FLAME,
KINABUKASAN, paalis na ako ng bahay nang tumawag si Jigs.
"Jigs, napatawag ka?" tanong ko kay Jigs sa kabilang linya.
"Itatanong lang sana namin kung kailan ka free. Tapos na ang coffee shop, kailan ang opening natin?" tanong niya. Oo nga pala, muntik nang mawala sa isipan ko iyon. Bumili kaming magbabarkada ng isang puwesto malapit sa racing arena. Nagpatayo kami roon ng coffee shop. Nag-ambagan kami para sa mga gastosin. Tapos na pala ito, hindi ko man lang namalayan.
"Magkita na lang tayo doon mamayang gabi. Titingnan ko muna kung okay na, then saka tayo mag-iisip ng schedule para sa opening," saad ko sa kaniya.
"Sige-sige, no problem. Hihintayin ka namin," sagot niya.
"Okay. End call na ako, paalis na kasi ako papuntang school," paalam ko sa kaniya.
"Okay, ingat," aniya at pinatay na ang tawag. Mabilis kong pinaandar ang motor at pinaharurot ito. Mabuti na lang, hindi pa traffic kaya mabilis akong nakarating sa university. Nag-park ako at tinanggal ang helmet ko. Naglalakad na ako sa hallway nang marinig ko ang mga bulongan ng ibang students tungkol sa akin. Hindi ko na sila pinansin, masiyado pang maaga para patulan sila.
Pagpasok ko sa classroom, napatingin sa akin ang mga classmates ko. May nagbubulongan na naman. Hindi na siguro iyon mawawala, ugali na nila ang pagiging chismusa. Mayamaya lang, dumating na ang aming lecturer, natahimik na sila at itinuon ang atensyon sa aming klase.
Matapos ang isang oras na diskasyon ay kinuha ko ang bag ko at nagtungo sa cafeteria. Um-order ako ng aking snacks at naghanap ng mauupuan. Nang may bakante akong nakita ay kaagad akong umupo at kumain. Sa kalagitnaan ng pagkain ko ay may lumapit sa akin, ang grupo nila Wendy.
"Hi... Ahm, puwedeng maki-share?" tanong ng isang babae sa akin na nakasalamin.
"Sure," sagot ko. Nagsiupuan naman sila.
"Thank you," saad niya.
"Ako nga pala si Audrey. Siya naman si Ella and siya si Wendy," pakilala niya sa kaniyang mga kaibigan.
"Hi... I'm Flame," pakilala ko rin sa kanila.
"Ngayon ka lang namin napapansin dito sa school. Transferee ka ba?" tanong ni Ella.
"Yes. I came from province," sagot ko.
"Hmm... Kaya pala." Mayamaya, ay may dalawang babae na lumapit. Kilala ko sila, si Megan Harrington ang isa at si Trisha Valdez.
"Hello. Sorry guys, medyo maraming discussion si prof kaya now lang kami," saad ni Megan.
"It's okay. Ahm, Flame, okay lang ba na dito na sila sumabay?" tanong ni Wendy.
"Yeah, sure," sagot ko na may tipid na ngiti.
"Thank you. Ahm, I'm Megan and this is Trisha," pakilala nila.
"I know, I'm Flame," sagot ko.
"Kilala mo na kami?" tanong ni Megan na may pagtataka.
"Yes. Actually, lahat kayo kilala ko." Nabigla sila at nagtinginan.
"How did you know, us? Ngayon ka lang namin nakilala and kahapon nakabangga mo ang pinsan ko. So, how come na, kilala mo na kami?"
"I'm Flame Gatchalian. Frances, half-sister." Napanganga silang lahat. Mukha silang nakakita ng multo.
"Y-you're Frances, half-sister?" tanong nila.
"Yes," diretso kong sagot.
"B-bakit, ngayon ka lang namin nakita? I mean, no'ng burol ni Frances wala ka, hindi ka namin nakita."
"Nasa probinsiya ako. I know what happen to my sister, pero hindi ako lumuwas dahil ayokong makita. Not because we're not good, it's because, I can't accept the fact that, my one and only, half-sister is gone."
"Me and Frances was so close to each other. Kahit magkaiba ang nanay namin. Dalawa lang rin kaming magkapatid sa ama. Actually, isang beses lang kami nagkita, but, nag-uusap kami through video call and chats. When I receive the news about her, hindi ako naniwala. Pero, no'ng nandito na ako, totoo pala, totoo pala na wala na ang kapatid ko. I know she's a gangster, and kayo ang kasama niya," turo ko sa tatlong babae.
"And may isa pa kayong kasama na namatay rin, 'di ba?" Nakikita ko sa mga mata nila ang pagkabigla.
"Wait! How did you know? Bakit parang alam mo ang lahat?" tanong ni Wendy. Seryoso ang mukha niyang nakatingin sa akin.
"I do a research, tungkol sa inyong lahat. Hindi ako nandito para sa inyo, nandito ako dahil gusto kong hanapin ang taong pumatay sa kapatid ko."
"But, he is dead. Kasabay ng pagkamatay ni Zinn..."
"At naniwala kayo? Naniwala kayo na patay na nga ang taong iyon?"
"Oo, dahil nandoon kami no'ng araw na iyon. Saksi kaming magkakaibigan..."
"Nalinlang kayo. Well, hindi ko kayo pipiliting paniwalaan ako dahil ako lang naman ang nakakaalam. Nasa sa inyo na iyon kung ayaw ninyong maniwala. One of this days, papatunayan ko iyon sa inyo." Tumayo na ako at iniwanan sila. Bakit ako magpapaliwanag sa kanila. Hindi na mahalaga kung nagsasabi ako ng totoo, ang mahalaga ay alam kong buhay pa ang lalaking iyon at hindi ako titigil hangga't, hindi ko siya makikita.
WENDY,
"What the h*ll?! Nanayo ang balahibo ko sa pinagsasabi ng babaeng 'yon. Seryoso ba siya?" saad ni Ella.
"Feeling ko, nagsasabi siya ng totoo," ani Audrey na nasa pagkain ang atensyon.
"Kung buhay pa si Ash, na saan siya?"
"Hindi na ba kayo bumalik sa underground? I mean, bumisita man lang," singit ni Megan. Doon ko lang naalala ang underground. Tama, ang underground. Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Blake. Kaagad naman niyang sinagot ang tawag ko.
"Blake," sambit ko sa pangalan niya.
"Wendy, napatawag ka?" tanong niya.
"May itatanong lang ako. Nagpapakita pa ba ang grupo ni Ash sa underground?" tanong ko.
"Hindi na, pero sila pa rin ang nasa rank one. Bakit?" Bumuntong hininga ako.
"Wala, sige, salamat." Pinatay ko na ang tawag at tumingin sa mga kaibigan ko.
"Hindi na nagpapakita ang grupo ni Ash sa underground," saad ko sa kanila.
"Maaring nagtago sila, kagaya noon. Nawala sila na parang bula at biglang babalik," sabi ni Ella.
"Puwede. Puwedeng nagtago o nagpakalayo-layo sila," dugtong naman ni Audrey.
"Nakakatakot. Nakaka-tense, pero alam niyo, may napapansin ako sa babaeng 'yon," sabi ni Megan.
"Ano?" sabay naming tanong.
"Ang weird pero, para siyang si Zinn. Ang seryoso niya at kung magsalita siya ay parang si Zinn ang kaharap ko..."
"Oh, come on, Megan. Tinakot mo 'ko, ano nagmu-multo si Zinn?"
"Hindi! But, do you believe in Reincarnation?" tanong ni Megan. Nakatanga kaming nakatingin sa kaniya.
"Sis, tama na nga 'yang pa-suspense mo. Natatakot na ako, hays!" saad ni Trisha.
"Bahala kayo, basta ako iyon ang naiisip ko. Sabi nila, ang kaluluwa ng isang tao ay maari itong lumipat sa ibang katawan or sa hayop, kapag namatay na ito," kwento ni Megan.
"I-research ko mamayang gabi, sis. Nanayo ang balahibo ko," natatawang saad ni Trisha.
Pagkatapos naming kumain, bumalik na kami sa nga klase namin. Magulo ang isip ko, una si Ash. Kita ko mismo na naghingalo siya no'ng araw na iyon. Si Zinn, kung totoo man na nag-reincarnate siya, kung gano'n, si Flame ang reincarnation niya. This is so insane. Kailangan kong alamin kung buhay talaga si Ash. Hindi maaring hindi niya pagbayaran sa batas ang kaniyang kasalanan.