Chapter XV
“You did very well this time. Better be better next time, students. Enjoy your Christmas vacation!”
Isang masigabong palakpakan ang yumanig sa school atrium nang matapos magsalita ang head teacher ng 1st year level. Everyone congratulated us after we got our awards from different events. I was here because, luckily, I topped for BSBA course in our level. Actually, sampung students kaming kasali, there are three of us in our section who was included, Theya too.
“Congrats.”
I stopped when he appeared at my way.
“Oh, hey! Thank you.” I beamed. “Congrats din sayo.” I looked at his hands.
“Well yeah, thanks!”
I nodded. Napatingin ako sa dako ng engineering department nang sila naman ang bigyan ng awards. I waved at Axi who’s also looking at me and we mouthed congratulations at each other. Umiwas lamang ako ng tingin nang kumaway ang kumag sa akin.
“Mind to have some tea?”
Napatingin ako sa lalaking nasa harapan ko pa pala.
“But if you’re busy-”
“Sure.” I intruded. “Same place?”
He showed his white teeth to me and nodded.
“Kung alam mo lang kung gaano kahirap, Shad!”
Napatawa ako sa ekpresyon niya.
“Well, ginusto mo yan.” I shrugged.
Namilog ang singkit niyang mga mata. “Alam mo, ang sarap mong kausap!” Singhal niya na siyang nagpalakas ng tawa ko.
I raised my two arms; more like surrendering.
“I’m just kidding. Sorry.”
He laughed.
“Anyways, saan niyo planong magbakasyon?” He looked at me while sipping his juice.
Napaisip naman ako. “I don’t know yet. How about you? You can come with us if you want.”
Nakita ko ang pagningning ng mata niya sa alok ko.
“Really?”
I nodded. "Yup."
“You’re too straight forward, aren’t you?”
Napairap ako.
"Kung ayaw mo, edi wag.”
He laughed.
“Next time. I’m flying to Canada, remember?”
Mapait akong ngumiti.
“You better behave there.”
“You sounded like my mother.”
Napangiwi ako.
“I’m too young to be your mother, Al!”
“Then be my lover.”
Nasamid ako sa pagkakainom dahil sa sinabi niya.
"Siraulo!"
“Joke. Hahaha.” Bawi niya. "Joke ulit.”
I glared at him. “Hindi tayo talo, shut up!” Untag ko.
Pero ang loko hindi pa rin tumitigil sa pagtawa kaya natawa na rin ako.
"Potassium ka."
Napangiti ako habang nakatingin sa mukha niyang maaliwalas na tumatawa.
I never imagined having a true friends, aside from those three. After what happened to me, I used to be alone. Alone with my parents, with Shine, with ate Rean, jammed with Axi, hanged with Josceah and Zeah, with only few.
Pero biglang nag-iba ang ikot ng mundo at ihip ng hangin. Unti-unting dumadami ang mga taong nakakasama ko sa araw-araw. Bawat silip ng araw ay mas nagiging visible ako sa lahat, sila rin sa akin.
“Next time then.” He bid while smiling.
“Libre mo ulit.” Biro ko.
“Mauubos pera ko sayo e.” Angal niya.
Napatawa ako. “Thank you.”
He just smiled and then flew.
After that accident happened during the foundation, naging magkaibigan kami ni Alex. Napapadalas yung pagsasama namin especially when we both selected as representative of our school in a science fair. Nang dahil dun ay mas nakilala ko siya, him to me also.
“Hindi naman kaya magbago ang treatment mo sakin dahil sa sinabi ko?”
I halted when I saw his worried face.
“Hey.” I tapped his hand. “I’m not like that.” I smiled at him.
Ngunit hinawi niya ang kamay ko nang may tawang lumabas sa bibig ko.
“Pinagtatawanan mo ba ako?”
Mabilis akong umiling at nagpigil ng tawa.
“No, no!"
He eyed me.
"Hey, I’m not!”
He pouted. “So mean.”
"Ang cute mo." I teased. Napahinto naman siya dahil sa sinabi ko.
"Neknek mo!"
Napalakas ang tawa ko nang pinaikutan niya ako ng mata. Gaga.
He once confessed to me something that even I can’t imagine. Hindi ko alam yun pala ang nararamdaman niya all this time.
And then it hit me, I am like him. Keeping myself to be happy. Hiding in a place that full of fears, pain and sorrow.
But that was before.
At first, I didn’t thought of being a smiley-person. I didn’t know I can smile again in the future. And now, even though it’s not the same happiness I once felt as before, yet I’m still blessed and thankful right at this moment that I can and I am slowly flying high up; carefree. Without worrying for something.
Kaya mahal ko ang mga kaibigan ko e. They made me realize how wonderful this world is. They made me lovelier and more blessed to be alive.
“Nasaan po sila, manang?”
Naisipan kong lumabas ng kwarto nang makaramdam ako ng gutom. It’s the fifth day of our vacation pero palagi lang akong nakaharap sa laptop dahil sa school papers na kailangan kung tapusin. Gladly, I’ve finished them all already.
“Yung parents mo nasa Davao pa rin. Na-extend yung stay nila dahil nagkaproblema raw.”
Umupo ako at nagsimulang kumain.
“I hope it’s not dire.”
“Nako hija, wag kang mag-aalala! Makakarating sila dito sa pasko.”
Napangiti ako.
“Kain po tayo, manang.” Alok ko sa pizza’ng nakahain sa harapan ko.
“Kulang pa yan sayo.” Biro niya. “Yung kapatid mo pala, sa pasko pa makaka-uwi sabay ng lola’t lolo mo.”
“Nag-eenjoy siya masyado ron ah.”
“Nakakawala raw kasi siya sa kasungitan mo.” Biro niya ulit.
Napahinto ako sa pagkain. “May problema ho ba kayo sakin?”
Tumawa siya at umiling. I smiled.
“Wala kang gagawin?”
Umiling ako at sumubo ulit.
“Hindi ka aalis?”
Umiling ulit ako.
“Wala kang date?”
Napa-irap ako. Uminom muna ako ng tubig bago nagsalita.
“Ako na po bahala diyan.” Kinuha ko sa kamay niya ang listahan. “Eto lang po ba?” Tumayo ako at humarap sa kanya. Ngumiti siya at umiling.
“Hindi.” Sabay kuha ng isa pang piraso ng papel.
“W-wow.” Sinuri ko ang nakasulat. “You prepared a lot.”
“Obkurs! Mana ako sayo e.”
Hilaw akong ngumiti.
“Manang naman! Ang dami nito, hindi ko kayang buhatin mag-isa to!” Maktol ko. “Akala ko naman eto lang e.” Pinakita ko sa kanya ang ¼ paper na una niyang inilabas kanina.
“Nah uh uh.” She interrupted. “May kasama ka naman.”
Tumingin ako sa likuran upang tingnan ang tinuturo niya.
“Hey, anino!” He grinned. “You miss me?”
I sighed and went to my room ignoring the jerk's presence.
"Hoy!"
“Textmate ba kayo ni manang ha?” Hinarap ko siya. “Close kayo?”
Padabog kong nilagay sa cart ang panghuling ingredient na nakalista sa mahiwagang papel ni manang.
“Ba’t parang kina-career mo talaga yang pagiging fc mo?”
“Hindi ako fc, okay?”
Tinulak niya ang cart sa pinakamalapit na counter.
“Friendly lang. Friendly. At oo! Textmate kami ni manang.” Ngisi niya ng nakakaloko.
“Iiww! Pati ba naman si manang?” Singhal ko.
“Ho-hoy! Ang dumi ng isip mo ah.”
Humarap ako sa cashier lady at kumuha ng pera.
"Seven thousand eight hundred ninety-five pesos and twenty-five centavos, maam."
I handed her the cash and looked at the jerk.
“Ikaw ang madumi.” Umismid siya.
“Sige.”
May lumapit na sales boy sa mga pinambili namin at binuhat ito.
"Thank you maam, sir! Come again!"
Iginiya ko si kuyang-lalaki kung nasaan ang kotse ng kumag nang makarating kami sa parking area.
“Kung hindi madumi yang isip mo, samahan mo ko.”
“Sabi ko na nga ba’t hindi ka tumutulong ng walang kapalit.”
He laughed. Pumunta ako sa backseat pagkatapos siyang ismiran.
“Where?”
He looked at me at the rear-view mirror as he starts the engine.
“Sa hotel.”
“W-what!?”
Takteng zinc! Huminto ako nang makaramdam ako ng pagod at hingal.
“Dali na!”
I groaned. Pilit niya akong pinapatayo sa pagkakahiga ko sa kama!
“Malapit na tayong matapos, ang hina mo naman.”
Tinapon ko sa kanya ang unan na nasa ibabaw ko nang singhalan niya ako.
“Ano ba, anino!”
Huminga ako ng malalim at pinunasan ang pawis na namumuo sa noo ko.
“Kanina pa tayo dito, sinong hindi mapapagod!?” Sigaw ko sabay hawi sa kamay niya. “Ayoko naaaa!”
“Naka-ilang rounds pa nga lang tayo!” Inis niyang usal.
“Ilang rounds pa ba ang gusto mo ha?”
Napakamot siya sa ulo dahil sa irita.
“Kailangan nating tapusin agad to. Come on, anino!”
Marahas akong bumangon at hinarap siya nang nanlilisik ang mata.
“Tapusin mo mag-isa!”
"Ano!? Hindi pwede!"
"Bahala ka na diyan, bye!"
Tumayo ako at tinahak ang pintuan upang makalaya sa kanya.
“Edi sana hindi na kita sinama dito kung pwede tong gawin nang mag-isa diba?”
“Humanap ka ng iba-ay!”
Bigla niya akong hinila kaya’t nadulas ako at sabay kaming napahiga sa sahig.
Ugh!
“Sus maryosep!”
Mabilis ko siyang tinulak nang madaganan niya ako.
“Anong ginagawa niyo?”
Lumingon ako sa matandang babaeng biglang pumasok sa kwartong ginagamit namin ng kumag.
“Kayo talagang mga bata!”
“Wait po manang- hey!”
Pinigilan ako ng kumag nang akmang hahabulin ko sa labas ang matanda.
“Mali yung iniisip niya! Jeez.”
He sighed. “Paano mo naman nalaman na mali yung iniisip niya?”
“I saw her face!” I yelped.
“Aish.” Irita niya akong hinarap. “Pwede ba, wag mong problemahin yung matandang yun. Pagod na rin ako kaya tapusin na natin to.”
Marahan naman akong tumango nang makitang pati siya ay pawisan na rin.
“Bakit ba kasi ang bait-bait mo?” I sarcastically whispered.
“I can hear you.”
Padabog kong kinuha ang nalalabing mga kahon na nakaimbak sa kwartong ito nang matapos na kami.
“Great!”
Nilantakan ko kaagad ang pagkaing in-order ng kumag para sa aming dalawa. Pagkatapos niya akong isama sa hotel upang magligpit ng mga kalat niya at pagbuhatin ng mga kahon mula sa 7th building hanggang sa parking lot, I deserve a freaking meal! Helium.
“Ba’t di mo sinama si Mang Ernest? O di kaya guards niyo or someone else!”
Sumandal siya sa inuupuan niya nang matapos siyang kumain.
“Alam mo kanina ka pa. Natapos na tayo’t lahat-lahat, hindi ka pa rin tumitigil sa kakadada.”
I covered my mouth when I burped.
“Iwww.” Komento niya.
“Ang arte mo.” I retorted.
He scoffed. “Sinabi ng hindi sila available lahat e.” Ismid niya. “Tsaka, manang texted me that you needed help.”
Napangiwi ako.
“Kaya ayun! Wag ka nang magreklamo.”
Tsk.
“Bill please.” He asked at the waiter after I finished my food.
Habang naghihintay ay kinuha niya ang cellphone niya at naglaro ng mobile legend, siguro? Yun kasi ang nilalaro ni Axi.
Tahimik lamang akong nakamasid sa kabuoan niya nang walang kumibo sa’ming dalawa. I can’t easily take away my words about him before. He’s a living handsome- monster!
"What?"
Umiwas ako ng tingin nang magtagpo ang mga mata namin.
“Let’s go.”
I tsked. Tumayo siya at tinalikuran ako. Lumabas kami sa restaurant pagkatapos niyang makapagbayad. Nakasunod lamang ako sa kanya habang tinatahak namin ang daan patungo sa sasakyan niya. Napailing ako nang makitang pati yung likod niya sumisigaw ng kagwapuhan.
Ano ba yan.
“Hoy!”
Ay!
Tumawa siya nang napaigtad ako sa sigaw niya.
“Kanina ka pa nakatitig.”
“E-excuse me!”
“Excuse me.” He scoffed. “Baka mahulog ka sa’kin ha.”
My brow creased at his boastfulness.
“Konsensya ko pa kung hindi kita masalo.”
“T-tungstenamo!”
I marched forwardly and fastly as I got annoyed with his laughter. Nakabusangot akong pumasok sa kotse niya at pinilit na ignorahin ang lalaki. Mabilis ko ring sinukbit ang earbuds ko nang masuot ko ang seatbelt ko.
Gwapo nga, gago naman.
I looked at the sky waiting for the lights to pop up. It’s near midnight and we’re here at the pool side of the backyard waiting for the time to tickle. And just like everyone, I was also agitated because of the excitement.
“Biliiiiss!”
I saw Zeah holds her camera while everyone was busy preparing for the noche buena. All of my friends, lolo and lola of course; including the jerk’s fam was here with us, celebrating. Lahat kami ay nakasuot ng kulay green at red na damit.
I wore a red long-sleeve dress paired with my white heels this time. Honestly and sadly, napansin ko ring napapadalas ang pagsuot ko ng mga pambabaeng damit na hindi match sa taste ko noon.
“Merry Christmas!”
I giggled when I saw the fireworks playing in the sky. With the flashing smiles of my parents, I greeted them and hugged them tightly.
“Thank you ate!”
Shine kissed my cheek when she received my gift for her. It’s a necklace na may pendant na swan.
“I love it!” She giggled and run off to dad.
“I have a gift from ate!” Ani niya rito.
“Zeah!” Untag ko.
"Merry Christmas!"
Ngumiti ako nang kinuhanan niya ako ng litrato .
“Blooming ka ata, dzae!”
Hinawi niya ang kulot kong buhok patungo sa mukha ko.
“Napaghahalataan ka.”
Ngumiwi ako at binatukan siya.
"Shut up."
“Merry Christmas, babe!"
Tumawa ako nang yakapin ako ni Axi mula sa likod.
“Merry Christmas.”
Sumali si Jo sa yakapan kaya naman mas lumakas ang tawa ko.
“Naiipit ako, francium!”
We exchanged gifts earlier before the fireworks display happened. Unfortunately, the jerk's gift was the one I've got. And as usual, his amazing gift as a piece of paper containing a word gift on it.
"Pati ilong mo Shad, blooming." Panunukso ni Zeah.
Kumawala si Jo sa yakap at inakbayan ako.
“Ang gwapo ni Rayl ngayon no?”
I turned my gaze at the guy who’s busy swimming at the pool side.
“I mean, fudge! He’s so hot when he’s wet!”
Mabilis kong tinakpan ang bibig niya dahil sa kanyang tinuran.
“Gross, Jo!”
"What?" Tatawa-tawa niyang ani.
"Batukan kita dyan e."
She wildly laughed. Pumagitna sa amin si Axi at binatukan si Jo para sa akin.
"Aray! Peste ka!"
Axi frowned. "Stop teasing her with that guy."
Napangiti ako nang magkaroon ako ng kakampi.
"With that guy!?" Zeah exclaimed. "Kailan pa naging stranger si Rayl sayo, Ax?"
Pasimpleng umakbay sa akin si Axi habang tinatapunan ng masasamang tingin sina Jo at Zeah.
"Nagseselos ka no!?"
I laughed at Jo. Bahagya kong tinulak si Axi at binalingan siya ng tingin.
"Gwapo ko masyado para magselos no."
Napatawa kami dahil sa sagot niya. Nagseselos nga.
“C’mon ladies and gentles, let’s eat!”
Mabilis namang tumugon ang mga kaibigan ko sa alok ni mommy na para bang walang asaran ang naganap. Kinuha ko na lang ang cellphone ko at kinuhanan ng litrato ang mga taong nagpapasaya sa’kin ngayon.
“Akin yan! Kumuha ka ng sayo!”
I smiled and took a picture of Zeah and Axi habang nag-aagawan sila ng ice-cream cone.
“Hey sweetie, kain na!”
I nodded at dad and took an image of him too; him with mommy, habang nagsusubuan naman sila lolo na siyang biglaang hinalikan sa labi si lola.
Silly.
While I was seeing a very nice view of smiles, I suddenly remembered my mom.
Be happy.
I smiled whole-heartedly as I felt the longed feeling I once kept for years.
I am happy now ma. Sobra.
“Noooo! Mababasa yung dress ko kuya Rayl! Aaacck!”
Narinig kong tumawa ang lahat nang marinig ang maarteng sigaw ni Shine. I chuckled and took another picture of them.
“Neecho, kain na!”
Nabaling ang tingin ko sa lalaki nang tawagin siya ni Tita Tania. I was planning to take a picture of him when I felt the vibration from my phone seeing someone’s calling.
“Merry Christmas!” I greeted him.
“Ako dapat nauna e.”
I chuckled.
"Sino yan?"
I showed my phone to Zeah when she saw me talking with someone.
“Haalaa, Aleex! Merry Christmas!”
Kumaway siya ng nakakaloka na para bang first time niyang makipag-video call sa isang tao. Napatingin tuloy sila mommy sa’min, pati na rin ang kumag.
“Ang gara niyo dyan ah. Papasukin niyo ko nasa gate na ako.” Biro ng lalaki.
“Ulol. HAHA. Sige! Kayo na mag-usap ni Shad, baka sabihin niya third-wheel ako sa inyo.”
Bwst to.
“She’s really something.” Alex commented na siyang sinang-ayunan ko agad.
"Sinabi mo pa."
“Theya’s there?”
Tumango ako nang magtanong siya. Umupo ako sa bench malapit sa pool at sumandal.
“Kaya pala.”
Since Alex is included in my friends’ list, naisipan kong ikwento sa kanya yung tungkol sa kanila nung kumag na yun. Kaso sinabihan ba naman akong praning at selosa. Hindi ko naman na gets kaya’t binalewala ko na lang.
“Oh sige na, Shad. I just called to greet you. Bye, update mo ko!”
I nodded happily.
"Keep safe, see you!" I uttered before I ended the call.
I roamed around and witnessed how busy they were already. Natakam ako sa pagkaing nakita ko sa unahan kaya naisipan ko na ring kumain.
"Kanta tayo!"
"Huwag!"
Napatakip ako sa tenga nang kumanta si Zeah habang hawak-hawak ang microphone.
I used to wanna be
Living like there’s only me
But now I spend my time
Thinkin’ ‘bout the way to get you off my mind.
Well, since my parents didn’t let me go to Yttrium this time, napagdesisyonan nila Jo na mag-rent na lang ng karaoke stand. Kaya ayun! Unti-unting nababasag yung eardrums namin dahil sa mala-pusa niyang tinig.
Look at me now I’m falling.
Can’t even talk still stuttering.
This ground of mine keep shaking.
Oh. Oh. Oh. Now!
Napailing ako nang hindi na nga matigil sa pagwala si Zeah. Tita Tania with his man was very supportive with Zeah’s voice. Samantalang tawang-tawa sila daddy nang makitang sikretong nagvi-video si Axi. Even Theya was enjoying the scene. My grandparents was jamming with them also kaya napapangiti na lang din ako.
“I wanna send this scandal to Khent.” Tawang bulong ni Axi sa akin.
Napasapo ako sa noo. “Ewan ko sa inyo.”
All I wanna be
All I ever wanna be yeah.
Yeah, is somebody to you.
Kinikilig namang tumatawa si Jo nang tinuro ako ni Zeah habang ngumunguso siya sa kumag na katabi ni Theya. She even gestured a finger heart. Gaga!
“What’s with her?” Tanong ko kay Axi ngunit hindi niya ako nasagot kasi busy siya kakakuha ng video kay Zeah.
Everybody’s trynna be a billionaire
But every time I look at you,
I just don’t care coz
Naghiyawan sila bigla nang ibinigay ni Zeah ang mic sa kumag. Tumanggi siya nung una dahil basa nga siya kakaligo sa pool kaso pinilit siya ni Theya.
“Akala mo naman maganda ang boses.” Napairap ako.
Siniko ako ni Jo. “Get ready to fall.” She mischievously mumbled.
I was about to stood up but I halted when I heard his voice. I covered my mouth with my palm as I almost gasp.
I used to ride around
I didn’t wanna settle down
But now I wake each day
Looking for a way that I can see your face
Hindi ko alam kung bakit para akong natatae. Lalo na nang lumingon ako at masaksihang nakatitig siya gawi ko.
Bakit pati naman ata sa pagkanta, may talent rin siya? Hindi ba parang abuso naman ata masyado?
I’ve got your photograph
The scene at the prom night flashed in my head. The part of the night when they rushed at the technical room to get a copy of our stolen picture.
But baby I need more than that.
I was taken aback when he intently looked at me while singing those line. Kaya bago pa ako matae sa kinatatayuan ko ay umalis na ako.
“Hey, Shad!”
"Cr lang ako, Ze." I excused myself and went inside the comfort room.
Lakas kamo ng saltik niya ha?
Humawak ako sa sink upang makatayo ng maayos. I groaned.
“Why the hell I am trembling?”
Mangiyak-iyak akong sumigaw nang makalabas ako sa cubicle.
Inhale. Exhale. Inhale. Exhale. Whooo!
I washed my hands and fixed my face. Naririnig ko pa rin ang kantahan sa labas pero ibang kanta na. I bet it’s Josceah whose singing. Hindi na kasi masakit sa tenga.
“Potassium!”
Tumawa siya nang makita ang gulat kong mukha.
“You okay?” Lumapit siya sa gawi ko at nag-retouch ng make-up niya.
“You look good without make-up.”
Napagitla siya sa ginagawa niya nang magsalita ako.
“Nevermind.”
I was about to exit when she speak.
“I love Rayl.”
I stopped from moving, almost from breathing. Hinarap ko siya ng may pagtataka.
“Pardon?” I frowned.
I witnessed her dimple when she smiled.
“I love Rayl.”
“And so?” I scoffed. “Share mo lang?” I rolled my eyes.
“Well, I’m just saying, yeah.” She chortled as she tapped my shoulder and went out.
Seriously? Buang!
“Here’s the blanket and pillow, your highness!”
I harshly put the extra pillows and blanket at his bed. Well, it’s not actually for him, they are staying for tonight kaya they are occupying the two guest rooms. One for his parents and one for him and Axi, while lolo and lola will sleep at Shine’s room. Ang mga impakta kong kaibigan ay sa kwarto ko matutulog kasali na rin si Theya. Well, kung matutulog nga sila.
Manang was preparing the other room kaya ako yung napag-utusan. Biglaan rin kasi tong sleepover nato, tsaka walang ibang mauutusan kasi lahat sila ay masayang nag-aaliw sa pool. Hindi ata sila aware na it’s already 4 am.
Hinarap niya ako kaya napatingin ako sa kanya.
“You may now leave.”
“W-wow.”
Tumawa siya. “Joke. You can stay here if you want. O di kaya tabi na lang tayo. What do you think?”
“You’re a weirdo.” I hissed. And a jerk!
“Another compliment?”
Napa-irap ako nang tumawa siya ulit. Umupo siya sa may closet at hinubad ang upper shirt niya.
“What the helium do you think you’re doing!?” Bulyaw ko nang magulat ako sa ginawa niya.
He impishly smiled. “Hindi ko naman sinabing tumingin ka.”
Napatalikod ako’t napapikit agad.
“Potassium ka.”
He snorted as I cussed. I sighed, went closer to the door to open it.
“Sweetdreams, anino.”
“Your ass.”
Humarap ako sa kanya at inirapan siya. Ngunit napahinto rin nang makita kung ano ang ginagawa niya.
“Oh? Wag kang tumingin, baka ma-inlove ka lalo.” Biro niya nang hindi tumitingin sa dako ko.
Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko kung bakit ako lumapit sa kanya. Pero-
“What are you doing?”
Kumabog ang dibdib ko sa seryoso niyang boses. Pero hindi ko maalis-alis ang mga mata ko sa dibdib niya.
“Leave, anino.”
Lalong dumagundong ang kaba ko nang maramdaman ang malalim niyang boses.
“I said lea-”
“Does it hurt?”
Tumingin ako sandali sa mukha niya at agad ibinalik ang tingin sa malaking peklat na nasa left side ng chest niya. Napahinto ako sa paghimas sa sugat niya nang hawakan niya ang kamay ko.
“Don’t steal my heart.” He barely whispered.
Too late to realize that were half inch distanced from each other.
“I don’t want an another scar in my system, so please, leave.” His face softened and weakened.
“I want to live… so don’t take it.”
Umatras ako. Napatayo nang maayos at hinawi ang kamay sa kanya.
"P-pinagsasabi mo? Ulol."
He shook his head and laughed.
"Namumula ka, anino. Crush mo talaga ako no?"
Namilog ang mata ko at agad napatingin sa salamin na nasa harapan niya.
"H-hindi naman ah!"
Humagalpak ang malutong niyang tawa. Nagsuot muna siya ng damit pang-itaas bago ako nilapitan. Pero bago ko pa siya masuntok ay lumabas na ako ng silid.
"Tungstena mo."
Pumasok ako sa kwarto ko at humiga sa kama. Pumikit ako at pinilit na pinakalma ang puso at ang isipan ko.
I want to live...
But as I closed my eyes, his face appeared on my mind. For the first time, I saw a glimpse of despair on his eyes.
“Potassiuuuum!” Marahas akong bumangon.
I don't want another scar in my system, so please...
I shrieked as I got pissed of something I don't even know.
"And so what kung may sugat siya!? Bwesit."