XIII.

2978 Words
XIII. Superhero. "STOP FREAKING OUT, WILL YOU?" Malakas na singhal ni Brent kay Kiel kaya natahimik ito, pero masama pa rin ang tingin na ipinukol sa kaniya. Iritableng nameywang ang isang kamay ni Brent habang ang isa naman ay mabilis na nagkamot ng ulo. "Look, nothing happened between us last night, okay? Nothing na without your consent. Nothing at all! So, please, stop shouting your lungs out. Baka may kumatok pa rito sa condo ko at sabihing may pinagsasamantalahan ako!" Alas syete y media ng umaga na nang magising si Kiel. Iindahin niya lang sana ang tila pumipintig na mga ugat sa ulo niya sa sobrang sakit, at ang malamig na malamig na temperatura kaya naman naghila ng malambot na kumot nang matauhan siya. Una sa lahat, wala naman silang aircon sa bahay para lumamig nang ganoon ang temperatura sa kwarto niya, hindi pa ber-months, at pangalawa wala silang makapal at magandang klase ng kumot gaya ng nahawakan niya! Kaya naman bumangon kaagad siya, matapos ang ilang segundong paglingon-lingon sa paligid ay napagtantong wala siya sa bahay nila. At ang mas nagpa-todo ng pagpa-panic niya ay ang suot na oversized peach shirt na hindi sa kaniya at men's shorts na hindi rin sa kaniya. Saka niya naramdamang wala siyang suot na brassiere sa loob no'n! Niyakap niya lalo nang mahigpit ang makapal na puting kumot para takpan ang sarili saka naiiyak na sinapo ang ulo. "Paano ako makakasiguro, nandito ako sa condo mo at wala akong maalala sa mga nangyari! Tapos... tapos walang underwear! Tingin mo talaga maniniwala ako sa 'yo? Irereklamo kita sa presinto, ikaw naman ngayon ang ipapa-pulis ko!" Napapagod na isinenyas ni Brent ang mga kamay sa direksyon ng kausap. "Calm down! Alam mo bang you accepted and drank a drink from a total stranger last night?" Frustrated na paliwanag pa rin ni Brent. Natigil si Kiel nang may bahagyang maalala na ganoong pangyayari. "O, naalala mo na? That drink na tinanggap mo, it was spiked!" "Spiked?" Si Brent naman ngayon ang halos mapairap. "It was drugged!" Singhal niya rito. Hindi na alam kung saan naiinis, sa pagbibintang sa kaniya nito ngayon o sa ginawa nito kagabi na pagtanggap basta-basta ng inumin. "And it was from someone na inaabangan ka talagang mawala sa sarili, he was insisting that you two are close friends and he wanted to take you to somewhere." Napakagat ng mga daliri si Kiel nang maalala ang tinutukoy nito. 'Yon ngang sa kung sino na pinag-iingat siya ni Mystica. "You could have been sexually assaulted or worse ma-murder if I had not been there to interrupt." "Ang sabi niya kasi... titigilan niya na 'ko kapag ininom ko 'yon, gusto ko lang naman na lubayan niya na 'ko." Mas mahinahon na at medyo mahina na saad nito. "H'wag na h'wag kang tatanggap ng inumin kung hindi mo naman nakita kung paano 'yon ginawa o isinalin sa baso mo. Talamak ang droga at pangddroga sa Galaxy." Itinuro ni Brent ang bandang unan nito. "Nariyan ang underwear mo, ikaw mismo ang naghubad niyan kagabi dahil kamo hindi ka makahinga nang maayos. Binigyan lang kita ng damit... dahil ayoko namang nakahubad ka magdamag." Paglingon ni Kiel ay nasa tabi ng unan nga ang mga tinutukoy nito. Halos mamilog ang mga mata niya at mag-init ang parehong pisngi sa hiya. Ngayon hindi na siya makatingin pa sa binata nang diretso. "Kung nagdududa ka pa rin, pwede kong ipakita sa 'yo ang CCTV footage ko rito sa condo. Mayro'n ako ro'n sa living room, may time stamp din 'yon. Makikita mong hindi rin tayo magkatabi sa pagtulog, sa couch ako nagtiis magdamag. Happy?" Umawang at kumibot lang ang bibig ni Kiel, hindi alam kung pa'no hihingi ng paumanhin sa binata sa paninigaw rito mula paggising niya. "Anyway I cooked breakfast for two, sabayan mo na 'ko kumain. Nariyan ang CR kung gusto mo muna magbanyo." Dugtong nito saka lumabas na ng kwarto. Pagdinig ni Kiel ng sumarang pinto ay dire-diretsong isinubsob niya ang sariling mukha sa makapal na kumot na nakabalot sa mga tuhod niya at impit na sumigaw. Hiyang-hiya siya sa mga pinaggagawa niya kagabi at sa pang-aabala kay Brent. Ilang minuto siya sa loob ng CR, naligo at nag-ayos ng sarili. May mga gamit sa loob na nakatupi at nakahanda nang makita niya, tila sinadyang i-prepare para sa kaniya. Pagkalabas niya ng kwarto nito ay bumungad ang malinis at maaliwalas sa mga mata na hitsura ng condo nito. Pinaghalong puti at beige ang hitsura ng paligid, pati ang mga gamit gaya ng couch, malaking faux fur carpet doon at center table sa living room part, hanggang sa mga maliliit na furniture sa gilid, mga maliliit na cabinet sa isang corner hanggang sa kitchen at dining area nito. May malaking bintana malapit sa sala at kitang-kita ang overlooking na view mula roon. Nahalata niyang nasa mataas na palapag sila ng gusali kaya hindi niya napigilang matulala ro'n. "Uupo ka ba o tutulala ka na lang diyan?" Nilingon siya ni Kiel at naglakad na palapit sa dining table kung nasaan ito naghahanda ng pagkain. Iniwasan niya nang husto na umirap sa pagka-sarcastic nito. "Brent." "What." "Thank you." "Hindi ko marinig." "Hindi ko na uulitin." Mahinang tumawa ang binata sa harapan nito saka inilagay ang tinimplang kape sa tabi ng plato niya. "Nasabi ko na ba kung bakit nandito ka ngayon sa condo ko?" Umiling siya rito. "Ihahatid sana kita sa inyo, 'yon ang original plan. Pero ayaw mo, nagagalit ka no'ng nasa kotse na tayo, at hindi ka lang basta galit, gusto mo bang malaman kung ano?" "Sabihin mo na lang." "You were crying." Tipid na ngumiti si Brent sa kaniya, tahimik na pinagmamasdan siya at ang reaksyon niya. "Ayaw mong umuwi sa inyo dahil aawayin ka lang ng mama mo, 'yun ang sabi mo. Then you cried. Hard. You said that if it hadn't been for your love for your Lola, you would be happily living far away from your house today." Mahinang nagbuga ng pagtawa si Kiel at naglihis ng tingin patungo sa sariling plato. "Ang drama ko pala kagabi. Nakakahiya." Saad niya. "Ayoko lang sana na umuwi nang mas maaga sa oras ng out ko sa trabaho, magtataka 'yung nanay ko. Nanghihinayang din kasi siya sa pwede kong kitain sa mga oras na natitira. At 'yun nga, aawayin din ako for sure." "Mukhang iba ang epekto sa 'yo ng mama mo. Kahit under ka ng influence ng drug ay hindi mo talaga nakalimutan ang tungkol do'n." Tipid na ngumiti lang si Kiel. Tipid at malungkot na ngiti. "Oo, kung alam mo lang, baka magulat ka pa kung ano ang status ng relasyon namin sa isa't isa. Hindi tipikal na mag-ina..." natatawa at naiiling na saad ni Kiel saka nagtuloy sa pag-kain. Dumaan ang ilang segundong katahimikan. Hindi napigilan ni Brent ang makaramdam ng awa para sa dalagang nasa harapan. Kahit hindi pa ito magsalita masyado tungkol sa pinaguusapan ay alam niyang may kakaibang pagod at lungkot na hindi lumulubay sa mga mata nito. At hula niya na may kinalaman ang nanay nito na ilang beses nang nabanggit ng dalaga noong nakaraan. "Gaya ng sinabi ko no'ng second meet natin, Mommy's boy ako." Natawa si Kiel. "Pero siguro mauunawaan pa rin kita kapag nagkuwento ka, hindi rin perfect ang relasyon namin ng Daddy ko. Kaya... kung gusto mo lang naman." Isinesenyas ang kamay at umiiling, nagsalita si Kiel. "'Wag na natin siya pag-usapan, kailangan ko magde-stress kahit ngayon lang. Sigurado rin naman akong aawayin talaga ako no'n pag-uwi ko, hindi nga naman ako nakauwi nang maaga sa time out ko pero hindi naman ako totally nakauwi magdamag." Natatawang pag-iiba niya na lang ng usapan. "Salamat sa hindi mo pagpabaya sa 'kin kagabi. Malaking utang na loob na naman ang nadagdag sa listahan ng utang ko sa 'yo." "You're welcome. Pwede na sa 'kin na partial pambayad kahit papaano 'yung hindi ka na iirap kapag binati kita ng Hi." Natatawang nangunot ang noo ni Kiel at inirapan ang lalaki. "Hindi ko alam pero automatic na talaga 'yan kapag ikaw ang nakikita ko." Naiiling na tumawa na lamang ang binata habang nagbalik ng atensyon sa kinakain. "Anyway, wala na ba 'kong ibang nakakahiyang ginawa kagabi? Hindi ko pa rin kasi naaalala lahat." Kaagad na pumasok sa isipan ni Brent ang mga sagot sa naging tanong nito at nasamid sa kinakain. Malakas na umubo-ubo siya roon habang nagmamadaling nagsalin ng tubig sa baso. Nag-aalalang tinulungan siya ni Kiel. Matapos makabawi ay umiling-iling lang siya bilang tugon dito. Pero sa totoo lang, marami! Marami itong ginawa na tiyak siyang ikakahiya nito ngayong nasa matinong pag-iisip na. Napagdesisyunan niyang hindi na ito ikuwento pa at sigurado siyang kapag ginawa niya 'yon ay baka pati siya pag-initan ng mga pisngi. Habang wala sa sarili buong magdamag si Kiel, bukod sa pagsasalita nito ng tungkol sa kung anu-ano at pagiging energetic, ay biglang naging clingy ito sa kaniya physically. Bukod pa ro'n ang pagpapalalim nito ng halik sa kaniyang mga labi nang paulit-ulit sa tuwing magkakaro'n ng tyansa. Kaya nga nang maihatid ito sa kama ay iniwan niya ito kaagad at lumabas ng kwarto. Lalaki pa rin siya at may alak pa sa sistema, may pakiramdam at pangangailangan din, pero wala sa bokabularyo niya ang mag-take advantage sa mga babae para lang sa pangangailangan na 'yon ng katawan. "Wala ka bang boyfriend?" Tanong niya rito nang sa wakas ay magkaro'n ng lakas ng loob. Isinandal niya ang tagiliran sa sink at nagbaba ng tingin sa ginagawang pagpupunas ng kitchen towel sa mga nahugasan nang plato. Kunot-noo ngunit natatawang nilingon ni Kiel ang binata. "Ang random naman ng tanong mo. Bakit bigla-bigla mong naitanong 'yan?" Naghuhugas ito ngayon ng mga pinagkainan nila sa sink. "Wala naman. Naisip ko lang. Baka kasi may magalit kapag nalaman na dito ka nagpalipas ng magdamag." Patay-malisyang nagkibit-balikat ang binata. Sa isipan niya, kaya niya 'yon naitanong ay dahil masyadong 'marunong' sa paraan ng paghalik ang dalaga. Na para bang may karanasan na ito sa ganoon. "Wala. Nanay ko lang siguro ang magagalit, pero kapag nalaman no'n na ikaw ang kasama ko, matutuwa pa 'yon." "Why?" "Syempre, mayaman ka! Naka-condo. Maganda ang sasakyan, may sasakyan! Tingin no'n sa 'yo kaagad kung sakali ay walking money ka. Iisipin no'n na may namamagitan sa 'tin at baka i-push pa 'ko sa 'yo. Gusto niya kasing mang-hunting na 'ko ng lalaki na mayaman, para yumaman na kami." Hindi naiwasang matulala ni Brent sa narinig saka kalaunan ay matawa. "Wow. That was a brilliant idea." Nag-make face lang si Kiel at itinuon ulit ang atensyon sa ginagawa. "Pero wala kang boyfriend? As in... no boyfriend since birth?" "Wala." "How about... flings? Fubu like f**k buddy or even one night stand?" Halos lumikha ng ingay ang mga plato sa lababo nang madulas 'yon sa kamay ni Kiel. "A-Ano ka ba, bakit mo ba 'ko tinatanong niyan? Wala nga!" Hilaw na tumawa lamang si Kiel at tinalikuran na ang binata nang matapos sa ginagawa, kunwa'y dumiretso sa kung saan at naupo. Napakamot ng batok at nahihiyang tumawa lang ang kausap. "I'm sorry, wala naman akong ibang ibig sabihin. Gusto ko lang na... na may mapag-usapan tayo while doing the dishes. I think I've gone too far." Pagpapalusot niya. Ngumiti nang hilaw at tumango lamang si Kiel. Napaisip kung may nabanggit ba siya noong wala pa sa sarili patungkol sa set up nila ng propesor na si Gino, hindi niya gustong may ibang makaalam no'n. Bukod sa alam niyang mali ang ginagawa nitong pagmamanipula ng grades niya para mapanatili ang scholarship, mali rin ang mismong relasyon nilang dalawa. Tumikhim si Brent para basagin ang saglit na katahimikang dumaan. "Um, I'll just take a shower first tapos... hatid na kita sa inyo. May lakad din pala kasi ako this afternoon." Itinuro nito ang TV cabinet. "Nariyan pala ang bag mo, kinuha ko sa dressing room ninyo kagabi. Ipinaalam kasi kita na iuuwi na for some reason." "Talaga? Thank you, Brent." Umalis si Brent sa kinatatayuan at pumasok ng banyo para maligo. Habang si Kiel naman ay nagmamadaling kinuha ang bag at hinanap ang phone. Nang buksan ang telepono ay hindi nga siya nagkamali ng kutob, tadtad at inulan ng messages at missed calls ni Gino ang phone niya. Napadasal na lang siya na sana hindi binuksan o kinalikot ni Brent ang cellphone niya habang wala siya sa sarili magdamag. Hanggang ngayon kasi ay wala pa rin itong password at kung bubuksan ang inbox ay bubungad kaagad ang paghahanap ni Gino sa kaniya, pati na rin ang mga messages nito na gusto siyang makita dahil kailangan siya nito. "Hello?" "Kiel! Nasaan ka na?" "Wendy... um, n-nandito sa bahay ng kaibigan ko-" "Huh? Nakakaloka ka, anong ginagawa mo riyan?" Malakas na tanong nito. Narinig ni Kiel ang ilan pang mga boses na nag-uusap usap sa background. "Kanina ka pa namin hinihintay, Kiel! Akala naman namin papunta ka na! Late ka na ng 20 minutes, 'no! Sana naman OTW ka na rito, nakakahiya kila Ma'am Althea at Sir Gino! Gusto ka na nga daanan sa bahay ninyo, e." "Huh?!" Napaisip bigla si Kiel kung anong mayroon saka niya sinipat nang mabilisan ang calendar sa kaniyang phone. Halos mapamura siya nang maalalang ngayon pala ang araw kung kailan sila aalis papunta ro'n sa event ng parents ni Althea. Invited siya at ang buong officers ng department org para maisama sila sa 2 days and 1 night na out of town vacation ng dalawang adviser nilang sila Althea at Gino. Napatayo nang 'di oras si Kiel at hindi malaman kung anong uunahing gawin. Wala siya sa bahay nila at hindi pa nga nakaayos ang mga gamit niya! "'W-Wag na! Ako na lang ang pupunta riyan. Pero okay lang ba? Kung kailangan niyo na umalis, okay lang na na magpaiwan na lang ako, masyado nang late..." nahihiyang dugtong niya pa. "Nawala kasi sa isip ko na ngayon pala 'yun. Sorry talaga, pakisabi kila Ma'am." Narinig niya sa kabilang linya na inulit ni Wendy sa mga kasama ang sinabi niya, ang unang narinig niyang nag-react ay si Gino. "No. Siya lang ang wala kung saka-sakali. Sumama na siya, sabihin mo na hihintayin natin siya." "O, narinig mo ba, Kiel? Kaya dalian mo na! Nakakaloka ka naman, mabuti pala tinawagan kita." Nagpaalam na siya at pinatay ang tawag, ang naisip niyang unang gawin ay magpaalam na kay Brent. "Brent? Brent!" Aniya habang isa-isang binubuksan ang messages ni Gino. Bukod sa galit ito at nagtatampo dahil hindi sila nagkita noong madaling araw ay nagpaalala rin itong ngayong araw ang alis nila. Hindi niya nabasa! Kahit isa ro'n ay hindi niya nabasa! Eksaktong narinig ni Kiel ang pagbukas ng pinto ng banyo kaya naman humarap siya rito. "Brent!" "Yes?" Hindi niya na nadugtungan ang sasabihin. Naiwan na lang ang bibig niyang nakaawang habang natutulalang pinasadahan ng tingin ang katawan ng binata. Bahagyang naiwan na basa pa ang buhok at katawan nito habang tuwalyang nakatapis lang sa beywang nito pababa ang nag-iisang saplot. Hindi niya maitatanggi na maganda ang hubog ng katawan ng binata. Mula sa malapad nitong mga balikat hanggang sa mga braso at dibdib na saktong-sakto ang laki para sa isang lalaki na halatang hindi nakakalimutang magpunta ng gym. Mabilis na tumalikod si Kiel ulit dito. Narinig niya ang naging pagtawa ng binata. "What is it, Kiel?" "K-Kailangan ko na umalis. May lakad pala ako ngayong umaga, nawala sa isip ko..." saka niya naalala ulit na dapat ay nagmamadali na siya. "Really? Sumabay ka na sa 'kin." "Huh? Um... nakakahiya, magco-commute na lang ako, sa bahay pa kasi ang diretso ko. May lakad ka rin 'di ba, sabi mo." "Oo nga pero mamaya pa naman 'yon. Hatid na kita sa inyo. Wait, I'll just put my clothes on. Mabilis lang 'to." NAGPAPASALAMAT na lang talaga si Kiel sa kabaitan ng binata sa araw na 'yon. Malayong-malayo sa ugali nito noong una nilang pag-uusap dalawa sa harap ng presinto. Inihatid siya nito sa bahay nila, hinintay pa ang ilang minuto niyang pag-aayos at pag-eempake ng gamit na dadalhin, at nagpresinta na rin na ihatid siya sa lugar kung saan siya hinihintay ng mga kaibigan niya at mga propesor nang mapag-alaman nito kung ano talaga ang mayro'n. Naikuwento niya habang nasa byahe pa sila. "Sila na ba ang mga kaibigan mo?" Ani Brent nang papalapit na sila sa tapat ng Pacific University. Iyon ang meet up place at nasa labas ng dalawang naka-park na sasakyan ang ilan sa mga kaibigan niya. "Mukhang sila na nga, bagot na ang hitsura kakahintay, e." "Lagot talaga ako. Nakakahiya!" "Kung sakaling nag-commute ka, baka inabot ka pa ng ilang oras. Traffic pa naman." "Maraming salamat talaga, Brent! Ikaw ang superhero sa araw na 'to." Pagpapasalamat niya habang nagmamadaling tinatanggal ang seatbelt. Sa sobrang pagmamadali ay halos hindi niya tuloy matanggal nang maayos. Tinulungan siya ng binata. "You're welcome. Pero gaya ng sinasabi ko palagi, hindi 'to libre." Pagbibiro niya pa sa dalaga. Inirapan siya nito at nginitian. "Babayaran kita. Hindi ko alam kung magkano na ang total ng utang ko pero babayaran ko rin 'yan, 'wag kang mag-alala." Tinapik nito ang braso ng binata at lumabas na ng sasakyan. Lakad-takbo si Kiel palapit sa kinaroroonan ng mga kaibigan at nila Gino at Althea, pero hindi pa man siya nakakalayo masyado nang marinig ulit si Brent na tinawag ang pangalan niya. Nilingon niya ito, buong akala na may naiwan o nakalimutan siya sa kotse nito. "Ano?" "Bye! Walang kiss?" Halos kunutan niya ito ng noo at pandilatan ng mga mata. Sa lapit ng kinaroroonan nila sa mga kaibigan niya ay sigurado siyang narinig nila 'yon. Pinakita niya ang kamao bilang sagot. "Ito gusto mo?" Tumawa lang si Brent at kumaway bago pumasok ng sasakyan. Bumusina at tuluyang umalis na sa lugar. "Kiel! May boyfriend na si Kiel!" Paulit-ulit na panunukso sa kaniya ng lahat buong byahe, habang madilim naman ang aura ni Gino.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD