Kabanata 7

1342 Words
Dumiritso akong pumunta sa iisang kwarto namin para malinawan ang gumagabag sa akin. Malaki ang kwarto at napakalinis nito. Dito madalas si Jade, dito din siya nagpapahinga at gumagawa ng pribado niyang gawain bilang isang babae. Kung ano man ang madalas niyang ginagawa dito sa kwarto ay hindi ko na alam. Hindi man kami magkatabing matulog, magkahati naman kami nitong kwarto. Sinara ko ang pintuan at naghanap ng masusuot sa aparador para makapagbihis ng maayos. Habang naghahanap ako ay may napansin ako sa lamesa na dikit lang dito. Hindi ako nagulat pero nakasisiguro ako na kay Jade ang nakita kong damit. Lumapit ako dito dahil parang may kung anong pumasok sa utak ko para lapitan ito. Akala ko damit lang, may kasama pala itong bra at panty. Heto na naman ako, biglang nabuhay na naman ang p*********i ko. Na distract na naman ako at sa sobrang pagkadistract ko simula pa kanina ay dinamput ko ito. Lalaki lang ako, kaya na curious lang din ako kung anong size niya. Wala akong masamang balak dito pero ewan ko, parang gusto ko lang siyang makilala kahit sa anong meron siya. Inangat ko ang bra at napatitig dito. "ang lambot, at malaki laki narin" biglang pasok isip ko. Ano batong iniisip ko. Ibabalik ko na sana ito, ngunit bumukas bigla ang pintuan. Nagulat ako sa pagbukas ng pintuan, di ko akalin na makikita ako ni Jade na hawak-hawak ang kanyang pribadong kagamitan. Nagulat din siya sa nakita niya at may halong tanong din sa mukha nito. Hindi muna siya pumasok, nakatayo lang ito sa pintuan at parang hinihintay niya kong mag explain sa nakita niya. Hindi ako nataranta, I just looked at her and quickly let go of the thing I was holding. I rolled my eyes and went back to what I was searching in the closet. "It's not what you think, kung saan-saan mo kasi nilalagay ang mga gamit mo" paliwanag ko sa kanya habang pinipigalan ko ang kaba sa dib-dib ko. Patuloy parin ako sa paghahanap ng damit kahit na nasa harap ko lang ang gusto kong suotin. Hindi ko mawari itong ginagawa ko dahil siguro sa nangyayari. Yung una ay nakita ko siya sa suot niya, pagkatapos yung napaso siya at nag-alala naman ako kunti at dahil dun nahawakan ko siya at ngayon nakita niya kong hawak-hawak ang pribado niyang kagamitan. Ano ba 'tong nangyayari? Pero bilib parin ako sa kanya dahil ni isang sigaw ay wala akong narinig sa kanya. Kahit nagpapakita ako ng hindi kagandahan na ugali ay wala parin itong kibo. Pumasok siya sa loob at dinapot ang binitawan kong bra sa sahig at tyaka kinuha ang damit sa lamesa. Sumulyap ako sa kanya upang makita ang reaction niya. Kita ko sa mukha niya kung ga ano siya nahihiya at nabahala naman ako dito. Tinigil ko ang hindi matapos tapos kong ginagawa. "Hey!" sigaw ko sa kanya. Nagulat siya sabay angat ng mga balikat niya at agad tumingin sa akin. Napasigaw ako hindi dahil galit ako sa kanya, kundi gusto kong malaman sa kanya kung galit ba siya sa akin, o may gusto ba siyang sabihin, kahit ano ay tatanggapin ko basta huwag niya lang akong deadmahin. Lumakad ako papunta sa kanya, and gave her another cold stare. Habang papalapit na ako ay unti-unti naman siyang umaatras papalayo at sa kakaatras niya ay bigla siyang napahiga sa kama na hindi sinasadya. Nang nakita ko siya sa kama ay nag-iba ang timpla ng ugali ko. I wanted to tease her, but damn her body and her scent are amusing, and her porcelain skin makes me want to touch every inch of it. Her hair that lingers on her cleavage makes her body even hotter. Habang siya ay naka higa sa kama at ako naman ay nakatayo sa harapan niya. Unti-unti akong lumapit dito na kulang nalang ay gumapang sa kanya dahil ramdam ko na nasa ilalim ko siya. Dahan-dahan kong mas inilapit ang mukha ko sa kanya at dito na ulit kami nagkatitigan. Napalonok nalang ako bigla at para bang bibigay na ako sa kanya. Nilagay ko ang dalawa kong kamay sa magkabilaan niya para hindi ito maka alis. Nag-iba yata ang hangin. Parang gusto ko na siyang hawakan. Siguro dahil sa amoy niyang nakakahumali, o di kaya'y sa kanyang mala rosas na labi, o, baka naman sa mga mata niya na kulang nalang ay tunawin ako. Ano kaya itong pumapasok sa isip ko, should I give in?, pero ayaw kong pilitin siya baka maulit na naman ang nangyari at isa pa, parang ayaw niya itong ginagawa ko, parang gusto niya kong pigilan kaya lang wala siyang lakas ng loob. Sumimangot ako sa reaction niya. I almost gave in, but I'm not a beast so I won't do anything, for now. Kahit mag asawa na kami, wala parin akong karapatan na gawin nalang ang gusto kong gawin sa kanya. Lalo na kung hindi niya ito gusto. "I'm not sorry for this, ikaw 'tong parang..." hindi ako natapos sa pagsasalita dahil nakita ko sa kanyang mga mata na natatakot siya. Iba yung nakita ko kanina, pero ngayon bigla siyang natakot. Ramdam ko narin na nanginginig siya. Kinabahan ako konti kaya lumayo ako kaagad sa kanya. Kinuha ko din ang damit na kanina ko pa gustong kunin sa aparador at dali-dali akong lumabas sa kwarto. Sinara ko ang pintuan at napasandal dito. "sh*t!, muntik na ko dun" sabi ko sa sarili ko. Sa totoo lang sumakit ang tiyan ko hindi dahil may nakain ako na kung ano. She just turned me on and I couldn't help it. "for f* sake what is going on with me?", Sinubukan kong kumalma at naisipang tumawag kay Francis. "ano na naman Chase?" sagot ni Francis sa cellphone. I rolled my eyes dahil sa sagot niya. "parang ayaw mo yata akong makausap", anya ko naman sa kanya habang nagbibihis ng damit. "hindi naman sa ganun, alam muna nag-iingat lang" sabay hagikhik nito. " huwag mo nga akong asarin, sunduin mo nalang ako dito" sabay tingin ko sa kwarto kung saan naroon si Jade. "bakit?, di ba honeymoon mo pa?",patuloy nito sa pagtawa. "hindi ka nakakatuwa, kanina pa nga ako nangigigil dito", tingin ko naman sa ilalim ko. "bakit, anong nangyari?", tanong ni Francis na tila naging seryoso. Nagbuntong hininga ako sa tanong niya. "mamaya ko nalang sasabihin sayo, kaya bilisan mo na ang pagpunta dito", bigla baba ko sa cellphone at lumakad papunta sa labas ng apartment namin. Naghintay ako sa labas ng building ng apartment. May anim na palapag ang building na ito at nasa 4th floor kami. Hindi man ito ka taasan ngunit malalaki naman ang unit nito. Ang pinagtataka ko lang kung bakit ang unit lang namin ang iisa lang ang kwarto, sa pagkakaalam ko ay may dalawa o tatlo ang kwarto sa mga unit dito. Nakakainis lang isipin na habang buhay ba akong matutulog sa sopa namin? Malaki nga yung kwarto namin, hindi naman ako pwedeng matulog nalang dito na basta-basta, baka hindi ako makapagpigil ay maulit na naman ang nangyari kanina. Hindi nagtagal ay dumating na si Francis para sunduin ako. Sumakay ako sa kotse niya at umalis din kami kaagad. Habang nagdri-drive si Francis ay tinanong niya ko. "san tayo?", hindi ako agad sumagot sa kanya. Nakatitig lang ako sa kalsada na dinadaanan namin. Tinignan ako ni Francis saglit at ginulat ako, "hey bro!, okay ka lang?, ano na?", hindi ako nagulat dahil narinig ko naman siya. "ikaw bahala", sagot ko naman sa kanya. "anong ako ang bahala?, diba ikaw tong nagmadaling kunin ka, teka, may nangyari ba sa inyong dalawa ng asawa mo na hindi mo maalis sa isipan mo?", sabay ngisi nito habang patuloy parin sa pagmamaneho. Binigyan ko siya ng malamig na tingin dahil alam kong hindi ito titigil sa pangungulit kung hindi ko ito pipigilan. "what?, nagtatanong lang naman ako at isa pa kamusta na ang honeymoon?", patuloy nito sa pagngisi na may halong pangaasar. Tumahimik lang ulit ako sa tanong niya. "huwag mong sabihin walang nangyari!", nanlakihan ang mga mata nito at hinihintay ang sagot ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD