I ATE the food he delivered with sama ng loob. Kahit puno siya ng kasinungalingan, naniwala pa rin ako at umaasa na talagang tutupad siya. Thankfully, tumupad siya dahil hindi ko nakita ang pagmumukha niya paglabas ko ng opisina. Matiwasay akong nakauwi na parang katulad noon na wala akong iniintindi.
"Gideon! Where's my baby?" tawag ko nang makapasok sa loob ng bahay.
Napangiti ako nang marinig ang mabilis at mabigat na yabag mula sa taas. Mukhang miss na miss ako ng anak ko, ah. Kakakita pa lang naman namin kanina.
"Mommy!"
"Careful, Gideon," paalala ko nang makitang pati sa hagdan ay nagmadali siya. Tumatalbog pa ang malusog niyang mga pisngi at makapal na buhok habang pababa.
Hindi ko na hinintay pa na makababa siya at nilapitan na. Binuhat ko siya at mabilis na pinupog ng halik ang pisngi. Napahagikgik ang bulilit.
"Did you miss Mommy?" naglalambing kong tanong.
Bibo naman siyang tumango. Muli kong hinalikan ang pisngi niya. Ang bango-bango! Nakakagigil ang ang malambot at matambok niyang pisngi.
Bahagyang kumunot ang noo ko nang mapansing may sinisilip siya sa labas. Para bang may hinihintay rin siyang pumasok. Napalingon din tuloy ako.
Wala namang tao sa labas.
"What are you looking, baby?" takang tanong ko.
Bumaba ang bilugan at kulay abong mga mata sa akin ni Gideon. Lalo akong nagtaka nang hindi siya kaagad sumagot.
"What is it, baby? You can tell me," hikayat ko.
Napanguso siya. Bumakas ang pag-aalinlangan sa mga mata. Hinintay ko siyang magsalita.
He shakes his head. "I'm hungry po."
Hungry?
Saglit kong pinagmasdan ang mukha niya, and based on what I've observed. I knew there's something he's not telling me. Mahina akong napabuntonghininga. Muli akong ngumiti.
"Okay po. Let's eat. Gutom na rin si Mommy, eh," pagsakay ko.
Ibinaba ko na siya at inakay papunta sa kitchen. Lagi kaming sa kitchen dahil naroon ang island counter at mga barstool. We don't usually eat at dining room. Siguro kapag nandyan si Mom.
Tahimik lang akong naghahain ng pagkain namin ni Gideon kasama si Nanay Aya pero ang focus ko ay nasa aking anak. He's not saying anything but I can see how deep he's thinking on something. Something na hindi niya sinasabi sa akin.
I tried to remain casual habang pinapakain si Gideon. Sinusubukan ko siyang daldalin at tulad noon ay bibo siyang sumasagot. So, I don't really know what's wrong.
"Nanay," tawag ko nang paunahin ko si Gideon na umakyat sa taas.
"Ano ho iyon, Ma'am?"
It took me seconds before I can finally ask what I wanted to ask. "Kumusta po ba si Gideon sa school? O-Okay lang po ba siya?"
Honestly, I felt ashamed asking that question. I feel like I'm lacking. Like I'm not a good mother. Higit sa lahat, ako dapat ang nakakaalam ng kalagayan ng anak ko. But here I am, asking Nanay Aya about my own son.
"Okay naman ho si Gideon, Ma'am. Wala naman nasasabi sa akin," sagot ni Nanay Aya. Napatango ako. "Ay! May isa pala. Napapansin ko ay parang laging may iniisip po ang batang iyon. Hindi naman nagsasabi sa akin."
That's what I noticed. He's thinking about something.
"Sige po, Nay. Salamat po," I said sincerely.
Nagpaalam ako kay Nanay Aya matapos ko siyang tulungan sa paghuhugas. Dumiretso ako sa kuwarto ni Gideon. Naabutan ko siyang nakaupo sa maliit niyang table at chair. Nagdra-drawing.
"Gideon, anak. It's time to take a half bath," I called.
Mabilis naman siyang tumingin sa akin. Iniligpit niya muna ang ginagawa bago lumapit sa akin. Pagkatapos ko siyang paliguan at bihisan, sumampa na siya sa kama.
"How's your school, 'nak?" tanong ko.
"Good po. We draw circles, rectangles—shapes!" masaya niyang kuwento.
Napangiti ako.
"Gideon, baby. Can I ask you something?" tanong ko.
Inosente ang mga matang napatingin siya sa akin.
"Is there something you want to tell Mommy? Or ask Mommy about it?" malumanay kong tanong.
Ilang saglit siyang hindi nakasagot. Muling bumalik ang itsura niya kanina na parang may malalim na iniisip. I feel delighted when he finally nodded.
"What is it, baby?" tanong ko.
"Who's he, ’My?" tanong niya.
Bahagyang nangunot ang noo ko.
"Who?" taka kong tanong.
"The one in the morning po."
Nanigas ang buo kong katawan. Biglang kumabog ang aking dibdib nang maalala kung sino ang lalaking kasama ko kanina.
"G-Gideon. . ."
I want to say something. I want to tell him that who he saw is no one. Pero hindi ko magawa. Hindi ko masabi. Para bang pati dila ko ay nawalan ng lakas o kasamang nanigas ng katawan ko.
H-He saw him.
"Mommy. . ."
Hindi ko namalayan na natulala na pala ako kung hindi ko lang narinig ang boses ni Gideon. Ilang beses akong napakurap. Parang may karayom na tumusok sa puso ko nang makita ang umaasa niyang mga mata.
"Is he Daddy?"
HINDI ako magalaw. Hindi rin ako makapagsalita. Para akong naging statuwa na nakatingin lang sa mukha ng anak kong matiyagang naghihintay sa akin ng sagot. Sagot? Ano ba'ng isasagot ko?
I-I don't know what to say.
Should I lie? Pero kahit subukan kong sabihin sa kanya na hindi, hindi ko magawa. Hindi ko pa man nasasabi ay bumibigat na ang loob ko pati.
"Mommy?"
Mariin akong napapikit. I don't want Reagan to know about him, and I also don't want Gideon to know about his father dahil alam ko na kapag nalaman niya kung sino ang totoong ama, he probably won't stop asking about him. Ngunit ngayong nakita na niya si Reagan, bakit ang hirap sagutin ng 'hindi' ang anak ko?
"G-Gideon. . . H-He's-He's. . ." Mahina akong napahugot ng paghinga. "H-He's no one, okay? He is not y-your. . . your D-Dad."
Parang may karayom na tumusok sa puso ko nang makita ang pagbagsak ng kanyang mga balikat. Ang mga mata niya ay biglang tumamlay.
"Kelan uwi Daddy po, My?" malungkot niyang tanong.
Namasa ang aking mga mata. Kinagat ko ang ibabang labi upang pigilan ang pagbagsak ng aking mga luha. Lumapit ako at hinigit siya.
I kissed his forehead. "S-Someday, Gideon. Sa ngayon, tulog na muna t-tayo, okay?" My voice cracked. Let's sleep, anak."
Matamlay siyang tumango at humiga sa kama. Sumunod ako at saka mahigpit na niyakap. Tonight, I won't sleep in my room. I will stay with my son. My heart feels so heavy. Pakiramdam ko ito na lang ang paraan para maiparamdam sa anak ko kahit na wala si Reagan ay nandito naman ako.
I don't want him to think about his father, because I don't think I would ever have the courage to tell Reagan that I have his son.
"I-I'm sorry, anak. . . I'm sorry. . ." I whispered as the tears fell down.
TULALA at wala ako sa focus kinabukasan sa trabaho. I couldn't do my job dahil paulit-ulit na nagre-replay sa utak ko ang nangyari kagabi.
Marahas akong napabuga ng hangin. Hinilot ko ang sentido. This would not happen kung hindi ko hinayaan na masyadong lumapit sa akin si Reagan.
Masyado na siyang napapalapit sa akin. Hindi lang iyon. He's also becoming unstoppable. Kaya dapat na talaga akong matakot dahil baka isang araw tuluyan ko na siyang 'di mapigilan at malaman niya na ang totoo.
Nagmulat ako nang marinig ang isang katok mula sa pinto kasunod ang boses ng sekretarya ko. "Good afternoon, Ma'am. You have a visitor po."
Nangunoot ang noo ko. Visitor? "Who?"
"He said he knew him. His name is Tristan, Ma'am."
Lalong lumalim ang gatla sa noo ko. Si Tristan? Anong ginagawa niya rito?
"Let him in," utos ko.
Umayos ako ng upo habang hinihintay ang pagpasok n Tristan. Segundo lang ang binilang bago pumasok ang isang matangkad na lalaki na nakasuot na itim na jeans, white t-shirt at black denim jacket. Tristan's usual outfit.
"Ryleigh," tawag niya.
I fixed my executive suit before standing. Nagtataka ko siyang nilapitan.
"What are you doing here, Tristan? May kailangan ka ba?" taka kong tanong.
Pauupuin ko sana siya kaso ay bigla siyang nagsalita.
"Gusto ko lang. . . na tanungin ka," seryoso niyang sagot. May kaunting pag-aalangan din sa boses.
"Tungkol saan?" maagap kong tanong.
Hindi ko mapigilan na pagtaasan siya ng dalawang kilay. Imbes na sagutin, tinitigan niya lang ako.
"Are you mad at me?" he asked.
"Huh?" What's up with him? "Why are you talking about? Why will I be mad at you?"
Gusto ko siyang sapukin. Muli na naman niya kasi akong tinitigan.
"Seriously, Tristan. What's your problem? Pumunta ka lang ba talaga rito para tanungin 'yan?" naiinis kong tanong.
I'm stressed already! Gusto niya pa yatang dagdagan.
"He didn't tell you. . ." bulong niya.
"Who didn't tell me what?" Bakit ba hindi na lang niya diretsuhin?
He was about to answer nang biglang bumukas nang marahas ang pinto na kapwa nagpagulat sa amin. My blood ran dry when I met those familiar grey piercing eyes.
Kulang na lang ay ihagis niya ang madadaanang mga gamit para masabing nagdadabog siya sa lakas ng yabag ng mga paa niya. Muntik pang masubsob si Tristan kung hindi lang kaagad nakapag-balance dahil basta na lang niyang binangga na akala mo ay opisina niya 'to.
"What is the meaning of this, Ryleigh?" malamig niyang tanong.
Ako naman ay biglang nalutang sa tanong niya. "Huh?"
"It's not appropriate to be with a man inside your office with just the two of you!"
"Ano bang pinuputok ng butsi mo riyan?" gigil kong tanong. "This is my office kaya kahit sinong gustuhin kong pumasok ay papasukin ko! You don't have the right to tell me what's wrong and right here in my territory, Iverson!"
"I do!" laban niya. "Dahil asawa mo 'ko! Ano na lang ang mararamdaman ko, Ryleigh? Stop making me jealous over some stupid stick boy!"
Para kaming bumagsak ang panga ni Tristan.
"Get the f**k out of here," malamig niyang utos. Ang tinutukoy si Tristan.
Tristan hesitated at first pero humakbang din paalis. Sumalyap pa siya sa akin pero hindi ko na siya napagtuunan ng pansin.
Hindi pa ako nakakahuma pagkalabas niya, ang mga matalim na mga mata ng lalaki sa aking harap ay naging seryoso. Napalunok ako nang humakbang siya palapit sa akin.
"Uwi sa akin mamaya, Ryleigh."
Napakurap ako. "W-What?"
"I will be expecting you later, baby."
Napasinghap ako nang maramdaman ang kamay niya sa aking puwetan at marahan pang pumisil.
"And if you don't come later, I will come to you myself."