Chapter One

1961 Words
"Freya! Freya, come back here!" Puro tawa at sigaw lang ang naririnig ko habang tumatakbo sa kakahuyan. Nang hindi ko na narinig ang sigaw nila ay saka lang ako huminto. Napahawak ako sa isang kahoy at napapikit nang mariin para makahinga ng maayos. Grabe, nakakapagod ‘yun ah. Nang makahinga na ako ng normal ay tumayo ako at binaklas ang restrain bracelet ko. Napadaing naman ako sa sakit. Tangina talaga ng matandang yun. Kailangan kong makalayo sa kanila. Dahil natarakan ako ng wolfsbane bago pa man ako makatakas,hindi ko magamit ng husto ang kakayahan ko, kaya maglalakad nalang ako. Bahala na. Basta, makalayas lang dito sa bwiset na lugar. Nakarating ako sa train station ng Central Navillera at walang pagalinlangang sumakay sa tren. Naupo ako roon sa bandang walang tao. I checked my bag at napamura ako ng makita kong wala doon ang cellphone ko. f**k, bakit ko ba nakalimutan yun?! How could I contact Hendrick? f**k that goon looking old man! Palagi nalang akong pinahihirapan! I looked outside. Papalubog pa lang ang araw. Napakagandang pagmasdan nito, lalo na't napagitnaan ito ng dalawang bukid. Bihira ko lang makita ang ganitong senaryo. Palagi lang kasi akong nakakulong sa kwarto ko at nakabantay pa ang mga hinayupak. Akala kasi nila, nababaliw na ako. Are they that oblivious? I am a lycan. I am a monster in this so-called perfect human world. At saka, ‘di ba nila naramdaman na ayaw ko sa kanila kaya balak ako ng balak na tumakas dito? Ang manhid naman ata nila. I went to the last station. The city of Laythel. Isa itong syudad na maraming ding lycan na nakatira. Mas maganda kapag dito na ako magsisimula. Ang problema lang, di ko alam kung ano ang meron sa limang distrito, kung lahat ba ang sinasakupan ng mga lycan o hindi. Ang alam ko lang, ang isang distrito at isang lugar na labas na ng Laythel ngunit malapit lang din naman ay sinakop na ng mga hunters. And I don't know if belong pa ba iyon sa Laythel. Umupo muna ako sa waiting area at nilabas agad ang laptop ko nang makarating sa estasyon. Ito lang talaga ang gadget kong nadala ko pero hindi naman sa ‘kin. Tangina talaga, bakit ba di ko nadala ang cellphone ko. I hope may internet dito. After I opened my ancient social media accounts to contact Hendrick(I am thankful that I could still open it), salamat naman at sumagot. Hendrick is my friend. Well, the closest. Kakaiba ang walang hiyang 'yon. Ginawa ba naman akong best friend. Di ko rin siya masisisi. I like his presence, he liked mine. "Oh, Freya? What's with the call? Tagal na rin simula noong huli mong tawag." pambungad niya. Inis akong tumingin sa screen, kahit na profile ko lang ang nakikita niya. "Tangina mo, Drick. For the sake of your life, please. Stop calling me Freya. I hate using that name." I heard him chuckled. "Okay, okay. What's with the call?" tanong niya uli. "Saan ka ba sa Laythel?" "Eh? Bakit? Pupuntahan mo 'ko at aayaing maging boyfriend? Ikaw ha, sana--" "Gago, tangina mo. In your dreams! Wala kasi akong tutuluyan, at ikaw lang ang kilala kong nandirito sa Laythel. So stop being so thick-faced asshole and help me out," asik ko na ikinatawa niya. Tangina talagang lalaki 'to, sarap sipain sa bayag. "Naglayas ka? Wait, where were you? Nakatakas ka ba talaga? Walang sumusunod sa ‘yo?” I can feel his sincerity but I couldn’t care less. Lumingon ako sa kaliwa’t kanan bago sa likuran ko. I see nothing suspicious. “Nasa estasyon. Walang sumusunod.” "Oh, sige. Nandito ako ngayon sa Mayhem. Ride a blue taxi and tell them to drop you at Bronson's Manor. They'll take you there." napakunot ang noo ko. "Bronson's Manor? What the heck? Bigatin ka na palang tangina ka?" A smirk made way to my lips. Inayos niya ang kan’yang damit bago nakita ko siyang naglalakd sa kung saan. "No. B--" napatanga ako nung ma cut-off ang line. s**t. Napabuntong hininga nalang ako. Wala akong choice kundi sumakay ng asul na taxi at pumunta sa sinasabi niyang lugar. Pagkapasok ko sa Taxi ay agad ko rin sinabi ang lugar. I didn't know ganun na pala kayaman ang tanginang yun. - "Eto," initsa ko ang 500 bill at walang emosyong tinignan ang driver. "Keep the change." nagmadali akong lumabas at tinakbo ang distansya ng sasakyan papunta sa dambuhalang itim na gate with a golden cursive sign. Bronson's Castle. Nandito na talaga ako. Nilapitan ko ang guard dito na mukhang nagr-ronda dito. "Is Hendrick here?" Tinignan niya muna ako head-to-foot . Napatingin din ako sa sarili ko. Kaasar naman, kung tumingin ‘tong hinayupak parang may nakakahawa akong sakit, ah. Tinaasan ko siya ng kilay. Napaiwas naman ito ng tingin at tumalikod sa 'kin. "Louen, nandyan ba si Beta Drick? Okay." Binaba niya ang kanyang walkie-talkie at humarap sa'kin. "Sundan niyo lang po ang malazig-zag na daan. Makikita mo lang po yon," dumiretso ako ng pasok at ‘di na siya pinasalamatan pa. Binagtas ko ang daanang malazigzag. Its bricks reminds me of a Scottish Castle. Ano kayang itsura ng kastilyo ni Drick? Babayagan ko yun mamaya kapag magkikita na kami. Di man lang sinabi na bigatin na pala siya. Kung sana sinabi niya noong una, e ‘di matagal na akong nakaalis doon. Pinagmasdan ko ang malawak na damuhan sa di kalayuan. I know the grass there were properly trimmed. Sa kalayuan, bandang kaliwa ay may kagubatan na halatang parte rin ng lugar. Jusko, ang yaman na ni Hendrick. Unti-unting huminto sa paglalakad ang paa ko dahil sa nasaksihan ko. Napamura ako sa nakita ko. s**t, ganoon na ba talaga kayaman ang mokong na ‘yon?! Nanatili ang mata ko sa kastilyo. Nang makita ko ang end ng zigzag na daan ay dumiretso ako sa maliit nitong hagdanan. Nagpatuloy akong bagtasin ang zigzag na daan hanggang sa marating ko ang malaking pinto nito. Shit, s**t. Ang laki talaga. Mukhang mawawala ako dito pag papasok ako at hindi ko alam ang pasikot-sikot. Kumatok ako ng tatlong beses. Sa pangatlo, bumukas ito at mukha ng isang matanda ang nakatok ko. I didn't bother to apologize, my face remained stoic. "Is Hendrick inside?" kaswal kong tanong at pasimpleng sinilip ang looban. "Nandito po siya. Pasok," iginaya niya ako papasok kaya tumango ako at walang alinlangang pumasok. This is not what I've expected. The chandelier was almost as huge as the iceberg of Antartica. Sapat na iyon para magbigay ng ilaw sa sentro ng kastilyo. Ang mga muwebles ay halatang pinaglumaan na pero alam kong sobrang mahal at inalagaan ito. Sa kintab ng marmol na sahig ay parang masisilipan na ata ako. Hawak-hawak ko ang strap ng bag ko habang pinagmamasdan ang mga painting at sinusundan yung matanda. Lahat ng painting ay nakakaakit at sobrang ganda. Pero isang painting lang ang umagaw talaga ng pansin ko. It was larger than the other paintings. Isa iyong lalaking nakaupo sa kabayo at nakasuot png itim na suit na ngayon ko lamang nakita at cape sa likod. He looked like one of those knights na nakikita ko sa photographic book dati. Nakalahad ang isa niyang kamay sa babaeng nakatalikod habang siya naman ay nakangiting sakay-sakay ng kabayo. I looked at the girl again. She has the long-wavy brown hair. Pero wala talagang mukha. Syempre, nakatalikod nga. Nakasuot ito ng puting bestida at pilit nitong inaabot ang kamay ng lalaki. Awesome. Sino kaya ang painter nito? Baka pwede niya akong pintahin. Nakarating kami sa grand table. That's my definition. Ang haba kaya ng mesa. Kasya ang isang daan na tao. "Pwede ka pong maupo, madame. Dadating na po si Beta Drick." he bowed at umalis na. Nakatalikod ako sa kanya nung napasingkit ang mata ko. Beta? Ano yun? Iyon ba ang tawag nila sa pinuno nila? Umupo ako sa sentro, sa may pinakamalaking upuan. Grabe, pakiramdam ko tuloy ay para akong reyna. Ganda ng trono ni Hendrick. He didn't tell me na ganito na siya karangya. Tangina talaga niya. "Who are you?" a deep voice suddenly roared across the dining table kaya napahigpit ang hawak ko sa upuan. Letche, nagulat ako dun ah. Or more like, natakot. That's my first! Hindi ako nakasagot. Sino kaya ‘yung nagsalita? Lumingon-lingon ako. Wala naman ah. "I’m asking you. What are you doing, sitting on someone’s throne?" napapitlag ako nung mas lumapit pa ang boses nito. I looked at my right side. Lumabas ang isang di pamilyar na bulto. Napatakip ako ng bibig nang makita ko ang mata niya. "I’m asking you," ulit niya. Sa isang iglap, naaa harapan ko na siya, malalalim ang paghinga. Sinubukan kong labanan ang tingin niya. Pero nung dumapo ang berde kong mata sa kanyang pulang mata, napaiwas agad ako. I felt like I was burnt. Kahit tatlong segundo lang ‘yon, para akong nasunog. "Are you deaf? I’m asking you if what are you doing inside my property." He calmly said but sent shivers down my spine. Oy, grabe. Hindi naman harsh pero bakit nakakatakot siyang magsalita? Tumikhim ako at itinaas ang noo. "I'm Freya Lawless. And I'm here for your king, so please shut up. Hindi naman ikaw yun diba? Don't give me orders." I snorted at nanatiling nakaupo sa trono. Pero naging unkomportable ako. I felt his breathing got deeper. "I am the--" "Where's Hendrick?" putol ko na nakatingin sa mga prutas na nasa harap. Nakalimutan ko, gutom pala ako. Kinuha ko ang isang pulang mansanas at kinagatan. "Hendrick! Sinong babae na naman ang dinala mo dito?! Nabuntis mo na naman ba?!" Nabulunan ako sa sinabi ng lalaki. Anong nabuntis?! Ako?! Ano bang pinagsasabi ng putanginang ‘to?! "Alpha? Why? Ano ang-- Freya?" Napalingon naman ako sa banda kaliwa ko at napangiti ng sarkastiko. Pabarag akong tumayo sa upuan ko at pinuntahan siya. Nakatulala siya sa 'kin kaya naman ay nakatsansa akong suntukin siya. Napahawak siya sa kanyang panga at napamura. "That's for not telling me that you're the king here." Napanganga ito sa sinabi ko. Did I said something wrong? "Who told you I'm the king? Hell, are you insane?" Asik niya at hinilot ang kanyang pisngi na namulala sa suntok ko. Umismid ako. "Ikaw ang Beta diba? Edi ikaw ang hari." Pabalang kong sabi at pinagkrus ang braso sa aking dibdib. Napahilot naman ito ng noo. Seriously, he's weird. "Saang lupalop ka galing at bakit ganyan ang pagkakaintindi mo sa Beta? Damn, Freya. I'm just the Beta! The man over there? He's the Alpha. He is the king!" Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. I just realized.... "You are not the King--" "Of course, not! The king here is over there! Damnit. Please, don't tell me you shouted at him." good to know na kabisado niya pa ako. Siya kasi ang tumagal kong kaibigan. "I--i did." Nauutal kong sabi. He chuckled nervously." You didn't shout to him, didn't you? You're joking right? Is she joking, Alpha?" Nilagpasan ako ng tingin ni Drick at diniretso ang tingin sa lalaki na sinigawan ko kanina. "She did shout. You knew her?" Namutla ako nung tinignan niya ako. I don't know what's into him, pero nakakatakot siya. "Alpha, I can explain--" "No explainations. You knew her?" Tanong ulit nito at ikinuyom ang kan’yang kamao. Nakitaan ko naman ng takot ang mat ni Drick kaya nagtaka ako. Hindi pa rin nags-sink in sa 'kin ang sinabi ni Drick. He means, we're in danger? Napalunok ako nung marinig ko ang lagapak ng sapatos niya sa marmol na sahig. He smirked evilishly. "You're not going in the dungeon. She'll pay. Not you. I'm just asking if you knew her, cousin." He smirked. Mas lalo akong tinakasan ng kulay nung dumapo ang tingin niya sa'kin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD