Chapter 53 “Stay inside your room, don’t go anywhere, and wait for me until I came and fetch you in your room. Understand?” Sunod-sunod ang tango ni Heaven sa mga bilin ni Devil sa kaniya, alam niyang ginagawa niya lang ang paghihigpit sa kaniya para sa kaligtasan niya dahil hindi nila alam kung kailan susulpot ang kalaban nila para kunin siya. Kahit may panganib at banta sa kaniya si Hunter ay pinayagan parin siya ni Devil na magtrabaho at magturo basta susundin ni Heaven ang mga pinagbibilin niya, ayaw din naman niyang pag-alalahanin si Devil kaya bawat sabihin nito ay susundin niya. Kararating lang nila sa tapat ng school at gusto man siyang ihatid ni Devil hanggang sa room niya ay hindi nito magagawa dahil bigla itong tinawagan ng ama nito at pinapupunta sa bahay nila d

