Chapter 52 Pagkarating na pagkarating ni Devil sa tapat ng bahay nila ni Heaven ay mabilis siyang lumabas ng kotse at mabilis ang takbong tinungo ang bahay nila, agad na binuksan ni Devil ang pintuan ng bahay nila at agad na pumasok kung saan sabay-sabay na napalingon sina Heaven sa kaniya na may takot sa mga matang ikinatayo ni Heaven sa pagkaka-upo niya. “Vil…” Mabilis ang hakbang na tinungo ni Devil ang kinatatayuan ni Heaven at agad itong mahigpit na niyakap na ikinaganti nito. Aaminin ni Devil na sobra siyang kinabahan ng may takot na sabihin ni Heaven sa pag-uusap nila kanina sa cellphone na nakikita nito si Hunter. Hindi niya na natapos ang eksplenasyon na binibigay ni Ahmon sa kanila tungkol sa itim na notebook dahil agad siyang umalis sa Underground Society upang pu

