Chapter 19

1249 Words
DADDY?! Sino ang lalaking napagkamalan na tatay ng anak ko? Wala akong ibang pinagsabihan ng address ko! Lalo na sa lalaki! Bukod tanging si Mom lang ang nakakaalam kung nasaan ang tunay kong bahay kaya sino ang lalaking iyon? "A—" I stopped midway when I realized na kaharap ko lang si Reagan na masama ang tingin sa akin. Napamura ako sa isip. Muntikan ko nang matawag na anak si Gideon sa harap niya! Kung nadulas ako ay hindi lang anak ko ang proproblemahin ko, pati tatay niya! "W-wait for me there, okay? Uuwi na ako," saad ko. I hang up the call bago binalingan si Reagan. "I need to—" "You haven't eat breakfast yet but you're going already," malamig niyang saad. Bakas ang tampo at selos sa boses. "Who is that at gaano siya ka-importante para ipagpalit mo ’ko sa kanya?" Gusto ko siyang batukan sa totoo lang. That's his son for Pete's sake! Pasalamat siya at hindi niya alam dahil hindi ko talaga pipigilan ang sarili kong latayan ang batok niya. "He's very important person, Reagan," I said. Emphasizing the word very. "Kaya kailangan ko nang umalis." Tinanggal ko ang apron at inilagay sa pinagkuhanan ko no’n. "He? So it's a man?" He snorted. Annoyed. "Stop it." I glared at him. "Aalis na ako." I was expecting him na magmaktol o ’di kaya harangin ako sa may pintuan pero isang hakbang ko na lang, makakaalis na ako ng kusina ay hindi siya lumingon sa akin. I stopped at stared at his back. Bumuka ang mga labi ko pero mabilis ko rin namang isinarado. Why would I be concern though? Hindi ba dapat tumuloy na ako nang alis habang mukha siyang walang energy na pigilan ako umalis? Mahina na akong napabuga ng hangin. "Reagan." "Go if you want," malamig niyang taboy. "Kahit naman magmakaawa ako sa ‘yo hindi ka mananatili, hindi ba? So go if you want to." Nakaramdam ako ng kirot mula sa aking dibdib dahil sa sinabi niya. Para tuloy gustong manatili ng katawan ko matapos marinig ang hinanakit sa kanyang boses. But I really need to go home. Mahalaga na malaman ko kung sino ang nasa bahay ko ngayon at napagkamalang tatay ng anak ko. Only Mom and Nanay Aya knows about Gideon. It's a threat to have someone knows the same secret I've been sharing with my mother and Nanay Aya. Marahas akong napabuga ng hangin bago tuluyang tumalikod at lumabas ng kusina. Naghahalo ang bigat ng aking dibdib at kaba sa akin habang papunta ako sa bahay. I immediately notice the car that's currently parked in front of my house. Dali-dali akong bumaba ng sariling sasakyan at halos patakbong pumasok sa loob ng bahay. "Gideon! Manang Aya—" "Mommy! Mommy!" Mabilis akong napatingin sa pinanggalingan ng boses. Masigla ang pagsalubong sa akin ni Gideon. I immediately hugged my son. I was about to ask him about what he said in the phone nang mapatigil ako. Isang pares ng sapatos ang huminto sa aming harap. Mabilis na kumabog ang dibdib ko sa kaba. "Ryleigh?" Umawang ang aking mga labi nang makita ko kung sino siya. Nanlaki ang mga mata ko. "T-Tristan?" Gaya ko ay hindi rin makapaniwala ang emosyong umusbong sa kanyang mukha. "Y-You're the mother?" hindi makapaniwala niyang tanong. Hindi ako nakasagot. "Mommy! He's Daddy! Daddy's here!" Napatingin ako sa masayang mukha ni Gideon.Tuwang-tuwa ito habang nakatingin kay Tristan na inakala na siya niyang ama. Out of unknown reason, nakaramdam ako ng sikip ng dibdib. "G-Gideon. . ." walang lakas kong tawag. "Hahatid mo ’ko school bukas, Dy?" excited pang tanong ni Gideon. Kapwa kami hindi makapagsalita ni Tristan. As much as I don't want to break my son's heart, I have too. Tristan is not his father, that is the truth that he has to know. "Gideon. . . A-anak," muli kong tawag. "Gideon." Doon napatingin sa akin ang aking anak. Nagtatanong ang mga mata nitong nakatingin sa akin. "H-he's—H-he's not your father, a-anak." Nabasag ang aking tinig. At pati ang aking puso ay nabasag din nang makita ang gulat at lungkot sa mga mata ni Gideon. Ilang segundong tahimik lang ito. Ilang beses kumurap na para bang unti-unti pa lang nagsi-sink sa mura niyang isip ang mga sinabi ko. "A-anak. . ." "H-He's not D-daddy?" mahina niyang tanong na mas lalong dumurog sa aking puso. Dahan-dahan akong umiling. Bumagsak ang kanyang mga balikat. "Gideon!" tawag ko nang bigla siyang tumalikod. Tila napako ako sa aking kinatatayuan kaya hindi ko nagawang humabol nang tumalikod at tumakbo paakyat sa taas si Gideon. Ang naluluha kong mga mata ay napatingin kay Nanay Aya na kakagaling lang sa likod-bahay. "Ako nang bahala," malumanay na saad ni Nanay Aya. Dahan-dahan akong tumango. Nakamasid ang mga mata ko kay Nanay Aya hanggang sa makaayat siya sa taas. "He's the father, right?" Napatingin ako kay Tristan. "Don't deny it," matigas niyang sabi. Nagtagis ang aking mga ngipin. "Anong ginagawa mo rito?" mariin kong tanong. Imbes na sagutin ang aking tanong, muli niya rin akong tinanong. "Does he know?" Kumuyom ang aking mga palad. Tumalim at lumamig ang pagkakatingin ko sa kanya. "Kahit may alam ka, wala ka pa ring karapatan na manghimasok, Tristan. I hope you know that. Whatever you saw today, keep it in yourself. Huwag ka nang mangialam," malamig kong turan. Nagtagis din ang kanyang mga panga. "How can I keep it in, Ryleigh? You got pregnant when we're still together? At ang lalaking sumira sa atin ang ama!" Marahas akong napabuga ng hangin. "I didn't got pregnant when we were still together, Tristan! Tatlong buwan na tayong tapos noon!" "It doesn't matter, Ryleigh!" pakikipagtalo niya. "Well, it matters! Because if you think I cheated on you, then you have to know that I didn't!" asik ko. Bigla siyang natigilan. Tinalikuran ko siya. "Umalis ka na, Tristan. You shouldn't be here in the first place." "Did you lie to me?" Natigilan ako. "Anong sinasabi mo?" kunot-noo kong tanong. "Sabihin mo sa ‘kin. Were you really truthful when you said hate him?" seryoso niyang tanong. "Of course!" bulalas ko. "Then how the hell did you get pregnant by a man you'd claimed you hate?" I was caught off guard by his question. Tila huminto ang utak ko sa pag-isip. "Were you really telling the truth that day, Ryleigh? Did you really hate that man? Or did you lie just to hide the truth that you fell in love with—" "Stop f*****g saying nonsense, Tristan!" hindi ko mapigilang sigaw. "I don't love him!" "Do you really?" nanghahamon niyang tanong. Nangungunsume akong napalakad papunta sa gitna ng sala. Minasahe ko ang aking sentido nang kumirot iyon dahil sa stress at sa mabilis na pagtibok ng aking puso dahil sa pinaparatang niya. "Yes!" sigaw ko. "I don't! And I won't ever love him! Never!" I don't know care anymore on what I'm saying. All I want was to deny Tristan's accusations but I didn't know that it will turned out as mistake nang makita ko ang lalaking hindi ko inaasahang susunod sa akin. Nanlamig ang aking buong katawan. I felt like I lost something when my eyes met those cold and pained two grey eyes. Gusto kong bawiin ang sinabi ko ngunit nang makita ko ang pagsibol ng matinding galit sa kanyang mga mata ay natulos akong muli sa aking kinatatayuan. And when he turned around and left me without saying anything, I felt scared for the very first time.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD