Viper POV
"POISON"
"POISON"
"POISON"
"POISON"
"POISON"
Hiyawan ng mga tao dito sa loob ng undercity. Ang Undercity ay isang tagong syudad kung saan lahat ng mga gangsters, assassins, mafia prince and princess , reapers at kung anu anu pa pansamantala o dito na naninirahan. Lahat ng illegal ay matatagpuan dito protektado din ng gobyerno ang lugar nato dahil malaki ang makukuha nilang tulong dito kapag parating na ang eleksyun alam nyu na mga black tactics para lang manalo, hindi rin ito narerade ng mga awtoridad, you know money can make everything works. Hindi ka makakapasok dito pag wala kang UC card, pero bago ka makakakuha ng card eh kailangan may gang , assassin, or kasali ka ng mafia o any bad records at kasali na rin sa qualification ay dapat malakas at makapangyarihan ka kaya hindi basta basta ang mga nakakapasok dito.
Sa Battle Arena nagaganap ang mga labanan ng bawat grupo o kung may nanghahamon at agawan ng trono. Walang bawal dito, pumatay ka kung gusto mo walang may pakialam kung ano ang gagawin mo. Sa lugar nato the words justice and mercy don't exist. Kung mamamatay ka dito, sorry for you dahil mababaliwala lang ang pagkamatay mo...
"POISON"
"POISON"
Woooh.. dami naming fans hahaha yan ang gusto ko. Nandito kami sa battle arena ng undercity.. hindi naman sa pagmamalaki pero kami ang pinakamalakas sa boung undercity not only in the Philippines but also outside the country. Every country ay may Undercity gaya ng nandito sa Pilipinas. Sabi nga ng iba kami ang no. 1 sa boung mundo maybe they can say that but I don't think so kasi hindi pa naman namin nakakalaban lahat ng malalakas kaya hindi pa proven kung kami nga.
"Viper dapa!" Napalingon ako kay Toxic dahil sa sigaw nya kaya lang bago pa ako maka dapa eh may sipa ng nakarating sa gwapo kong mukha masyado atang napalalim ang iniisip ko kaya hindi ko napagtuonan ng napansin ang kalaban ko. Yan kasi! Daldal ng utak ko nakalimutan ko tuloy na may laban kami. Tss
*boogsh*
"Ooooh"
"Viper my labs tumayo ka" reaksyon ng mga babe ko tsk tsk tsk.
Nalintikan na! Ang gwapo kong mukha magkakapasa nanaman
"s**t! Di ko nakita yun ah!"
"Yan kasi babae ang nasaisip.. hahaha"
tumayo ako sabay pahid ng dugo mula sa labi ko eh kahit papano malakas lakas din yung sipa nya no...
"Tss. Nakatyamba lang yun" napairap nlng ako kay Toxic at hinarap yung bakulaw na nag lakas loob na sumipa sa aking gwapong mukha..
I step my right foot backward para maka hugot ng lakas sabay isang perfect full round kick!
"Look likes your're getting rusty, huh viper.. you know you ca-- *boogsh*" ayun sapol sa mukha si bakulaw!!
"Who's getting rusty now? f*****g IDIOT?!" Dami kasing sat sat yan tuloy tulog .. tss humakbang ako palapit kung saan sya tumilapon, oo tumilapon sya ganyan kalakas ang sipa ng isang gwapo hahaha at iniluhod ang isa kong tuhod sabay hatak sa kwelyo nya
"Don't you dare lay a scratch on my handsome fa-WHAT THE f**k!" f**k! Sino naman kasi ang hindi magugulat eh nag sisinteminto kapa may biglang gugulong papunta sa paahan mo ang isang duguang pugot na ulo aber!? Tss napatingin ako sa pinanggalingan ng pugot na ulo at nakita ko si Venom na nakatayo lang sa harap ng isang bangkay na walang ulo. How the heck he'd done that?! Nakita ko sa kaliwang kamay n'ya na may hawak syang maliit na dagger na may tumutulo pang dugo. Seriously? How the heck he ripped that bastard's head using a little single dagger? Oh men he's a Monster, no scratch that, Monster can't describe himself he's a Demon, an evil dude.. hindi naman sa ngayon lang ako nakakita ng mga pinatay nya sa katunayan lagi na nga lang eh nasanay na ako. Hinala ko nga bad trip tong isang to. Tumayo ako at padabog na binitawan ang bakulaw na sumipa saakin at sinipa ang pugot ulo na nakaharang sa dadaanan ko at lumapit kay Toxic na nag sisindi ng sigarilyo tsk sinisira lang nya lungs nya.
"Kumusta ang pinag mamalaki mo'ng mukha?" Agad na tanong nya sabay smirk pagkalapit ko. Pang asar talaga tong isang to
"f**k YOU!" Sabi ko sabay taas ng middle finger ko sa kanya.
"Your Welcome dude, pasalamat ka nga sinigawan kita kung hindi baka sira na yang mukha mo" tss yah yah yah what ever...
"Bakit mukhang badtrip yung isa dun at bigla bigla nalang namumugot ng ulo?" Pag iiba ko ng usapan aasarin lng ako nito kapag nagkataon..
Aba ang loko loko nag smirk lang at tumingin kay Venom na may kausap sa phone
"What do you expect from the prince of Undercity? May tumawag sa kanya kanina habang nasa kalagitnaan tayo ng laban at ewan ko kung ano ang pinag usapan nila at bigla nalang nag iba ang aura nun, bigla nalang nabad trip" mahaba nyang sabi sabay hithit sa paubos nyang sigarilyo at inihagis kung saan, lakas naman maka hihit nito sa pagkakaalam ko bagong sindi palang yun tss pakialam ko sa kanya.
Well yeah you heard it right si Venom ang prince ng under city at yung kumalaban sa amin kanina ay gang na galing sa USA sabi nila na sila daw ang no.1 sa america at isa rin sila sa mga nag hahangad makuha sa trono ni Venom kaya lang may lahing demonyo yung isang yun kaya ayun namugot ng ulo at syempre malakas at magaling kaya kami kaya nga no.1 kami sa UC diba? Pagdating kay Venom, no wonder kung bakit sya ang tinanghal na Prince dito sa UC at based na rin sa mga sinabi ni Toxic kanina na may kausap ito sa phone habang nakikipag bakbakan at ni isang galos ay wala ni hindi nga man lang pinag pawisan..
"Well that was a bloody fight. Literally a bloody one and STILL THE UNDEFEATED IN THE UNDER CITY ... THE POISONOUS ASSASSINS.." sigaw ng emcee sa may cylinder na stage sa gilid ng battleground
"WOOOOH.. POISON"
"POISON"
"POISON"
"POISON"
"POISON"
Pagkatapos e announce ng emcee ang nanalo ay agad na nag hiyawan ang lahat ng mga nanood. At bilang tinaguriang deadly humble prince ay nag smile at kumaway sa aking mga chika babes habang yung dalawa ayun pa-cool na nag lalakad palabas ng arena... tss kahit kailan talaga walang pakialam yung dalawang yun.. papa victory party pa naman sana ako sa UC bar sayang -___-
I forgot to tell we're not a gangsters we're assassins obvious naman sa pangalan diba? Hindi lng basta assassin were also a ninja, NINJA ASSASSIN para asteeeg.
Hinabol ko yung dalawa not minding sa mga naghihiyawang mga fans.. tss baka masira ang image ko sa mga chicka babes ko nito dahil di ko sila na entertain *pout*
"We're going to HU, we have a class at exactly 9:30am to 11:30am" sabi ni Venom pagkalabas namin sa Battle Arena at pagkatapos nyang sabihin yun ay sumakay na kami sa kanya-kanya naming kotse papuntang HU. Kung sabagay 7:00am nag start yung laban namin at 8:30am palang ngayon, mukhang napaaga ata natapos yung laban namin kanina. HANEP!
Tricia POV
New school, new enemy, new friends, new complications... oh what's NEW? Haaay ang gulo ng buhay ko kung bakit ba kasi ito ang itsura ko!? This is the second time na nag transfer ako ng school because I kept bullied dahil sa itsura ko. But before I forgot I am Patricia Luzineth Kagomoto Willsmith 20 years old adopted daughter of Mr. and Mrs. Cloudio Harry Willsmith. Wala silang anak kaya when they saw me walking on the dark side of the street they helped me at nung nalaman nilang wala na akong matutuluyan that's the time when they decided to adopt me, they treat me as their own blood and flesh I am so blessed to be with them. If your going to ask me kung ano ang ginagawa ko sa madilim na daan? Back when I was ten years old I was kidnaped together with my twin sister and a friend at ako lang ang nakatakas.
"Miss Willsmith, Miss Willsmith" nakabalik lang ako sa ulirat ko ng tinawag ako ng dean
"Ay! I'm sorry ma'am what were you saying just a while ago?" She just sigh and took a piece of paper and handed it to me
"Seems that your mind is wondering Ms. Willsmith, anyway here's your schedule and thank you for studying here in Hill University" tumango nalang ako at kinuha ang schedule. Plastic! Yan ang pwede kong sabihin sa kanya, halata naman sa mga tingin nya nandidiri sya saakin. Sino ba naman kasing hindi mandidiri saakin eh nakasuot akong jacket at hello I'm here in the Philippines kaya, minding naka surgical mask pa ako, nakapalda hanggang tuhod, naka knee sack at may malaking salamin sa mata though nakalugay ang mahaba at magada kong buhok na kulot ang dulo ay still I look like nerd pero I'm not a nerd noh! It's just I need to wear like these stuffs para matakpan yung balat ko for some purposes.
I'm 3rd year college sa course na Bachelor in Elementary Education I took these course kasi I want to be a teacher and I also love teaching kids cause they're my stress reliver. My parents suggested na Bussines Management ang kukunin kong course but I insisted to took BEED and I tell them the reason why so pinayagan nila ako sa gusto at kahit naman teaching ang kinuha ko they also train me para mamahala sa bussines na ipapamana nila saakin. And since 8am palang naman at mamaya pang 11:30am pa ang first class ko kaya maglilibot libot muna ako dito sa HU.
Sa pag lilibot libot ko dito ay napadpad ako dito sa may likuran ng HU. Gubat pala ang likuran nito, isang masukal na gubat at kahit na umaga pa ay medyo madilim ang loob ng nito at medyo ma fogs din. May daan na maliit papasok sa gubat at dahil umusbong ang curiousity sa kaloob-looban ko ay sinundan ko ang daan. Malamig, yan ang unang mararamdaman ko kaya napayakap ako sa sarili ko pagkapasok sa gubat buti nalang at naka jacket ako kaya ok lang. Ang creepy ng whole place parang yung mga napapanood ko sa mga vampire at werewolf scene, yung tipong may biglang tatalon galing sa taas at dadambahan ka bigla. Malayo layo na rin ang nalakbay ko ng naramdaman kong nagsitayuan ang mga buhok ko sa batok kaya pasimple akong yumuko at kunwaring aayusin ang sintas ng pump shoes ko nang may narinig akong bagay na bumaon sa punong nasa harapan ko, pag angat ng ulo ko ay nakita ang isang shuriken na nakabaon ng malalim sa puno, tsss pag nagkataon tiyak sa ulo ko nakabaon ang bagay nayan kung hindi ako yumuko. Kukunin ko sana ang shuriken ng makarinig ako ng mga yapak papunta sa dereksyon ko kaya napalingon ako kung saan nanggagaling ang mga yapak, napatingin ako sa likuran ko dahil dun ko narinig ang mga yapak at nakita kong may tatlong anino na papunta sa kinatatayuan ko, hindi ko tinanggal ang tingin ko sa kanila, my vision is blur but then it became clear ng makalapit na sila maybe 5 meters away from me. Three good looking guys with matching fierce look yan ang tumambad na mga pagmumukha saakin. Naka itim na leather jacket yung dalawang nasa gilid at naka off-shoulder leather blazer naman yung isa sa gitna na may soot na driving gloves. The one in the middle got these pointy nose, strong and perfect jaw line, thin pinkish kissable lips, maputi, matangkad around 6'2 ang hieght, almond shape eyes and I bet he had these tone muscles, halata naman sa built ng katawan nya and same as these two men sa gilid ang kaibahan lang nila ay may bilogang mata at cute na gwapo yung nasa right side at yung isa naman na nasa left side ay halata na may lahing korean dahil sa singkit na mga mata. O edi sila na matangkad at gwapo, sorry naman daw kasi hindi ako biniyayaan ng tangkad.. 5'2 lng height ko though normal na sa mga ordinaryong mamayanan ng Pilipinas eh nakaka insecure parin lalo na pag nakakakita ako ng matatangkad.
"What are you doing here?" Malamig na sabi ni middle guy.
"A-ahm nag lilibot lang ako dito HU then I found out that there was a forest here at the back of these school a-and I was just curious that's why I got here." Mabilis na sabi ko kahit na nag stastammer ako kasi naman eh yung mga titig nila parang papatay, nakaka goose bumps. Nag lakad sya pamunta saakin pero nilagpasan lng ako at pumunta sa puno kung saan nakabaon ang shuriken, kuniha nya ito at nilagay sa bulsa sabay titig ng masama na may halong pagtataka sa akin
"Don't you know that too much curiousity can kill? Your lucky dahil naiwasan mo ang shuriken nayun or else you might be a cold dead by now inside in these dark forest." Pagkasabi nya nito ay umalis na sila papunta kung saan pero bago pa nila ako malagpasan eh nagsalita si cute guy yung nasa right side kanina
"If I were you I'll leave this place immediately. Baka mamaya hindi lang shuriken ang bubutas sa ulo mo." Sabi nya sabay kindat at tuluyan na akong nilagpasan.
Naiwan akong nakatulala habang nakatingin kung saan unti unti na silang lumalabo sa paningin ko
"And what the hell was that?" Bigla akong napatingin sa wrist watch ko at nanlaki ang mga mata ko ng makitang 11:25am na at 5 minutes nalang para mag start ang first class ko
"Oh s**t! Ma-lelate na ako!"
moon_light x)