Chapter VI
I was shocked to see my face at the mirror.
I look horrible!
Wala kasi akong maayos na tulog kagabi. Last night was a huge mess. I can still remember how that jerk acted in front of my friends saying we're really engaged with each other.
Kalokohan!
Ay hindi. Kagaguhan!
"Kumain ka na muna hija. Wala kayong pasok?" Tanong ni manang sa akin nang makita niya akong palapit sa hapag. She's preparing the breakfast like usual.
"Ah meron po manang." Umupo ako sa puwesto ko at nagsimula ng kumain.
"Umalis na ang mommy't daddy mo kasama si Shine. Pagod ka ata sa date niyo ni Rayl kagabi?"
I sighed with manang's speculation.
Date?
"I was drained for the past few weeks manang."
I looked at her to convince her.
"And it wasn't a date."
Gusto ko pa sanang dagdagan kaso pagod akong mag explain.
Hindi ko gawain ang magpaliwanag. Lalo na sa mga taong sirado naman ang utak. Mga taong ayaw tumanggap ng paliwanag.
"Sabi mo e."
See?
Ginawaran niya ako ng isang ngiti bago umalis papunta sa kusina.
Binilisan ko na lang ang pagkain ko nang makaalis na.
Tomorrow is the prom day. And since, lahat ng Grade 12 students ay kasali, kailangan talaga ng practice. That's why this day was scheduled for the practice day. Eight in the morning pa ang call time for practice, at sa gymnasium magaganap. Gusto ko pa sanang matulog ulit ngunit it's already 6:30 am. I need to be early kasi may meeting pa daw ang mga class presidents.
"Alis na ako manang."
I bid my goodbye to her as I kissed her cheeks. Pumara na ako ng taxi and I waited for the time to stop at our school.
"Good morning GA!"
(GA means General Assembly. Referring to all class presidents.)
"Good morning Maam."
"To make things easier for us, since the number of seniors is kinda huge. Let's divide the group into five."
I listened intently to what's Maam Vidad; our Grade 12 Head Teacher, saying.
"All first sections will be assigned at the cotillion. Section B, C and D, entertainment kayo. Kayo na bahala kung anong klaseng gimik ang gagawin niyo. While, Section E is assigned for slow dance. All groups have a designated trainers and choreographers." Mabilisang pagbibigay ng instruction sa amin ni Maam. "Be good and have fun. Okay?"
They all nodded excitingly as we separate our ways and grouped ourselves as what Maam V instructed.
"Okay listen up!"
Nagsilapitan ang lahat ng mga studyante na nabibilang sa first section. Approximately, we are eighty students all in all.
"Bakit parang ang konti lang ng bilang niyo?"
"Ah sir, may mga clubs and orgs po kasing sinalihan ang iba. May presentation rin po kasi ang ibang clubs."
"Tsaka sir ang iba, SSG Officers."
"I see."
Pagkatapos magpaliwanag ng iba pang president sa choreographer namin, he immediately instructed us to get a partner.
"Babuusssh."
Sinimangutan ko si Zeah nang iwanan niya ako papunta sa jowa niya na obviously magiging partner niya.
"Heh."
Magsasawa rin kayo sa isa't isa. Joke.
Ayokong iyakan niya ako pagnagkataon. Though that's what friends are for, ang OA niya kasi umiyak. Sakit sa tenga.
"All set? May partner na lahat?"
'Yung akin sir wala.
"Shad wala kang partner?"
"Obvious ba Drew?"
Tinawanan niya ako.
"Sir! Walang may partner dito!"
Kainis. Epal rin e. Pumapapel as Axiell.
Narinig ko naman ang bungisngis ni Zeah nang mapansing ako ang tinutukoy ni Drew. Sinamaan ko si Drew nang sumali siya sa tawanan ng iba kong kaklase.
E kasi naman, tutugtug yung brass band bukas kaya hindi siya pwede.
At tsaka, galit pa ang mokong sakin.
"Oh inday? Maghanap ka na ng partner mo."
"Ah no coach. Hindi po ako sasali sa cotillion." I lied.
"What!? Ang daya mo Shad ha!"
Pinandilatan ko ng mata si Zeah nang magreklamo siya.
"Sure ka?"
"Yes coa-"
"I'm sorry, I'm late."
Lahat kami ay napatingin sa lalaking sumulpot bigla sa gilid ko.
"Ayun naman pala e. Let's start!"
"Kanina ka pa naghintay?"
He looked good at his uniform. Para siyang walang kasalanan sa pormahan na yan.
"I won't dance."
I walked at the bench side to take a sit and observe how their practice will go when this guy followed me.
"Uh huh?"
Inayos niya ang kwelyo niya at sinuot ang kanyang ID.
"Wag kang FC okay? May kasalanan ka pa sakin."
"No."
Dinungaw niya ako nang bigyan niya ako ng sagot. Nakaupo ako at dahil nakatayo siya kailangan ko pa siyang tingalahin. Not the other meaning mga atoms. Never.
"We're even now."
Umalis siya sa harapan ko at humanap ata ng makakapartner sa sayaw.
Okay? Can I say it is somehow a good thing or not?
Nang mawala siya ng tuluyan sa pananaw ko, tumayo na lamang ako at tumulong sa pag-aasikaso sa grupo ko.
Tsk.
"Nakakapagod!"
Narinig ko ang malakas na reklamo ni Zeah nang matapos ang mahabang pagsasayaw nila.
"Ginusto mo yan."
Umupo ako sa bakanteng upuan sa harapan niya at binigyan siya ng mapang-asar na ngisi.
"Tse! Manahimik ka soon-to-be wife of Mr. Salazar!"
Nanlaki ang mata ko ng literal dahil sa inusal niya. Tumayo ako at tinakpan ang bunganga ng bruhilda.
"Hoy, ano yan!?"
Malakas na hinawi ni Zeah ang kamay ko.
"Ang baho ng kamay mo!"
"Hininga mo kamo."
Bumalik ako sa upuan ko at tumabi naman si Jo sa akin matapos siyang makapag-order ng pagkain. Andito kami sa Zinc, nagpapahinga dahil nga pagod kaming lahat sa araw na ito. Napagod rin ako kakapanood sa kanila no.
"Kung anu-ano pinagsasabi mo. May makarinig sayo kakalat na naman agad yan." Sita ko sa kanya.
"Whatever Shaddowe."
Hinalungkat na lang niya ang cellphone niya at hindi na ako kinausap.
Mabuti pa nga.
"Ang lakas ng trip niya sa buhay ah?"
I sighed and agreed with Josceah. As in big check! Sa lahat ng pwedeng sabihin bakit yung mga salitang yun pa?
"Sabi ko naman kasi sayo. He will be part of your life na."
"Helium Jo, shut up."
Tumawa lamang siya sa naging reaksyon ko at nagsimula ng kumain nang dumating ang orders ng lahat.
Part of my life? Atoms niya maliit!
I looked at my plate filled with chicken wings with a sauce and one-half cup of rice. Jo also ordered my favourite piece; mango float and mango shake.
This is it. Kainan n-
"Hep!"
Tiningnan ko ng masama si Axi nang inagaw niya ang pagkaing isusubo ko na sana sa bibig ko.
"Ahhh, isa pa Shad."
Pero imbis na mainis, ngumiti ako.
Pasalamat siya may kasalanan pa ako sa kanya kaya magiging galante ako ngayon. Kaya naman umorder na lang kami ulit.
"Ang takaw mo."
"Miss mo 'ko no?"
Tsk.
"Sorry."
Nakayuko ako ng sabihin kay Axi yun. Ngunit napatingin kaagad ako sa kanya nang sabihin rin niya sa akin ang mismong katagang inusal ko.
"This was actually Tita Selena's plan." He continued.
My mom!? Silicon. Sabi ko na nga ba't may plinaplano yung dalawa e.
"Your mom told me not to be your partner for tomorrow's prom. Sabi niya wag daw kita pansinin para maghanap ka ng ibang partner. Wag daw puro ako partner mo sa lahat ng events. Baka hindi ka raw magka-asawa dahil sa akin."
"So you're not mad at me?" Binalewala ko ang paliwanag niya. I'm gonna talk to mom later.
At anong kasal? Ba't may kasalan na magaganap? Pinagsasabi niya?
"Nope."
"Hindi ka galit!?" Nakangiti kong tanong.
"Hindi."
Nasa labas kami ng bahay namin, nakatayo sa ilalim ng poste. Hinatid niya ako pauwi dahil magkasamang umuwi sina Jo at Zeah. Nasa kabilang subdivision lang naman ang bahay ng isang to kaya kami parati ang magkasama tuwing uwian.
"Pero hindi e! Legit talaga yung inis ko sayo kagabi. Pinagpatuloy ko na lang para magawa ko yung hinihiling ng mahal mong ina."
"Sorry talaga ha." Sinundot ko siya sa kaliwang pisngi niya at hinawakan ang braso niya.
"Pero legit rin yung pagpipigil ko ng tawa ng malamang ikakasal ka kay Rayl."
Mabilisan ko siyang tinulak nang asarin niya ako.
"Oh? Nananakit."
"Kainis ka kasi."
"Pero seryoso, totoong ikakasal kayo sa isa't-isa?"
"Buang ka?"
"Hindi." He laughed.
I pouted. "Naniwala ka naman dun."
"Gusto mo naman ata e."
My eyes automatically gazed at him. "Hindi ah! Kaluod!"
Mapang-asar siyang tumawa at pinisil ang magkabilang pisngi ko.
"Mahal mo pa ako no?"
"Ulol!" I pushed him "Mahal naman talaga kita."
Nagulat siya sa sinabi ko.
"As friends." I chuckled.
Hinila ko siya pabalik at inayos ang bag niyang nakasabit sa balikat niya.
"Ang panget talaga ng ugali mo."
"Okay na tayo ha."
Kabado ko siyang tiningnan habang naghihintay ng sagot.
He smiled playfully. "Ayoko." Sabay tawa ng malakas.
"Pabida! E may utang ka pa ngang treat sa akin e."
"Kaya nga kita tinawagan kagabi diba? Ano Kayeth, sumbatan?"
I pouted.
"Sorry na, seryoso mo masyado."
Kapag talaga tinatawag ako ng baklang to sa pangalawang pangalan ko, maghahabulan pa kami sa EDSA ng matagal bago humupa ang inis niya.
"Pumasok ka na." He patted my head as he pointed our gate. "Get some rest nang gumanda ka naman. Kahit bukas lang Shad, parang awa mo na."
"Tungstenamo."
"Pasok!"
Tumawa ako sa inasal niya. Hindi niya talaga ako matiis.
"Chansing!"
"Gusto mo naman." Pang-aasar ko.
"Sagutin mo na ako!"
"Ulol."
Pagkatapos ko siyang yakapin at mag sorry ulit, pumasok na ako sa loob ng may ngiting nakapaskil sa mukha.
At the end of the day, I got an awesome reward despite of the unpleasant events happened last few days. Makakapagpahinga na rin ang utak ko.
"Shad hija!? Gumising ka na at papunta na dito ang mag-aayos sayo!"
I woke up because of the noise from my alarm clock at dahil na rin kay manang. It's still eight in the morning ba't on the way na ang make-up artist? Mamaya pang 5 pm ang program.
Sobrang sipag niya talaga.
But instead of ranting about my mom's make-up artist's whereabouts, I just entered my bathroom and cleaned myself.
"Ako na maghahatid sayo mamaya honey."
I nodded at dad. Umupo ako sa upuan ko at nagsimula ng kumain.
"Aren't busy?"
"I can make time."
I smiled.
"You should atleast dad, ate is so kawawa."
Binalingan ko ng tingin ang kapatid ko nang magbigay siya ng komento.
"Eat Shine, stop talking."
Sumunod naman agad siya sa sinabi ko at mabilis na tinapos ang pagkain. Wala silang pasok kaya nandito siya sa bahay. Kukunin siya nila lolo mamaya kaya maaga siyang nagising.
"Wala kayong work dad?"
"We have plans for tonight." He uttered those words as his answer.
Ang layo ng sagot.
I just nodded and then continued eating.
"You don't have a partner anak?" Mom broke the silence.
Iling lamang ang aking naisagot. Ayokong pag-usapan.
Para akong broken sa sitwasyon na to.
Yung taong na reject ng minamahal niya? Yung batang naagawan ng candy? Yung taong namatayan? Alam niyo yun?
Hindi ako yun.
Wala ako dun syempre.
"I- I t-thought Neecho is your partner?"
Napahinto ako dahil sa sinabi niya. Mabuti na lang pinaalala niya.
She waited for my answer as she looked at me innocently.
"You should've made some nonsense plan mom." Walang gana kong sabi.
Napahinto at nagtataka silang lahat na tumingin sa akin. I sighed before drinking my water.
"P-plan? What are you saying honey?"
"C'mon mom. I knew it already, nagkausap na kami ni Axi."
Her mouth formed an O after hearing my words.
"Wag mo kong ipagkanulo mom."
"Wait what? No honey, I'm not!"
Both Daddy and Shine continued eating. Binabalewala ang maliit na pagtatalo namin ni mommy.
"Look mom. I'm good, okay?"
"Of course you're good! You are good." She insisted. "I just want-"
"But I don't want it! I don't like him!" I intruded her sentence.
I don't know what their exact plan of Mrs. Salazar is, if she was included on this muddle, but whatever it is, I am not happy to deal with it.
"Excuse me." Tumayo ako at dumiretso sa kwarto ko.
Ayokong maging emosyonal sa ganitong mga bagay, but I can't help it.
I don't want people to treat me as a puppet. I don't want how she makes me feel like a marionette.
Not again please.
I sighed. "I'm sorry mom." I whispered.
I looked at the pastel-pink cocktail dress hanged near my bed. I saw the black-paired stiletto at the bottom of it and the accessories at my vanity table.
Mom prepared all of this, obviously. Ayaw niyang magmukha akong kawawa sa mga gantong okasyon. She knew me very well, kasi kapag wala siyang hinanda, okay na sa akin ang isang t-shirt and maong pants.
And she doesn't want that.
But she didn't really know me when it comes to social life.
I love my mom. But I hate her ideas every time she persist things I don't like.
I sighed deeply as my past memories reached my mind. I want to forget those stuffs. I don't want to hate her. Not for the second time around.
I gaze at my door as I heard a knock.
"Ms. Reanly Santiago."
I let her come in and welcomed at my room. She is our make-up artist/designer. We knew each other and we're somehow been close as friends before. I am four years younger than her. And yeah, she is already a successful lady in her young age.
She's my idol.
"Nakasimangot ka na naman."
I hugged her tightly as she reached my hand.
"I miss you."
"Kunwari ka pa, e ayaw mo ata akong makita."
"It's okay as long as you are here as my friend. Not a dresser."
Kumawala ako sa yakap niya at pumwesto sa vanity chair ko. Samantalang nilagay niya ang mga gamit niya sa katabing upuan ko upang iayos ang mga gagamitin sa pagmamake-up.
"I am always your friend Kaye. You can count on me always. You know that, right?"
A tear fell at my eyes as she caressed my cheeks.
Ate Rean was with me since I was eight. She is the only one who knows my pain towards my mom.
"She loves you baby."
I know.
"Intindihan mo na lang."
Pinigilan ko ang maluha nang tuluyan.
"Ikain mo na lang yan."
Umurong bigla ang luha ko dahil sa kanya.
"Yan, smile! Wear that precious smile of yours often. Kaya ka tinatawag na panget ni Axiell e."
Tiningnan ko siya sa salamin. "Thank you."
"Wala na. Nagda-dalaga na ang Kayeth namin."
I groaned. "I hate you."
Tumayo ako at kinuha ang towel ko sa cabinet.
"Welcome." I smiled as I heard her reply.
After almost four hours of doing her magic to me, at last she finished her obra.
"Great, you're gorgeous!"
I looked at my reflection.
"Malamang ikaw nag-ayos sa akin e."
"Asuuus!"
I laughed when she retorted.
"Sayang, wala kang partner."
I rolled my eyes. Here we go again with that topic.
"Picture kayo nila Axi ha. Send my regards to them also."
I smiled and nodded.
We heard a horn of dad's car. Nagpa-alam na kaagad ako sa kanya at kinuha ang purse ko. Baka magalit pa si daddy sa akin kung mahuhuli siya sa date nila ni mommy.
"Take a picture of Neecho rin Kaye!"
"Ayokoo!"
Narinig ko ang malakas niyang tawa nang sumigaw ako.
"My fabulous daughter!"
I smiled at dad as he complimented her oldest child.
"Oh darling! You look stunning tonight."
I rolled my eyes as mom exaggerated her words.
"I'm sorry, sweetie."
"I love you mom." I hesitated but tried to say it.
"I love you." She touched my cheeks and smiled.
"Girls lets go. Mamaya na ang drama."
Hinampas ni mommy si daddy sa braso dahilan upang tumawa ako.
Mom looked good at her maroon tube dress with her skin-toned flat shoes. While dad looked so hot and cool with his black suit. Sila ata ang aatend ng prom hindi ako?
"Enjoy!"
"You too."
I kissed their cheeks as I got out of the car. There I saw how grandiose the venue was.
The school gymnasium doesn't look as a gymnasium itself. Aakalain mong nasa isang mamahaling hotel ka kung titingnan sa labas. Paano pa kaya sa loob?
"Ay gumanda nga siya."
I made a pose to tease Axi as he approached me with his warm hug.
"Naging tao ka sa porma mo." Ganti ko.
He wore a black inner shirt inside his white suit. Revealing his chest, he unbuttoned the first two buttons of his coat.
"Salamat ha." Sarkastiko niyang sabi sabay hawak sa baywang ko papasok sa hall.
"Wow."
The venue was well-designed! Tonight's theme was a vintage s***h enchanted -style.
Whatever it is, it looks great!
I thought they can't make it look good. Baka talaga magmukha kaming matanda o di kaya engkanto kung sakali. I didn't expect they will feed my satisfaction more!
"Laway mo tumutulo."
"Hey!"
I hugged Zeah instead of giving her a stare. Ang ganda niya para awayin ko e. Ang ganda ko rin para gumawa ng gulo.
Chos. Tomato sauce.
"Naks, dalaga na siya."
"Oh, shut up." I snapped. "Hi Khent. You look good."
"Hoy hoy hoy hoy! Akin to!"
Tumawa naman ako sa naging reaksyon ni Zeah nang purihin ko ang boyfriend niya.
"May sinabi ba ako?"
Khent was wearing a black suit and a red tie. Same color of the gown of his partner Zeah.
"Hindi ko naman aagawin."
Hinila niya si Khent palayo sa amin upang makasigurado.
Abnormal.
"Picture tayo Shad!"
Inilabas ni Axi ang phone niya and then we took a picture. Natatawa ako sa itsura namin dahil kung anu-anong wacky na lang ang ginagawa.
"Mas bet ko to."
Turo niya sa picture naming dalawa na whole body. Nakaakbay ang right arm niya sa akin samantalang nakayakap ang isa kong kamay sa baywang niya. We look like a couple as what other people usually say.
Parang tanga.
"Isang yakap mo pa talaga sakin Shad, iisipin ko na talagang may gusto ka sa akin."
Pinagmasdan ko ng mabuti ang picture naming dalawa sa phone niya. I zoomed it out. May tao kasing nakasilip.
"Ano, aamin ka na?"
I hissed. "Siraulo."
Pinagmasdan ko pa ng mas maigi ang litrato nang hindi ko lubos makita kung sino ang taong yun. The guy was wearing a color gray tuxedo with a black neck tie.
"HOY!"
"Tungsten!"
"Aray!"
Naihagis ko ang phone ni Axi nang sumigaw siya sa may tenga ko.
"Bakit ka sumigaw?"
"E bakit kailangan ihagis patiwarik ang phone ko?"
"Ginulat mo ako e!"
"Hindi ka na naman kasi nakikinig."
Nakonsensya naman ako sa ginawa ko kaya hinanap ko kaagad ang phone niya. Baka basag na yun.
"E bakit ka kasi sumigaw?"
Sinilip ko ng mabuti ang dinadaan namin. Tumungo ako sa parteng likod ng mesa na inupuan namin kanina. Dito ko ata nahagis?
"E bakit hindi ka nga nakikinig? Hindi ka na nama-"
"Sorry! You don't need to shout though."
"I didn't shout. Sadyang hindi ka lang nakikinig kaya ka nagulat."
"Nakiki-
"Bakit ako nadadamay sa away niyo?"
Napatigil ako nang may sumulpot sa harapan ko kaya't naharangan ang dinadaanan ko.
Kita ng may hinahanap e.
"Ano!?"
Tumunghay ako upang makita ang taong humarang sa gawi ko. Nakita kong nasa kanya ang phone ni Axi.
"Ikaw ang nagbato nito?"
Nagulat ako nang makilala ang lalaki.
"Rayl." Usal ni Axi nang nasa likuran ko na siya.
Kung nagulat ako kanina dahil nasa kanya ang hinahanap ko. Mas nagulat ako nang makita ang bukol niya sa noo.
Patay.
"Nang-iinis ka ba!?"