Napahiga naman ako sa kama sa sobrang pagod ko. Magdamag akong pinalinis ng hayop na 'yon kahit saan. Well, I said yes, but is this the game he’s pertaining to?! Ang paglinisin ako sa bahay niya?! Tangina, hindi ko akalain na ganito pala kakapagod. I sighed. At least, makakapagstay naman ako dito. At imposibleng makita ako nila Francisco dito. Pansin ko ngang maraming nakabantay dito. Pero hindi ko alam kung makakaya ko bang makasama siya sa isang lugar. Nas-suffocate ako pag nandyan siya. Mahangin kasi, tapos ang kapal pa nang mukha.
Napamulat naman ako ng mata nang marinig kong umawang ang pintuan at iniluwa ang isang kasambahay dito sa bahay niyang ke-laki at ako lang ang pinaglinis.
Oo, may kasambahay sila, pero mukhang ako lang ata naninilbihan dito. Tangina niya.
"Ano?" pagmamataray ko, hindi bumabangon sa kama ko.
Napayuko naman siya sa takot.
"Ma'am, tawag ka po ni Alpha--"
"Again?! Ano bang gusto niya?! Alsahin ko siya papunta sa upuan niya at papakainin? Di naman ata siya lumpo para ako pa ang ipagawa niya niyan! At saka gabi na oh! I need a beauty rest. Bakit di nalang ikaw ang magsilbi sa kan’ya ngayon?" litanya ko at tinaasan siya ng kilay. Bahala siya matakot sa 'kin. Magsumbong siya.
Akala niya naman natatakot ako roon.
Medyo, oo, pero hindi talaga.
"Ma'am, hindi ka raw niya uutusan. May paguusapan lang daw talaga kayo."
I sighed. "Go. Susunod ako," tumango siya at sinara ulit ang pinto. Napabuntong-hininga ako at hinanap ang tsinelas ko sa ilalim ng kama.
Tatlong araw na ako dito, tatlong araw na nagtitiis sa kan’ya. Araw-araw naman akong kinakamusta ni Drick kaya okay lang. Baha rin daw kasi siya ng gawain.
Pagkarating ko sa dining room ay naroroon siya, sumisimsim sa kan’yang inumin. Buti naman at meron, baka ako pa ipakuha niya ngayon.
"Can you sit down instead of staring at me like that?" Asik nito na ikinainis ko pa. Nagsimula itong araw na maglalaro daw kami. Falling game? Gan’yan naba kakapal ang mukha niya? Did he really think na maf-fall ako sa kanya?
Baka nga baliktad pa.
Pero in his dreams!
Padabog kong pinaatras ang upuan sa gilid niya at umupo ng padarag. I crossed my arms.
"Come with me," kinunutan ko siya ng noo. Dinuro ko siya.
"Hoy, if you're asking me for a date para ma-fall ako sayo, no thanks. Ayoko sa mga lalaking makapal ang mukha," Akmang tatalikuran ko na siya nang mabilis niya akong hinablot at pinanlisikan ng mata.
The time when my green eyes met his deep blue eyes, I felt something. Isang bagay na hindi ko naramdaman sa iba.
The color of his eyes now… hindi na pula. Is that what they call shape-shifting? But that’s not shape-shifting. Tao pa rin siya noong makita kong pula ang mata niya.
But seriously, what’s with his eyes? Why is it sending shivers down my spine again? And why does it felt familiar?
"I'd rather be killed than to ask you out. Well, it would be my death if I ask someone out. Don't be assuming. Wait for me to finish my sentence. Understand, Freya?" Asik niya kaya kinalag ko ang pagkakahawak niya. Please, heart. Stop it. Maririnig ka niya, ano ba!
Mas makapal kaya ang mukha niya! Ang kapal niya para sabihan akong makapal ang mukha ko!
"Come with me tomorrow. It's your choice. Come with me or I'll tell Yeugih to find your parents and tell them that you're here. You don't want that, am I right?"
Sarkastikong siyang ngumiti sa 'kin. I clenched my fist before storming out of the damn dining area.
Tangina niya, sana mabulok ang kaluluwa niya sa impyerno!
I was shaking so bad when I entered my room. Sa sobrang galit ko ay halos itapon ko na ang kama sa labas ng kwarto ko. I breathe deeply. I can’t loose my cool right nows. I don’t want to be found by Francisco. I know that man takes his words seriously. I just can’t mindlessly decide. Baka iyon pa ang rason kung bakit ako mababalik sa putanginang lugar na iyon.
Sa gabing ‘yon, nakatulog na naman akong masakit ang katawan at puso.
Nagising ako sa ingay ng alarm clock ko kaya naman ay napamura ako ng husto. Ang aga pa!
Pagkatapos kong maligo ay nakita ko na lang ang sarili kog nagsuot ng jeans at shirt. Bahala siya kung saan kami pupunta. Huwag niya lang akong patayin. Gusto ko pang mabuhay ng matagal.
Wala akong binitbit kung hindi sama lang ng loob. Hindi ko alam kung anong oras kami aalis, pero baka ngayon. Pake ko naman. Gusti ko lang naman sumama dahil ayoko maglinis ngayon.
Nang makita ko siyang nakatayo malapit sa hagdan ay agad akong napamura. Agang-aga, badtrip na ulit ako. Ang sama ng loob ko kanina, mas pinasama niya pa. The sight of him just angers me.
“Okay, please tell Leo. Convoy na lang tayo. Sige, just stop at the outskirts, Jassiah’s men are still out roaming like mad dogs. Okay, thanks,” binaba niya kaagad ang telepono niya nang makita ako. I almost rolled my eyes, but gladly I stopped myself.
-
"You've been stealing glares, Freya. Hindi naman kita pinilit sumama," natatawa niyang sabi na ikinagalit ko pa.
Minsan, napapatanong na lang ako kung anong purpose ng mga taong nasa buhay mo tas ginagalit ka lang naman. Ano ‘yun, pampaaliw sa buhay?
Hindi ko na siya tinignan at tumanaw nalang sa labas. Totoo naman na masama ang tingin ko sa kan’ya. At saka, kung hindi ako sumama, ipaglilinis niya lang ako roon. At wala lang, gusto ko lang pag-aralan kung ilang metro na ang kapal ng mukha niya.
Ilang kilometrong sementadong daan pa ang nadaanan namin. Puro nagtataasang pinetrees ang nakikita ko sa gilid ng aspaltong daan. Kaya naman pala medyo maginaw.
I kept quiet for more than three hours of trip. Naiinip ko siyang tinignan. Seryoso itong nagdadrive habang nakaawang ang bintana ng sasakyan at may sigarilyo na sa pagitan ng daliri niya. Buti na lang at hindi pumapasok ang usok ng yosi kung hindi ay isusungalngal ko talaga ‘yang sigarilyo sa bunganga niya.
"Saan na ba tayo? Ang layo naman ata ng pupuntahan natin! Sana hindi mo na lang ako sinama," pagmamaktol ko na ikinainis ko rin nAng di niya ako sinagot at nagpatuloy sa paghigop ng kanyang sigarilyo. Nalanghap ko ang usok kaya naman ay napaubo ako. Masama ko siyang tinignan. Mamaya ka lang pagbaba, isusungalngal ko talaga ‘yang yosi sa bunganga mo!
The trip lasted for three hours. I know, I looked like a effin' runner zombie who've been eaten by another runner zombie. Mukha akong sinabunutan and my eyebags were evident. I'm starving as hell, too.
Nakabusangot ko siyang tinignan at handa nang sigawan. Nakaawang na ang bibig ko nung inunahan niya ako.
"We're here," walang gana niyang sabi kaya unti-unting nabaling ang mata ko sa isang kulay itim na gate. Nakita kong may nakaukit na, 'Bronson-Sanderson's Place'. Wala akong nakitang ibang bagay kundi ang pinetrees sa harapan ng ilang metro na fence. s**t, ang laki. Mas malaki pa sa bahay niya mismo.
The gate slightly opened. It created sound kaya naman ay nahulog ang panga ko nung makita ang kaloob-looban.
"Close your mouth."
Hindi ko siya pinansin at tinanaw ang kung anong meron sa harapan ko.
I've never been in a paradise like this in my whole life. Puro sa gadgets, libro at xbox lang umiikot ang buhay ko. Kaya namn nagmumukha akong ignorante nito.
Huminto ang sasakyan niya sa isang brown na pinto. Kinalas ni Eigen ang kanyang seatbelt kaya kinalas ko rin ‘yong sa 'kin. Bumaba ako at inilibot uli ang paningin sa lugar.
"Ang bagal mo!" I startled when his hands landed on my pulse and pulled me. Napatingin ako sa kanyang kamay na nakapirmi roon.
I felt electrified by his touch.
Huminto siya sa harapan ng pinto kaya wala sa sariling ginawa ko iyon. Nawala na ako sa sarili ko dahil sa kamay niya sa palapustahan ko. Mas nawala ako sa huwisyo nang maramdaman kong humamplos ang kanyang hinlalaki sa pulso ko.
He smirked.
“You felt it too, huh?”