Chapter VII
Attending this kind of event feels like I'm in a fairy tale-like dreamland.
A place filled with different kinds of flowers. Poured with diverse colors of roses. Paced with a very serene music. A pompous venue. Gorgeous lovers. Genuine smiles on their faces. A heart-warming ceremony.
Being in a place like this is very new to me.
I never saw people like this before. I never saw how authentic their eyes will be.
I may not know all of this people whose present here on this rite. But I know for sure they are trying to survive on this world.
That's what we always do.
Striving for survival.
I am happy for them though. Just for tonight, at least, they tried to hide the pain and chose to smile.
"Hoy, ano ba!?"
Nagulat ako sa sigaw na nanggaling sa lalaking nasa harapan ko kaya mabilisan kong naibaba ang kamay ko.
I was astounded by this feeling I felt new kaya hindi ko siya napansin.
"I'm sorry."
I shouldn't felt this way. I must enjoy my life now.
Ibabalik ko na sana sa noo niya ang bimpo nang kunin niya ito sa kamay ko.
"Sige na manood ka na. First-time mo ata maka-attend sa ganitong klaseng event e."
Nagulat ako sa inasal ng mokong. Ano akala niya sa akin? Kawawang nilalang?
"Hindi naman kasi ako repeater para ma-experience ko to dati."
"Ay bobo."
Natawa ako sa naging reaksyon niya.
"Pilosopo." Bulong niya sa sarili.
Binalingan ko na lang ng tingin ang nasa harapan.
The program was started by a prayer, and of course followed by the national anthem. The SSG President welcomed us by his overwhelming speech. After that, the school brass band played the music as the students of Section A presented the cotillion.
It really feels surreal.
This really feels fantastic.
"Oh Rayl? Hindi kayo sumali sa cotillion?"
I gazed at my left side as I heard someone asked about us.
"Hindi talaga ako kasali." I answered the guy.
Imbis na sumagot ang kumag ay tinuro niya na lamang ang noo niya.
"Anong nangyari dyan?"
"Naaksiden-"
"Nag-away kasi sila ni Shad. Alam mo na, selosa tong kaibigan namin, kaya ayun! Iniha-"
"Yan! Kainin mo."
Isinaksak ko sa bibig ni Zeah ang nadampot kong pagkain sa mesa namin. Kadarating lang nangugulo na naman.
"Okay? HAHA."
Binigyan naman agad ni Khent si Zeah ng tubig. Pinandilatan ko siya ng akmang babatukan ako.
Kung anu-anong chismis ang kakalat niyan dahil sa bunganga niyang walang humpay kung makapagsalita.
Umalis naman kaagad ang lalaki nang makitang nagrarambulan kami ni Zeah.
Apat kaming magkakasama sa table. Kasama na ang kumag syempre. Si Axi ay busy pa sa band nila. Samantalang si Josceah ay nasa table ng mga SSG Officers. But she promised to be here before this night ends.
"Umalis na nga lang tayo dito. May umaaligid na bitter sa tabi-tabi e."
Tumayo si Zeah at hinila si Khent sa dance floor nang magsimulang tumugtog ang isang slow music.
"Malanding atom."
I looked around to find out if I am the only one who doesn't have a partner. Fortunately, marami kami kaya napatawa ako.
"Anong nakakatawa?"
Tiningnan ko sa mukha ang kumag nang magsalita siya. Kinuha ko ang kamay niya sa noo nang makita ko ang bukol. Mabuti na lang hindi kalakihan yung bukol kaya mabilis na nawala.
"Okay na." I smiled.
Hinawakan ko ang noo niya para maramdamang wala na nga talaga ang bukol.
"Ang chansing mo."
I stopped. And then I realized na ang lapit na pala ng mukha ko sa kanya.
"Oh, sorry."
Lumayo ako sa kanya at umupo ng maayos sa upuan ko.
"Feelingero nito, tinitingnan lang yung bukol eh."
Tumawa lamang siya sa naging sagot ko.
Kinabahan ako dun ah.
Kinabahan talaga ako.
Kinabahan.
Ako.
Kasi baka alam mo na. Makita niya ang magandang kulay ng mata ko at maisipan niyang nakawin.
Loka! Patay tayo kung sakali.
"You don't want to dance?"
"I don't dance." I answered not looking at his face.
"Ang boring ng life."
"Mas boring mukha mo."
I sipped my mango juice served by the waiter earlier.
Nagugutom na ako. Ba't ang tagal matapos ng program?
Kakasimula pa lang, matatapos na agad?
I sighed. Tanga ko mag-isip kahit kailan.
"You don't know how to dance?"
I groaned in silent. Ang kulit ng magnanakaw. I didn't answer him. Instead, I stood up and searched for a food.
Di na papapigil mga alaga ko, gutom na talaga sila.
"Hey!"
Hindi ko pinansin ang pagtawag niya. Dumeretso akong lumakad papunta sa food stall. After I picked some foods, I decided to go back.
"Ang dami naman ata niyan?"
"Wag kang makialam. Gutom ako."
"Halata nga."
Kumain ako ng kumain hanggang sa mabusog. Natapos na ang limang love song, dun pa napagdesisyonan ng iba ang kumain.
Ayan, mamamatay kayo sa gutom dahil sa pag-ibig na yan.
"Bitter ka lang." Bulyaw sa akin ni Zeah habang kumakain.
"Wag kang ganyan Ze, baka maghanap agad yan ng majojowa si Shad, hala ka!"
"Tumahimik nga kayong dalawa." I rolled my eyes at them. Nakikisali pa tong si Josceah e.
"Kakain ka na naman?"
"Nakikialam ka na naman?"
"E hindi ka naman tumataba. Nagsasayang ka lang ng pagkain."
Ibinaba ko ang hawak kong tinidor at tiningnan siya ng matalim. Kailangan ko pang ihawi patagilid ang katawan ko kasi nasa gilid ko siya nakaupo.
"Nakikisali ka sa grupo namin."
Tiningnan ko isa-isa ang mga kaibigan kong nasa table namin nakapwesto. Including Khent, ampon siya sa grupo.
"Pinaalis ba kita?" Tiningnan ko ang inuupuan niya.
Katabi ko sa Axi sa right, katabi naman niya si Josceah. Kaharap ko sa table si Zeah na katabi ni Khent sa left side niya. While this guy was in between me and Khent. We are sitting in a round table.
"Because you also want it."
"W-what?" Napamaang ako.
"Bakit ko naman gugustuhin na makasalo sa isang lamesa ang isang magnanakaw!?"
He laughed as I retorted. "You still want to push that title of mine ha?"
"Totoo naman!"
He crossed his arms then smirked.
"Gusto mo atang magpanakaw e."
"Hoy!"
"Hindi naman kayo nag-aaway niyan?" Singit ni Axi.
Walang sumagot sa aming dalawa kaya't binalewala na lang nila ang nangyari.
Asungot, kaasar!
"Around of applause for Section E!"
I clapped my hands. Hindi dahil sa sinabi ng emcee kundi dahil natuwa ako sa presentation ng last section.
The least group yet the most outstanding performance among the rest.
People really underestimate the wrong people.
"Hindi ka talaga sasayaw?"
"Ayoko." Sagot ko kay Axi.
"Ano ba pinunta mo dito Shad, pagkain?"
I looked at him as he accused me as a grumpy eater. He may not mention it but I know what's his pointing out.
"Wala na bang pagkain sa bahay niyo?"
I rolled my eyes as he continued talking.
Halos lahat ng studyante nasa dance floor. They are spending their precious time with their gorgeous partners. Its past 11 in the evening and the program will end sooner.
"Naghihirap ba kayo? Tell me if you need a money, I can lend you my allowance."
Umupo siya sa tabi ko at kumuha ng maiinom. Silang lahat ay busy sa kakasayaw. Pati nga tong baklang to e. Palibhasa maraming nag-aaya sa kanya.
"Isang Fernan naghihirap? That's-"
"Shut up."
I picked my glass and drink my flavoured juice. I stopped when I notice someone who's approaching at our side.
"Wala talagang nagyaya sayo?"
Isa pa tong unggoy nato e.
"Ahm, A-Axiell, can we d-dance?"
I glanced at Axi when someone asked for him.
Seryoso? Again!?
"Ganyan talaga pag gwapo. Babae na mismo ang nagyayaya."
Tiningnan ko ang pag-ngisi sa akin ni Axi sabay kuha ng kamay ng babae. She's from Section A of HUMSS, I think?
"Don't be shy, it's a pleasure. Let's go?"
They left the table and danced like there's no tomorrow.
Duh! Like I care?
"Sawi ka ba?"
Pinagmamasdan ko ang paligid nang tanungin niya ako. Tinaasan ko siya ng kilay dahil sa mapanghusga niyang tanong.
"Ampalaya ka masyado e."
He leaned his two elbows at the table, focusing his gaze at mine.
"Sabagay, hindi na rin ako magtataka kung NBSB ka."
"Oh tapos? Share mo lang?"
"Tatanda ka talagang dalaga niyan. Yang asal mo na yan? Nah! Walang-"
"Walang kabuluhan ang mga pinagsasabi mo, tumahimik ka."
"Oh kita muna! Kaya ka hindi magugustuhan ng mga lalaki e."
Napahinto ako sa sinabi niya. "I didn't beg for their affection." Matalim ko siyang tiningnan nang husgahan na naman niya ako.
"Sa ngayon."
I blinked as he added.
"What the hell is your fuss?" I retorted.
"Oh? Walang katapusang pag-aaway? To be continue pala yung kanina?"
Umayos ako ng upo nang dumating si Josceah. She has gifts from his suitors? Based on the flowers, chocolates and stuff toys that she placed on her right side; at the vacant seat¸ pretty sure she played very well these past few days.
"Well-played." I averted the topic as I talked to her.
"As always." She smiled mischievously.
I scoffed and laughed.
"Keep it up then?"
"Yeah?"
We both laughed as we exchanged words of kagagahan. Bumaling siya sa lalaking kasama namin at hinampas ito sa braso.
Lakas ng tama ng babaeng to.
"What was that for!?"
"Hindi mo man lang sinayaw si Shad."
"Jo!"
"What? Sumayaw ka naman kahit isang beses lang. Who knows, last na pala natin to, edi magsisisi ka pa kapag nagkataon."
"At bakit naman ako magsisisi?" Pasiring kong tanong.
"Kung sa isang magnanakaw lang din naman, wag na hoy."
"Wow, choosy. Ganda ka bes?"
I mocked at his face. "Obviously, bulag ka ba?"
He bursted in laugh. Napatakip pa siya sa bibig niya dahil sa pagpipigil. Ang sarap niyang hampasin ng walang hangganan!
"You're really something." Napapailing niyang sabi.
Hindi ko nga lang alam kung compliment ba yon o pangingi-insulto.
Jo tapped me. "I'll be right back, umayos ka dyan."
I nodded, then she left us. Napatingin ako sa stage na tinayuan niya pagkatapos kunin ang mic sa emcee. Hindi ko na lang pinagtuonan ng pansin ang nasa gilid ko, baka kamo makasuhan pa ako ng violence.
"As we will end this enchanted rite tonight, we have a special announcement to proclaim."
Sabay-sabay na tumigil ang mga studyante sa pinaggagawa nila nang magsalita si Josceah. She is in the stage with all the SSG Officers beside their SSG Adviser; Ms. Claire Solomon.
Umayos naman ng upo si Zeah at Khent matapos maglambingan sa harapan namin. The boys at my opposite sides were also listening at the front.
"Let's look for our Mr. and Ms. Enchanter and Enchantress for tonight."
We looked at the big screen lighted at the right side of the stage. The merry music started to play as the screen begins flashing stolen pictures of random student.
"Omyghad?"
"No way!"
"Wooooaaah!"
What a francium!?
I started laughing when I saw epic pictures of my classmates. Including my friend Zeah, who was caught with her half-opened mouth as she was about to take a bite of her food.
"Ang ganda mo." Puna ko.
"Grabe Ze! Ang haba!"
"Ang haba ng baba mo!"
Mas lumakas ang tawa ko nang ginatungan ni Axi ang biro ko.
"OMG!?"
He-helium.
Napahinto ako sa kakatawa nang makita ang mukha ko sa screen. Gumawa ng nakakakilabot na asaran ang mga tao dahil sa nasaksihan.
Ba't may picture kami dyan!?
"Stop flashing our pictures!" Napatayo ako dahil sa inis.
"Ang kill-joy mo, Shad. Tumahimik ka na lang diyan, alam ko namang kinikilig ka lang e."
Muntik ko nang masapak si Zeah sa sinabi niya. The next photo that was flashed was even worse!
Kung ang unang kuhang litrato ay yung magkaharap kami ng kumag habang hawak niya ang phone ni Axi, ang sumunod na mga kuha ay kahindik-hindik na!
Pag sinabi kong kahindik-hindik, synonymous yun ng karumal-dumal!
"Kaya pala ayaw mong sumayaw."
"Galawan mo Shad ha!"
"Iba dumiskarte si president ah!"
Nangangati na ang kamay ko at nais nang kumawala ng isang suntok sa mga kaibigan ko. Pero hindi ko magawang ibaling sa iba ang atensyon, gayong ang mga larawan ko ang nakapaskil sa malaking salamin!
Tungsten!
"Ang gwapo ko diyan infairness."
Nakanganga kong tiningnan ang kumag nang magkomento siya.
The photo was taken when I placed my hand at his forehead. 'Yun yung oras na tiningnan ko ang bukol sa noo niya.
Tungsten ulit!
"Nice."
Too bad, the photographer has the skill too much. Ang lapit ng mukha namin sa isa't-isa na para bang hahalikan niya ako!
"Pahingi nga ng kopya."
"Gago ka ba!?" I stopped Axi as he suggested something stupid.
"Ako na!"
Ngunit nag-unahan ang dalawa sa pagtayo na mas nagpa-init ng ulo ko.
Ugh!
I tried to calm myself not to punch their effin' faces as I closed my eyes.
"O MY GHAAD!?"
But when I heard the voiceless silence after a few seconds of gasps of everyone, I automatically opened my eyes to witness the scene.
"Potassium." I stood up and also gasped in awe.
"W-what the helium are you t-two doing?" I whispered as I asked.
Mabilis na lumayo sa isa't-isa ang kumag at bakla nang mapagtanto ang nangyari.
Of all the places, really!?
Tumawa ng malakas si Zeah na siyang sinundan ng tawa at tukso ng iba pang studyante.
"And we have the winner!"
Malakas na hiyawan ang sumakop sa venue nang inanunsyo ni Josceah ang nanalo.
"W-what!?"
No way!