Chapter 18

1550 Words
THE FACT that he can just tell me to do something he wants, was making me mad. Ngunit ang mas nakakapagpakulo ng dugo ko ay ang kaalamang hindi ko siya kayang suwayin. Kilala ko siya. Kung hindi ako susunod, siya talaga ang susunod sa akin sa bahay. At hindi puwedeng mangyari ’yon muli. He can't go again in my house. Hindi puwedeng makita siyang muli ni Gideon. My son is easily curious. Ngayong nabuksan na ang kaalaman tungkol sa Dad niya, mahirap nang mawala ’yon sa kanyang isipan. Kaya hangga't hindi pa masyadong nakatuon ang atensyon niya sa kanyang ama, dapat na gawin ko ang lahat upang mawala sa isipan niya si Reagan. Kahit na ang kapalit ay araw-araw na pagkikita naming dalawa ni Reagan. "Nandito na po tayo, Ma'am." Bumalik sa realidad ang aking isip nang marinig ang boses ng aking driver. Sumulyap ako sa mansyon sa aking gilid. Pasado alas syete na ng gabi yet I'm here. At his house. "Magte-text na lang po kapag magpapasundo," saad ko. I thank him before hopping out from the car. Alistong binuksan ng nagbabantay na guard doon ang gate nang makita ang pagbaba ko. Tahimik akong pumasok sa loob. Napansin ko ang kotse na naka-park sa harap. He's here. "Uy! Hello, Ma'am! Kayo na po ba ni Sir?" salubong sa akin ni Mary. Nakangising aso pa. Tumalim ang tingin ko. "Oo, kaya humanda ka dahil ipalilinis ko sa ‘yo ang buong mansyon!" Napa-backout siya sa gilid ng pinto at alanganing ngumiti. "J-joke lang po, Ma'am, hehe. N-nasa kuwarto po pala si Sir, Ma'am. H-hinihintay ka po." Hindi ko na siya pinansin. Diretso akong naglakad papunta sa ikalawang palapag ng mansyon. Hindi na ako nag-abala pang kumatok at basta na lang binuksan ang pinto ng kanyang kuwarto. Ang dim na ilaw kaagad ang napansin ko sa loob ng kuwarto. Iisa lang ’yon kaya may mga parte na madilim talaga. Iginala ko ang tingin nang makita na wala siya sa kanyang kama. "Reagan," tawag ko. Ngunit katahimikan ang sumagot sa akin. Naglakad pa ako papasok sa loob. Where the hell is he? Akala ko ba ay nandito siya? Napahinto ako bigla. Presensya ng isang tao ang naramdaman ko sa aking likod, and I knew very damn well who was it. I turned around to face him but it was a wrong move. Dahil isang mainit na halik ang sumalubong sa akin. "Hmp!" Napakapit ako sa kanyang balikat dahil sa panghihina ng aking tuhod. Tila hinihigop ng kanyang halik ang lakas ng aking katawan. Napahingal ako nang kagatin niya ang aking ibabang labi. Ngayon ko napagmasdan nang maiigi ang kanyang kabuuhan. He's still wearing the polo-shirt pero nakabukas na ang ilang butones niyon. Magulo ang kanyang buhok at tila parang mas dumilim ang kanyang abuhing mga mata. Ang kanyang ilong at mga labi ay mas naging kaakit-akit dahil sa malamlam na ilaw na nagmumula sa nag-iisang nakabukas na lamp. I hate to admit it, but he looks so hot and fuckable at this moment. "I want you, Ryleigh," maaligasgas ang tinig niyang sambit. "So f*****g bad." Hindi ko magawang pigilan siya nang bumaba ang kanyang mukha sa aking leeg. Napapikit ako nang maramdaman ang kanyang labi roon. Ang kanyang kamay ay senswal na humaplos padausdos mula sa gilid ng aking dibdib pababa sa aking balakang. "Why?" Nagtaka ako sa kanyang tanong. "Why him? Do you still love him?" Alam ko kung sino ang tinutukoy niya. It's Tristan. I want to answer him, but because of the pleasure he's giving me. Hindi ko magawa. "What's wrong with me, Ryleigh? Why can't you love me? Bakit siya pa?" Sumikip ang aking dibdib nang marinig ang sakit at pagdaramdam sa kanyang boses. "Bakit hindi na lang ako?" Nagtama ang aming mga mata naming mag-angat siya ng tingin. Halo-halo ang nakikita kong emosyon sa kanyang mga mata. Sakit, pait at galit. Mahina akong napasinghap nang haplusin niya ang aking pisngi. He didn't let go of my cheek. "You don't love me. You don't want to marry me. I don't have any reasons to make you stay with me, Ryleigh. I don't have anything to make you want me." Napalunok ako. May kakaibang init ang lumukob hindi lang sa aking puso kundi maging sa aking buong katawan nang bumaba ang kanyang kamay sa aking tiyan. Marahang humaplos doon. "R-reagan—" Hindi ko naituloy ang aking sasabihin nang sakupin ng kanyang mainit na mga labi ang akin. I WAS expecting him to do something, but he didn't. Imbes ay hinigit niya at ako mahigpit na niyakap. Hindi ko alam kung ilang segundo o minuto kaming nakatayo. Yakap-yakap ako. All I can hear is his heavy breathing. The silence was so deafening that it felt like I could hear his heartbeats. Funny that I felt my heart syncing with him. Malamig ang kuwarto ngunit tila may kung ano sa kanyang yakap ang nagbibigay init sa akin. I hate to admit it but my body seems to like it. "R-reagan. . . I need to go home," sambit ko. Unable to endure the silence in these four corners of his room. Bahagya ko siyang itinulak para bigyan sana ng pagitan ang aming mga katawan ngunit mas lalo niya lang hinigpitan ang yakap sa akin. He even buried his face on my neck. Dama ko tuloy ang tungki ng kanyang matangos na ilong sa aking leeg at ang init ng kanyang paghinga na tumatama sa aking balat. Napalunok ako. "R-reagan. . . Let go. I-I need to go h-home." "I love you." Natigilan ako. I've heard him say those words so many times but it always hits differently every time he says it. "So f*****g bad that I will do anything and lose my sanity just to have you." Nanlamig ang aking mga kamay. Tila may karayom na tumusok sa aking puso nang maramdaman ko ang mainit na bagay na dumaloy sa aking leeg. "Kailan naman magiging ako, Ryleigh? When will I become your home and all?" Hindi ko nasagot ang tanong niya iyon. Just like every time he asked about it, I always remained silent. At tulad ng parati ay tatanggapin niya nang buo ang pananahimik ko at aarte na parang wala lang. Before, I always wanted to ask him how he can act like nothing and go on like it never happened. I also want to ask him why it has to be me. And those questions kept me awake. Tulala ako sa payapa at natutulog na si Reagan sa aking tabi. Madilim ang paligid ngunit sapat na ang munting liwanag ng buwan na sumisilip sa munting siwang ng bintana upang mapagmasdan ko ang kanyang mukha. Maganda at malalim na kulay abong mga mata, mahaba at malalantik na mga pilikmata, matangos na ilong at mapupulang mga labi. He's painfully handsome and wealthy. He could have any woman he wants but why do he have to choose a taken woman and ruin a relationship just for a woman like me? Wala sa sariling umangat ang aking palad upang haplusin ang kanyang pisngi. He resembles Gideon a lot. Especially those deep and stormy gray eyes. Gusto kong matawa. I knew very damn well what he wanted earlier. He wanted to have a child with me so he could keep me beside him and get a reason to marry me. Just like what I expected him to do the moment he finds out about Gideon. What's funny is hindi naman niya kailangan gawin ’yon dahil ang gusto niyang mangyari ay nangyari na. I am now the mother of his child just like what he badly wanted before and now. I wonder what his reaction would be. Magagalit ba siya? Matutuwa? I don't know. Mahina akong napabuntonghininga. Pinikit ko ang aking mga mata. Pilit hinahanap ang antok upang tuluyan nang makatulog. If only I met him first. If only he didn't ruin me and Tristan. Maybe. . . Maybe I could love him too. I WOKE early despite sleeping late. I don't want to stay in his room and stare at him until he wakes up kaya bumaba ako at pumunta sa kusina para magluto. Naabutan ko si Mary kasama ang isa pang maid. Malisyoso ang tingin sa akin ng babae kaya sa irita ko ay pinagdilig ko siya ng halaman sa labas. Kasama yung garden ng kapitbahay. Ako ang nagluto ng sarili kong pagkain. Wala tuloy choice ang kasama ni Mary kundi gumawa ng ibang gawain. I was cooking when my phone rang. Kaagad kong sinagot nang makita ang pangalan ni Nanay Aya. "Nay? Napatawag po kayo? May nangyari po ba? Si Gideon po?" sunod-sunod kong tanong. "Mommy!" Nagulat ako nang marinig ang masiglang boses ni Gideon sa kabilang linya. "B-baby? Where's Nanay Aya?" tanong ko. Napatingin ako sa aking relo. It's still early. Wala naman siyang pasok ngayon. "Cooking, Mommy!" bibo niyang sagot. "Mommy! Mommy!" "Yes, baby?" malambing kong tanong. "We have a visitor!" Natigilan ako sa aking ginagawa. Bigla ay nakaramdam ako ng kaba. Kahit nang pumasok sa loob ng kusina si Reagan ay wala akong pake. "V-Visitor?" kinakabahan kong tanong. Diretsong lumapit sa akin si Reagan. Magkasalubong ang mga kilay at nasa akin ang mga mata. "Who's that—" I didn't hear what he said anymore when Gideon told me who it was. "Daddy, Mommy! It's Daddy!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD