment unit niya ay si Wendy. Dahil doon na nakatira pansamantala si Wendy ay alam na rin nito na kailangan niyang umalis sa gabi hanggang madaling araw para magtrabaho sa Galaxy Club at napakiusapan na h'wag ipagsasabi ang tungkol doon sa kahit kanino, gaya ng pakiusap nito tungkol sa sitwasyon sa pamilya. Si Wendy rin ang araw-araw na paalala niya sa sarili tungkol sa konsensyang nararamdaman, kaya habang lumilipas ang araw ay mas lalong nagiging malamig siya kay Gino. "Ano ba! Anong iniiwas-iwas mo riyan? Kaya nga ako nakipagkita sa 'yo dahil gusto kong mag-s*x tayo!" Malakas na bulyaw sa kaniya

