Tahimik akong nakaupo sa likod ng Ford Ranger na itim ni Eigen habang nakatingin sa ibaba ng Ridge. Panay ang kwento at halakhak niya, pero pekeng ngiti at pilit na tawa lang ang nabibigay ko.
I really looked constipated right now.
Hindi ako makapaniwala sa mga kwento ni Yeugih. Aaminin ko, oo, nasaktan ako sa sinabi niya. I mean, sino ba namang hindi? He... He was close to me because I looked like the girl he loved.
Putangina, sana iba na lang ang mukha ko.
"Hey, you okay?" Mahinahon niyang sabi na ikinatalon ko parin.
"Uhm, oo. G-Giniginaw lang ako," matipid akong ngumiti.
The feeling inside my chest can't be gone. Talagang nanuot sa 'kin ang lahat, the truth, his history, and about that f*****g love of his.
Nabigla naman ako nang tinanggal niya ang kan’yang itim na coat at nilagay sa aking balikat. Tinignan ko siya. Ngumiti siya sa 'kin, halatang masaya siya. Hindi ko mapigilang suklian siya ng mapait na ngiti.
"Something's really off. Come on, baby, tell me," Napapaos niyang sabi.
Mas lumapit pa siya sa 'kin na ikinakaba ko. Ikinakaba kong masabi ko sa kan’ya ang nararamdaman ko.
Na galit ako. Na nagseselos ako. Pero hindi pwede… ayaw ko namang mapahamak si Yeugih.
Nang-iwas ako ng tingin at muling tinignan ang city lights sa baba.
I never thought city lights would be this beautiful. Hindi ko inaasahan na nakakatanggal pala ito ng stress sa pamamagitan ng pagtanaw lamang nito. Naramdaman ko ulit ang presensya ni Eigen sa gilid ko. Hindi ako lumingon. Paglilingon pa ako, alam kong mahahalikan ko siya.
His nose touched my cheeks, making it red and hot. "You're hiding something, Freya. Come on, spill it." He said sweetly that made my chest hurt even more.
I don't want to spill it. Ayaw kong marinig niya ang hinanakit ko. I am hurt... so bad. Ni kailan, hindi pa ako nakaramdam ng ganito sa iba.
Is it possible?
Nah, won't happen.
"Wala nga, Eigen. Giniginaw lang talaga ako," I mumbled, but I know, he's not satisfied with my answer. Mas nilapit pa niya ang mukha niya. Nagkadikit na ang ilong niya sa pisngi ko at kulang nalang ay mahalikan na niya ako sa aking pisngi. Kumalabog mg husto ang puso ko, and I'm sure na rinig na rinig niya iyon.
Yes, we've kissed. Pero hindi ko naman maiwasan na mahiya! Nakakahiya na ang posisyon namin!
"I am not convinced. Come on, tell me. Tell me, baby. Is it about them calling you luna? Does it makes you uncomfortable? Hmm?" He whispered. Pumikit ako at yumuko para malayo ng kaonti ang mukha niya sa'kin. I sighed.
"No. Calling me luna is okay. Walang bumabagabag, Eigen. Giniginaw lang talaga ako." giit ko.
Hindi siya nagsalita. Gumalaw siya at nilagay ang mga paa sa likod at harapan ko. He hugged me tightly and let his chin rest on the tip of my shoulder.
"Look at me."
Hindi ako sumunod at nanatiling nakayuko. Kainin na ako ng lupa!
"Look at me Freya or you'll regret it," Mariin akong pumikit sa banta niya. I'm threatened. Pero ayaw ko naman siya tignan. Baka masigawan ko lang siya.
Hindi na niya hinintay ang sagot ko. Pinaharap niya ako sa kan’ya at siniil ng napakainit na halik.
Napapikit siya. Gulat akong nakatingin sa ka’nya habang tinitignan ang posisyon namin.
Holy cow, s**t, anong ginagawa namin?!
Humiwalay siya at nilagay ang noo ko sa noo niya. Naghabol ako ng hininga, pati rin siya. His eyes went red, and I know the fire is lit up inside him.
"God, Freya, you're making me crazy," aniya at siniil muli ako ng halik. Hindi ako nanlaban. Nagpaubaya ako.
Pero ‘di ko alam if he sees me as the Freya Lawless or the girl he really loves. This shitty feeling sure is confusing.
Milyon-milyon na boltahe ang naramdaman ko, pareho rin milyon-milyong punyal ang tumutusok sa puso ko. I don't think this pain will fade eventually.
What the f**k is happening to me?
Unti-unti niyang ginalaw ang kan’yang mga labi, kaya ginaya ko siya. Hindi ko na alam ba't napapasunod niya ako kahit di naman talaga siya nagsasalita. Nadadala ako sa mga mainit niyang halik. Delikado ito.
Una akong humiwalay. Agad siyang naghabol ng hininga at inis akong tinignan.
"Damn it," Mariin niyang sabi at napapikit.
Hindi ko siya inimik. Akmang bababa ako sa sasakyan niya nang diretso niya akong hinablot at napaharap sa kanya ng wala sa oras. Habol-habol ko ang hininga ko at parang maiiyak na. His annoyed face suddenly turned soft.
"I'm sorry, Freya. N-Nabigla lang ako. I-I didn't mean it--"
"Okay lang, Eigen. W-Wala lang ‘yon. Uhm, can we go now? It's really cold and getting darker. Tas, pagod na ako. Alam kong pagod ka na rin. Sleepover?" Pinilit kong maging masaya ang tonong ginamit ko, at salamat naman na natagumpay ako. Tumango siya at inalalayang akong pumasok sa sasakyan niya.
I never thought I would hurt like this. Hindi ko alam na ganito pala siya. Akala ko, pisikal lang ang masakit. Pati pala emosyonal.
Hindi naman ako na-infrom.
-
"Ohayo!" rinig kong sigaw ng isang malalim na boses kaya napapitlag ako. Agaran akong napamulat ng mata at napamura nang mukha ni Hendrick ang bumungad sa 'kin.
"Bwiset, lumayo ka nga!" Bulyaw ko sabay hawi sa kan’yang mukha. Humalakhak siya. I glared at him.
"Tangina mo, papatayin talaga kita eh."
"Tas di mo gagawin kasi mahal mo ako?"
"Gago, ‘di no! Kahit kailan ilusyunado ka pa rin!" sigaw ko.
Hinawakan niya ang kaniyang kaliwang bahagi ng dibdib at nagkunwaring nasaktan sa sinabi ko. Tinapunan ko siya ng unan at humikab.
The hell is wrong with this guy.
"Tagal mong gumising ah? Anong oras kayo dumating?"
I lowered my head and bit my lower lip. Naalala ko nanaman ang nangyari kahapon. "Mga alas onse."
Tumango siya. "You and alpha seems pretty close these days. ‘Di na siya harsh sayo?"
I wish you knew how painful it was to be close by him because I f*****g look like his love of his life.
"Uhm, m-medyo close na," Nakapikit kong sabi.
Medyo? Really? You call that 'medyo', Freya? You even sleep with the same bed, and kiss like there was no tomorrow…
Seriously…
"Anyways, ‘di ako naniniwala na medyo lang ‘yang pagkakaclose niyo, luna. Hindi ako tanga at lalong hindi ako bulag. Hmm, quite happy for you.”
Masaya sana. Kung sana... Hindi ko na lang ‘yon nalaman.
Pagkatapos ng mahaba naming asaran ni Hendrick ay bumaba kami. Hendrick's presence somehow calmed me. He made me smile for real.
Bumungad agad sa 'kin ang maraming lalaki doon sa grand dining area ng kastilyo. Agad naman nahanap ng tingin ko si Eigen na nakakunot ang noo habang nakatingin sa 'min ni Hendrick.
"Who is she?"
"Woah, she's pretty!"
"Drop dead gorgeous!"
"Hell, man, I want her--" natigil naman sila sa pagsasalita ng magsalita rin si Eigen sa kanilang harapan.
Obviously, they were talking about me.
"What did you say, Ares?" Mariing sambit ni Eigen na kulang nalang ay saksakin ang lalaking huling nagsalita ng tinidor sa kanyang kamay. Nakatayo na ito at handa-handang sugudin ‘yong lalaki.
Eigen and his anger issues. Halos mapailing ako.
"What?" The man he called Ares laughed. "I just said she's pretty and I want her. Relax man, I’m just kidding-" hindi niya naipagpatuloy ang sasabihin niya no’ng kumalabog na ang mesa at hawak-hawak na niya ang leeg ng lalaki. Nataranta ako.
Fuck, f**k! Ano ba ang nangyayari sa kan’ya!
"Damn, Drick! Ilayo mo siya! Eigen!" Natataranta kong sigaw at mabilis na bumaba para alalayan ‘yong lalaki na bubugbugin niya sana--or more like, papatayin. Unti-unti ng nagpalit ang mata ni Eigen na ikinatakot ko pa. Baka kung ano ang magawa niya roon sa lalaki!
Mariin ko siyang hinawakan sa braso at inilayo sa lalaki na hirap ng huminga.
"Eigen, stop it!"
Mahirap siyang pakiusapan pag sinusumpong siya ng galit. Nanghina naman ako nung bumuhos sa 'kin ang isang posibilidad.
I don't know about this curse of mine. Ang tanging alam ko lang, nandito na ito since my nursery. No signs of dying. No signs of being blind or what. Nothing. Kaya nagtaka ako ng husto. They must be kidding, I thought to myself.
Pero hindi ko naman maiwasan mag-isip ng posibilidad. I'm not dumb. Maaaring hindi ko makontrol ng maayos ang wolf ko at magwala na lang. O, isang araw, ‘di na ako magigising dahil sa sumpa na ito.
"Alpha, calm down," Sita ng isa sa mga lalaki sa hapag na pinalagpas lang sa kabilang tenga ni Eigen ang kanyang sinabi.
"Try to run 3 kilometers away from now Ares or I will really detach your head on your body," Pagbabanta ni Eigen. Natawa lang si Ares at nagpagpag ng damit.
Baliw ba siya?!
"Ano ba, Eigen! He just... saying nice things to me, that's all! God, why are you like this?"
Nanliliit ang mata niya. Mariin ko siyang tinitigan at umiling.
"Kung makaasta ka naman ay para bang ilalayo niya ako sa ‘yo! He’s just being nice!" bulyaw ko na ikinagalit niyang husto. I don't care, really.
"Luna," pangpapakalma ni Georgianne pero hinawi ko ang kamay niya. Naiinis ako. Ewan ko kung ano ang ikinapuputok ng buchi niya. Umiiral nanaman ang pagka-mainitin niya.
"You, woman, outside!" Turo niya sa pintuan palabas ng kastilyo. Umiling ako. Hindi pa nga ako nagmatigas ay hinablot na niya ako doon at kinaladkad.
Damn, I'm in trouble.