FLAME,
Pagkatapos ng klase ay nagpunta ako sa court, feel kong manood ng basketball, iyon kasi ang favorite sports ko since bata pa ako. Pagpasok ko sa loob ng court ay may mga naglalaro. Umupo ako sa bakanteng bleachers. Alas tress na ng hapon, may lakad pa pala ako. Hindi na muna ako umalis at inaliw ang sarili sa panonood sa mga naglalaro. Hindi nagtagal pumasok ang grupo nila Wendy. Palapit sila sa puwesto ko. Anong kailangan nila sa akin?
"Hi! Puwedeng umupo sa tabi mo?" tanong ni Ella. Tumango ako at umusog k'unti.
Mayamaya, dumating si Harris at ang kaniyang tropa na may dalang bola. Kinausap nila ang mga naglalaro kanina. Nahati sila sa dalawang grupo. Tinapon sa ere ang bola no'ng isang lalaki at sabay na tumalon si Harris at ang isang matangkad. Naagaw ni Harris ang bola at nasa sa kanilang grupo ito. Nagsimula na sila sa laro. Mukhang intense ang laban. Mabilis nakakuha ng puntos ang grupo ni Harris at nasundan pa ito ng three points, mula sa kaniya.
"Ang galing talaga ng pinsan ko," may paghangang sabi ni Megan. Sinilip ko ang relo ko at alas kuwatro na.
"Mauuna na ako sa inyo, may lakad kasi ako," paalam ko sa kanila at nag-excuse.
"Sige, ingat," sabi nila sa akin na tinanguan ko lang. Naglalakad na ako sa gilid ng court habang nakasukbit sa isa kong balikat ang aking bag. Hindi ko namalayan na nagpapagilid pala sila. Bigla ay natalisod ako. Napapikit ako nang matumba ako. Pero bigla akong napadilat at nanlaki ang aking mga mata nang maramdaman ko ang malambot na bagay sa aking mga labi. Nang makita ko ay mukha ito ni Harris, at doon ko lang napansin na naglapat ang aming mga labi. Tinulak ko siya at dali-daling tumayo.
"Bastos ka!" singhal ko sabay sapak sa kaniya.
"Oh, sh*t!"
"Hala!"
"Harris!"
Mga reaksyon nang nakakita sa nangyari.
"Bakit ka nanununtok?!" singhal niya sa akin nang makabawi siya.
"Dahil bastos ka! Bakit mo 'ko hinalikan?" gigil kong tanong sa kaniya.
"It was an accident. Natumba ako!" singhal niya.
"So, kasalanan ko? Ang lampa mo naman," saad ko sa kaniya.
"Anong sabi mo?"
"Bingi ka? Sabi ko, ang lampa mo." Kumuyom ang mga palad niya at nanggigigil.
"Tol, hayaan mo na 'yan. Mag-sorry ka na lang," awat ng barkada niya.
"No way! Bakit naman ako magso-sorry sa babaeng 'to? Dahil sa accidental kiss? Halata namang nagustohan niya iyon e. Feeling inosente lang ang babaeng 'yan..."
"Harris, enough," saway ng pinsan niya. Lumapit ako sa kaniya at sinampal siya.
"Ang kapal ng mukha mo!" singhal ko.
"Naka-dalawa ka na ah," aniya at balak na sapakin ako.
"Tol, 'wag, babae 'yan. Tama na, tara na," awat ng mga kaibigan niya.
"Ano? One on one tayo? Total, mayabang ka naman, bakit hindi mo ilabas ang yabang mo ngayon!" Napapikit ako at huminga ng malalim.
"Talaga? Seryoso ka ba diyan sa sinasabi mo, Mr. Harrington? Baka mapahiya ka lang," seryoso kong sabi sa kaniya. Hilaw siyang tumawa at nakapamaywang na tumingin sa akin.
"Bakit, hindi natin subukan?" nanghahamon na sabi niya. Binaba ko ang bag ko at at hinubad ang uniporme ko. May suot akong t-shirt kaya tinanggal ko ang uniform ko pang-itaas.
Kinuha ko ang bola.
"Anong deal?" seryoso kong tanong.
"Kapag natalo mo 'ko, magso-sorry ako. Pero kapag, ikaw ang natalo, susundin mo lahat nang gusto ko, malinaw?" Napailing ako. Iyon lang? Ang easy naman.
"Deal," sagot ko. Naghiwayan ang mga naroon at sabik sa laro namin ni Harris. Mayamaya, pumunta kami sa gitna ng court. Kinuha nila ang bola at pinagharap kami ni Harris. Nasa gilid naman ang isa niyang barkada na si Nathan at hawak ang bola. Tinapon niya ito sa ere at sabay kaming tumalon ni Harris. Kung sino sa amin ang makakuha ng three points, siya ang panalo. Naagaw ni Harris ang bola. Ngayon dini-drible na niya ito at nakalokong nakangiti. Mukha siyang aso. Mabilis ang mga kilos niya. Mayamaya ay pumorma na siya para i-shoot ang bola, pero saktong pagbitaw niya sa bola ay sinabayan ko ito ng talon. Nahagip ng daliri ko iyon. Lahat kami nakatingin sa bola kung maso-shoot ba o hindi. Paglapit sa ring ay hindi ito pumasok. Mabilis ko iyong kinuha at nag-drible ako.
"Three points lang, 'di ba?" tanong ko.
"Yes," sagot niya. Ngumiti ako at pumormang i-shoot ang bola. Mabilis naman siyang tumalon pero, nalinlang ko siya. Inikutan ko siya bago i-shoot iyon. Feeling ko, nag-slow motion ang lahat. Nakasunod sa bola ang aming mga mata at hinihintay itong makapasok sa ring. Mayamaya lang...
"Three points!" sigaw ng mga nanunood.
"Ang galing!"
"Wow! Astig!" Lihim akong napangiti. Tumingin ako ng seryoso kay Harris na naninigas ang bagang.
"Paano ba 'yan? Panalo ako. Deal is a deal, Harrington," saad ko sa kaniya. Inilahad ko ang kamay ko para makipaglamano sa kaniya. Buntong hininga siyang lumapit at makipaglamano na sana nang pumagitna ang kaniyang pinsan.
"Wait!" aniya.
"Hindi dapat shake hands. Hug as a friend," sabi niya at pinaglapit kami ni Harris. Nagkakatitigan kami. Ang ganda sana ng mga mata ngunit puno ito ng kalungkotan.
"So, eye to eye na lang kayong dalawa?" singit ni Megan.
"Magpatawaran na kayo. Hello? Hindi na kayo teenager," aniya na napahalukipkip sa sarili.
"I... I'm sorry," mahinang sabi ni Harris.
"K-kalimutan na natin ang mga nangyari, I'm sorry," saad ko naman sa kaniya. Pikit mata akong yumakap sa kaniya at tinapik ang likod niya. Kaagad akong humiwalay at kinuha ang bag ko.
"Aalis na ako," paalam ko sa kanila. Hindi ko na hinintay ang kanilang sagot. Mabilis akong naglakad at sinilip ang aking relo. Ala singko na. Sh*t! Naghihintay na sa akin sila Jigs. Mabilis akong sumampa sa aking motor at sinuot ang aking helmet. Pinaandar ko na ito at pinaharurot ng takbo. Hindi nagtagal ay nakarating na rin ako sa coffee shop. Mabilis akong pumasok sa loob at nadatnan ko silang naglilinis.
"Flame, buti naman at dumating ka na. Nai-deliver na ang mga supplies kanina. Patapos na rin kaming maglinis. Wala bang meryenda diyan?" bungad ni Stephanie.
"Bibili na lang tayo, anong gusto niyo?"
"Pizza and milk tea," mabilis na sagot ni Laura.
"Sige. Paul! Ikaw na ang bumili, okay lang?" tanong ko kay Paul.
"Samahan mo naman ng pang-yosi," aniya na nakamot pa sa ulo. Inabot ko sa kaniya ang cash.
"Pang-yosi mo ang sobra. Dalawang large na pizza at dalawang family size na soft drinks. Tapos milk tea para diyan sa dalawa," sabi ko kay Paul.
"Wala bang sasama?"
"Kotse ko gamitin mo. Ito 'yong susi," sabi ni Jigs. Saan kaya galing 'to?
"Hi," bati niya sa akin.
"Hello. Kumusta?" tanong ko.
"Okay naman. Kailan pala ang opening natin. Marami nang nakaabang na mga kakilala natin sa racing ang gustong makatikim ng kape," natatawang saad niya.
"Sa sabado ng umaga. Agahan niyo lang ang pagpunta rito. Baka kasi tatanghaliin ako at maglalaba pa ako," sagot ko sa kaniya.
"Wala kayong katulong 'te?" tanong ni Laura.
"Wala. At saka, dalawa lang kami ni Mama Francesca sa bahay. Minsan lang naman umuuwi si Papa e," sagot ko.
"Gano'n ba, buti ka pa walang kapatid. Ayy, mayroon pala," kamot-ulong sabi niya. Kung buhay lang iyon, kasama namin siya ngayon. Naalala ko na naman ang nangyari kanina sa court. May kakaiba akong naramdaman nang magkayakap kami ni Harris. Ewan pero, kakaiba talaga. Ang weird, hays.
Mayamaya ay dumating na si Paul dala ang mga binili niya. Nagsikainan kami at nagk'wentuhan.
Ala siyete na nang magpaalam ako sa kanila. Baka kasi mapagalitan ako dahil gabi na.
Pagdating ko sa bahay ay nakita ko ang kotse ni Papa. Lagot na ako nito.
"Flame? Saan ka galing? Bakit ngayon ka lang?" sunod-sunod na tanong ni Papa.
"Pa, sorry po. Nakipagkita lang po ako sa mga kaibigan ko. Tapos na po kasi ang coffee shop namin," sabi ko sa kaniya. Simula no'ng madisgrasya ako, alam na nila kung ano ang ginagawa ko at saan ako nagpupunta. Kaya nagkasundo kaming magbarkada na magpatayo ng coffee shop para iyon na lang aming pagkakaabalahan.
"Magbihis ka na at bumaba ka rito. Kakain na tayo," aniya. Hinalikan ko muna siya sa pisngi at lumapit ako kay Mama para magmano at humalik. Patakbo akong umakyat at mabilis na nagbihis.
Tahimik kaming kumakain at may kaunting katanungan tungkol sa pag-aaral ko. Matapos ang hapunan ay nagtungo na ako sa aking kuwarto at gumawa ng listahan para sa coffee shop. Nang makaramdam na ako ng antok ay niligpit ko ang aking mga gamit at naglinis ng katawan bago matulog. Tinitigan ko muna ang litrato ni Frances bago ipinikit ang aking mga mata.