XII.

2627 Words
XII. Tingkayad. "FEELING KO talaga crush ako no'ng lalaki na 'yun," taas-noo at ngiting-wagi na bungad ni Mystica kay Kiel nang makabalik ito sa counter matapos maghatid ng ilang tray ng alak sa mga customer. "Bakit?" Bagot na tanong lang ni Kiel habang umiinom ng tubig sa tabi, hindi niya pinansin ang kausap kahit ang kung sino man na tinutukoy nito, maya't maya rin ang paghila pababa ng maiksi niyang unipormeng palda. Inis na inis talaga siya dahil sobrang iksi nito, kahit yata hindi pa siya tumutuwad ay kita na ang panty na suot niya, required at idea ng management para raw matuwa lalo ang mga customers at bumalik pa ulit sa susunod na gabi. Mabuti na nga lang at may suot siyang panty hose. "Ewan ko, tingin kasi nang tingin. Kanina pa 'yan, ayaw na lang lumapit! Born ready naman ako every night!" Humahagikgik na saad pa nito habang nakatukod ang siko sa counter at nakasandal ang likod dito. "Madalas kasi picky ako, mapili ba! Kapag mukhang mayaman, doon lang ako nakikipag-flirt. Syempre para malaki ang tip at 'di masayang ang oras ko. Pero kung ganiyan ka-gwapo? Ay, pwede na ang 100, mukha namang 10/10 sa performance. Look, biceps at shoulders pa lang ulam na!" "Born ready every night? Nakikipag-s*x ka ba sa iba't ibang lalaki rito kada gabi, Mystica?" Curious na tanong ni Kiel habang nauupo sa bar stool. Iritableng pinagmasdan niya ang paligid, marami na kaagad tao at marami na rin kaagad ang lasing sa paligid, tignan niya pa lang ang mga ito sa dance floor at makitang naglalaplapan na sa kung sinu-sino ang mga naroon ay alam niya na kaagad. "Oo kapag may nag-aaya, well paid 'yon ha, pero minsan naman may rest day ako. Kumuha kasi ako ng latest unit ng mamahalin na phone noong nakaraang buwan kaya alam mo na, para may panghulog ako buwan-buwan kailangan magdoble kayod!" Kwelang isinenyas nito ang p********e sa kaniya saka humalakhak. Napapakamot ng ulo na nginiwian siya ni Kiel. "Hindi ka pa naman nagkakasakit sa ginagawa mo? Nag-aalala ako para sa 'yo." "Palagi akong may UTI dahil doon! Pero marami naman akong pera pambili ng antibiotic kaya okay lang." Tinapik-tapik nito ang kausap saka bumaba mula sa stool. "Dito ka muna, pupuntahan ko muna itong si pogi." "Sige. Baka type ka nga at torpe lang kaya ayaw lumapit." Walang gana na saad ni Kiel. "Korek!" Umalis si Mystica matapos mag-spray ng pabango sa leeg, buhok, at boobs. Nang may ihahatid na mga alak at snacks ay kaagad na nagbalik sa trabaho si Kiel. Pero pagbalik niya sa counter ay nakasalubong niya si Mystica. "O, bakit nakabusangot ka riyan? Kanina lang kilig na kilig ka pa." "Hindi naman pala kasi ako ang tinitignan niya, napahiya pa 'ko nang slight do'n, ha! Ang lalakas pa mang-okray ng mga kasama no'ng pogi. Well, pogi rin naman silang lahat, walang tapon! Pero nakakahiya talaga." Nakurot nito sa tagiliran si Kiel sa sobrang pagtatago ng hiya. Sabay silang naglakad pabalik sa counter. "Ayan kasi, na-wow mali ka tuloy. Sino pala ang tinitignan kung hindi ikaw? 'Yung bartender?" Pabirong bwelta ni Kiel. "Ikaw!" Natatawang nginiwian ni Kiel ang kausap nang sulyapan ito. "Ikaw nga! Hindi ako nagbibiro. Parang sinabi pa nga no'ng pogi na pakisabi sa 'yong dumaan ka raw sa table nila. Brent ang pangalan niya, kilala mo ba?" Halos masamid sa sariling laway si Kiel at kaagad-agad na nilingon ang tinutukoy nitong table. All boys ang naroon, sa bilang niya ay nasa pito sila ro'n at nagtatawanan habang nag-iinom. Nahanap niya sa gitna si Brent Siguenza at segundo lang ang pagitan nang magtama ang tinginan nilang dalawa. Tila nagliwanag lalo ang ngiti nito at kumaway kaagad sa kaniya. Nakasuot lang ng simpleng pants at itim na polo, litaw na litaw ang gintong kwintas sa itaas noon. Wala siyang ibang naisip na initial reaction kundi ang umirap at tumalikod mula rito. "Tignan mo na! May pagkaway pa. Diyos ko, sobrang pogi niya sa malapitan! Kilala mo ba 'yan o hindi?!" "Hindi ko kilala... pero medyo kilala ko." "Ha?!" "Basta! Hindi kami friends. Pero nakikita ko na siya last week pa lang. Hayaan mo na 'yan, malakas lang talaga ang trip niyan." "Hmm! Grasya na 'yan tinatanggihan pa. Sayang 'yan, ano ka ba!" "Anong sayang, hindi naman ako nagpapa-table, Mystica. Wala akong pakialam diyan." Hindi napigilang matawa ni Mystica at naitulak sa balikat si Kiel. "Ang funny mo talaga. Ang manang mo rin! Para kang Maria Clara na naligaw rito sa club." "Tignan mo na lang 'tong lalaki sa kaliwa ko, tingin din nang tingin. Nakakairita! Hindi ko alam kung bakit ikaw, kinikilig pa." Sinilip ni Mystica 'yong tinutukoy niya saka mabilis na bumalik ng harap sa kaniya, lumapit at tinatapik-tapik siya sa braso. "Naku, mag-iingat ka riyan! Ayan 'yung isa sa mga sinasabi namin nila Mother Beauty na ubod ng manyak dito. Mayaman 'yan pero wirdo! Para siyang nerdy na pervert na nasa bar at naghahanap ng mabibiktima. May naka-s*x nga 'yan na waitress, tinry lang naman ni girl. Naku, traumatized! Tapos stalker vibe raw 'yang lalaki na 'yan at mala-s*x addict! Hanggang bahay nila noong babae hindi raw siya tinatantanan." Nakangiwing bulong ni Mystica. "Nandito na naman pala 'yang salot na 'yan!" "Ang lala." "Sinabi mo pa." "Bakit hindi niyo pa i-ban dito? Ang lagkit makatingin, nakakairita." "Baliw! Customer pa rin 'yan. Sinabi lang ni Mother Beauty sa amin na h'wag magbibigay ng personal information, kapag nandito ka sa loob ng bar, dito lang ang harutan sa loob. Pero hindi ibig sabihin na tatanggihan na natin, customer pa rin siya ng club. Isa pa rin siya sa priority." Malalim na humugot na lang ng paghinga si Kiel. Kailangan niya ikalma ang sarili kung sakali dahil baka mapikon siya at makasakit. "Kaya masaya na 'ko rito kay pogi, Brent ba ang pangalan?" "Oo, pero hindi 'yan mabait, bahala ka." Pasimpleng nilingon niya ulit ang kinaroroonan nito bago tuluyang umalis ulit para maghatid ng mga drinks. Buong oras ay 'yon lang ang ginagawa niya, mas nailang pa nga siya dahil sa tuwing nasa floor siya kung nasaan ang table ni Brent Siguenza at ang mga kaibigan nito ay palagi niyang nahuhuling nakamasid ang binata sa kaniya. "Hi, you're Heaven, right?" Natigil sa paglalakad si Kiel sa gitna ng maraming tao malapit sa dance floor dahil may humarang sa harapan niya. Lalaking may edad na, sa tingin niya ay nasa 30s o 40s na ito, naka-tucked in ang white shirt sa itim na pants at maraming tattoo sa leeg hanggang mga braso. Ito 'yong lalaking pinag-uusapan nila ni Mystica kanina lang! "Ah, please don't be scared. Nakita ko lang sa nameplate mo." Nakangiti pa rin na dugtong nito nang hindi siya nakaimik. Tumuturo pa sa nameplate na suot niya at halos idikit pa ang daliri sa dibdib niya sa pagturo na 'yon. "I just want to have a little chitchat with you, do you have time?" "Wala, sorry. Waitress po ako rito, marami pong entertainer, sila na lang ang-" "Hindi ba same lang 'yun? I promise you mag-eenjoy ka naman." Umiling si Kiel. "May trabaho pa kasi ako." Dire-diretsong umalis siya sa harapan nito at ginawa ang trabaho. Pero napansin niyang sinusundan siya nito, parang asong nakabuntot at nag-uumpisa ng conversation sa tuwing may tyansa. Walang ibang ginagawa si Kiel kundi ang magbingi-bingihan at halos magkunwaring hindi niya ito nakikita na parang hangin. Hanggang sa hawakan na talaga siya nito sa braso at hilahin para yapusin sa bandang beywang. Namilog ang mga mata ni Kiel at bumalik na naman ang pagpa-panic sa sistema niya. "Ang ganda ganda ng katawan mo, hindi ako uuwi nang hindi kita nailalabas. Name your price, please. 'Wag ka nang magpa-hard to get. Tataasan ko naman ang bayad. I can pay you, I swear..." Malakas na tinulak ni Kiel ang lalaki. Naalala niyang unang beses na may gumawa sa kaniya nito ay nag-freeze siya sa takot at pagka-culture shock pero ngayon ay alam na niya ang gagawin. Ang sunod niyang naiisip na gawin ay suntukin na talaga sa mukha ang manyak na customer pero parang radyo na nag-play sa utak niya ang boses ni Mother Beauty at Mystica: 'Bawal manakit ng customer ha, matatanggal ka sa trabaho at baka idemanda ka pa niyan'. "H'wag mo 'kong hahawakan ulit nang gano'n, hindi ako magdadalawang-isip na saktan ka. Hindi ako nagpapa-table at mas lalong hindi nagpapabayad." Matigas na saad niya rito. Malakas ang tugtugan sa paligid kaya halos walang nakakapansin sa tensyon sa pagitan nila ngayon. Maliban na lang kung may nakabantay at nanonood sa kaniya kanina pa. Nagpaalam si Brent sa mga kaibigan niya na may pupuntahan lang saka tumayo at naglakad palapit dito, napansin niyang may kakaibang nangyayari at sigurado siyang nasa gulo na naman ang dalaga mamaya-maya lang kung hindi na naman tutulungan. "Right. Alam ko namang gagawin mo 'yan, naisip ko na 'yan. Sige, hahayaan na kita, I'm sorry for touching you without your consent," malambot na paghingi nito ng paumanhin. Tila sincere na natauhan sa ginawang pambabastos. "Titigilan na kita, but can we at least cheers? Tapos hindi na kita guguluhin, promise." Saad nito saka inalok ang hawak na baso na may alak. "Makikipagkilala na lang sana ako... by the way my name is-" sa sobrang iritasyon ay hindi na ito pinatapos ni Kiel at inagaw na ang hawak na baso, tinungga niya 'yon at ininom ang laman. Wala naman siyang pakialam kung anong pangalan nito o kung sino ito, kahit pa ito ang anak ng kung sino mang mayaman na poncio pilato. Napangiwi lang si Kiel nang maramdamang gumuhit ang pait ng alak sa lalamunan niya kahit kakaunti pa lang ang naiinom. Hindi niya na inubos pa at nandidiring ibinalik ang baso sa dibdib ng lalaki. Kumurba ang malawak nitong ngisi. "Nice. Thank you, Heaven..." Inirapan niya lang at tinalikuran na para iwan doon. Pabalik na sana siya ng counter para magtuloy ng trabaho nang makaramdam siya ng bahagyang pagkahilo. Halos matisod-tisod siya sa paglalakad nang hindi maiwasan ang mga nasasalubong na tao. Biglang nakaramdam siya ng kakaiba sa katawan, para bang may extra at instant energy siya bigla kahit kanina pa antok na antok sa pagod at puyat. Kasabay no'n ang pag-ikot ng paligid niya. Napatanong siya bigla sa sarili kung nalasing ba siya kaagad gayong kaunti lang naman ang nainom niya. Bumangga siya sa dibdib ng kung sino at sapo ang ulo nang mag-angat ng tingin dito. It was Brent Siguenza. Madilim ang mga mata nitong nakatitig sa kaniya at nagpilig ng ulo habang tila pinagmamasdan mabuti ang kaniyang mukha. Nangunot ang noo nito. "Stupid woman. How could you accept a drink from someone you barely know?" Hindi alam ni Kiel pero ang naging reaksyon niya lang sa sinabi nito ay matawa. Natatawa siya kahit hindi niya alam kung bakit! May sinabi siya rito na kahit siya ay hindi niya na rin maintindihan, basta masayang-masaya siya sa mga oras na 'yon at gusto niya lang mag-enjoy! "Excuse me, ako na ang bahala kay Heaven." Habol noong lalaki sa dalaga at hinawakan ito sa braso, si Brent ang kausap. Naglipat sa kaniya ng tingin si Brent, malamig at mapanganib, nagtaas ito ng noo. "Heaven?" "Yup. That's her name. Kasama niya ako, actually we're close friends. Kunin ko na muna siya." Pilit pa rin nitong hinihila ang dalaga. Habang si Kiel naman ay tila wala pa rin sa sarili, nakatingin sa paligid at patawa-tawa, lasing pero hindi sa alak. Napaismid si Brent sa narinig. "Her real name is not Heaven, and you're not her friend. Don't play with me." Mahigpit na hinawakan nito ang kamay ng lalaki mula sa braso ni Kiel at inalis iyon doon. Hindi na nakaalma pa ang kausap nang hilahin niya sa kung saan ang dalaga, pero napansin niyang nakasunod pa rin ito. Nakabuntot na para bang hinihintay kung kailan magkakaro'n ng tyansa at maiwan niya ang dalaga. Alam niya ang plano nito, hindi siya pinanganak kahapon at kabisadong kabisado niya na ang maruruming paraan ng mga lalaki sa bawat club at bar para lang makakuha ng babae, may consent man ng mga ito o wala, hindi dahil ginagawa niya rin 'yon, pero ang mga kaibigan niya, oo. "Come on, iuuwi na kita." "Huh? Anong sinasabi mo! Sayaw! Sumayaw tayo!" Mataas ang energy na pagkakasabi nito sa kaniya, hindi nagpapahila mula sa lalaki. Nangungunot ang noo na nilingon siya ni Brent at nang magkaro'n ng tyansa ay siya naman ang nanghila rito papuntang dance floor. Saktong lumakas naman lalo ang tugtugan at mas nag-wild ang crowd doon. Sumiksik at nakisalamuha sila sa gitna ng maraming taong nagkakasiyahan. Hinayaan niya lang ang dalaga sa kung anong gusto nitong gawin, lalo na noong nakita niya 'di kalayuan sa kanila 'yong lalaking nagbigay rito ng drink kanina, nakaabang at nakamasid pa rin. Alam niyang gusto nitong hilahin si Kiel palabas ng nightclub at may gawin na hindi maganda rito, bagay na hindi niya hahayaang mangyari. "Alam mo, tama si Mystica. Gwapo ka, eh!" Saad ni Kiel na inulit pa sa lakas ng ingay sa paligid. "Gwapo ka sa malapitan pero kahit hindi malapit ay gwapo ka! 'Yung tipo mo ang tipo ko! Muscular, broad shoulders! Neat, sobrang linis tignan kahit simple lang ang isuot." Wala sa sariling sinabi nito saka tumawa-tawa at sumayaw. Nagbuga ng mahinang pagtawa si Brent at naiiling na tinitigan lang ito. Sigurado siyang hindi ito ganoon makikipag-usap sa kaniya kung sakaling nasa matinong pag-iisip. Madilim at patay-sindi ang ilang ilaw pero kitang-kita niya kung paano mamula nang husto ang mukha ng dalaga. Pati ang mga mata nito na halatang pagod at puyat ay mamula-mula. "You should rest." Saad niya lang dito pero mukhang hindi pa rin nagpapaawat ang dalaga, wala sa sarili. "You'd be dead meat if I didn't see you and your stupidity awhile ago." "Kanina ka pa nga nakatingin. Naiilang ako sa 'yo! H'wag ka nang titingin sa akin!" Malakas ang loob at wala sa sariling singhal nito, hindi naman talaga nauunawaan ang sinasabi ng kausap. Tumalikod si Kiel at sakto namang may nahanap na ibang taong nakikipagsayaw rin sa dance floor, lalaki at may hawak na drink. Inilapit nito sa kaniya ang katawan at may balak pang halikan ang dalaga. Hindi naman mahilig makialam si Brent pagdating sa mga gano'n pero pakiramdam niya bigla ay wala dapat gumawa no'n kay Kiel. Hinila niya sa beywang dalaga at mapanganib ang tingin nang makipagpalitan ng tingin sa lalaking kasayaw nito kanina lang. Nakilala naman siya kaagad, acquaintance, kaya tumatango na umalis na lang banda roon. "Can you stop entertaining people you don't even know?" Iritableng singhal niya rito saka bumuntonghininga nang mapansin na hindi naman siya nauunawaan nito. "I'll give you one more minute to have fun here then I'll drive you home." Tumatawang hindi pinapakinggan ni Kiel ang kausap at inilagay ang mga braso nito sa magkabilang balikat ng binata, inilapit ang sarili sa katawan nito at sinabayan ng pagsayaw ang music. Nabato sa kinatatayuan si Brent at inihawak ang mga kamay sa beywang ng dalaga, para sana pigilan ito sa mas paglapit pa ng katawan sa kaniya, pero sa mga sumunod na segundo ay natulala na lang siya sa pares ng mata nito, na para bang mina-magnet ang tingin niya, pababa sa labi ng dalaga. Maingay at magulo ang paligid nila pero pakiramdam niya ay bumagal ang oras at kilos ng lahat, at walang ibang pinagtutuunan ng pansin kundi ang dalaga sa kaniyang harapan. Nang makabawi ay mariin siyang nagpikit ng mga mata at naglihis ng tingin, hinilot ang tungki ng kaniyang ilong. Sinisisi niya na lang sa mga alak na nainom ang nararamdaman ngayon. "Let's go, we should-" pagharap niya muli rito ay natigil siya kaagad sa sinasabi. Ang bumungad sa kaniya ay ang pagtingkayad ni Kiel at pag-abot nito sa kaniyang labi para humalik.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD