Chapter 50 Matapos ang pag-iyak ni Jamie kay Heaven ay nagpasya silang huwag sa loob ng school mag-usap, nasa sunrise flowershop sila ngayon kung saan nagtatrabaho si Bliss na kaibigan din ni Heaven. Si Bliss lang ulit ang nadatnaan nila sa flowershop kaya naisipan ni Heaven na doon nalang sila mag-usap ni Jamie at makilala na rin si Bliss. Nag-aayos lang ng mga bulaklak si Bliss at nagsabing mamaya na ito makikisali sa kanila. Nakaupo naman silang dalawa ni Jamie sa upuan malapit sa glass wall habang nakatitig si Heaven sa kaibigan na pugto ang mga mata dahil sa pag-iyak nito sa kaniya. Ilang araw din silang hindi nagkita ni Jamie matapos ang kidnap scene kaya sa nakikita ni Heaven marami na siyang nalagpasan sa kaibigan na alam niyang may kinalaman kay Coach Stefan. “Jamie, g

