Kabanata 8

1235 Words
"pwede ba tigilan mo ko sa kakatanong mo", kumunot ang kilay ko sa itinanong niya, "sigurado ka?", parang hindi maka paniwala si Francis. Akala siguro niya na pareho lang si Jade sa mga babaeng madalas humahabol sa akin, pero hindi ganun si Jade. Masyado siyang tahimik at hindi ko mabasa kung anong gusto niya. "mm, baka kulang sa lambing yan, parang hindi ka naman sanay sa mga babae, dapat bigyan mo ng matatamis na galawan", kumbinse niya sa akin na ikinatuwa pa nito. Umayos ako sa pag upo at napaisip sa sinabi niya. Kung gagawin ko yun, may magbabago ba?, magkakasundo ba kaya kami?, pwede na bakong matulog katabi niya?, mukha namang malabo pa. Halata naman sa mga mata niya na naiilang pa siyang kasama ako. Sa kakaisip tungkol dito ay biglang nagreklamo ang aking tiyan. Gutom nako kanina pa kaya sinabihan ko si Francis na tumabe kung may ma dadaanan kaming convenience store. Hindi nagtagal ay may nakita kaming convenience store at biglang itinabi ni Francis ang kotse. "ano bang bibilhin mo dito?, bakit hindi ka makapaghintay?", tanong niya sakin pagkatapos ay itinigil ang sasakyan. "hindi na makapaghintay ang tiyan ko", sagot ko naman sa kanya. Lumabas ako sa kotse at naglakad papunta sa convenience store. Hindi na lumabas si Francis dahil alam naman niyang hindi ako magtatagal kaya mas minabuti nalang niyang maghintay sa loob ng kotse. Habang naglalakad ako ay may nakita akong babae na nasa forty plus na yata ang edad na may kasamang batang lalaki na nasa sampung taong gulang. Masaya silang naglalakad sa tabi ng kalsada. Nagkukulitan habang magkahawak ang mga kamay nila at palagay ko mag-ina ang dalawa. Papasok na sana ako sa convenience store ng biglang may sumigaw. Nagulat ako kaya tinignan ko kung saan nang galing ang sigaw na ito. Paglingon ko ay nasa kalsada na ang mag-ina. Takot na takot ang babae habang ang bata naman ay umiiyak. Hindi ko alam kung anong nangyari pero lumabas narin si Francis para puntahan ang mag ina. Sinubukan kung puntahan para e check din kung anong nangyari, ngunit habang tinititigan ko silang dalawa ay parang may pumigil sa akin. Hindi ko maigalaw ang aking mga paa. Nanglakihan narin ang mga mata ko at kumabog ng husto ang aking dib-dib. Parang nakita ko na ito, parang may naa-alala ako. Isang mapait na nakalipas. Gustohin ko mang lumapit ay hindi ko magawa. Lalo na sa mata ng bata ay nakikita ko ang aking sarili sa kanya. Bumabalik na naman ang mga alaala na kahit kailan ay hindi ko na kayang ibaon sa limot. "hey", may tinig na gusto akong pigilan sa nangyayari sakin. "hey, chase!", pabigla na tawag ni Francis sa akin. Napatigil ako sa kakatotok sa bata at agad napatingin kay Francis. "okay kalang?" tanong niya sakin na may kasamang pag-aalala sa mukha nito. "huh?", biglang tumigil ang kaba ko nang makita ko si Francis. Hindi ko namalayan nilapitan na niya pala ako at kanina pa nagtatanong. "sabi ko, okay ka lang ba?, alam mo mas mabuti pang umalis nalang tayo, alam kong gutom kana", kombinse niya sakin para maputol ang tumatakbo sa isipan ko. Tinignan ko ulit ang mag-ina. Yakap-yakap ng babae ang bata habang may kinakausap na lalaki at patrol police. "wait, I think we should help them", sabi ko sa kanya. "no need, trabaho yan ng patrol police hayaan mo na silang gawin ang trabaho nila, mabuti nga agaran silang umaksyon" paliwanag naman niya sakin para hindi nako mag-alala pa. Tumalikod nalang ako para hindi ko na makita ang biglaang nangyari. Gusto ko sanang tanongin si Francis kung anong nangyari sa babae at sa bata ngunit wala pa akong lakas na loob para magtanong pa. Pinahintay ko ulit si Francis sa kotse at tuluyan nakong pumasok sa convenience store. Naghanap ako ng makakain at pati narin mga drinks para lang malagyan ang tiyan kong kanina pa nag-rereklamo. Kung nasa mansion lang ako hindi ito mangyayari sakin. Pinapahatid ko nalang sa kwarto kahit ano mang pagkaing gustohin ko at minsan pa nga ang pagkain nalang ang naghihintay sa akin. Kung ano kasi itong pinasok ko, sabayan pa sa nangyari kanina. Minamalas na yata ako?, huwag naman sana. Inabut ko na sa cashier ang mga napili kong bibilhin at kasama na ang credit card. Hindi ako madalas magdala ng cash kaya atm at credit cards lang ang lagi kong dala. "sir, wala po ba kayong ibang credit card?" tanong ng cashier sa akin. "bakit? anong problema ng card ko?" gulat kong tanong sa kanya. "error po kasi, baka may iba po kayo, o cash nalang po?", tanong niya ulit sa akin at tumingin sa likod ko na may naghihintay pang ibang customer. Ibinigay ko lahat ang credit card kong dala para mabayaraan na kaagad ang mga bibilhin ko. Ilang minuto lang ay sinubukan na lahat ang ibinigay kong credit cards pero ni isa ay walang gumana. "sir, kahit gwapo po kayo pero kung wala kayong pambayad mas mabuti nalang pong next time nalang?, kasi meron pa pong ibang customer kanina pa sila naghihintay", paliwanag niya sa akin na may halong pagtititis sa sitwasyon. Bakit kaya?, ano na naman ba ito?, kasama ba'to sa parusa ko?, anong gagawin ko ngayon? "miss, ganito nala-...", hindi pa ako tapos magsalita ay may biglang sumingit. "here, take this", pa cute na iniabot ni Francis sa cashier. Hindi ako makapaniwala sa nangyari pero pasalamat ako na kasama ko si Francis dahil kung hindi siguradong malaking kahihiyan ito sa akin. Nabayaran na ang lahat kong pinamili, salamat kay Francis at pwede na kaming umalis ng walang aberya. Pumasok na ulit kami sa kotse at tuluyan na kaming umalis. Hindi aabot sa kalahating oras ay nakarating na kami sa bahay ni Francis at nagsimulang maghanda para kumain. "akala ko ba gutom ka na?, ba't di mo kinain ang pinamili mo?", nagtaka siya kung bakit hindi ko kinain ang mga nabayaran niyang mga pagkain sa convenience store. "nawalan nako ng gana", sabi ko naman sa kanya. "sigurado ka?, o na walan ka ng gana dahil naka feeze yung..", hindi na niya itinuloy ang gusto niyang sabihin dahil inaksyon nalang niya ito ng paguhit gamit ang kanyang dalawang kamay. Halata sa mukha niya na nag-aalala siya sa akin. I rolled my eyes. Alam kong si dad ang may gawa nito kaya hindi nako magtataka pa. Ginawa niya talaga ang gusto niya at hindi lang yun, gusto narin niyang mapahiya ako. While Francis preparing the food, I took the wine from the table and poured it into the glass. Imbis na kumain ako mas naisipan ko pang uminom ng wine. Galit ako sa nangyari. Hindi ko matanggap na nagawa ito ni dad sakin. "Chase, what are you doing?", bigla niyang tanong sa akin. Itinigil niya ang kanyang ginagawa at nagpatuloy sa pagtatanong. "akala ko ba gutom ka?, ba't alak iyang hinahawakan mo?", naging seryoso siya sa pagtatanong at lumakad papunta sa akin. "stop it now, akin na nga iyan", sabay pigil sa baso na may lamang alak na iinumin ko na sana. "let it go Francis, akala ko ba kaibigan kita?", titig ko sa kanya na nagpapahiwatig na huwag niya akong pakialaman. "you're right, I'm your friend that's why I'm stopping you", seryoso niyang sabi sakin at sinabayan niya ang titig ko sa kanya. "isa lang naman ang gusto ng daddy mo, ang magtrabaho ka sa kompanya ninyo, yun lang naman di ba?, ba't ang hirap para sayo?"

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD