Pagkabukas niya sa pintuan ay agad akong nakarinig ng malalakas na tawanan. Isa doon ay pamilyar. Hindi ko na nasundan ang pangyayari nang makaramdam ako ng kaba nang tumitig sa 'kin ang isang dalagitang tsansa kong nasa 18 years old pa. Her hawk-like blue eyes stared at me for a few seconds kaya parang nawalan ako ng dugo sa mukha ko.
Why is she trying to intimidate me? Well, she’s succeeded.
"Oh, Alpha. I thought you won’t bring her?" Napalingon ako sa direksyon kung saan nanggaling ang boses.
He was all smiles while me, really looked like constipated. Mamamatay na ba ako ngayon? Lalapain ba ako ng mga tao dito?
Imposible naman. Nandito si Drick, ‘di niya ako pababayaan.
"Sorry for the inconvenience, Alpha. I should be the one taking care of her. Sobrang busy po kasi. Tas pinapunta pa ako nila Yeugih at Larken dito," Aniya nang makalapit siya sa 'min.
Nilingon ko si Eigen. His lips twitched at Drick's reason. Problema ng isang 'to? I looked at them both and I realized that I looked like a midget in between them. The heck.
Kinalas ko ang pagkakahawak niya sa 'kin at lumapit kay Drick. Ngumiti ako sa kan’ya. Siya nama’y parang nagulantang sa ginawa ko.
"Saan ba tayo?" mahina kong bulong. Na obvious naman na rinig na rinig nila. Nasa akin ang atensyon, so hindi ba obvious?
"Still inside the Mayhem. I mean, ang kabisera ng Mayhem." Untag niya at pumamulsa. Tumango-tango ako para sabihing naintindihan ko ang sinabi niya, pero ang totoo, hindi ko gets ‘yon. Pinagmasdan ko ang labas.
Maganda dito. Masarap ang simoy ng hangin. The cold air enveloped my skin. Maybe, pwede ako mamasyal dito. Alam kong may magandang lugar dito sa loob. I could stroll at magpasama kay Drick habang nandito si Eigen.
Bumaling ulit ako sa mga taong nasa harapan ko. Napapitlag nung makita ang kanilang kan’ya-kan’yang reaksyon.
The 18 year old looking girl was looking at me sharply, na para bang binabasa ang iniisip ko o di kaya'y tinotorture na ako sa utak niya. ‘Yong isang ginang na I guess, kasambahay nila, ay ngumiti sa 'kin nang matipid kaya tumango ako at sinuklian iyon ng isang pekeng ngiti. Ang isang babaeng mas matanda ata sa 'kin ng lima o anim na taon ay nakatingin lang sa 'kin. Walang ekspresyong nababasa sa mukha. Prente itong nakaupo sa one-seater na sofa at may champagne glass sa kamay. I diverted my gaze at the young two boys--or twins, who've been running around the dining area. Ang cute nilang dalawa. Naagaw naman ang tingin ko sa dalawang lalaking nagsisikuhan at parang nag-aagaw.
"Ma," Eigen called at the woman who literally looked like too young to be Eigen’s mother.
What the f**k? Ang bata pa niya ah?! Twenty pa lang ako. Pero 'mama' ang tawag ni Eigen sa kanya? Ilang taon ba nabuntis ang mama ni Eigen? s**t, ang gulo!
Tumayo ang babae. She gracefully kissed his son's cheek. Dumiretso si Eigen sa dalagita.
"I told you not to--"
"Let's not talk about that, Rica. She's a Lycan. Satisfied?" umirap ang dalagita pagkatapos ay nilingon niya ako ng napakatalim. Padabog itong tumayo at nagtungo sa itaas ng grand stair-case.
Okay, what's her problem?
Nandito pa rin ako sa bulwagan, nakatayo kasama si Drick habang pinagmamasdan siyang kinakausap ang matandang kasambahay na ngumiti sa 'kin kanina. Kitang-kita ko ang saya sa kasambahay nila. I wonder why. Siya lang ata ang masiyahin dito. Ang iba, mukhang bugnutin at kulang sa pagmamahal.
Example, si Eigen.
I looked at the two other men who were oddly smiling at me. Sabay silang naglahad ng kamay kaya nagkatinginan sila ng masama.
"I'm Yeugih Lius Maier."
"I'm Larken Clayson Farnsworth."
They looked at each other again. Now with annoyed expression. Sabay kasi silang nagsalita kaya hindi ko naintindihan ang sinabi nila.
"Dude, why would you always steal my spotlight?!"
"I'm not! Nagkataon lang na sabay tayo, oy!"
"Spotlight thief!"
Nagpatuloy sila sa pagpalitan ng pangalan while I glanced at Drick, looking at them pissed. Nakayuko na ito at parang nagpipigil lang sa galit.
"I saw her first!"
"I saw her!"
"It was me!"
"No, it was--"
"Oh, shut the f**k up you two. I saw her first, so please be quiet!" parang kulog ang boses ni Drick kaya pati ako ay natakot. Patuloy sa pagsermon si Drick sa kanila kaya unti-unti akong tumakas galing sa loob.
The air suffocates me.
Nang makalayo ako't wala nang naririnig na ingay galing sa loob ay huminga ako ng malalim bago ibinuga. At last, nakalabas na ako roon. Di ko alam ba't ganito lang naman ang reaksyon ko. Bahay lang 'yon. Sa bahay ba talaga ako na s-suffocate o sa tao doon sa loob?
Nagpatuloy ako sa paglalakad even though I really felt weird. Na para bang may sumusunod sa 'kin. But I chose to ignore it. Hindi naman kasi tama lahat ng nas-sense ko. Disadvantages ng ilang taong na hindi pinapalabas ng bahay.
Ignorante kong tinakbo ang isang mala-krystal na lawa hindi kalayuan sa sementadong daanan. May maliit itong gate pero halatang pinaglumaan na. Vines with violet flowers were stuck on it. Hindi naman ako nahirapan sa pagbukas kasi kulang na lang ay matatanggal na iyon.
Napanganga ako sa ganda. The water isn't that deep nor shallow. Sakto lang. I remembered his eyes on the deep-blue waters kaya naman ay gusto kong magalit ngayon, ngunit hindi ko magawa.
Lumapit ako sa isang tulay na gawa sa kahoy. Papunta ito sa isang gazebo sa sentro ng lawa. Hindi ako dumiretso roon. Instead, umupo ako sa gilid at tinanggal ang sapatos ko bago binaba ang paa ko. The cold water sent shivers to my spine. Binalot ako ng matinding katahimikan.
Alam ko talagang may sumusunod sa 'kin dito ngayon, pero ayaw kong pagtuonan ng pansin. Baka si Eigen lang 'yan. Dakilang stalker 'yon kaysa sa ‘kin eh.
Nilaro ko ang binti ko sa tubig. Pinagmamasdan ang repleksyon sa bughaw na tubig.
Bakit siya talaga ang naaalala ko pag tumitingin ako sa mga bughaw na bagay?
C'mon, he has this red eyes! Adik siya, Freya, adik!
I sighed.
Bakit nga ba ulit ako napadpad dito? Bakit nga ba ako nagpapaalipin sa kanya? Hindi ba ang sadya ko, baguhin na ang buhay ko at magsimula ulit?
Mas pumikit ako ng mariin.
"If it's that you, asshole, please. Get the f**k out of there. Nararamdaman kita. I can almost smell your scent here!" sigaw ko at nilingon ang maliit na siwang ng gate. I immediately saw a familiar silhouette. He smirked.
"In just days, you've memorized my scent, huh?" he said, coldness were laced to its tone. Napairap ako nang mapagtanto ko kung gaano ako ka-tanga para magpaalipin sa kanya.
Bumuga ako ng hangin.
"Kailan ba matatapos ang larong ito?"
I heard him chuckled but there's no humor in it.
"Already giving up? Not until you'll fall for me," ani nito at naglakad palapit sa 'kin. I looked at the water, so pissed na para bang matatakot ang tubig dahil sa sama ng tingin ko sa kanya.
"Tangina nito." I cursed under my breath.
Ikaw na ang dakilang tanga, Freya! Sana nga ay di ka nalang kay Drick humingi ng tulong! Fool!
Eh, wala naman akong pera. Si Drick lang din ang kilala kong taga rito sa Laythel.
"Why would I? Di pa ako ready mamamatay. At walang saysay ang falling game na sinasabi mo. Ako? Maf-fall sa isang kagaya mo? Hala, ginagawa mo?" I said, intentionally making him mad, but I guess it didn’t worked.
Kanina, ikalawang beses na ako nakaramdam ng takot. Ngayon, parang bumangon ang galit at pagka badtrip ko sa kanya.
"Hmm, really?"
"Kingina mo." I murmured na ikinahinto niya. Narinig niya siguro.
"Stand up. Uuwi na tayo. Marami ka pang aasikasuhin."
Mabilis akong napatingin sa kan’ya at tinignan ng matalim.
“Anong tinutunganga mo riyan?”
He smirked. "Ang taray.”
Tumayo ako at kinuha nalang ang sapatos. He was following me, pero mas binilisan ko lang ang paglalakad ko.
The hell with him, I just wanted to live my life peacefully.