8 - Oxygen

3567 Words
Chapter VIII Dito sa mundo, may mga bagay o pangyayaring hindi mo kontrolado. Ang lahat ay limitado. Hindi lahat ng iyong hiling ay pwedeng magkatotoo. Kaya’t kailangan mong makuntento. And why did I suddenly say those words about unexpected events and contentment? “Tumahimik kayo ah.” Galit na usal ni Axi. “Naiinis na talaga ako.” May pagtitimpi niyang dagdag. “Pero hindi Axi e! Nakakaloka kaya yung nangyari.” “The fuck.” Malakas na tawanan ang nangibabaw sa cafeteria nang hindi siya tinigilan ng mga mapangusisa at mapanuyang tingin. "Could you ju-just shut your asses!?" Lumipas na ang ilang linggo at nag-iba na lang ang timpla ng bagyo, hindi pa rin namin nakakalimutan ang makamandag na nangyari noong nakaraang buwan. And that’s the reason why I said those words earlier. Unexpected. The surprising kiss that was happened. Ang mas nakakagulat pa, ay yun yung part ng story na kung saan imbis princess yung hahalikan niya, sa prince kamo sumabit! “Aksidente nga kasi ang nangyari, kainis!” At kahit ilang ulit siyang magmakaawa na tumila ang issue, hindi basta-bastang matitigil 'to. Especially when the two famous and handsome guys are in the same page. Sige na nga, gwapo na rin ang kumag. “Grabeng pangyayari!” I tried to suppress my laugh but I failed. And contentment. Maging kuntento ka na lang sa nangyari at mangyayari sa buhay mo. Ang iba nga dyan mas malala at masahol yung nadadawit na issue sa kanila e. “Ewan ko sa inyo.” He drink his juice and harshly grab a bite of his sandwich. Zeah who was seated next to me hold her tummy as she continuously laughed as we tried to recall what happened last prom night. “Like, whooa! So- unbelievable!” Mas lalong lumakas ang tawanan namin nang maaninag namin ang partner niya. Kumag the kisser. Tumigil lang kami sa malakas na pagtawa nang makita ang hindi maipintang mukha ni Axi. Alright, now he is totally mad. “Okay fine, sorry!” Taas kamay na pagsuko ni Zeah nang makita ang umuusok na ilong ni Axi. Samantalang pagpipigil na tawa naman ang ginagawa namin ni Jo. “It happened three weeks ago. Three effin' weeks.” He tried to lower his voice para hindi marinig ng iba. Funny to think most of us here in the cafeteria knew already what his fuss was, since we all witnessed the spectacular scene. So what’s the essence of bulong-bulong effect? “Hindi pa rin makaget-over?” May diin na dagdag niya. Sino bang makakaget-over sa pangyayaring yun? That was very new to my sight! Helium,  they tainted my innocent eyes. “Ang tagal talaga makalimot ng tao e no? Pagdating sa chismis, aabot pa ng limang buwan o higit pa, bago humupa. Pero pag-utang ng sambayanan ang pinag-uusapan, ayon! Ambilis maka get over!” Pagpaparinig niya sa ibang studyante nang makitang nakikinig sila sa usapan namin. Eavesdropping to gain another chismis huh? People are really good at it. So bad. But I can’t help it but to laugh silently in my mind. “Di nakakaintindi ng aksidente? Ano hindi gumagana mga braincells niyo?” Tahimik kaming nakikinig sa mga anomalya ng bakla. “Pero Ax, ayaw tanggapin ng utak ko yung nangyari.” Segunda ni Zeah after Axi finished his rants. “Ako rin!” Jo nodded incessantly. “Kitang-kita ko e.” Mahina kong sagot. “Oo nga.” “Kitang-kita ko yung pagdampi ng labi mo sa kumag na yun.” I glanced at him. I saw how his eyes reacted at my statement with a demonstration. “F*ck Kayeth!” "Oh, why me!?" He stood up and marched his exit. He didn’t even bother to get his food. Pero imbis na habulin namin siya at suyuin, hinintay namin ang mabilisan niyang pagkawala tsaka kami nagpakawala ng isang malakas na tawa. “Patay tayo, napikon ang bakla.” “Si Shad kasi e.” Muntik ko nang maibuga ang mango juice na iniinom ko nang ibaling sa akin ni Zeah ang sala. “Oo nga.” “Anong ako? E kayo nga yung todo kung tumawa.” “Pinagdikit mo yung kamay mo, nag demo ka pa!” “Tungsten, e yun naman kasi talaga ang nangyari. Kayo kaya nasa posisyon ko.” “Ayoko, ang laswa.” Nang dahil sa nangyari sa bakla at kumag, naging mas masaya ang gabi ng lahat. Maraming teachers ang nagulat at natawa. Hindi rin nakaligtaan ni Sir Castromayor ang pangyayaring iyon, na siyang ibinalita niya agad sa kapatid niya. Mabuti na lang at hindi nagalit si Tita Faye, pinagtawanan pa nga ang mismong anak e. “Ang saya-saya e no?” Nasa loob na kami ng classroom namin nang lumapit si Theya sa akin at punahin ang ngiti ko. Umupo ako sa upuan ko at inilagay ang bag ko sa likuran. “Oh? Ano naman ngayon?” Tiningnan ko si Zeah nang lumapit sya sa amin at sumagot sa tanong ni Theya. She shrugged and smiled. “Wala lang.”  “Parang tanga.” Bumalik si Zeah sa kanyang upuan nang umalis si Theya sa harapan ko. Theya Kit Catcha. Ang baliw na pinsan ng kumag. Palagi na lang niya akong pinupuna! I don’t really know what’s with her. I remember back then noong una kaming nagtagpo ng pinsan niya. She told me some rubbish words. Why? She doesn’t want me to go near at his cousin? Why? He likes his cousin? I shook my head as an unfeasible idea crossed my mind. Gross. Speaking of, that guy didn’t bother me since that scene happened. I was kinda happy actually na nangyari yung insidenteng yun: when he and Axi kissed. Nang dahil sa kanila, nabalewala ng karamihan yung stolen pictures naming dalawa. The edited intimate pictures that night made my heart beat abnormally. Ewan. Nakakadiri lang kasing tignan. Nakakadiring isipin. At sa kanya pa talaga ha? Ayoko no! Ayoko sa kanya. Well, no one told me naman na gustuhin siya. “Kanino?” “Ha?” “Kanina ka pa lutang dyan.” Tiningnan ko si Axi sa gilid ko nang magsalita siya. “Nakadrugs ka ba ha?” “What- no!” Binato ko sa kanya ang tissue na nasa gilid ko dahil sa tanong niya. “E kanina pa ako dada ng dada dito.” “So, naka-drugs agad?” “Malay ko ba anong trip mo.” I rolled my eyes with his retort. Nandito  kami sa Zinc. Same spot, like usual. Tapos na ang klase at dahil sabado bukas at walang pasok, we can freely use our left hours for fun. Hinihintay namin ang dalawa pang babae dahil may sasabihin ‘raw’ sila sa akin na importante. “Anong plano mo sa college, Shad?” I sipped my juice before answering Axi’s question. But instead of opening my mouth, I just shrugged my shoulder as a reply. “Ikaw?” “I didn’t change future plans.” He smirked. “Edi wow.” Tumawa siya nang pinaikotan ko siya ng mata. I sighed and stared at Axi. Parang kanina lang ang saya-saya ko. Parang kanina lang alam ko pa kung paano tumawa at ngumiti. Pero ngayon, nang dahil sa naging tanong ni Axi, tumigil pati yung pagkilos ng labi ko kasabay ng malayong paglalakbay ng isip ko. Wala nga talagang permanente sa mundo. I mean, the only constant in this world is change. I heaved a sigh again as I took off my gaze at him. I envy people like Axi. I envy him. Yung taong may pangarap sa buhay. Taong may gustong marating at makamit sa buhay. Taong may paninindigan at may pinanghahawakang prinsipyo na siyang gumagabay sa mga desisyon niya sa buhay. “Ano ba kasing gusto mo?” I looked at him as he asked me a question that froze my brain. We never talked about my future plans. Kasi ayokong pag-usapan. “Imposible naman kung wala kang gusto diba?” They didn’t dare to ask me questions about what I wanted to do and not, kasi ayokong pag-usapan. “Kahit di mo sabihin sa akin o sa amin, alam naming may pangarap ka.” They just knew me based on my actions and words. “Paano kung wala?” Pabiro kong tanong sa kanya. “Choose what you want.” Seryosong sabi niya sa akin. “Choose what your heart’s desire.” I sighed and looked away. But I don’t have plans. I don’t care much about my future anymore. I don’t know what my dream in life is. "Shad." He leaned closer and touched my chin for me to face him. I looked at him wearingly. I’m not like you. He tried to communicate me using his eyes. He intently looked at my innocent eyes, reading my emotion and touching my inner soul. "It’s not easy as like that, Ax." I almost whispered. "I'm here to help, babe." Napailing ako nang paulit-ulit. Sinisikap na hindi maiyak sa harapan niya. "No one can help me searching for my dream." Sumilay ang sakit sa bughaw niyang mga mata dahil sa inusal ko. Life is hard and you can’t have everything. And maybe that is the reason why I don't dream. Dreams are only for dreamers like him. And someone like me, who only wants to be with her is not included on the list. “Hoy!?” Naputol ang tahimik na pag-uusap naming dalawa nang dumating sina Jo and Zeah. “Anong ginagawa niyo?” “Hoy, di kayo talo ha! Umayos kayo!” “What?” Literal na lumaki ang mata ko nang makuha ang ibig sabihin ni Zeah. Namumula akong umiwas ng tingin. “Bakit ba? Selos ka lang.” Umakbay si Axi sa akin nang tumayo ako para makaalis na kami. Ang tagal-tagal dumating ng mga hayop na atoms. "Wag kang umakbay, mainit." He creased his thin brow. "Mainit ka diyan, e nagsisimula na ngang umambon yung langit." Inirapan ko siya. I hardly breathe in when I felt something hot inside of me. “Sabagay, hindi naman talaga kayo sa magkaibigan nagkakilala ng lubusan, kaya sige ayos lang.” I looked at Zeah. “Shut up, Ze! Ayan ka na naman sa mga gawa-gawa mong storya.” “Hoy, anong gawa-gawa!? Totoo naman talaga ah?” Gosh, I really hate her bad mouth. “Tara na!” Hinila siya ni Jo papasok sa cab na pinara ni Axi nang tumigil na sa mga pantasya niya. “Hindi pa ako uuwi. Mamaya na siguro. Oo. Or maybe I can stay here?” Zeah stared at me for an approval; I rolled my eyes as an answer. Pumunta siya dito para makipagtawagan sa boyfriend niya? “Aaackkk, ang cute!” Isa pa to. Naputol ba ang PLDT line nila at dito na lang sa amin nakikikabit ng wifi? Kaya magulo siyang babae, dahil sa kakapanood niya ng K-drama, kung ano-anong pinagsasabi! Sorry, I didn’t intend to insult her or any other people whose fond watching K-dramas. Diyan kasi siya natututo sa mga weird assumptions niya sa mga tao. I was once became her victim kaya I object with her trip. “Yoown, tsamba! HAHA.” Axi exclaimed as he won the game. "Bobo mo kasi tol, uwi ka na sa inyo!" I silently groaned. It’s already nine-thirty in the evening pero wala pa rin akong naririnig na importanteng balita! “Hoy!” I looked at the three of them occupying my room. “Josceah! Hoy, Jo!” She paused the movie at looked at me as she heard me calling her name. “Wait lang, Shad! Malapit nato, last na.” “Last!? Pang-ilang last mo na yan ah!” Pero imbis na pansinin ako at kausapin, ipinagpatuloy niya lamang ang panonood at humilata ng tuluyan sa kama ko. “Ze.” Kinilabit ko sa beywang si Zeah nang lapitan ko siya sa may bintana. She’s sitting at my swivel chair while talking to his goddamn boyfriend thru phone. She stopped playing my chair at signalled her hand at me saying not to disturb her. “W-wow?Ako pa istorbo ngayon? E kung umuwi ka na lang kaya para unlimited ang tawagan mo ng bebe mo? Kainis!" Umupo ako sa tabi ni Axi sa sofa nang ma-imbyerna. “Kalma lang Shad, konting tiis na lang talaga.” I irked. Ilang oras pa ba ang hihintayin ko? Gusto ko ng matulog! “s**t, bobo! Wag ka dyan! Ampota, ang bakla mo maglaro, hoy!” Potassium! Umalis ako sa tabi niya at tinungo ang kusina pababa. "Bahala kayo dyan." Nang makarating sa kusina, kumuha agad ako ng isang baso at sinalinan ito ng tubig. Nakaka-dehydrate ang maghintay sa kanila. “Oh Sha-” “Zinc!” Naibuga ko ang iniinom na tubig dahil sa gulat. “Jusmeyo.” “Hala, sorry manang!” Kinuha ko sa gilid ng fridge ang towel na nakasabit at mabilis na ipinahid sa nabasang damit ni manang. "Sorry po." “Wag na, magbibihis na lang ako. Ayos na yan.” “Sorry po talaga.” Kinuha ni manang sa akin ang panyo upang malagay nya sa labahan. “Ba't gising ka pa? Ano pa bang pinagkakaabalahan mo? Hindi pa ba uuwi ang mga kaibigan mo?” Sunod-sunod na tanong ang pinukol nya sa akin pagkatapos niyang uminom ng tubig. Madilim kasi sa kusina pagpasok ko kanina, marahil tulog na ang lahat kaya nakapatay na ang ilaw. Biglang may kumalabit sa gilid ko kaya’t nabigla ako at naibuga ko sa kanya ang tubig na iniinom ko. Manang is like a walking zombie. No- A living mushroom! Bigla-biglang sumusulpot kung saan. “Ewan ko ba dun sa tatlo manang.” “Oh dito mo na pagpahingain at kung mapano pa sa daan, e anong oras na.” Ano pa nga ba? “Opo.” “Hindi makakauwi ang mommy’t daddy mo, kaya’t wag mo nang hintayin.” “Opo manang.” “Maayos na yung guestroom ija, matulog na kayo.” “Salamat po.” I sweetly smiled. “Yung kapatid mo natutulog na kaya’t umakyat ka na ron at magsitulog na kayo. Kayo talagang mga bata e no, ang hilig magpuyat.” She left me in the kitchen with her rants. I smiled as I remember the awry feeling I once loved and mourned. I wish I still had a mom like her. I wish I still have her. Akmang aakyat na ako sa hagdan nang may nakita akong anino sa may pintuan. “Hel-” I hold a grip at the wall at my side as a memory surpassed my mind. "Potassium, what was that?" I closed my eyes as I felt dizzy. I took a deep breath and calmed myself. But I immediately opened my eyes as I heard an unfamiliar sound. There I saw a silhouette. “S-shine?” Sinulyapan ko ang kwarto ni Shine sa taas, ngunit sirado ito at nakapatay na ang ilaw, indikasyon na tulog na siya. So sino yon? “May tao ba dyan?” Kinakabahan kong ani. Pinihit ko ang pintuan at lumabas upang makita kung kaninong anino ang nakita ko kanina. I took a glimpse at the pool side pero I found no one. I reached the parking area near the gate but same situation. Negative. I tried to check the attic. But as the moment I took my step, another flash of memory covered my mind again. Holy gold. I hold my head as I felt a bit pain. “Tungsten.” Nahihirapan kong usal. Napahinto ako’t napayakap sa sarili nang umihip ang malakas na hangin. I’m wearing my pajamas and sleeveless shirt kaya mas ramdam ko ang lamig. "Loko!" Nang marinig ko ang malakas na tawanan sa taas, na galing sa kwarto ko, napagdesisyonan kong pumasok na lang sa loob. I shrugged the sudden appearance of my past memories, the shadows and the strange noise. I hope nothing awful will happen. Maybe I was just too tired. Maybe I was just imagining things. “Saan ka galing?” Umupo ako sa tabi ni Axi at kumuha ng pizza na kinakain niya. “Sa baba.” “Okay, tapos na!” Lumapit si Jo sa amin nang matapos siya sa ginagawa niya. Ang galing. Ang tagal. “Anong ginawa mo sa baba?” Inilagay ni Ze ang phone niya sa mesa at kumuha ng fries sa tabi ng pizza tray. Bumili kami ng pagkain kanina bago pumunta dito sa bahay. Nagtagal pa kami sa mall kakabili ng kung anu-ano, napadpad sa kung saang stall at shop, wala pa rin akong narinig sa kanila kung ano ba ang importanteng sasabihin ng mga hayop na atoms. Josceah faced me. “Nakapagpa-alam na ako sa bahay, dito na ako matutulog.” “Ako rin” “Me too!” Tsk. “So, let’s start!” Kumuha ng isang papel at ballpen si Ze at ibinigay ito kay Jo. Axi extended his arm at my backrest and smiled at me. “Ang alin?” “Planning your wedding.” “A-ano!?” “'To naman, ang oa!” Tawa ni Ze. My heart skipped a bit fastly with that thought. “Nakakatuwa.” Sarkastiko kong usal. “Debut mo na next month! Anong plano mo?” Zeah exclaimed. I stopped. I forgot that thing. “Wag kang kj dyan! Kami na nga magpaplano para di ka na mahirapan.” “I don’t want to celebrate.” Akmang tatayo ako sa upuan ko nang hinila ni Axi ang braso ko pabalik. “Ano ba?” “Oh, easy! It’s time to loosen up Shad, c’mon!” “Ayoko.” “Nakakainis ka na ah!” Tumawa ako nang makita ang umuusok na ilong ni Ze. “What now?” I furrowed. “Heh! Sige na, anong plano mo?” “Simple celebration?” Jo excitedly exclaimed. “Grand?” “Pure kainan?” I boringly looked at Axi as he inserted. "Gago ka ah?" He just laughed at my misery. "Wag kang maingay, Ax! Peste, ano na Shad?" "Ako bahala sa gown mo!" Pagprepresinta ni Jo. Potassium, ang kukulit. "Ayoko nga kasi.” “Hindi tayo matutulog kung hindi ka makikipag-cooperate sa 'min.” “Cooperate your atoms! Umayos nga kayo." Bahagya akong tumawa kahit naiinis na. "Bitiwan mo nga ako.” Lumayo ako ng konti kay Axi nang hindi niya ako mahawakan ulit. “Eto naman oh. Tampo na talaga ako sayo Shad ha, you’re being distant to us.” Tumigil ako sa kakanguya ng fries nang mapansing magseryoso si Zeah. “We’ve been friends for years pero ayaw mo pa rin magshare sa amin. Ayaw mong mag-open up.” Umayos ako ng upo nang makitang naiiyak na siya. “Ang drama mo.” I teased. “Alam mo na halos ang mga buhay namin, tapos kami hindi pa lubos na nakakakilala sa pagkatao mo. Palagi ka na lang umiiwas.” I frowned. May pahikbi pang nalalaman ang bruha. Tinaasan ko siya ng kilay. "Prank ba to?" Binalingan ko ng tingin si Jo at Axi nang makitang pati sila ay seryoso. “Seriously? Anong movie to?” Kanina si Axi, tapos ngayon si Zeah naman? Did they came up a plan to lure me? “We n-never celebrated your b-birthday.” She tried to hide her sob. “You didn’t celebrate your birthday for nine long years, Shad.” My heart peculiarly pound as I heard her statement. I stood up and tried to approach her. I hate poignant eyes. It reminds me of her. “Ano ba kasing nangyari?” Padabog niyang tanong sa akin. I heavily sighed and kept my eyes from shredding tears. “Why can’t we have a good time on your birthday? Why can't we make fun on your day!? Why are you so distant with us!?” She sniffed. I smiled bitterly and wiped her tears. "Ilang taon na tayong magkakilala ah. Ilang taon na tayong nagsama, pero b-bakit... b-bakit parang hindi ka namin kasama?" Napayuko ako. "Why can't you share your misery with us? Why can't we... why can't we celebrate your birthdays!? Peste, bakit hindi mo kasi masabi-sabi sa amin!?" She cried in frustration. I tried to answer her as I take a glance on her side. I heave a deep sigh before speaking. “A dead person doesn’t have birthdays, Ze.” I hardly uttered. “Wh-what? A-anoo ba! Hindi ka naman patay!" Mas lalong bumuhos ang luha niya dahil sa naging sagot ko. Ba’t ang oa nila ngayon? “Shad, ano bang pinagsasabi mo? Hindi ka na nakakatuwa ah.” Jo creased her brow at me. She's pissed off while tapping Zeah’s back to comfort her.  “Seryosong usapan Kayeth, ano ba.” Hinarap ako ni Axi nang mas lalong lumakas ang iyak ni Zeah. I closed my eyes and decided to give them an answer. “I died nine years ago.” I whispered but their ears managed to hear my broken voice. “W-what?” Axi gasped. I nodded and smiled. “You heard it right.” And there I saw their raging eyes full of confusion, fright, and grief-stricken. “I’m a-already d-dead.” "Kayeth, ano ba!?" Tears fell from eyes as my past memoirs reached my present state. “Shad!” I closed my eyes as my head suffer the pain I once felt before. I knew it. Something is off.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD