Chapter 49 Dahan-dahang iminulat ni Heaven ang mga mata niya ng tumama ang sikat ng araw sa may mukha niya na dahan-dahan niyang ikinabangon sa kaniyang pagkakahiga. Hawak-hawak niya ang kumot na nagtatakip sa kahubdan niya at pinakiramdaman ang sarili. Ilang beses din siyang inangkin ni Devil kagabi kaya hindi maiwasan ni Heaven na sumakit ang buong katawan, hindi napigilan ni Heaven ang mag-init ang kaniyang mukha dahil tandang-tanda niya ang mga nangyari sa kanila ni Devil na nag-umpisa mula sa cr hanggang sa kwarto nila. Hindi maiwasan ni Heaven na makaramdam ng hiya at hindi niya alam kung paano haharap kay Devil matapos ang naganap na honeymoon nila. Siya nalang ang nasa kwarto at hindi niya makita si Devil kaya kinuha ‘yung pagkakataon ni Heaven para makapag-bihis na. Dal

