Tricia POV
Waaaah!!! 11:45am na I am super duper late na talaga. Ang layo kaya ng tinakbo ko from that so called 'dark forest' up to here at saka hello nasa 5th floor pa po ang class ko kaya katakot takot na takbo ang ginawa ko para lang makarating dito
*tok**tok**tok*
Katok ko pagkarating ko sa sa tapat ng pintuan, mga ilang saglit lang ay bumukas ito at nakita ko mula rito ang isang babae na nasa mga mid 40's ata baka sya yung prof ko this subject
"You must be the transferee? Come in" sabi nya habang tiningnan ako mula ulo hanggang paa, psh ang haggard ko na kayang tingnan kapag pawisan at balot na balot pa talaga na aakalain mo ang ginaw ginaw dito sa Pilipinas
"Yes ma'am ako nga po yun. And I'm very sorry if I'm late, naligaw lng po ako." Sabi ko at yumuko bilang respeto na rin at pumasok sa room.
Napatahimik silang lahat ng makita nila ako and another katakot-takot na head-to-foot stares na naman natanggap ko galing sa mga magiging classmates ko
"Introduce yourself and you may take your seat afterwards." Sabi ng prof ko at umupo sya sa table nya sa harap.
"Ahm Hi I'm Patricia Luzineth Kagomoto Willsmith but you can call me tricia, 20 years old nice too meet you all." Nag smile ako sa kanila kahit natatakpan ng mask ang kalahati ng mukha ko at mula mata pataas lang ang nakikita nila
"It is so not nice to meet you *pabulong* yuck ang itsura mo" sabat ng girl na nasa unahan sabay irap sa akin... sarap sabunutan nitong palakang to at i-mudmud sa basurahan!
"Bakit ka na mask?" Tanong naman ng isang cute na babaeng may malaking eye glass at naka pigtail ang buhok, seriously 3rd year college na sya at nag pipigtail pa rin? Psh sabagay cute naman sya tignan
"May severe asthma kasi ako kaya bawal akong makalanghap ng kung anu-anu" magalang na sagot ko sa kanya
"And whats with the gross outfit? Para kang magsasakang di mawari." Pahabol na tanong naman ng isang gwapong bading na katabi ni ms. cute na naka pigtails, napatingin naman ako sa sout ko, psh agaw pansin talaga tong damit ko kahit kailan
"Ah, may sakit din kasi ako sa balat pero don't worry hindi to nakakahawa. I'm safe to be with." Sagot ko sa kanya, sayang tong isang to gwapo panaman kaso bading lang, papunta na sana ako sa bakanting upuan may bandang bintana katabi ms. Cute na naka pigtails kaso may nag taas nanaman ng kamay na akala mo sasagot ng oral recetation, whoo! ang sakit na ng paa ko kakatayo at baka nakalimutan nyo na tumakbo ako kanina at hindi pa ako naka upo at nangangatog na ang mga paa ko wahuhuhuhuhu
"You mention that you're a Willsmith right?" Tanong ng isang magandang binibini na naukaupo sa bandang gitna.. hehehe nalunod ako sa tagalog ko, san ko ba nahugot yung binibini? Psh oo na ako na korny
"Oo, bakit?" Pagbabalik ng tanong ko sa kanya
"Willsmith is a wealthy family right? Bakit di mo pinagamot yang sakit mo and as far as I'd heard about you, ikaw ang tagapagmana ng Willsmith estate together with the Kagomoto Group Of Companies."
Grabe naman alam nya background ko.. ano to showbiz at nasa hot seat ako sa dami ng tanong?
"Ah, yung sakit ko sa balat inborn na sya namana ko pa sa great grandmother ko kaya incurable at saka yung asthma ko naman bata palang may asthma na ako kaya hindi na kaya ng gamot ko pero hindi naman lethal." Please pwede na bang umupo?
"Okay that's enough. Ms. Willsmith you may now take your seat." Ma'am your my life savior ^__^
"Thank you." Hay salamat nakaupo na rin. Katabi ko pala tong si Ms.Cute tas sa kabila naman yung banding na gwapo bali napapagitnaan namin si Ms. Cute
"Hi, I'm Meitte Stewart at itong baklush na katabi ko si Jafrod Wally pero mas preffered nyang tawaging Jaffy" aah.. gandang pangalan naman ni Ms. Cute ay etse Meitte
"Yaah I'm the most beautiful creature here on Earth ya know Jaffy here." Maarting sabi naman ni Jafrod sabay lahad ng kamay para makipag hand shake kaya tinanggap ko naman hindi naman ako ganun ka rude para tanggihan ko sya no
" Ay bruhang may takip sa mukha ang lambot naman ng kamay mo. Anong secret ng ma-try ko naman." Talagang malambot tong kamay ko alagang belo kaya to mehehe
" shhhh tahimik na Jaffy maya kana maki chika pagkatapos ng klase. Ay Tricia sama ka samin mayang break hah?" Baling nya sa akin pagkatapos nyang pag sabihan si Jafron
"Oo naman." At nag smile naman ako sa kanya sa pamamagitan ng mga mata, kung tinatanong nyo kung paano? akin na nalang yun hehehe
Seth POV
I'm still wondering kung paano nya naiwasan ang shuriken na inihagis ko kanina, she look weak.
Ang what is she doing in that place? Lahat ng student ng HU takot dumaan o pumunta don dahil itsura nito.
FLASHBACK:
"Dude san tayo ngayon" tanong ni Raynel sa akin pagkatapos ng klase namin
" balik tayo sa UC."
"Yes.. matutuloy na rin ang victory party ko with my chicka babes.." masayang sabi nya pero may papagawa ako sa kanya that is more important than his toys.
" No."
"WHAT?!"-raynel
"You have to find information about a girl with a tattoo on face"
"San mo naman narinig yan?" Singit ni Axhton habang tutok na tutok sa tab nya
"From Rose Gang"
"Is that the reason why you ripped their leader's head?" Raynel asked seriously. He's totally different when he acted in that way but it just last just for a minute then back to his old self a playboy. May saltik.
"Sort of."
"What do you mean?"-Axhton
"Dad called me"
"And?" Raynel with a curious look sarap batukan parang tanga, sabi na nga ba babalik rin yan sa dati nyang ugaling abnormal
"Setting you up with another dinner date with his bussiness partner's daughter?" Axhton
I sigh as an answer to his question.. lagi nalang akong erereto ng matandang yun
"At ano naman ang gagawin mo sa sa babaeng may tattoo sa mukha?" Raynel
"Just find her and you'll know"
"Pero--"
aapila pa sana siya ng unahan ko na sya.. aarte pa talaga! pag yan kakasama jan sa mga baboy n'ya at nakakuha ng AIDS ako mismo papatay sa kanya..
"Do it or no girls and your forbidden to fight for more than a year."
"Sabi ko nga gagawin ko" sabi n'ya na labag sa kalooban nya, will he has no choice kailangan nyang gawin o tanggal kaligayan nya at isa pa si Raynel ang mas expert sa pag hahanap ng information ng isang tao keysa sa amin na kahit pinakatagong impormasyon ay nahahanap nya in just a short period in time.
~~author's POV~~
(Still part of the flashback medyo mahaba haba)
Nag lalakad ang tatlo sa papunta sa dark forest dahil dun ang daanan papuntang UC. Nasa labas ng Dark forest nakaparada ang mga kotse nila para hindi agaw pansin sa mga estudyante kapag dadating sila sa HU dahil alam nilang pag kakaguluhan nanaman sila ng mga estudyante
Sa kalagitnaan ng kanilang paglalakad sa loob ng dark forest biglang huminto si Seth na naging dahilan ng pag hinto nila Raynel at Axhton
"Bakit dude?" Raynel, habang pinatong nya ang kanyang kamay sa balikat ni Seth pero agad din naman nya itong tinanggal ng tingnan sya ng masama ni Seth
"May ibang tao dito sa Dark forest" sabi ni Seth na may hinugut na kung ano sa bulsa nya
"How d'you know?" Tanong ni Axhton
Hindi nag salita si Seth at nakatingin lng sa iisang dereksyon alm nyang may ibang nakapasok dito dahil sa may dahil may ibang amoy ang hangin dito keysa nakasanayan nya at walang kagato gatol na inibato nya ang shuriken na kinuha nya kanina sa kanyang bulsa sa dereksyon kung saan sya nakatitig. Wala kang maririnig na ingay sa kanyang pagbato ng shuriken. Kilala si Seth sa Japan bilang Night Owl dahil sa abilidad nitong hindi nakakagawa ng ingay pag siya ang umaatake o kumilos, gaya ng kwago kapag sila ay lumilipad.
Pagkatapos ibato ni Seth ang shuriken ay nagpatuloy na ito sa paglalakad na parang walang nangyari, nagkatinginan sila Raynel at Axhton at sabay na nag shrug at nagpatuloy nlng rin sa paglalakad
Sabay silang napahinto ng may isang babaeng nakatalikod na nakatingin sa shuriken nakabaon sa puno at akmang kukunin na ito. Bakas sa kanilang mga mukha ang pagtataka kung pano nya naiwasan ang ibinato ni Seth lalo pa't alam nilang wala pang nakakaiwas sa target ni Seth kahit ilang kilometro pa ang layo nito at hihgit sa lahat ito ay babaeng mukhang mahina.
Hindi natuloy ang pagkuha nya sa bagay na nka baon dahil lumingon ito sa gawi nila
"What are you doing here?" Malamig na tanong ni Seth sa isang babae na naka surgical mask na may malaking eye glasses, nakapalda na lagpas tuhod, naka knee sack, pump shoes, naka jacket at nasa mga 5'2 lang ang height. Mata hanggang noo lng ang kita sa kanyang mukha.
(The rest, refer to chapter one.)
End of Flashback
Andito kami ngayon sa mansyon namin dito sa UC, isa ito sa napanalunan namin sa laban at ito rin ang pinakamalaking mansyon dito sa UC.
"Dude I found some information about the girl with a tattoo on face. Maliit na information lang to pero it might help a bit, inaamin ko na nahirapan ako sa pagkuha nito." Raynel, sabay abot ng isang black folder, kinuha ko ang nilalaman nito at binasa
'Name: Unkown
Age: 20 (estimated age)
Code Name: Violet
Gender: Female
Identification: She has a tattoo on the left side of her face. A tribal tattoo. (Obviously)
More Information:
Notorious assassin, ninja, hired killer and the founder of Azoukawa Credo in Japan.'
"Is this all you've got? Your not the Raynel that I know in terms of finding information but as what you've said it helps a bit. Now I also want you to find information about the girl we saw in the dark forest. I hope this time makakuha ka ng sapat na impormasyon" sabi ko sabay baba ng folder it inilagay sa katabing single couch at napatingin ako kay Raynel na nakaupo sa tapat ko habang nakayuko
"After kong mahanap ang information about that mummy girl pwede na ba ako bumalik sa mga chika babes ko?" Sigh. Mummy girl? Siguro dahil balot na balot yung katawan nya. Well it siuts her. But thats not my point here.
"Sa totoo lng pag ikaw nka kuha ng aids jan sa mga baboy mo ako mismo papatay sayo bago ka makahawa sa amin." Nag pout lng sya at humarap sa aakin
"Stop pouting. Your not cute your like a dog"
"I'm not cute 'cause I'm handsome" Raynel
"No, your gross" singit ni Axhton sabay bato saamin ng tig iisang beer in a can,
"May lahing kabute kaba huh Axhton? Lagi ka nalang kasi susulpot at maniningit eh." Raynel
I agree with the dog I mean Raynel for the first time, kasi naman tong si Axhton mawawala at bigla nlng susulpot at maniningit
"Tss.. Seth about dun sa girl kanina kilala ko na siya" napatingin ako kay Axhton sa sinabi nya
"Dude naman trabaho ko yan eh" maktol naman ni Raynel
"Bagal mo kasi" akmang mag aaway na sana sila pero hindi natuloy dahil sa banta ko
"Pag hindi mo binigay sa akin ang information at nakikipag away ka dyan sa aso dun ko kayo patutulugin sa kalye."
"Oo na ito na nga . SUNGEET" sabay abot ng cellphone nya saakin
'Name: Patricia Luzineth Kagomoto Willsmith
Age: 20
Gender:Female
Nationality: half Filipino one fourth Japanese one fourth american
Studying in Hill University (HU) Heiress of Willsmith Estate and Kagomoto Group of companies. Only daughter of Mr. & Mrs. Cloudio Willsmith. Taking up with the course of Bachelor in Elementary Education. She have a severe asthma and genetic skin disease inherit with her bloodline. ~etc.'
At mga pictures na nya yung iba. Nothing so special about her except for being the heiress of the two giant companies in this generation. It is also stated here na may sakit sya and how could she be the heiress of the two companies if shes taking education? I thought Mr. & Mrs. Willsmith never got a child after their first born died? Bakit di nya ipinagamot ang sakit nya? It was just one snap for her dahil sa yaman nila. And what is she doing in HU if she can enroll to a better university than HU and as far as I remember they also owned a prestigious academy outside the country? What's with her outfit? Tama si Raynel sa pagtawag sa kanya ng mummy. Pano nya naiwasan ang ibinato ko na shuriken when she look so weak? There's a lot of question regarding with this girl though hindi naman ganun ka importante but there's a part of me na nag sasabing hindi sapat ang information na nabasa ko about her. There's something in her na kailangan kong alamin. For me she's a huge secret puzzle to solve to. I guess she's just pretending to be someone else to be weak. Napakunot lalo ang noo ko sa pag iisip then an Idea came up to my mind.
Ibinalik ko ang phone kay Axhton at kinuha ang phone ko at nag text sa dalawang baliw na nasa harap ko.
*text message*
*text message*
"Uy baka chicka babes ko!" Raynel
"Baka si Dad to may papaayos sa mafia." Axhton
"WHAT THE HELL SETH?!" sabay nilang react saakin pagka basa nila ng text ko.
"Weather you liker or yes that's we're going to do for tomorrow."
"HELL NO!!" Axhton and Raynel
"Hell yes."
moon_light x)