XIV.

3610 Words
XIV. Nalilito. "SINO BA 'YUN, KIEL? Sabihin mo na!" Natatawang pangungulit ng mga kaibigan niya buong byahe. "Galit nga dapat kami dahil napakatagal mo sa napag-usapang oras eh, para makabawi ka i-share mo na lang sa 'min kung sino 'yon!" "Hindi ko nga boyfriend 'yun, ano ba kayo-" "Huy, hindi raw boyfriend! Pero narinig natin 'yung sinabi pagkatapos mag-bye sa kaniya," nilingon ni Wendy ang mga kasama sa loob ng van. "Ano raw ulit?" "Wala raw bang kiss?!" Sabay-sabay at nagtatawanan na saad ng mga kaibigan niyang nasa sasakyan. Halos mamula ang mga pisngi ni Kiel sa hiya. Maging si Althea ay tinutukso siya. Maliban sa nagmamanehong si Gino. Tahimik lang ito at walang imik. "Dalaga na si Kiel, 18 na siya! Hayaan niyo nang magkaro'n ng manliligaw, it's about time." Ani pa ni Althea mula sa passenger's seat sa harapan. Nakangiti. "Pero ipakilala mo muna sa amin, kami ni Sir Gino mo ang kikilatis kung pasok ba sa banga. 'Di ba?" Tinatapik ang katabi na aniya. "Naku, mukhang galit pa rin si Sir Gino. Napakatagal mo naman kasi. Lagot ka." "Galit ka ba? Patawarin mo na si Kiel, mukhang galing sa manliligaw niya kaya na-late nang slight." Pabirong dugtong pa ni Althea habang kinukulit na magbigay ng imik si Gino. "Nagd-drive ako." Singhal nito na hindi nakukuha ng mga pabirong suyo ng mga kasama. "Aminin mo, Kiel, doon ka galing 'no? Kasi noong nakaraan pa lang may palagi ka nang ka-chat! Siya ba 'yun?" Pag-uumpisa na naman ni Bernadette at Lea, sinegundahan ito nila Wendy, ng iba pang mga kasama nila roon na babae at lalaking co-officers na kaibigan niya rin. "Berna! Tumahimik ka na nga." "Nakakapag-chat ka naman pala pero hindi mo ma-replyan ang messages namin." Makahulugang saad bigla ni Gino. Sarkastiko at medyo inis ang tono ng pananalita, kaya naman nanahimik nang awtomatiko ang lahat. Alam kaagad ni Kiel na doble ang ibig sabihin ng sinabi nito. Napakarami nitong messages mula pa noong madaling araw, kahit missed calls din. Gustong makipagkita kung kailan maisipan, ganoon na ito sa mga nakalipas na buwan sa kaniya. Madalas ang dahilan ay gustong makipag-s*x at gamitin siya. "Oo nga naman... lagot ka, Kiel." Natatawang segunda na lamang ni Althea pagkalingon nito sa backseat kung nasaan nakaupo ang mga kausap. "Galit. Kailangan mo bumawi." Nginunguso si Gino. "Kailangan talaga." Sarkastikong dagdag ni Gino saka umismid. Naitago ni Kiel ang mga labi at nahuli ang tingin ng lalaki sa rearview mirror, matalas ang tingin at madilim ang mga mata. Kahit saglit lang 'yun at nagbalik ulit ng atensyon sa daan nang kausapin siya ni Althea ay nakuha kaagad ni Kiel na galit nga ito sa kaniya mismo. ILANG ORAS na byahe bago sila nakarating sa lugar na pakay. 2 days at 1 night ang outing kaya naman gabi ng Linggo ay nakauwi na sila pabalik sa kanya-kanyang bahay. "Ang ganda rito! Bongga naman ng parents mo, Ma'am!" Puri nila Bernadette kay Althea habang nilalakad na nila ang malawak at maaliwalas na daan palapit sa pinaka rest house. "Luma na nga 'to, napupuntahan lang kapag may espesyal na events." May naka-set na anniversary event pagsapit ng alas sais y media ng gabi, malayo sa syudad ang lugar at tabing-dagat. Puting-puti ang buhangin at halatang pribado at eksklusibo lang sa may-ari ng isla. "Marami po bang invited mamaya?" Nagbuga ng pagtawa si Bernadette sa naging tanong ng kaibigan nila. "Heto na ang kasagutan sa tanong mo." Saka nito inginuso ang nakahilerang mga sasakyan na naka-parke sa tabi. "Ang yaman pala talaga nila..." "'Di ba? Ang perfect ng relasyon nila, ang perfect nilang dalawa sa isa't isa." Segunda ni Wendy. "Parang hindi pa nag-aaway. Kulang na lang ay kasal, 'yon na lang talaga ang wala pero bukod do'n wala na! Ewan ko na lang kung ipagpalit pa nila ang isa't isa sa iba. 'Di ba!" Siniko nito ang mga katabi, kabilang na ro'n si Kiel. Hindi siya umiimik, kahit pagtango ay hindi rin. Pagpasok nila sa malaking rest house ay hinati na ang ilang guest room para sa kanila. Malalaki naman ang mga ito at tila pinaghandaan para sa kanila, may tatlong double deck bed sa bawat kwarto at dalawang room ang hinati sa kanila. Isa para sa mga babae at isa para sa mga lalaki na co-officers niya. Pagkatapos mag-ayos ng mga gamit ay sumabay sila sa pag-lunch ng parents ni Althea sa malaking dining hall ng rest house. Kasabay rin ang iba pa nitong mga kamag-anak. "Talagang isinama kayo ng anak ko, ano? Ganiyan talaga 'yan, mahilig mag-share ng blessings niya sa mga mahal niya sa buhay. Kaya 'wag niyo papasakitin ang ulo niyan sa university, ha!" Nakangiting saad ng ina ni Althea. "Galingan niyo lang sa exams ninyo, masaya na ako. Mahirap kasi mag-compute ng mabababang grade." Pabirong segunda ni Althea. Nagtawanan at biruan ang ilan sa kanila dahil doon. "Pero si Kiel, impressive. Have you seen your grades yet?" Nakangiting asik ni Althea rito. Natigilan mula sa tahimik na paghihiwa ng karne sa sariling plato si Kiel at napasulyap sa mga kasama. "Um... h-hindi pa po." Masayang napapalakpak ng isang beses si Althea. "Dapat mong makita na! Ang tinutukoy ko ay 'yung grades mo sa major subject mo sa akin, ha? Alam mo sa pagkakaalala ko nga may mababa kang score sa akin na medyo naging warning sa standing mo, since 'di ba inaalagaan mo ang grades mo? Pero no'ng chineck ko sa system, hindi ko na nakita. Ewan ko, baka hindi ikaw 'yun, mas tumaas ang scores mo sa mga sumunod na quizzes natin." Umawang ang bibig ni Kiel at bahagyang dinaga ang dibdib sa kaba. Kahit masayang binati siya ng mga kaibigan ay pasimpleng napasulyap siya sa kinauupuan ni Gino na nasa harapan lang niya at katabi ni Althea. Nakatingin din ito sa kaniya at nag-angat ng sulok ng labi. Nakumpirma niyang iisa sila ng iniisip sa mga oras na 'yon. Tumikhim si Gino at nagsalita habang abala sa paghihiwa ng pagkain sa kanyang plato. "Sa dami ng hina-handle natin na students, imposibleng matandaan pa natin ang grades nila isa-isa. Si Kiel pa, sigurado akong hindi naman mawawala sa pagiging dean's lister 'yan. Tama ba ako, Kiel?" Tipid na ngumiti lang ang dalaga kay Althea nang makitang nakangiti rin ito sa kaniya, pero hindi naglalakas-loob na salubungin ang tingin ni Gino. "Favorite ka talaga ni Lord, e." Pabirong segunda ng mga kaibigan niya. "O favorite ng mga professor?" Pagsingit ni Rita. "Imposible 'yan." Ani lang ni Kiel. "Rita, how about you?" Nag-aalalang tanong dito ni Althea. "Parang malalaglag ka na sa updated list ng dean's listers. Keep up, dear, okay?" Hindi alam ni Kiel kung tama ba ang nakita niya pero paglingon ni Rita sa kaniya ay pinag-angatan siya nito ng noo at piniligan ng ulo sa sarkastikong paraan. "Anyway, makasingit lang sa usapan ninyo," nakangiting saad ng tatay ni Althea na kasabay nilang kumain. "Kailan ka ba titigil muna sa pagtatrabaho? Unang anak niyo pa naman ang ipinagbubuntis mo, baka hindi nakakabuti kung ma-stress ka sa paperworks." "Oo nga naman, love. Nandito naman ako para magtrabaho." "11 weeks before my due date ang napagkasunduan namin ng program head. Kaya ko pa naman po, hindi naman din ako nagpupuyat. Kay Gino nga ako naaawa, siya ang sumasalo ng mga paperworks ko." Nakangiting nilingon nito ang katabing nobyo at isinandal ang ulo sa balikat nito. "Thanks, love." "You're very much welcome, love." "Ay, sus! Napakatamis. Salamat sa pag-aalaga at pagmamahal mo sa anak namin, Gino. Hindi talaga kami nagkamali sa pagpayag na maging nobyo ka ng anak namin." Masayang pinagmamasdan lamang sila ng lahat habang nag-uusap, masaya at kinikilig para sa dalawang magkarelasyon na tila perpekto ang pagsasama. Maliban kay Kiel. Wala itong reaksyon at natutulala lang sa kung paano purihin nang husto ng mga magulang ni Althea si Gino. At natutulala sa lalaki kung paano tila umaakto ito na parang walang ginagawang mali. Napatuwid ng upo si Kiel nang maramdamang may dumikit sa mga binti niya sa ilalim ng mesa. Naka-shorts siya na hindi naman maikli pero sapat na para maging exposed ang mga binti. "Okay ka lang, Kiel?" Ani Gino sa kaniya. "Bakit?" Si Althea. "Parang natutulala kasi siya, nakikita ko rito sa harapan eh. May problema ba?" Natatawang asik nito. Tipid na ngumiti at umiling lang ang dalaga pero sa puntong iyon ay alam na niya na ang dumidikit at humihimas sa mga binti niya ay ang paa ni Gino. Senswal na humihimas ito ro'n paitaas sa mga hita niya. Pinanliitan siya ng mga mata ni Gino at ang tingin ay kasing-talas ng kutsilyo. Hindi siya umaalma, natatakot na mas magalit ito sa kaniya gayong alam niyang galit pa ito sa hindi niya pag-reply at pakikipagkita noong gabi. Itinakip ni Kiel ang palad sa kaniyang bibig at impit na napasinghap nang umabot ito sa pagitan ng kaniyang p********e. Nangungusap ang mga mata niya nang salubungin ang tingin ng lalaki, dinadaga ang dibdib niya na baka may makahalata! Lalo na't nasa harap lang din ng hapag ang mga magulang ni Althea. Napapaisip siya kung hindi ba ito natatakot mahuli? Pasimpleng tinapik nito ang paa ng lalaki ngunit hindi siya pinansin. Mariing napapikit at ilang ulit na lamang siyang napalunok, hindi makahinga nang maayos sa sensasyong binubuhay nito sa ginagawa. Hindi niya gusto ang nangyayari at natural na magkaro'n ng epekto ang ginagawa nito sa kaniyang pisikal na katawan, kaya hindi na niya alam halos ang gagawin! Nahulog ang kubyertos na hawak ni Wendy kaya kinailangan nitong yumuko sa ilalim ng mesa. Doon lang kusang itinigil ni Gino ang ginagawa, pero hindi ang pagpukol ng makahulugang tingin sa dalaga sa tuwing walang makakapansin. "Parang namumutla ka na, Kiel? Ayos ka lang ba talaga?" Segunda pa ulit ni Gino, bahagyang natatawa. Dahil doon ay nilingon at sinulyapan siya ng mga kaibigan at kinumusta rin. Naikuyom niya ang mga kamao sa ilalim ng mesa. Nagpatuloy ang mga matatanda sa pag-uusap. "Kaya kayong mga kabataan, kung sakaling magmamahal kayo 'wag talaga kayong magmamadali sa pagkilatis ng lalaki. Maging kagaya kayo ng anak namin. Matalino sa pagpili." "At! Maging kagaya sana ng pipiliin ninyo ang kagaya ni Sir Gino ninyo. Tignan niyo naman, marespeto at tapat, mula noon hanggang ngayon ay iisa lang ang babaeng mahal. Wala nang iba, never nagloko!" "Uso pa naman ang pagloloko ng mga lalaki ngayon pero mukhang nasa pagpili rin talaga 'yan." "Single po kaming lahat, walang manliligaw as of now. Pero ewan lang po namin dito sa isa naming kaibigan." Nagtatawanan na saad ng mga lalaking kaibigan at co-officer ni Kiel saka siya tinukso ng lahat. "Ayan na naman tayo." Naiiling na sabi niya sa mga ito. "Hindi ko nga boyfriend." "Doon ka ba galing magdamag?" Natigilan siya nang si Gino ang magtanong. "Magdamag?" Nagtatakang pagsingit ni Althea. "Magdamag ka ro'n, Kiel? Wait, paano mo alam na magdamag?" Baling niya ulit sa katabing nobyo. Natauhan si Gino at nilingon din si Althea. Hilaw na natawa. "Wala, hindi ko 'yon sigurado. Hinuhuli ko lang si Kiel. Malay mo." Kunwa'y nagbibiro na sagot nito. Mas lalong lumakas ang tuksuhan. "Hindi po. May dinaanan lang... binalik ko lang ang jacket niya. Pinahiram niya kasi sa 'kin, nakalimutan ko lang ibalik." Kamot-ulong pagpapalusot ni Kiel. "Pero sa'n mo 'yon nakilala? Sa Pacific University rin ba 'yon nag-aaral?" "Parang hindi ko pa naman 'yon nakikita sa department natin, ibang course siya 'no?" "Hindi siya ro'n nag-aaral. Graduate na siya. Saka kaibigan ko lang talaga 'yun... wala naman sa plano ko ang magboyfriend." "Bakit muna humihingi nga ng kiss kanina bago umalis!" Nagtawanan sila. "Hay! 'Wag niyo na 'ko gisahin. Kumain na tayo, lalamig ang pagkain. Nakakahiya naman sa mga naghanda. Salamat po sa pagkain..." pag-iiba niya ng usapan saka ngumiti sa mga matatanda sa kabilang banda ng mesa. KULAY KAHEL na ang kalangitan nang pumatak ang alas sais sa orasan. Dumami nang dumami ang mga bisita sa venue lalo na nang mag-umpisa ang anniversary programme. Tabing-dagat ginanap ang event, maganda at enggrande ang catering pati na rin ang set up ng mga upuan, mesa, at ng mga bulaklak sa palibot ng paligid. May maliit na entablado sa pinakaharapan at may event host. Ang spotlight ay nasa mag-asawang parents ni Althea pero kalaunan ay napunta rin sa anak nilang si Althea at nobyo nitong si Gino. Pinakilala sila sa harapan at halos ininterview ng host habang kinikilig sa kwento kung paano sila nagkakilala, gayon din ang mga nakakapakinig. "Ah hindi pa kayo kasal? Kailan naman ang kasal? Napag-uusapan niyo na ba ang tungkol doon?" "Oo, oo. Napag-uusapan na namin, hindi naman ako makakapayag na hindi kami magpapakasal. Siya lang ang nakikita kong babaeng makakasama ko sa pagtanda ko." Matamis na saad ni Gino sa mikropono habang nakangiting niyayakap si Althea sa harapan ng lahat. "Mahal na mahal talaga nila ang isa't isa." Nakangiting saad ni Rita kay Bernadette habang nakatingin sa harapan. Nang mapasulyap ito sa gawi ni Kiel ay nawala ang ngiti sa labi at naglihis ng tingin. Naguguluhang pinagmasdan siya ni Kiel. Nawala lang doon ang atensyon niya nang maramdamang nag-vibrate ang teleponong hawak. May pumasok na bagong mensahe mula sa social media account niya. Si Brent! Brent Siguenza: Hi, Sungit! Brent Siguenza: Alam ko naman na isi-seenzone mo lang ako. May bad news ako sa 'yo, reply ka naman kapag nabasa mo 'to. Nangungunot ang noo na nagtipa ng reply si Kiel dito. Krisiane Eline Abalos: Ano na naman 'yun, Brent? Brent Siguenza: Naks! Nag-reply nga! Brent Siguenza: Iniwan mo kasi dito 'yung high heels mo, nakita ni Mommy pagkabisita sa condo ko. Brent Siguenza: Nagpalusot pa nga ako na ako 'yung nagsuot no'n pero ayaw maniwala. Sabagay, bakit nga naman siya maniniwala? Napaawang ang bibig ni Kiel habang tinititigan ang messages. Hindi niya alam kung mag-aalala siya o matatawa, napakamot siya ng sentido bago nagtipa ng ire-reply. Krisiane Eline Abalos: Hala sorry! Hindi ko napansin sa sobrang pagmamadali makauwi sa amin. Paano na 'yan? Nagalit ba? Brent Siguenza: Hahaha! Hindi naman. Gusto ka lang makasabay mag-dinner. Brent Siguenza: Pwede ka ba sa Wednesday? Kahit saglit lang. Sabado pa lang naman e, please? 'Di kasi ako titigilan nito ni Mommy. :(( Brent Siguenza: 'Wag ka ma-pressure, hindi naman girlfriend ang pakilala ko sa 'yo. Sabi ko we're just 'good friends' kahit hindi naman. :D Hindi napigilan ni Kiel ang matawa sa huli nitong sinabi. Bago pa siya makapagtipa ng ire-reply ay humarang na ang isa pang pumasok na notification. Galing kay Gino! From: 01 Busyng-busy? Magkita tayo mamaya pagkatapos nito. Lumabas ka ng rest house at hintayin ako sa gilid ng puno ng mangga sa likod. Malapit sa dagat. Nag-angat siya ng tingin sa entablado at nakita ito roon. Kinakausap pa sila ng host o emcee pero nakapagtipa ng message nang makita siyang abala sa telepono. Madilim ang tingin nito sa kaniya na siya na lang mismo ang nagputol ng tingin dito sa takot na may ibang makapansin. Itinago na ni Kiel ang cellphone niya at napuno ng kaba ang dibdib sa mga sumunod na mga minuto. "KIEL? Saan ka pupunta?" Halos mapatalon sa gulat si Kiel nang marinig 'yon. Nilingon niya ang likuran niya at nakitang naroon si Bernadette. "S-Sa kusina lang. Ikaw?" "Galing din ako ro'n. Nauhaw ako kaya uminom ako ng tubig, gulat na gulat ka naman." Natatawang saad nito. Madilim na ang buong rest house, may kakaunting ilaw sa hallway pero mahina lang dahil malalim na ang gabi. Tapos na ang event na masaya namang ginanap, nagsi-uwian na ang ilan sa mga bisita habang ang ilan naman gaya nila ay nag-stay sa rest house at sa mga bakanteng guest room. "Akala ko kung sino e. Mauna na 'ko, Berna." "Sige, tapos matulog ka na ha? Maaga pa tayo maglilibot ng isla bukas, alam mo na para masulit bago tayo makauwi." Tumango siya rito at tipid na ngumiti saka nagtungo papunta sa kusina. Pero nang marinig na ang pinto ng kwarto nila na sumara, hudyat na nakapasok na ulit ng kwarto na tutulugan nila si Bernadette ay lumiko si Kiel ng daan patungo sa main door ng rest house. Niyakap niya ang sarili nang sumalubong sa kaniya sa labas ang malamig na hangin. Gusto na nga sana niyang matulog pero alam niyang hindi na niya pwedeng galitin pa ang kikitaing si Gino. Lalo na't utang niya rito ang mga pasadong grado at scholarship niya sa darating na bagong school year. "SIR!" Gulat na singhap niya nang may humila sa kaniya mula sa liblib na parte ng lugar na pagkikitaan nila at makilalang si Gino 'yon. Madilim at napapaligiran ng mga puno sa tabing-dagat, walang ilaw kahit isa! "Ginulat mo 'ko!" Hindi ito umimik at kaagad lang na sinakop ang kaniyang mga labi, isinasandal siya sa puno ng niyog at hindi pinakakawalan sa pwesto. Ang sunod nitong hinalikan ay ang kanyang leeg, tila kanina pa sabik na gawin 'yon sa kanyang katawan. "Gino..." "Tama 'yan, ganiyan nga. 'Wag mo 'kong tatawaging Sir kapag tayong dalawa lang ang nandito." Nawawalan ng pasensya na inalis nito ang mga damit na suot ni Kiel at kahit umalma pa ang dalaga ay hindi binibigyan ng pagkakataon na makapagreklamo. "Shh. Walang makakakita sa 'tin dito." "Pero pa'no kung may maghanap sa 'yo? Saka sa 'kin?" Nag-aalala at natatakot na itinulak ni Kiel ang dibdib ng lalaki, pinipigilan ito sa paghalik sa kaniya. "Pa'no kapag nalaman nilang pareho tayong nawawala ngayong dis oras ng gabi-" "Shut the f**k up! Bakit ba puro ka reklamo? Akala mo ba hindi ko nahahalata ang pag-iwas mo sa 'kin?" Mahina ngunit mariin nitong paratang sa kaniya. Nangungunot ang noo na tinitigan pabalik ni Kiel ang lalaki. Mukha itong frustrated na frustrated. Naghahalo ang galit, inis, iritasyon, at selos sa mga mata. "Bakit? May pinagmamalaki ka na? Dahil may bago ka nang lalaki?" Hinawakan siya nito sa panga at pinanliitan ng mga mata. Nabigla si Kiel, hindi lang sa sinabi nito kundi pati rin sa higpit ng hawak nito sa kaniya ngayon. "Ginagalaw ka na ba no'n? Nagpapagalaw ka na ba ro'n? Sumagot ka!" "H-Hindi! Ano bang sinasabi mo... ano po bang sinasabi mo, syempre h-hindi!" Hindi naniniwala, sarkastikong tumawa si Gino at mas lalong naging madilim ang mga mata. Umawang ang bibig ni Kiel, namuo muli ang kaba sa dibdib niya. Mula sa galit na tono ng pananalita ni Gino ay napalitan 'yon ng desperasyon sa mga sumunod nitong pagsasalita. Nagpatuloy ito sa paghalik sa kaniya pero kasabay niyon ang paghawak sa maseselan na parte ng kanyang katawan, dahilan para mag-umpisang maapektuhan si Kiel at mawala sa sarili. "Hindi ko na nga kayang hindi ka makita kahit ilang minuto lang, o mahagkan kapag naiisip ka. May balak ka pang palitan ako? Hindi pa ba 'to sapat? Gusto mo ng mas nakakabaliw pa rito?" Nagbuga ito ng sarkastikong pagtawa habang itinataas ang isang binti ng dalaga, ang isang kamay naman ay malayang nagmamasahe sa pagitan ng mga hita nito. "Akin ka lang. Naririnig mo 'ko?" Namilipit at impit na humalinghing ang dalaga dahil sa naguumpisang mamuo na kuryente sa kanyang katawan. Tila kabisadong-kabisado ng kaharap kung saang parte ng katawan siya mababaliw kapag nahawakan nito. Mas pinag-igihan ng lalaki ang ginagawa nang makita ang ekspresyon niya. Iniyakap ni Kiel ang mga braso sa leeg ni Gino bilang suporta, pakiramdam niya ay nag-uumpisang manghina ang kanyang mga tuhod sa ipinaparanas sa kanya ng kaharap. Umiling siya rito at nagmamakaawang nangusap ang mga mata. Hindi siya pinakinggan, mas idiniin pa ang sarili sa kaniya. "Ako lang ang gagawa nito sa 'yo, naiintindihan mo? Sa 'kin ka lang mababaliw nang ganito." Halos mahilo at mabaliw sa nag-uumapaw na sensasyon ang dalaga, sinasadya ni Gino na gawin 'yon bilang pagbuhos ng nararamdaman niya. Ayaw niya sa ideyang may ibang lalaking umaaligid dito. Ayaw niyang may umagaw sa atensyon ng nag-iisang laruan niya. "Ako lang." Matapos tagumpay na ma-tanggal ang suot na pang-ibaba ay itinutok ang kahandaan sa p********e nito at umulos. Tinakpan niya ang bibig ng dalaga para pigilan mula sa pag-iingay. "Sa 'kin ka lang. Ako lang ang magpaparanas nito sa 'yo." Nang hindi makuntento ay binuhat niya ang dalaga sa magkabila nitong mga hita at isinandal sa puno ng niyog saka mas malakas na umulos. Saksi ang mga alon ng dagat sa makasalanang nagaganap sa gitna ng madilim na parte 'yon ng isla. "I love you, Kiel. Baka naguguluhan ka pa pero alam kong pareho na tayo ng nararamdaman, say it, too." Hinahapo na bulong nito sa tenga ng dalaga. "We love each other now, sa isa't isa na umiikot ang mundo nating dalawa. You can't just leave me anytime. You can't and you won't because you love me, too. Kailangan natin ang isa't isa, naiintindihan mo?" Hindi man makapagisip nang maayos si Kiel sa mga pagkakataon na 'yon pero alam niyang may partikular na emosyon sa kaniyang dibdib na kay Gino niya pa lang nararamdaman. Lalo na kapag nagtatalik sila. At kapag naiisip na marami itong ginagawang pabor para sa kaniya. Marami itong ginagawa para mapasaya siya. Hindi niya gustong maniwalang iyon na ang tinatawag nilang 'pag-ibig', hindi niya gustong maniwala kahit iyon pa ang sinasabi ni Gino sa kaniya, pero sa murang edad ay hindi niya rin naman alam kung anong klaseng 'nararamdaman' naman iyon. Kung hindi pag-ibig ay ano? Maliban na lamang kung pag-ibig nga 'yon at tama ang lalaki sa sinasabi nito? Nagtatalo ang isipan niya. Pero ano nga ba talaga ang pag-ibig? Hindi niya pa naman nararanasan kahit mula sa pamilya niya. Pakiramdam niya ay naliligaw at nalilito siya bigla. "Say it! Say you love me, too." Gigil na singhal ni Gino sa tenga niya habang mas nilalaliman ang pag-ulos sa kaniyang p********e. "I-I love you, too." Tugon niya rito na tila pati ang sarili ay pinaniniwala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD