HALOS hindi na ako huminga nang tumapat kami sa labas ng bahay ko. My mind's in full alert while looking outside. Maaga pa kaya alam kong nasa loob pa si Gideon.
I was silently praying na hindi siya lumabas tulad ng lagi niyang ginagawa tuwing nakakarinig ng kotse na dumadating. Kapag kasi hindi ako nakakauwi ay lagi siyang nakaabang sa akin.
"Ryleigh," dinig kong tawag ni Reagan.
Hindi ko siya nagawang lingunin nang manigas ako sa kinauupuan. Bahagyang lumaki ang mga mata ko nang makita si Manang Aya na lumabas ng bahay. Nakatingin ito sa kotse na kinalululanan namin.
"Hindi mo ba ako iimbitahin sa loob—"
"Hindi!" wala sa sariling naisagaw ko dahil sa sobrang nerbyos. Nanliit naman ang mga mata niya. Napatikhim ako at umayos nang umupo upang hindi niya tuluyang mahalata ang nararamdaman ko.
"I-I mean, hindi puwede dahil mag-aasikaso na ako kaagad at aalis papuntang trabaho. I am the acting CEO now. I need to be early. Hindi na kita maasikaso," paliwanag ko.
"Really?" tanong niya. Bahagya pang nakataas ang isa niyang kilay. "Hindi mo 'ko maaasikaso o may tinatago ka sa loob?"
Tuluyan nang nanlaki ang mga mata ko. Mabilis ko siyang nilingon. Seryoso ang mga mata niyang sa akin na pala nakatingin.
"A-Ano bang pinagsasabi mo riyan? Ano namang itatago ko sa loob? Baliw ka ba?" asik ko.
Mas lalo lang tumataas ang nerbyos ko sa sinabi niya at sa tagos-buto niyang mga tinginan.
"Probably your asshole ex-boyfriend?"
Napairap ako. Akala ko ay kung ano nang pinaghugutan niya. Iyon pala ay si Tristan lang!
"Why would I hide Tristan inside, and also from you? We don't have any relationship for me to do that at kahit meron naman. Bakit ko itatago sa 'yo? We're long over, Reagan. I hope you remember that," mapait kong sambit.
"No, Ryleigh. We're not over. We will never be over dahil magsisimula at magsimula tayo sa una. And I won't stop until you carry my name. I hope you remember that too, Ryleigh," seryoso at mariin niyang saad.
Kumuyom ang mga palad ko. Bigla ay bumalik ang emosyon sa puso ko na siyang dahilan kung bakit tinatago ko ang anak ko mula sa kanya. This is the exact reason why I don't want him to know. I can never give him the way to get what he wants.
"The marriage is over, and it won't happen again so dream on, Reagan. Wala na akong kasalanan kung masaktan ka sa huli," malamig kong saad.
Hinawakan ko ang door handle at pinihit pabukas ngunit naka-lock. Matalim ang mga mata na binalingan ko siya.
"Open the door, Mr. Iverson, kung ayaw mong umuwi ng tatlo na lang ang pinto ng kotse mo," banta ko.
"You wanna bet?"
Nangunot ang noo ko. "Ano?"
Ilang segundo na nakatingin lang siya sa akin bago unti-unting gumuhit ang isang ngisi sa mapupula niyang labi.
"I want to make you my wife, Ryleigh." Nagtaasan ang mga balahibo ko nang maging maaligasgas at malalim ang kanyang boses. "I want to make a family with you. Have you as the woman who will bear my son. . . my children."
Napalunok ako. Tila may kuryente na hatid ang bawat salita mula sa kanyang bibig. Hindi ko maipaliwanag ang malakas na pintig ng aking puso. Maging ang kakaibang pakiramdam sa aking tiyan.
"I know you hate me. And I know you will try to stop me so you better give your best kung gusto mo 'kong pigilan, Ryleigh, because I won't stop this time around."
Hindi ako nakakilos nang lumapit siya sa akin. Marahang hinaplos ang aking pisngi bago ko naramdaman ang mainit niyang mga labi sa akin.
"I won't stop until you become Mrs. Iverson. Mine, Ryleigh. Mine."
PARA akong natanggalan ng mabigat na bagay na nakapasan sa mga balikat ko nang matiwasay na umalis si Reagan nung umagang 'yon. But I know it won't going to last long. Lalo na sa mga binitiwan niyang salita. I know he will always come around.
More persistent this time.
Sumulyap ako sa pinto ng opisina ko nang kumatok doon.
"Come in," saad ko.
Bumukas ang pinto at mula roon ay pumasok ang secretary ko. Bumaba ang tingin ko sa hawak-hawak niya. I frowned.
"What is that?" nagtataka kong tanong.
Lumapit siya sa akin at inilapag ang paperbag sa desk ko.
"Galing daw po kay Mr. Iverson," alanganin niyang sagot.
Mabilis na tumalim ang mga mata ko. Ano na namang pakulo niya 'to? Bakit hindi niya muna ako patahimikin kahit isang buong araw lang!
"He said t-that he cooked it for you." Napakamot siya sa ulo. Tabingi na ang ngiti. "W-With l-love raw po."
"With love my ass!" gigil kong bulalas. "I won't eat that! Mamaya ay may gayuma pa 'yan! Take it and bring it back to him! Told him I don't need it!"
Padabog na kinuha ko ang folder sa gilid ko at binuksan iyon. O-order na lang ako sa labas kaysa kainin ang luto niya!
"Y-Yes, Ma'am. I'll inform Mr. Iverson right away," saad niya bago tumalikod at lumabas ng opisina.
Wala pa yatang isang minuto nang biglang mag-ring ang cellphone ko na nasa gilid ng laptop ko. Dahil busy ako sa pagbasa ng dokumento na hawak, hindi ko na natingnan kung sino ang tumawag. Nagsisi na lang ako nang marinig ang boses mula sa kabilang linya.
"It's past lunch time, and you haven't eaten yet? You might get an ulcer if you keep on skipping meal, Ryleigh."
Marahas akong napabuga ng hangin. Inilapag ko muna ang hawak ko sa desk.
"Stop calling me. May trabaho ako at kakain ako kung kailan ko gusto," asik ko.
Ibaba ko na sana ang tawag pero muli siyang nagsalita.
"I cooked it for you. . . You don't like it?" mahina niyang tanong sa kabilang linya. Tila himig nagtatampo.
I haven't seen the food pero para matigil na siya, I lied. "No. I don't like it, so will you please leave me alone?"
"Are you sure? It's your favorite dish. Bikol express."
Parang may sariling isip ang tiyan ko at biglang kumalam. Napalunok ako. Thank God! Wala siya rito. Ngingisi-ngisi na siguro ang kupal na 'to.
"Wala akong gana," nasabi ko na lang.
"You need to eat, Ryleigh," mariin niyang utos.
"Eh, ayoko nga. May magagawa ka ba?" panghahamon ko sa kanya.
Napakakulit!
"I will go to your house later."
Nanigas ako. Muli na namang binalot ng pagkataranta ang sistema ko.
"You are not welcome so you better not, Reagan!" mariin kong babala.
"Gusto kong pumunta. May magagawa ka?"
Nagtagis ang mga ngipin ko dahil sa panggagaya niya sa akin. Sana pala ay nandito siya nang masipa ko siya mula rito sa top floor ng building namin!
"I hate you!" Wala na akong masabi kaya ayon na lang naisigaw ko.
"I love you. . ."
Muli akong napalunok dahil sa biglang pagbilis ng pintig ng puso ko. Hindi ko inaasahan ang sinabi niya kaya natameme ako.
"I love you always, Ryleigh. Always remember that, baby. . ."
Tuluyan na akong napipe. I don't know what to say back. And I don't even know why my heart's racing. May sakit na ba ako sa puso?
"Let's make a deal, shall we?" tanong niya.
Tumikhim ako para tanggalin ang bara sa lalamunan ko.
"W-What deal?" tanong ko pabalik.
"I won't come to you tonight if you eat the food I gave to you. I will keep my promise this time."
Saglit akong nanahimik. After all the times he promised me, he always end up breaking them. Dapat hindi ko na siya paniwalaan pero napakaseryoso ng boses niya.
"Paano ko paniniwalaan 'yan? You broke promises so many times," mapait kong saad.
"Not coming tonight is different from not coming forever. I can endure one night, baby. Besides, I have so many nights to spend with you dahil sayo at sayo lang ako uuwi."
Humugot ako nang malalim na paghinga para kalmahin ang naghuhurumentado kong puso.
"You have Vivian, Reagan. Remember that," mariin kong paalala.
"Siya ba ang mahal ko?"
Muli akong hindi nakapagsalita.
"Ikaw ang mahal ko, Ryleigh. Ikaw ang gusto kong makasama sa gabi. Ikaw ang gusto kong makasama sa bawat umaga ko kaya sayo lang ako uuwi. I hope you remember and take note of that too, Ryleigh," he said seriously, in a dangerously low voice.
I can't handle the storm of emotions inside of me. Bahala na siya kung anong gusto niya! I just want to end the call before I get a heart attack here!
"I don't wanna hear nonsense. Bye!" mabilis kong saad.
"I don't blubber nonsense. You know that. . ."
Inalis ko na sa tenga ko ang cellphone. Hindi ko na pinakinggan pa ang mga sinabi niya. Pinatay ko na kaagad ang tawag.
Marahas akong napabuga ng hangin saka sumandal sa aking swivel chair. Para akong galing sa marathon dahil sa pagkabog ng dibdib ko.
What am I going to do with that man?