HE'S planning to do it with her?
Then good!
Good for him!
Sa wakas ay makakahinga na rin ako nang maluwag dahil wala ng manggugulo pa sa akin. Mabuti naman at natauhan na siya sa kaalamang matagal na kaming tapos. I can finally sleep peacefully at night. Yeah. . .
"Ma'am?"
Bumalik sa realidad ang isip ko nang marinig ang aking sekretarya. Saglit pa akong natulala nang lumingon sa kanya.
"Y-Yes?"
She's looking at me weirdly. "Are you okay, Ma'am?"
Umayos ako ng upo saka tumikhim. "Of course, I am."
"Kanina po kasi kayo tulala," alanganin niyang dagdag.
Hindi naman na ako nakapagsalita pa. She put the files on her arm to my table before bidding her goodbye. Mahina akong napabuga ng hangin bago kinuha ang papel. Kinulang siguro ako sa kain kanina kaya nawawala ang focus ko. Maybe I should tell Manang Aya to cook more food later.
Just like the usual days, mabilis na natapos ang araw. Nag-aayos na ako para umalis nang biglang mag-text si Alessia sa akin. Inaaya niya akong mag-dinner. Her treat. Mukhang gumala na naman kaya nag-aaya kumain.
Tutal maaga pa naman, I decided to accept her invitation. Saglit lang ay narating ko ang sinasabi niyang restaurant. Parang may apat na mata namang kaagad akong nakita ni Alessia. She waved her hands at me excitedly upon my entrance.
"Nag-iisa ka lang?" tanong ko kaagad.
Naupo ako sa kaharap niyang silya. Bumaba ang mga mata ko sa anak niyang tulog sa kanyang mga braso. Napangiti ako saka inabot ang pisngi. Ang cute-cute! Namumula pa pisngi habang tulog. It reminds me my son when he was still a baby.
"Hey! Hindi stress ball ang pisngi ng anak ko!" reklamo ng ina.
I withdraw my hand and rolled my eyes at her. "Papisil lang."
Sinamaan niya ako ng tingin. "Pisil ba 'yun? Kulang na lang ay tanggalin mo. Gumawa ka ng sa 'yo!"
I want to roll my eyes again dahil sa exaggerated reaction niya pero natawa ako. If she only knew na matagal na akong nakagawa.
Inilibot ko ang tingin sa paligid. Nang hindi mahagilap ang taong hinahanap ko, ibinalik ko ang tingin sa kanya.
"Don't tell me you're really alone?" taas-kilay kong tanong.
"Of course not! I'm with my husband," sagot niya.
Kumunot ang noo ko. "Then where is he?"
"Gutom ka na?" biglang tanong niya.
Inabot niya ang menu gamit ang isang braso saka tumingin-tingin doon. Napatingin din tuloy ako. Ako na ang tumawag sa waiter nang makapili ako.
Ang payak kong noo ay biglang nangunot dahil sa mga orders niya. She ordered many dishes na hindi kayang ubusin ng dalawang tao—not unless hindi lang sila dalawa. . .
"Where's Markus—"
"The food here is delectable! Matagal ko nang sinasabi sa 'yo ang restaurant na 'to pero hindi ka naman pumupunta," himig nagtatampo niyang saad.
Nagtagis ang mga ngipin ko. She's definetly hiding something.
"You will answer me o iiwan kita rito?" banta ko.
Natigilan siya sa pagdadaldal. She stared at me for moment ngunit nang ma-realise niya na seryoso ako, she sighed in surrender.
"Fine! He's outside," sagot niya.
"What is he doing outside?" seryoso kong tanong. Getting deadlier each passing second.
Isang ngiwi ang nabuo sa mga labi niya. "He fetch. . . someone. . ."
Napalunok ako nang kumabog ang dibdib ko. I feel like I don't need to ask her further dahil may ideya na ako kung sino ang sinundo ni Markus sa labas. But nevertheless, I still did.
"Who?" mahina kong tanong.
Matagal siya bago nakasagot.
"Reagan. . ."
Napapikit ako nang mariin.
"Markus fetch—"
Bago niya pa makumpleto ang sasabihin, isang boses mula sa likod ang nagpatigil sa kanya.
"Hon! I'm back—Ryleigh?"
Kahit na ayokong lingunin si Markus, napalingon pa rin ako dahil sa pagtawag niya sa aking pangalan. I instantly regret it when I came face to face with him.
Automatiko akong nag-iwas ng tingin mula sa kanya. I was hoping it will somehow lessen my uneasiness pero mali ako. Sa mga matang mayroon siya na parang apoy na pumapaso sa aking balat, it was definitely impossible.
Ibinalik ko ang tingin kay Markus saka tipid na ngumiti. "Alessia invited me. Akala ko mag-isa lang siya. I'm sorry."
"It's okay. You can—ahm. . .stay," alanganin niyang saad.
Nakita ko ang pasimple niyang pagsulyap kay Reagan na tahimik pa rin hanggang ngayon. I stilled in my seat when he walked to the chair beside me. Pigil ko ang paghinga nang hilain niya ang silya saka umupo.
"N-No, it's okay. May gagawin din ako sa bahay—"
Naputol ang sasabihin ko nang biglang dumating ang waiter kasama ang mga pagkain na in-order namin. Dumiin ang pagkakalapat ng mga labi ko nang ilagay ng waiter sa aking harap ang order ko.
"If you want to leave, no one will stop you but at least eat your order. Maraming nagugutom para magsayang ka ng pagkain," malamig niyang saad.
Nagtagis ang mga ngipin ko.
"I know, Mr. Iverson. You don't have to remind me," malamig kong saad.
He didn't say a thing anymore at nagsimula nang kumain. Tahimik ko ring kinuha ang kubyertos para kumain na rin.
The whole duration, it was mostly Alessia and Markus that were talking. Paminsan-minsan ay kinakausap din ako ni Alessia pero tipid ang bawat sagot ko. I'm still pissed at her for not telling me na darating din si Reagan.
Because if she told me, edi sana wala ako ngayon dito! Hindi sana ako kumakain katabi ang lalaking 'to!
"How's business? You're staying here more than your actual plan. Are you staying for good?" tanong ni Markus.
Pipe akong nanalangin na sana ay hindi ang sagot niya. I don't want to see his face everyday! Kahit napakalaki ng Pilipinas, palagi ko pa rin siyang nakikita kahit saan. At isa pa, hindi puwedeng hindi siya uuwi. Paano kami gagala ni Gideon kung alam kong nasa paligid lang siya?
"It depends on Vivian. We're still planning the date of engagement."
Parang may bumara sa lalamunan dahil hindi ko na magawang lunukin ang nginunguya ko. Even my breathing stopped. Ang mga daliri ko ay nanigas at hindi na nagalaw ang kubyertos na hawak.
"What?" hindi makapaniwalang tanong ni Markus.
Wala sa kanya ang tingin ko pero alam kong binalingan niya ako.
"A-Are you sure?" tanong muli ni Markus.
"Why wouldn't I be sure?" malamig na sagot ng lalaking katabi ko. Malamig pa sa yelo. "Vivian is a good woman. She will be a fit mother for my future heir."
Tuluyan nang nanlamig ang buo kong katawan. Humigpit ang hawak ko sa kubyertos. My face is emotionless but I am raging inside. I want to yell at him. Curse him for saying that!
What does he think of me? An unfit woman to raise his child? f**k him!
Gusto ko siyang sapakin sa mukha nang matauhan siya sa sinabi niya, but then again, I can't. And I shouldn't. He doesn't know about Gideon, so he doesn't have a clue that his words hurt me.
"I thought. . ." Hindi natuloy ni Markus ang sasabihin nang mapansin na siguro ang pananahimik ko.
Ang bigat ng dibdib ko dahil sa halo-halong emosyon na nararamdaman. I want to get away as fast as I can from here before I totally lose control. They can't see me as weak, especially him. I don't want him to think that his words affect me.
"I'm sorry, but I have to go. May kailangan pa akong tapusin," pormal kong saad.
Napatingin sa akin si Alessia at Markus. I can see the uneasiness from their eyes pero hindi naman sila nagsalita. Tumayo ako at akmang aalis ngunit bigla siyang magsalita.
"But even how fit Vivian is to be the mother of my children. There is still one woman who will be forever perfect for that place. . ."
Napatingin ako sa kanya dahil doon but I didn't expect that he's already looking at me with those pair of piercing deep sets of grey eyes he has. Kumabog ang aking dibdib dahil sa paraan ng kanyang pagtingin sa akin.
Puno iyon ng pait.
"And it was such a shame she didn't want that place to be hers."