Chapter I
"Domination of humanity is linked to the domination of nature. Unfair or unjust utilization of environment results to ecological crisis."
Pagpapaliwanag ni Maam Santos sa klase. Pinagpatuloy niya ang pagdi-discuss habang iniisa-isa kaming tinitingnan.
"Human arrogance is justifiable in order to satisfy human interests. Those sentences are the words used to define anthropocentric model."
Sinisiguro niya talaga na makikinig kaming lahat. Pero kasi naman nakakaumay siyang pakinggan. Minsan lang naman. But she is an efficient prof tho.
"Ze." Tawag ko sa katabi kong mainam na nakikinig kay Maam Santos.
Himala ang isang to ah. Mas tamad kaya to makinig sa klase kesa sa akin.
"Oo na, I love you too." Usal niya sa mahinang boses.
"Ha?"
Tinignan ko siya ng mabuti dahil nagtaka ako sa sinabi niya. Di naman pwedeng mahal niya si Maam. Kadiri nun.
"Saan 'yun? Sunduin mo na lang kasi ako."
I arched my brow higher.
"Miss Pascua!"
Napaigtad ako sa sigaw ni Maam Santos. Akala ko ako lang nakahalata.
"Oo nga, ene be~"
Nagtaka kaming lahat sa inusal ng babaeng lokaret nato. Hindi niya ba narinig ang mala-dragon na sigaw ni maam!?
"MISS PASCUA!"
Tinignan ko kung nasaan ang kanyang cellphone. Marahil nakikipagtawagan na naman to sa boyfriend niyang nasa kabilang building. Nagagalit na si Maam at matalim ang tinging ipinupukol sa kanya pero siya, parang tanga, nakangiti pa!
"Hoy Zeah!"
Kinilabit ko ang loka at doon pa niya napansin na nasa real world pala siya. Patay kang bata ka.
"Ma-maam!" Napatayo agad siya.
Pilit na ngiti ang kanyang ipinakita kay Maam Santos sabay tanggal ng pink earbuds niya sa kaliwang tenga.
Sabi ko na nga ba eh.
"Kamusta Miss Pascua? Kailan ang date niyo?"
Tumawa kaming lahat sa naging tanong ni Maam samantalang natataranta na ang lokaret kung friend, pero sa madaling segundo nga lang.
"Maam nemen, ene be~"
Nakayanan niya pa talagang kiligin sa lagay na niyan ha.
"AT TALAGA-"
Naputol ang sinabi ng aming guro dahil sa tumunog na ang school bell, indikasyon na tapos na ang klase. Napabuntong hininga naman ako.
"Saved by the bell." Ngiting sabi niya sa akin.
"Get ready for a reporting tomorrow Miss Pascua!" Matalim na usal ni Maam Santos sabay kuha sa mga gamit niya at tuluyan ng iniwanan ang klase.
I tsk-ed.
"Ayan Ale, unahin mo pa pag-ibig mo."
"Ene be~ pala ha. HAHA"
Kantyaw ng mga kaklase ko sa kanya na nagliligpit na ng gamit dahil uwian na.
"Tse! Inggit lang kayo kasi wala kayong jowa!" Sagot naman ni Zeah sa mga kaklase kong patuloy pa rin sa pagtawa at pang-aasar sa kagagahan niya.
"Tara na, I'm hungry." Yaya ko sa kanya sabay pulot ng bag kong kulay tsokolate.
"Mga inggeterang frog! E ano naman ngayon kung napagalitan ako? Kaya ko namang gawin yung parusa! E sila? Mga bwst! Heh!"
Tumawa ako dahil sa walang humpay niyang panglalait sa mga kaklase ko.
"At least ako maayos pa rin ang grades ko kahit na may katawagan sa klase, di tulad ng iba dyan. Yaks!" Pagpaparinig niya sa mga lalaking kaklase namin.
"Okay lang yan. Tumahimik ka na." Natatawa kong sabi sa kanya.
Tumigil na rin sya sa kakadada at nagpatuloy na lang sa paglalakad palabas.
"Nakalimutan ata ni Maam na walang pasok bukas?" Tawang sabi ni Zeah sa sarili.
Kung nakalimutan ni Maam Santos kanina na walang pasok bukas, for sure she is ready for another task na pwedeng ipagawa kay Zeah.
"You could have set aside your phone during class hours, Ze."
"Ha?"
I rolled my eyes at her. "It doesn't mean you excel in academics, you can slouch anytime you want."
"What!?"
"Wag mo akong what-what-in!"
Ngumisi siya. "Sorry na. Hindi na po mauulit."
Ngumiwi naman ako. "Ilang ulit ko na yang narinig."
Inunahan ko siya sa paglalakad kaya't tinuon na lamang niya ang atensyon sa boyfriend niyang kausap na naman niya sa cellphone.
"Yes, dy? Sorry about earlier, nahuli kasi ako ni Santos- este ni Maam Santos."
Tsk.
Alezeah R. Pascua. 18 years old. Morena at may kulot na buhok na hanggang baywang. Makapal ang kilay. Matangos ang ilong. Manipis ang labi at may magagandang mga mata.
Oo, maganda! Kaso nga lang, she always wear her fierce look na nagbibigay nerbiyos sa mga taong gusto makipag usap sa kanya. Madaldal na babae pero maldita.
"Nasaan na ba sila?" Hanap niya sa dalawa ko pang kaibigan nang matapos ang tawag nila ng boylet niya.
Tumigil kami sa isang café na nasa labas lang ng school namin. Pumwesto kami sa isang lamesang malapit lang sa bintana at umupo habang naghihintay sa dalawang impakta.
"Good afternoon! Welcome to Zinc!" Dinig kong sabi ng isang waitress sa bagong dating na panauhin.
Binalingan ko ng tingin si Zeah na katapat kong nakaupo sa lamesa.
"Tinawagan mo na ba?" Tanong ko sa kanya nang hindi pa rin dumarating ang mga impakta.
Alas singko na. Tapos na lahat ng klase ano pa bang pinagkakaabalahan ng dalawa?
"Nag text si Jo." Sagot niya sa akin nang hindi man lang tumitingin sa mukha ko.
"Susunod na lang daw sya kase may kailangan pa raw siyang gawin." Dagdag niya sabay tingin sa akin.
Ngumiti siya na parang baliw nang ilapag niya sa mesa ang kanyang cellphone at inilapit sa akin ang kanyang mukha.
"May chika ako~" May kilig na sabi niya. Tinaasan ko lang siya ng kilay at luminga-linga sa labas.
Siguradong tungkol na naman niyan sa jowa niya.
"Hoooy Shaaaad, iba to~" Yugyug niya sa mga balikat ko kaya napilitan akong balingan siya ng tingin.
"Sorry." Bitaw niya sabay upo ng maayos. "Arte." Bulong niya na narinig ko naman.
"Alam ko na yang mga chikang yan Ze, wag ako." Iritadong sabi ko sa kanya nang matigil na sya.
"Iba nga to!" Kulit na sabi niya sa akin.
Pinandilatan pa niya ako ng mata para ipakitang bago nga talaga at hindi kabalastugan ang sasabihin niya kaya napilitan akong makinig sa walang kwenta niyang chika.
"Oo na, oo na! Samok." Sagot ko sa mukha niyang parang tanga kasi pauli-ulit niyang pinapalaki ang kanyang mga mata.
Parang bata.
"Ano 'yun?"
"Kunwari ayaw makinig." She teased.
"Gusto mo sipa?"
"Ay oo nga pala! Mom contacted me last night, she was looking for you."
"Bakit raw? Magpapadala ba sila ng pagkain?" I smiled.
"Patay-gutom lang?" Ngiwi niya.
"E ano nga? Pabitin ka masyado e."
"I don't know yet. She hung up the call after I brought up a topic."
"She has my number, right?"
She nodded.
"Tell her to call me instead. Baka padalhan ako ng pera." Biro ko.
"As if! Pero hayaan mo na. I tell you next time."
Imposibleng padadalhan ako ni Tita, hindi ko pa naman birthday.
"Bakit?" She asked as I eyed her.
"Yun na yun?"
"Sa bahay nila Axi na yung iba. I don't want to repeat a story again."
"Piskot ka. E di sana hindi ka na lang muna nag-open up sa akin!"
Humalakipkip siya ng tawa sabay tingin sa cellphone niyang tumunog.
"Sana naman si Axi na yan."
"Wish granted, he's coming."
Hays, salamat.
"Hanap ka na ng date, Shad."
"Ha?"
Sumisipsip ako sa iced-coffee na inorder ko samantalang kumuha naman ng tinidor si Zeah at kumain ng strawberry cake niya nang mailapag sa mesa namin ang orders namin.
"O di kaya, ako na lang maghanap para sayo. Ano, game!?"
"Alam mo, ang bastos ng bibig mo."
She laughed. "Tomboy ka ba? Tomboy ka no!?"
"Gago ka ba?" Inis kong sigaw.
Bigla siyang napatigil dahil dun at napaisip tsaka ako binalingan ng nakakakilabot na tingin.
"No way. You like me!?"
"Helium!" I threw her my handkerchief as she horribly shrieked.
Tarantado.
"Di tayo talo ah." She said which made my lips curved to winced.
"As if!"
"Naninigurado lang."
"Kadiri ka."
She heartedly laughed. "Defensive masyado, joke lang!"
It is Friday in the month of February, 3rd day to be exact. And it should be an ordinary day, pero dahil sa nalalapit na araw ng mga puso, everyone seems to be agitated and inspired. Oh well, except for me.
"Here comes the bride!"
Napalingon ako sa likod ko nang sumigaw si Zeah. Hinihingal na lumapit sa puwesto namin si Axi.
"Mahangin sa labas, bro?" Biro niya pa.
Umupo siya tabi ko at pinunasan ang noo. Nakasuot pa rin siya ng uniform.
"Ano bang nangyari sayo?" Tingin ni Zeah sa kanya na nagtataka rin katulad ko.
Tumingin naman si Axi sa akin, nagbabakasaling may sasabihin ako pero tinaasan ko lang siya ng kilay. Kumakain ako ng mango float, wag siyang isturbo.
"Wala. Galing ako sa band office. Nagmamadali ako kasi baka mapag-utusan pa ako ni Tito dun." Sabay kalot sa batok niya.
Axiell C. Fermium. 17 years old. May makapal na kilay katulad kay Zeah kaso mas makapal nga lang kay Zeah. Matangos rin ang ilong at may kaputian ang kutis. He is a tall handsome guy. He also knows how to play instruments: clarinett, drums, trumpet, piano and guitar. Halos lahat nga ata ng instrument e.
Hindi mo aakalaing may tinatagong sekretong katauhan dahil habulin ng babae. Kaso maarte, siya na nga nag-iisang lalaki sa aming magkakaibigan gusto pa atang makisali sa bilang ng mga babae. Naghihintay pa nga lang kaming umamin.
"Ang tagal ni pandak, ah!" Dinig kong reklamo ni Zeah.
"Grabe ka sa pandak." Axi laughed, kaya napaismid ako.
"Tara na!" Aya ko sa kanila at tumayo na ako papunta sa cashier para magbayad ng kinain namin. Sumunod naman sila at tumayo na rin.
"Kararating ko pa nga lang."
"Kasalanan namin yun?" Pagtataray ni Zeah kay Axi.
Axi snickered with Zeah's remark. "Where the hell is Josceah? I thought, ako na lang ang kulang?"
"I thought mo lang yun." Sagot ni Ze na siyang nginitian ko.
Mag-aaway na naman yan panigurado.
"Bwisit ka talaga kahit kailan."
Zeah sweetly smiled at the pissed guy and uttered. "Thank you!"
"Tama na yan, pwede ba."
"Eto kasi, di makausal ng maayos." Axi annoyingly said.
"Huwaw!"
Napailing ako at naglakad na lang ng mabilis palayo sa kanila. Napagdesisyunan namin ang tumambay sa bahay ni Axi kaya bibili muna kami ng pagkain sa malapit na supermarket.
"Hey!"
"You okay?" I asked while looking at him.
"Nakakapagod tumakas kay Tito." Tawang untag ni Axi na siyang nginiwian ko.
"Hinding-hindi mo malulusutan si Sir Castromayor, uy! Magkikita pa rin kayo sa bahay niyo kasi bibisita yon sa mommy mo." Pananakot na usal ni Zeah.
Mas napatawa ako sa sinabi niya dahil nakita kong kinabahan ang bakla.
"Hindi naman siguro niya ako isusumbong kay mama."
"Asus!"
Nag-iisang anak lang si Axi kaya madalas siyang binibisita ng mga kamag-anak nila sa kanila. Naging paboritong pamangkin kasi siya ni Prof. Castromayor kaya palaging nauutusan. Pabibo kasi noong kabataan e, ayan tuloy.
"Who knows, bro!? Malay natin, no!"
"Alam mo, walang naidudulot na kabutihan yang baba mo sa mundo e. Tumahimik ka na nga lang! Hindi kita papapasukin sa bahay, isa pang hirit." Sabi niya na sinuklian lang namin ng tawa.
"Bahay mo? Bahay ng mama mo, hoy!"
"Yun na yun, bobo!"
Huminto kami sa gilid ng kalsada at naghintay ng taxi. Patuloy pa rin sa pag-aasaran ang dalawa habang ako ay lumakad pa ng konti sa unahan nang makahanap agad ng taxi.
"Hoy!" Tawag ko sa kanila nang may nakita akong papalapit na taxi sa amin.
Pumara ako at naghintay sa dalawang impakta na lumapit sa akin nang may bumangga sa akin na naging dahilan para mahulog ang shoulder bag ko.
"S-sorry po." Sabi ng lalaki at iniisa-isang pinulot ang gamit ko nang nakayuko.
"No, you're not." I hissed.
I checked his face, but I failed to see it. Hinintay ko na lamang na ibigay niya sa akin ang gamit ko para masilayan ko naman ang mukha ng lalaking nagtatanga-tangahan maglakad.
"Ang laki-laki pa ng space oh, binangga mo talaga ako."
Kasabay ng paglapit nila Zeah, na nagtanong agad kung ano ang nangyari, ang siyang pagbigay ng lalaki sa akin ng bag ko nang hindi man lang ako tinitingnan.
Walang hiyang atom. Ano walang mukhang maipakita?
"Sorry ulit." Ang huli niyang sinabi bago umalis.
Tsk.
"Who's the lucky guy?" Habol tingin ni Axi sa lalaki nang tinanong niya ako. Tinaasan ko naman siya ng kilay sa tanong niya.
"Bakit, type mo?"
He smirked and pinched my nose. "Ikaw lang type ko no."
"Bolero."
"Mukhang gwapo, Shad." Dagdag ni Zeah habang nakatingin sa lalaking nakabangga sa akin na mabilis nang tumatakbo palayo sa amin.
"Seriously? Gago kamo kasi binangga niya ako."
"Ang sungit ni madam a! Napaghahalataang bitter sa buhay."
"Sabi ko naman kasi sayo'ng ako na lang e." Biro ni Axi sabay akbay sa akin.
"Tungstena mo."
Nginiwian ko silang dalawa at kinalaykay na lamang ang bag ko. Mahirap na baka may nawa-
"Holy gold."
"Huwag mo kong murahin Shaddowe ha!" Angal ni Ze. "Si Axi na lang."
I looked at her with shocking eyes disregarding her statement.
"Magnanakaw." I whispered.
"Sino?"
"Ha? Ako? Grabe ka naman sa bestfriend mo!"
Hindi ko na sila sinagot kasi halata naman kung sino ang magnanakaw!
Potassium, modus pala ang loko!
"Shaaaad!"
"Uy, hintay!"
Habol nila sa akin dahil sa mabilis kung pagtakbo sa gitna ng kalsada. Hindi ko inintindi ang mga busina ng mga sasakyan at sigaw ng mga tao mahanap ko lang ang loko.
"Ayuuun!" Sigaw ni Axi na nagbigay sa akin ng direksyon kung nasaan ang gago.
Patay ka sa aking loko ka!
Tumakbo ako ulit at sinundan ang naka white t-shirt na lalaki na nagnakaw sa wallet ko.
"Shad, hintayin mo kami!"
"Hoy shuta! Naka-heels ako, parang awa!"
"Mga hangal na atom, e hindi ko maabutan ang magnanakaw kung maghihintayan pa tayo!"
Helium, hinihingal na ako!
"Hoy babae, maghinay-hinay ka naman!" Pagalit na sabi ng babaeng nabangga ko.
"Sorry!"
Paharang-hara kasi sila ng jowa niya kitang may hinahabol tayo e.
Nang lumiko sa may kanto si kuyang hayop, binilisan ko ang pagtakbo hanggang sa kinapos ako ng hininga. Huminto ako at yumuko nang hindi ko na makayanan at pinilit na hinabol ang aking hininga.
"T-tumigil ka n-na." Sabi ko sa kanya nang hindi sya nililingon.
Now he's trapped and there's no way he can escape from me.
"Tigil!"
"Ha?"
Ha!? Nagawa pang mag maang-maangan ng kumag, potassium!
"Are you okay?"
Pagtingin ko sa harapan ko, andoon ang lalaking nagtataka na may hawak ng black wallet ko.
"Silicon ka!"
Hindi niya nakuha ang mura ko dahil sa nagtatakang mga mata niya pero wala akong pakialam. Hinablot ko ng marahas sa kanya ang wallet ko at sinuntok ko sya sa mukha.
"Walang hiya ka!" Hingal na sigaw ko sa kanya.
"What the-" Gulat na usal ng lalaki.
Ay gago talaga!
"Nagtataka ka pa talaga ha!"
Susuntukin ko pa sana siya ulit nang pinigilan ako nila Axi at Zeah.
"Shad!"
Hingal na sabi ni Zeah sabay hawak sa dalawa kong kamay. Samantalang bumaling naman ng tingin si Axi sa magnanakaw.
"Rayl!?" Tanong ni Axi na ikinagulat ko.
"Neecho!" Zeah shockingly stated.
"Kilala niyo tong magnanakaw na 'to?" Tanong ko habang pilit na kumakawala sa hawak ni Zeah.
"Bitiwan mo nga ako. Iyong magnanakaw ang sunggaban mo!"
"The fudge. What is this Axiell?" Iritadong usal ng lalaki pagkatapos hawakan ang dumudugong labi.
Buti nga sayo!
"Shad, I think hin-"
"Siya ang magnanakaw!" Putol ko sa nais sabihin ni Axi.
"Nakita kong hawak niya ang wallet ko!"
"W-what!? Why the hell would I do that!?"
"Ba't ako tinatanong mo, e ikaw yung nagnakaw!"
"You're crazy like Crispin's mother."
"Feel ko hindi siya yung nagnakaw." Dinig kong bulong ni Ze pero binalewala ko lang yun.
"Feel ko talaga hindi."
"Kasi hindi naman talaga ako yung nagnakaw." He looked at me, unbelievably.
"s**t. What the freezing hell is your brain doing? And please, don't give me that kind of look. I'm not a criminal. It's disgusting!"
"Ay ewan! Sa presinto ka na magpaliwanag!" Sigaw ko sa kanya kasabay nang paglapit ng mga pulis at paghuli sa kanya.
"Seriously!?"
Kala mo ha!
"Kailan ka tumawag ng pulis?"
I looked at Axi. "I didn't. Akala ko ikaw yung tumawag."
"I did it." We stared at Zeah whose looking at the poor guy that was dragged by the police officers.
"Na sana pala hindi ko ginawa."
I creased. "Why not?"
Hinawakan ko ang tiyan ko nang tumunog ito. Nagutom tuloy ako. Kainis.
"Hindi siya 'yung nagnakaw." Sabay nilang usal.
"What I see is the truth." I hissed.
"Hindi nga sabi Shad."
"Bakit mo ba pinagtatanggol ang lalaking yun ha?"
"Pigilan mo yung mga pulis, dali."
Hinawi ko ang kamay niya. "Ayoko nga."
"Shaddowe!"
"Ayoko!"
She annoyingly glared at me. "Edi don't!"
I glanced at the thief and saw his irrated expression mixed with confusion. May inis siyang nagpatianod sa mga pulis at sumakay sa police car.
I smirked disregarding my friends' comments.
Serves him right.