"Ano ba Eigen!" Pilit kong pinipiglas ang mahigpit na pagkakahawak ni Eigen sa braso ko, but he won't let go. He's stronger than me, so I have no power to get on him head to head. Lalaki pa rin siya.
Binitawan niya ako nang makarating kami sa fountain. Hinimas ko ang braso kong hinawakan niya kanina at kita kong pumula iyon.
Tangina, ano bang problema niya?
“Is it wrong to compliment someone nowadays, huh, Eigen? What’s wrong with it?!” galit kong tanong na mas ikinagalit niya rin.
"What's wrong with it? Really? You don’t know?! He’s clear that he wants you, and you are mine! Complimenting to get you away from me!" Sigaw niya na ikinatahimik ko.
What the hell?
I'm his? I nearly scoffed. Kapag sasabihin ko bang inaangkin niya lang ako kasi kamukha ako ng babaeng mahal niya, hihinahon ba siya?
Tumayo ako ng maayos. Ramdam kong malalim din ang paghinga niya. Pati ako, mas naging malalim ang hinga ko. Hinihingal ako na para bang tumakbo ako ng 60km sa isang segundo. Napapikit ako sa sakit ng aking ulo at dibdib. Anong nangyayari sa 'kin?
"Freya? Freya?! Damn it, Yeugih! Hendrick! Larken!" Rinig kong sigaw ni Eigen na nasalo pala ako bago pa ako bumagsak sa lupa.
I'm half concious, yet I want to be unconsious this time. Sobrang sakit ng ulo at dibdib ko na para bang inaalis ito sa 'kin. I gasped for air.
"s**t, w—what's happening?" Isang di pamilyar na boses ang nagtanong.
Marami akong nadinig na mga yapak. Hindi ko na talaga kaya. Pero di ko alam kung sino at ano ang lumalaban para magising ako ngayon. I am... afraid right now. Ayaw ko ng ganito.
"Ad, call Hendrick." Ma-awtoridad na sabi ni Eigen na ramdam ko ay sinunod ng lalaki. Now, my lungs are burning. They want air, but I can't gather anything. Para bang may napakalaking butas ito kaya hindi ako makahinga. Ramdam kong nataranta na si Eigen. Tinatawag na niya ang pangalan ko, ngunit ‘di ko kayang magsalita.
Bago pa man ako nagpalamon sa dilim ay isang napakalamig na boses ang sumigaw.
"Leo, bring her here! Faster!"
-
I groaned when I felt something heavy on me. Pilit kong minumulat ang mata ko kahit na nasisilaw ako sa puting kisame. Oh, I'm in a room filled with white things and.... lots of hospital apparatus. And it smells disgusting… like chlorine or something. What the hell am I doing here?
Isang babae ang bumungad sa pintuan. Her cold gaze immediately sent shivers down my spine. Tahimik lang siyang naglakad patungo sa sofa sa gilid ng hinihigaan ko at kumuha ng apple. She bit it without breaking our eye contact. Sino na naman ‘to?
"You're awake." aniya. Gusto ko sana siya sagutin ng obviously, kaso baka magalit. Hindi ko pa naman ‘to kilala.
Nilingon ko ang mabigat sa tabi ko. And I wasn't suprise if it's Eigen though.
Our fingers are intertwined at nakapatong ito sa tyan ko. Tulog na tulog siya sa tabi ko habang nakaupo. Bigla akong nakaramdam ng awa.
Is he here for the the whole time?
Wait, ilang oras ba ako unconsious?
"He's not sleeping since the day you've been unconsious. Kahapon at ngayon lang ang maayos niyang tulog dahil sa balita ng doctor sayo. The alpha’s quite caring. Is he back with his old self?" she mumbled.
"I-Ilang oras ba akong tulog?" Kabado kong tanong. Umiling siya.
"Two weeks.I gotta go. May gagawin pa ako. Tell Eigen that I’m done with what he wants me to do and let him sleep long. He’s gonna die at that state,” payo niya bago umalis sa kwarto ko.
Halos manlumo ako sa sinabi niya. Why do I feel like Eigen left the Mayhem for me? Hindi raw siya nakatulog ng maayos simula noong mawalan ako ng malay. So does it mean that he's not sleeping properly since that day? Pinikit ko ang mata ko. Diyos ko…
Hindi ko namalayang tumutulo na pala ang luha at impit na akong humihikbi. Yes, I'm guilty. Ganito man ako, hindi naman ako marunong mamerwisyo ng tao. Mas gusto ko pang ako ang maperwisyo kesya ako ang namemerwisyo. I'm so damn guilty.
"Freya?" A hoarse voice made me wipe my tears immediately. Pero tangina, mas lumala pa ito.
"Shh, why are you crying baby?"
Tangina, wag mo kong matawag-tawag na baby kundi talagang ilalabas ko na ang hinanakit ko!
"Hey, anong nangyayari sa 'yo? Ba't ka umiiyak? May masakit ba? Should I call the doctor?" Natataranta niyang sabi pero iniling ko lang ang ulo ko para sabihin na wala lang ito. At alam ko ring hindi siya maniniwala na wala lang ito.
Umayos siya ng pagkakaupo, pero hindi pa binibitawan ang kaliwa kong kamay na may IV Fluid na nakakabit pala.
Hinaplos niya ang buhok ko na lalong nagpaiyak sa 'kin. Ano ba ang nangyayari sa 'kin?
"May masakit ba sa iyo? Masakit pa ba ang dibdib at ulo mo? Tell me, please. Mamamatay na ako kakaaalala sayo," he whispered.
"Wala... ah, kasi..." Hindi ko matuloy-tuloy ang sasabihin ko dahil sa mga hikbi na tumatakas sa bibig ko.
Narinig kong bumuntong-hininga siya at mas lumapit pa sa 'kin.
"I’m sorry for what happened before you lost conciousness. I shouldn’t have shouted on you. I’m so sorry..”
Hindi ko siya sinagot at pinakalma muna ang sarili. Patuloy siya sa paghaplos ng buhok ko at hinahalikan ito. Dapat lang naman na humingi siya ng sorry doon, ngunit iba naman ang iniiyakan ko ngayon.
"I'm guilty, Eigen." I mumbled after a long stretch of silence.
"Why? You didn't do anything wrong. Baby, don't be. Ako dapat ang humihingi ng pasensya…"
"A woman said you've been here since the day that I'm unconsious. Totoo ba iyon?"
"Damn, Akia," I heard him murmured.
Hindi siya nagsalita, kaya naman ay tumango ako. Kumunot ang noo niya.
"You can go back to Mayhem now, Eigen. I'm okay now—"
"Kahit okay ka man o hindi Freya, dito lang ako—"
"I’m not your responsibility in the first place. Really, you don’t have to look after me." huminga siya ng malalim. His dark blue eyes were darker than its usual color. The eyebugs isn't that obvious, pero alam ko rin namang hindi maayos ang tulog niya.
"You are my responsibility, Freya. Stop saying that you aren’t. You are not a nuisance, if that’s what you’re pertaining to. You will never be…”
I let out a crooked smile and nodded a bit. I wonder if the responsibility and not a nuisance he’s talking about was me…
Hindi napatuloy ni Eigen ang kan’yang paghahaplos nang marahas na bumukas ang pinto at si Yeugih na hinihingal ang iniluwa ng pintuan.
"Alpha." Hinihingal niyang sambit.
"What?" Tinaasan siya ng kilay ni Eigen. Tinampal ko ang balikat niya. Aga aga.
But the news Yeugih told us made my heart crumpled more for an unknown reason.
"Friedem is under attack... Alpha Eugene can't be found. Tinangay siya ng mga witches galing sa Desfor."