Chapter 15

2133 Words
I WANTED to twist his neck, or perhaps stab him with a fork. I wanted to do anything that would erase that smug smile on his face. Kung hindi lang sa banta niyang pupunta sa bahay ko, hinding-hindi talaga ako sasama sa kanya. Hindi ko alam kung ano'ng trip sa buhay ng lalaking 'to. Last month, he told me he won't bother me anymore. But here he is again! Wala ba talaga siyang balak lubayan ako? Ano ba'ng meron sa akin at balik siya nang balik sa akin? "Why are you doing this, Reagan? Tapatin mo 'ko," seryoso kong tanong, breaking the silence. Nasa harap ang mga mata ko kaya hindi ko alam kung anong ekspresyon ang kasalukuyang bumabalatay sa kanyang mukha. "What do you think is the reason why I am doing this?" balik-tanong niya sa akin. Nagtagis ang mga ngipin ko. Akin siyang nilingon. "Huwag mo sa 'kin ibalik ang tanong, Reagan! You told me! You promised me! You said you won't bother me again! But why are you still here? Bakit hindi ka na lang bumalik kay Vivian!" sigaw ko. Hindi ko na napigilan pa. Nakita ng dalawang mga mata ko ang pag-igting ng kanyang mga panga. Madilim sa loob ng kotse pero dahil may nadadaanan kaming ilang establisyemento kaya nakikita ko pa rin ang kanyang mukha. "I know you don't like me, and it's okay. Pero huwag mo kong ipagtabuyan at itapon sa iba, Ryleigh," saad niya. Puno ng pait ang boses. "May nararamdaman din ako. . ." Napipi ako sa binitiwan niyang salita. I couldn't mutter anymore words kaya nag-iwas na lang ako ng tingin at sumiksik sa gilid ng pinto. Wala nang nagtaka pang magsalita sa aming dalawa pagkatapos hanggang sa makarating kami sa bahay niya. Palihim akong napabuga ng hangin nang muling tumambad sa akin ang bahay niyang hindi ko alam na muli kong papasukin. Walang salitang lumabas ng kotse si Reagan saka pumunta sa side ko para buksan ang pinto. Mabilis niyang kinuha ang kamay ko at mahigpit na hinawakan na para bang tatakasan ko siya anumang oras. He gave the keys to the man waiting in the doorway before pulling me inside his house. Tahimik lang ako at hinahayaan siyang hilain ako ngunit nang tahakin namin ang hallway na magdadala sa amin sa kuwarto niya, doon ako nagpumiglas. Not again! Not in that room! I f*****g hate that place! "Seriously! Reagan? Papatulugin mo na naman ako sa loob ng kuwarto?" inis kong sambit. "Kung okay lang sa 'yo na may pinapatulog kang ibang babae sa kama mo while being engaged to Vivian, ibahin mo 'ko! Bitiwan mo 'ko!" Imbes na bitiwan ay wala siyang ginawa. He is still pulling me towards his room. Dahil malakas siya ay parang wala lang ang pilit kong panlalaban. Urgh! I hate him! "I'm not engaged to anyone, and I had never brought women in my room," seryoso niyang pagtatama sa sinabi ko. Pagak ko siyang tinawanan. "Why would I believe you? You've lied two times to me!" asik ko. Nasa tapat na kami ng pinto ng kanyang kuwarto nang bigla siyang huminto. I was caught off guard of his sudden turn. Hindi ko napaghandaan ang pagsalubong sa kanyang nagngingitngit na mga mata kaya nanigas ako sa kinatatayuan. "You wanna bet with me, Ryleigh?" mapanganib niyang tanong. "Because I will, if you will. Ask everyone in this house if I ever brought a woman in my room aside from you. Go ahead. If you're right, I will leave you alone but if you're wrong, you will be forbidden to push me away anymore." Hindi ako nakasagot sa kanya. Even if I want to, there's still a part of me that doesn't want to risk. Para bang ibinubulong nito sa akin na wala akong laban. Reagan took my silence as an advantage to pull me inside his room. Mahina akong napasinghap nang bumungad sa mga mata ko ang pamilyar niyang kuwarto. The room was silent and dark. Ang tanging ilaw lang ay ang lamp sa gilid na hindi sapat ang liwanag para makita ang kabuuan ng kuwarto. I was pulled back to reality when I heard the click of the lock from his door. Unti-unting bumilis ang pintig ng aking puso nang mapagtantong kami na lang dalawa ang narito. Even if I wanted to run, it will be only useless dahil nakaharang siya sa pinto. Tila nanuyo ang lalamunan ko nang maramdaman ang paglapit niya sa aking likod. "R-Reagan—" I stilled when he suddenly hugged me from the back. Mas dumoble ang kabog sa dibdib ko nang ibaon niya ang mukha sa aking leeg. When he started planting soft and wet kisses on my neck, I knew, the drumming inside my chest is no longer because of nervousness. Napapikit ako nang dumako ang mainit niyang mga labi sa aking batok. He kissed me there before his lips slowly made its way down to my spine. Napalunok ako dahil sa biglang pagpasok ng alaala sa aking isipan. "I want you. . ." Napahingal ako sa kanyang sinabi. Ang init na nabuo sa aking katawan ay mas lalong kumalat at ang mga kamay niyang senswal na humahagod sa aking baywang pababa sa aking balakang ay hindi nakakatulong upang pawiin ang apoy sa akin katawan. "Y-You can't d-do this. . ." utal kong sambit, desperate to make him stop despite my losing self-control. "I can, Ryleigh. You know I can." Napasinghap ako. Bigla niya akong hinarap sa kanya at bago pa ako makapag-react, sinalubong na ng mapula at mainit niyang mga labi ang akin. All I can do is moan as he kisses me aggressively. Napakapit ako sa kanyang balikat at automatikong napayakap ang mga binti ko sa kanyang baywang nang bigla niya akong buhatin. He pinned me on the nearest wall while still ravaging my lips. "A-Ah!" Hindi ako mapakali sa kiliting natatanggap mula sa kanyang kamay na nasa aking dibdib. May panggigigil na pumipisil. Bumaba ang mga labi niya sa aking leeg. He sucked a skin there. Humigpit ang kapit ko sa kanya dahil sa bigla niyang pag-atras sa amin mula sa pader. My heart pounded fast when he walk to his bed. Doon ay ibinaba niya ako. My body bounce on his bed. Balak ko sanang umupo pero napahiga rin kaagad ako nang bigla siyang pumaibabaw sa akin. This time, he become more aggressive. . . eager. Napasabunot ako sa kanyang buhok nang magawa niyang matanggal ang itaas na bahagi ng dress ko at mabilis na nilaro sa kanyang bibig ang aking dibdib. I wasn't able to hold my moans because he sucked my peak like a baby. May tunog pa ang kanyang ginagawa na lalong nagpainit sa akin. "R-Reagan—Ah!" hindi ko naituloy ang sasabihin nang maramdaman ang kanyang daliri sa aking baba. Nagtama ang mga mata namin. His eyes are on fire. Burning on lust. Mukhang hindi ko na kailangan pang ituloy ang sasabihin ko, because he responded to me. And I don't know whether to feel at ease or feel more fear because of his answer. "There's nothing between me and her. Her job is done. She will go back to the U.S tomorrow and I?" A promising smile made its way to his face. "I will go back to you." NOTHING happened. It was not that I'm disappointed, I was surprised. Surprise na nagawa niyang pigilan ang sarili sa gitna ng init na kapwa namin nararamdaman. I don't know how he did that, but I'm a little impressed and curious. After kissing me wildly, humiga lang siya sa aking tabi. Hinila ako at mahigpit na niyakap na parang walang nangyari. Ngunit kahit nagawa niyang pigilan ang sarili, he can't still fool me. He was calm but his body was raging in fire inside. Akala niya yata tulog na ako nang bumangon siya at pumasok sa banyo. Hindi ko na siya inusisa pa pagkatapos. Tahimik na lang akong nagpasalamat na walang kababalaghan na nangyari. My son, Gideon, is enough. Dahil kung madadagdagan pa, at siya pa ulit. I don't know how to hide anymore. Umangat ang mga mata ko mula sa pagkakatulala sa plato sa aking harap nang makarinig ng mga yabag papasok ng dining room. I don't need to guess who it was dahil sa gamit pa lang na pabango ay kilalang-kilala ko na. "Good morning, baby." Sinamaan ko siya ng tingin bago ibinalik ang tingin sa plato. Ang hirap niyang tingnan. Especially now that he's wearing black jeans and black long sleeve polo. Bahagya pang basa ang kanyang itim na itim na buhok at nakabukas pa ang ilang butones ng kanyang polo. He looked so fresh. Kung sa iba, nakakabusog ang itsura niya, sa akin ay hindi. Ang sakit niya sa mata! Kinuha ko ang kubyertos para umaktong busy sa pagkain. Ngunit nanigas ang kamay ko dahil sa bigla niyang paghalik sa aking pisngi. My throat runs dry when he purposely brushes his lips against my ear. "You look grumpy. Hindi mo ba nagustuhan ang pagkain mo?" kaswal niyang tanong. I want to stab him with the fork and yell at him na hindi pagkain ang dahilan ng pagkakabusangot ko kundi siya! Pero buwisit lang dahil hindi ako nakagalaw kaagad sa ginawa niya! "I'll ask Mary to serve you what you like. What do you want for breakfast, baby?" Parang sinindihan ang mga pisngi ko dahil sa muli niyang pagtawag sa akin ng endearment na kinakabuwisitan ko noon pa man. It was supposed to sound cringe pero bakit ’pag siya parang normal lang? "I want you out of my sight, Reagan. Iyon ang gusto ko," nagtatagis ang mga ngipin kong saad. "How can I eat breakfast with you if I do that?" tanong niya. Marahas kong sinubo ang laman ng kutsara ko at may gigil na nginuya ang pritong itlog. Kapag ba sinapok ko siya, titigil na siya? "Who told you I like to spend my breakfast with you?" mapait kong tanong. "Me," parang wala lang na sagot niya. Umupo siya sa tabi ko saka sinenyasan ang katulong na nakatayo sa may gilid. The maid served his plate quickly before leaving us in the dining room. Now it is just the two of us, at para akong nahirapang huminga sa kaalamang ‘yon. Pilit kong binalewala ang presensya niya sa aking tabi at binilisan ang pagkain. Gusto ko nang makaalis dito. Pagkatapos ko talagang makawala rito ay sisiguraduhin kong hinding-hindi ko na siya makikita! "Dahan-dahan," aniya. "Hindi naman kita kakainin. . ." Humigpit ang hawak ko sa kubyertos. Hindi ko pinansin ang kanyang sinabi. Tinapos ko ang pagkain saka kinuha ang baso ng tubig. Pagkababa ko ng baso ay kaagad akong tumayo. Pero hindi pa ako nakakaalis nang hawakan niya ang aking braso. "Bitiwan mo 'ko," mariin kong utos. Hindi niya ako pinansin. Napaatras na lang ako ng bahagya dahil sa bigla niyang pagtayo pagkatapos inumin ang sariling baso ng tubig. "Ihahatid kita." Daig ko pa ang nasabugan ng bomba sa mukha sa sinabi niya. Kaagad na tinambol ng kaba at takot ang dibdib ko. H-He can't go into my house! He can't know where I live! "N-No. I-I can handle myself. Hindi na ako bata kaya bitiwan mo 'ko!" mariin kong utos, nauutal-utal pa dahil sa nerbyos. Naging seryoso na ang mga mata niya nang tingalain ko siya. Mas lalo akong kinabahan sa tingin niyang iyon. I know what that looks mean. It means na ihahatid niya talaga ako at wala akong magagawa. "I'll bring you home, Ryleigh," may pinalidad niyang saad. Sapat para mas lalong kumabog ang dibdib ko. "Let's go," saad niya. Hinila niya ako ngunit nagmatigas ako. Hindi ako tuminag sa kinatatayuan ko. He stopped. Naniningkit ang mga matang binalingan niya ako. "Do you seriously want to play tug of war, Ryleigh? Because I assure you that I have all day to do that unless you move there and let me bring you home," seryoso niyang saad. Fuck! Isip, Ryleigh, isip! I mentally cursed. I can't think of anything! "Ryleigh," mariin at nagbabantang tawag niyang muli. Mariin akong napapikit. Damn! Hindi ko kailanman inisip na magagawa ko 'to. "C-Can you just. . . Can you just let me go this time, please?" I begged, defeated. Saglit siyang nanahimik. Nakatitig lang sa akin. Hindi ko mabasa ang laman ng kanyang isip dahil wala akong mabasang emosyon sa mga mata niya bukod sa kaseryosohan. Napaatras ako nang bigla siyang humakbang palapit sa akin. "Are you hiding something in there?" I wa already in a panic mode kaya hindi ko napigilan ang sariling masinghalan siya. "No!" Mariin niya akong pinakatitigan. "Then my answer is a no too." Parang tatakasan ako ng lakas dahil sa sinabi niya. I just want to slump myself back on the chair. Stay there all day long and never move. Paano na, Ryleigh. . . Paano na?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD